Sunday, February 18, 2007

Electoral politics sa 2nd district, QC umiinit

Habang papalapit ang campaign period, umiinit ang gapangan araw-arw sa barangay. Maliban sa incumbent District Rep na si Susano, matunog ang mga pangalang Councilor Allan Francisco (last term) at dating Cong Chuck Mathay, anak ng dating Mayor Mel Mathay ang tatakbo sa distrito. Dahil TRAPO ang kalakaran sa pulitika, nagsisimula na ang perahan at iba't-ibang gimmik sa panggagapang.

Ang isang paraan ginagamit ni Susano ay ang pagpapatawag ng mga seminar-meeting ng lahat ng mga Barangay Secretary, mga Sangguniang Kabataan na kadalasa'y ginaganap na parang junket sa malayong probinsya, Laguna. Ang topic ng seminar ay tungkol kunwari sa “capacity building,” pero batid ng marami na gimikan lang ito't may involve na perahan ang pagtitipon.


Isa ring paraan para makopong ang commitment ng mga barangay ay ang pamimigay ng motorsiklo si Cong Ann Susano sa mga barangay ng 2nd district, samantalang sinasamantala naman ni Chuck Mathay ang mga traditional na grupo ng Urban Poor organization at barangay sa isyu ng paninirahan (sindikato ng lupa) at sobre sa mga lugar kung saan ang dati niyang mga balwarte ng Brgy Payatas at Batasan matatagpuan.

Ang mga malalaking barangay na ito na kung saan may konsentrasyon ng mga maralita ay halos pinag-aagawan ng dalawang maatik-mapera, si Chuck at si Susano. Dahil sa panunuhol, alok ng pera, ang mga pamiting na isinasagawa ng dalawa, ay halos dinudumog ng mga tao. Sabi ng ilang leader sa barangay, “pera-pera” lang ang dahilan sa pagdalo ng mga tao.

Isa sa pinaka-exciting na labanang electoral sa Pilipinas ay ang 2nd district ng QC. Tatlo hanggang apat ang magpapanlaban; ang incumbent Cong Susano, ang dating Cong Chuck Mathay, ang 3rd termer na councilor na si Allan Francisco at ang dating Abogado ng Magdalo group, isang social activist at pamankin ni Mayor Belmonte na si Kit Belmonte.

Samantala, naghihintay ng basbas, ng endorsement mula kay Mayor Belmonte si Councilor Allan Francisco. Kaya lang, habang alam ng marami na malabong basbasan ito ni Mayor, nakikitang hindi tatalikuran nito ang kanyang pamangkin si Kit Belmonte na ayon sa mga survey, bumubulusok ang awareness ng tao na siya'y credible, seryosong kandidato at malapit ng malagpasan ang incumbent na kinatawan at Trapong si Susano.

Maliban sa umaarangkada na ang pagpapakilala ni Kit sa 2nd district, QC, patuloy na dumarami ang suporta nito mula sa iba't-ibang mga sektor sa QC. Isang sigurado ay ang buong pwersa ng taung Simbahan, mga caused oriented groups, civil socities, NGO-POs, mga kabataan, middle class at maralitang lunsod na handang kumampanya sa likod ni KIT sa anyo ng bolunterismo.

Doy Cinco / IPD
Feb 20, 2007

2 comments:

Anonymous said...

bias ka asshole.. si belmonte mo kurakot> example na dito ang pagbenta ng veterans memorial center at kaliwat kanan pagpapagawa ng underpass na nagpapatrapik sa commonwealth para kumita lng

Anonymous said...

naku doy tama bias ka masyado at nde ka marunong mag assess ng local politics particulary sa Quezon City.pde ba wag ka ng mag magaling kc mali mali ka nmn.