Kasalukuyang nagsasarzuela, nag-ooral arguments sa Supreme Court (SC) ang magkabilang panig, ang kontra at pumapabor sa People's Initiatives (PI-tungo sa Cha Cha) na nauna ng “kinatay” ng Comelec.
Wala na itong pag-asa, sayang ang daang milyong pisong nagastos sa mga soundsbites na propaganda ng palasyo't Sigaw ng bayan para sa PI! Bistado na ng tao ang tunay na pakay ng Cha Cha! Pitong buwan na lamang, gahol na sa panahon at lahat ng pampulitikang galaw ay nasa 2007 election. Alam ng Malakanyang na tapos na ang boxing, tapos na ang kwento, tapos na ang maliligayang araw ng Cha Cha. Alam rin ng Malakanyang na mananatili ang sistemang presidential at tuloy na tuloy na't dapat paghandaan na ang estratehiya't taktika sa 2007 election.
Lalo lamang makukumpirmang isang tuta, isang bayaran ng Malakanyang, ni Ate Glo ang SC kung papabor, kung kakatigan nito ang PI. Kaya't kung gusto pa nitong manatiling impartial, independent, may respeto at kredibilidad, kailangan nitong ibasura ang PI. Mas malaki ang pinsala, kaguluhang maidudulot ng pagpabor nito sa PI, kumpara, kaysa sa pagbabasura nito ng PI.
Kung garapalang papabor ang SC sa PI (Constitutionl crisis), ang maaring senaryo, una; baka sumambulat ang pagdadalamhati ng taumbayan, specially ang paggitnang pwersa at hindi maisasaisang- tabi ang posibilidad na maulit ang pipol power. Pangalawa, baka tuluyan na ngang magsipag-aklas, ma-challenge ang ating Kasundaluhan, sa tulad ng nangyari sa Thailand, isang KUDETA ang ilunsad upang isalba at ibangon ang Konstitusyon.
Kawawa naman ang Sigaw ng Bayan, ULAP at Liga ng mga Lokal na Ehekutibo, matapos paasahing mananatili sa poder (No-El), matapos suhulan at paamuyin ng TUYO, pinangbala sa kanyon, hindi man lang inagapayan at sinaklolohan ng Malakanyang. Hindi oposisyon ang umupak sa ULAP, bagkus ang mga galamay ni Ate Glo mismo sa partido, ang KAMPI ang nagkanulo't trumaydor sa Sigaw ng Bayan at ULAP. Parang lumalabas na hindi pala seryosong-seryoso ang KAMPI sa planong Cha CHa. Parang inuto't pinaniwalang LANGIT, PARAISO ang sistema ng Parliamentaryo. Ang tanong ngayon, matapos maibasura ang PI, mananatili pabang maka-GMA, maka-apekto't magbago kaya ang suporta ng dalawang grupong ito kay Ate Glo?
Kung matatandaan, sinabi na nating babalandra't ibabasura sa SC, sa country ang Cha Cha, anumang paraan ito, ma-CON As o PI. Alam ng country na parang kidlat na minanipula, pineke, dinuktor at sinuhulang (noodles, bigas, kaunting barya) ng Sigaw ng Bayan-ULAP ang mahigit 7 milyong mamamayan upang pumirma at maisumite sa tamang deadline ito sa Comelec.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi taumbayan, hindi PIPOL at lalong hindi kagustuhan ni Mang Juan ang Cha Cha at Pipol Inisyatib, ito'y kagagawan, pasimuno ito ng mga pulitiko at palasyo, meaning PALACE INITIATIVE o Pipol Inisyatib ito ni Gloria (PIG)!
Malinaw rin sa mata ng Korte Suprema na isa itong iligal na ehersisyo sa kadahilanang io-overhaul, rerebisahin nito, hindi ammendments ang Constitution. Nilabag nito ang naunan ng desisyon ng SC (Santiago vs Comelec), wala itong batas (enabling law) at may kapareho ng desisyong hindi pinahintulutan, hindi kinilala at itinapon na ito sa kangkungan. Dead on arrival (DOA) na ang PI at nanganganib katayin din Con Ashole sa Tongreso.
Mas kapani-paniwala ng mahigit isang libong beses na kasakiman sa kapangyarihan, magtagal sa pwesto, lumagpas hanggang 2010 at tuluyan ng burahin sa kasaysayan ng 'Pinas ang dayaan, ang bastusan, ang lokohan, ang linlangan, pangungurakot at katiwalian, krimen sa country ni Ate Glo at kanyang mga alipores.
Sa kabilang banda, maniubrahan at Power Play (sa loob ng Lakas) rin ito sa pagitan ng mga galamay ni Tainga't Kilay, Tabako at ang lumalakas na partidong KAMPI ni Ate Glo. Hindi maitatago ang existence ng dalawang paksyon na drafts ng revised Constitution; ang House Resolution No. 1230 na inauthored ni Speaker Jose de Venecia Jr. at Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula, at ang HR 1285 inauthored ni Surigao del Sur Tong. Prospero Pichay Jr.
Political survival para kay Ate Glo ang pakay ng cha cha, hindi economic and political reform, hindi rin ito survival ng mamamayang Pilipino o pipol sa tulad ng ipinopropaganda ng Malakanyang. Konsolidasyon ito ng mga dambuhala pulitikong elitista't oligarkiya at pwersa. Iwas Thaksin ito. Iwas pusoy ito sa rehas, sa seldang naghihintay kay Ate Glo.
Layunin nitong durugin, tirisin, i-all out war, i-marginalized ang political opposition sa 2007 at 2010. Hangad ng disenyong ito ang hadlangan at all cost ang posibleng landslide victory ng opposition sa 2007 election at makontrol muli ang Tongreso.
Patay na ang Cha Cha, ibinasura na siya ng mamamayang Pilipino!
Doy Cinco / IPD
September 26, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment