Palagay ko, hindi magpo-prosper ang Anti-subversion Law (ASL) o dili kaya'y deklarasyaon ng Martial Law (ML) sa bansa kung sakaling buhayin muli ito ng Malakanyang.(Larawan: si Marcos (TV) 1972, anunsyong dinidiklara ang Martial Law at suspensyon ng writ of hebeas corpuz)
Una; 'di tulad nuong panahon ni Marcos, devided ang military establishment (ang daming factions) sa bansa. Baka mas maunan pang pabagsakin ng “PATRIOTIC SOLDIER sa AFP” ang Malakanyang kaysa sa protracted war na isinusulong ng CPP-NPA, na lubhang patuloy na nanghihina. Malamang, mas nakapokus sa Magdalo, YOU at iba pang rebeldeng grupo sa AFP ang ASL, mas nakatutok sa political opposition, nakapatungkol sa mga kritiko, kaaway sa pulitika ng Malakanyang ang ASL at ML at ginagawa lamang dahilan o palusot ang mga komunista, ang insureksyon at REBELYON.Pangalawa; baka pumalag na ang US state department, ang negosyong naka lagak sa Pilipinas (US Chamber of Commerce) at ang United Nation-HUman Rights Commission. Kung matatandaan, “mahigpit” na tinutulan ng mga 'to ang Proclamasyong 1017 ni Ate Glo/Malakanyang noong kasagsagan o nasa bingit ng pagcolapse ang Malakanyang. Para sa US, kung malalagay sa alangin, unstable condition ang bansa dahil sa pagbabalik ng jurassic na anti-subversion law, ang kanyang agenda sa Pilipinas, ang Global war on Terrorism / Anti-terrorism sa Asia, ang pagneu-neutralisa sa China, ang lumalalang sitwasyon sa Middle East (Iraq-Iran, Afghanistan at Pakistan) at Burma ay lalong malagay sa alanganin. Sa tinging lalong mararadicalized, mapopolarisa at lalong maitutulak sa extremistang tendensiya ang sambayanang Pilipino, lalo na ang panggitnang pwersa.Pangatlo; 'di tulad sa Burma, relatibong malakas ang civil society sa Pilipinas, ang lumalakas na papel ng media, simbahan at ang Senado na panigurong irereject ang panunupil at pagsikil sa karapatang pantao o civil liberties sa bansa. (kung mag-aala Burma ang Malakanyang) “Mahihirapang magtagumpay sa ngayon ang senaryong Burma sa Pilipinas.” Ewan lang natin? Pang-apat; kung seryoso ang Malakanyang na resolbahin ang krisis sa politika, sa halos mahigit pitong dekadang insureksyon at rebelyong sa bansa, "political hindi military solusyon ang tugon, ang tamang linya o ang pagbabahagi ng kapangyarihan at representasyon. "DEMOKRATIZATION" ang direksyon at hindi ang DIKTADURYA'T authoritarianism (panunupil at pagsikil sa karapatan ng tao). Ito ang napatunayan, pruweba't karanasan sa MUNDO, sa maraming mga bansa lalo na sa Ikatlong Daigdig (3rd World Countries)."
Mukhang "nananakot" ang Malakanyang. Tama na muna ang dada, ituloy na lang ni Ate Glo ang napipintong CRACKDOWN sa hanay ng civil society, sa hanay ng simbahan, sa NGO-PO community, ang censorship at pagsasara ng Media establishment, ang Calibrated Pre-emptive Response (CPR), ibalik uli ang 1017, ipanumbalik ang Anti-Subversion - Martial Law at mapruwebahan niya ang tunay na hinahanap ng bansa.
Nakakalimutan ng Malakanyang "na ang anti-diktaduryang pakikibakang sinimulan ng Grupong Kaliwa't makabayang pwersa nuong dekada saisenta at setenta (60s-70s) ay sila-sila rin ang nakinabang (Edsa Revolution)."
Magsisilbe lamang isang fertilizer ang ASL sa rebelyon at insureksyon, lalo niyang pina-aaga at pinalalalim ang sarili nitong hukay.
Magkaugnay na balita't pagsusuri: Panukalang paatras; http://www.abante-tonite.com/issue/dec1707/main.htm
Doy Cinco / IPD
Dec 15, 2007