Wednesday, September 20, 2006

Thai COUP, Military Adventurism o Kabayanihan?

Na-overthrow na rin sa wakas ang kinamumuhian, unpopular Prime Minister ng Thailand na si Thaksin. Kung matatandaan, malaki, malawak (broad) at matitinding kilos protesta para sa pagppatalsik kay Thaksin. Pinamunuan ito ng People's Alliance for Democracy (PAD) at Campaign for Popular Democracy . Hindi nagkakalayo, magkahalintulad ang isyu at konteksto ng Thailand at Pilipinas. Legitimacy, panlilinlang, panggagarapal, pag-aabuso sa pwesto't kapangyarihan at laaganap na katiwalian at pangungurakot.

Presidential ang sistema ng paggugubyerno at Kristiano ang Pilipinas, habang Parliamentaryo't Budismo ang umiiral sa bansang Thailand. Nananatiling may monarkiya (kahariang) ang Thailand. Relatibong mas maunlad ang ekonomya at political maturity ng Thailand kung ikukumpara sa Pilipinas. May makulay, maunlad at mayaman ang sibilisasyon (emperyo), kultura ng Thailand at samantalang “maiksi, bastardo't nasalaula” ang kasayasayan at tradisyon ng Pilipinas.

Magkaparehong nasalaula ang demokratikong institusyon sa Pilipinas at Thailand. Halos lahat na ng pamamaraan, legal at extra legal (rally, demo, impeachment, withdrawal of support o aklasang militar) ay magkaparehong pinagdaanan ng Thailand at Pilipinas.

Kaya lang, kung tumagal ng kulang-kulang isang taon ang pakikibka para sa demokrasya, para sa pagpapatalsik kay Thaksin, mahagit isang taon na at mukhang aabot pa sa 2010 ang pakikibaka at pagpapatalsik sa ilihitimong pangulong Arroyo sa Pilipinas.

Kung mataas ang kredibilidd, solido at neutral ang Thai Army sa Thailand, sa Pilipinas, nasalaula, watak-watak, kasabwat sa katiwalian at panggagahasa sa 2004 election. Kung halos solido at watak-wawak ang pagkakaisa ng Kilusang Demokratiko sa Thailand, paksyon-paksyon, pinagdududahan, kanya-kanyang agenda ang oposisyon at kilusang demokratiko't Kaliwa sa Pilipinas.

Ano ngayon ang masasabi ng mga promotor ng Cha Cha na Malakanyang, Tongreso't Sigaw ng Bayan na kung saan ang modelo ng Thailand ang siyang tinitingala. Ang aral dito, kapag napuno na ang SALOP, anumang klaseng sistema ng politika, relihiyon, lahi at ekonomya, anuman pamamaraan ng pakikibka; elektoral man o insureksyon, impeachment man o KUDETA, basta't kaulayaw ang taumbayan at interest ng mamamayan ang magpapasya ay lehitimo, makatwiran at makatarungan.

Ang lesson dito, kapag pinigil-hinarang mo ang daluyan, kapag sinupalpalan-tinakpan mo ang pressure at binusalan mo ang country, kapag ika'y nanlinlang at nang-api sa mamamayan, parang tubig ito; "hahanap at hahanap ito ng isang LEVEL upang malusutan, makawala, makalaya at makaginhawa."

Sa kabila ng matinding kondemnasyon ni Bush ng US at Kanluraning bansa ang isinagawang KUDETA ng Thai Army, kabalintunaan (kuntento, normal lang, wala lang, masasaya, imune na sila sa KUDETA noh!) at positibo naman ang reaksyon at pakirandam ng mamamayan Thais.

Ayon sa mga Thais, "hindi isang power grab ang inilunsad ng military, bagkus ito'y pagtatanggol ng political institution, pagkakaisa at para sa mamamayan Thais. Itinayo ang isang transition para pansamantalang mangasiwa sa gwaing paggugubyerno, ang Administrative Reform Council na walang dudang pamumunuan ni Army General SonthiPanghuli.

Kung pansamantala't ipapasa agad ng Kasundaluhan sa mamamayang kapangyarihan ng Thai, walang dudang isa itong KABAYANIHAN at hindi adbenturismo!


Doy Cinco / IPD
September 20, 2006

No comments: