[From: Miclat, Beyond the Great Wall: A Family Journal, Manila: Anvil Publishing, Inc. 2006, pp. 212-223]
IN THE ERA OF GLOBALIZATION, is there a need for a national language? Does embracing an international language as its own make a nation more globally competitive? If language is the repository of knowledge and culture, what disadvantages do we want to redress and what benefits do we want to achieve, in trying to embrace one language over another?
I need not mention here how UNESCO has proven in many studies that the best way to impart basic knowledge to children is by means of their native tongue.
I shall not point out here what I already have before, that international mathematics and science surveys show that perhaps with the exception of Singapore, the countries which topped the list (including South Korea, Japan, Flanders Belgium, Czech Republic, Slovakia, Switzerland, the Netherlands, Slovenia, Bulgaria and Austria) use their national languages as medium of instruction (while Englisg-speaking Canada, New Zealand, England and the United States ranked only 18th, 24th, 25th and 28tj respectively in the Third IMSS). I do not want to over-emphasize the fact while our present bilingual education policy requires using English in science and mathematics, our students are ranked lowest side by side with Colombia and South Africa.
The complete piece is at: http://www.sawikaan.net/globalization.html
Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan
ni Conrado de Quiros
Walang duda na kailangan natin ng Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles. Subalit, dito man ay marami nang mga maling akala tungkol sa kahalagahan ng Ingles. Isa sa mga maling akalang ito ay ang paniniwalang ang Ingles ay ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya. Ito ang paboritong argumento ng mga nagtataguyod ng Philippines 2000.
Pinabubulaanan ito ng Thailand (lalo na sa Japan at China). Mahirap kumilos sa Bangkok hindi lamang dahil sa ang sulat dito ay sulat-bulate, ayon nga sa isang kaibigan, kundi dahil iilan lamang ang marunong mag-Ingles. Iba pa kung paano nila bigkasin ang Ingles, na talaga namang papawisan ka ng dugo bago mo maintindihan. Kahit na hotel clerks ay hindi makapag-Ingles ng diretso. Ang pinakamadaling paraan para makapagtalastasan sa taxi driver at tindero ay sign language.
Pero gayumpaman, ang Thailand ay isang tigre, samantalang tayo, na ipinangangalandakan ang ating Ingles, ay isang basang-sisiw lamang. Ayon kay Peter Limqueco, isang kaibigan na nag-eedit ng isang diyaryo sa Bangkok. Pumapangalawa lamang ang Thailand sa Japan sa computer technology sa Southeast at South Asia. Makikita ang ebidensiya ng kaunlaran sa Bangkok—sa mga gusali, sa mga skyway, sa mga pagawaan. Ang kaunlaran dito, ayon kay Peter, ay hindi sinusukat sa taon kundi sa buwan. Mawala ka lang ng ilang buwan at nagbago na ang itsura ng lugar.
Bale ba, bagama’t hindi marunong mag-Ingles ang mga Thai ay higit na malaki ang kanilang turismo kaysa atin. Ihambing mo ang turismo nila at turismo natin at parang pinaghahambing mo ang daga at elepante. Ang bilang ng mga turistang pumapasok sa atin sa isang taon ay ang bilang ng turistang pumapasok sa Thailand sa isang buwan. Malinaw na ang mga tao ay bumibisita sa ibang bansa hindi dahil sa kaalaman ng mga mamamayan doon ng Ingles.
Subalit hindi pa ito ang problema sa Ingles. Sapagkat gaya ng nasabi ko kanina, hindi lamang isang paraan ng komunikasyon ang wika. Lalong-lalo na ang Ingles. Lalong-lalo na sa bansang ito. Ang Ingles ay hindi lamang isang paraan para makapag-usap; ito ay isa ring paraan para makapaghari. Hindi lamang ito isang susi sa impormasyon; isang susi ito sa kapangyarihan. Ang Ingles ay kapangyarihan sa isang paraan na higit pa sa karaniwang kahulugan na kapag matatas kang magsalita ay may kapangyarihan ka sa kaligiran mo. Kapangyarihan ang Ingles sa isang payak o literal na paraan. Marunong kang mag-Ingles, makararating ka sa itaas. Hindi ka marunong mag-Ingles, mauuwi ka sa pagiging kargador.
Sa bansang ito, hindi lamang salita ang Ingles kundi orasyon, na pinanghahawakan ng isang kaparian. Ano man ang sabihin mo, matino man o hindi, kapag sinabi mo sa Ingles ay nagkakaroon ng bigat, o halaga. Ang “marunong mag-Ingles” ay hindi lamang palatandaan ng kagalingan sa lengguwahe. Palatandaan ito ng kaalaman, ng pagkakaroon ng “class,” ng pagkakaiba sa karaniwang mamamayan. Kapag sinabi mo ang isang bagay sa Ingles ay tila pinag-isipan mo ito ng malalim.
Ang buod ng ARTIKULO: http://www.sawikaan.net/wika_ng_kapangyarihan.html
Politika ng Wika, Wika ng Politika
Ni Randolf S. David
Kailanma’y hindi naging neutral o inosenteng larangan ang wika. Ang komunikasyon, ayon sa mga pilosopo ng Frankfurt School, ay isang larangan ng dominasyon. Ang wika ay nagsisilbing instrumento ng pagkontrol sa kamay ng mga makapangyarihan, at instrumento naman ng pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa parte ng mga biktima ng kapangyarihan.
Hindi nakapagtataka, kung ganoon, na pagkatapos na pagkatapos ng tagisang militar, ang laging kasunod ay ang tagisan ng mga wika. Katunayan, ang mas mahabang proseso ng pagpapaamo ay nagaganap sa larangan ng wika. Masdan, halimbawa, kung paano ginamit ng mga Kastila ang ating mga katutubong wika bilang sisidlan ng kanilang mga pinakaunang isinaling mensahe.
Ang Buod: http://www.sawikaan.net/politika_ng_wika.html
Filipino ang Wika ng Edukasyon at ng Kaunlaran ng Filipinas
ni Virgilio S. Almario
Nais ibalik ng mga politikong maka-Ingles sa pangunguna ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang sistema ng edukasyong itinatag ng mga Amerikano at gumagamit lamang ng Ingles bilang wikang panturo. Una, kailangan diumano ang Ingles para higit na matuto ang mga mag-aaral. Ikalawa, kailangan diumano ang Ingles para sa pambansang kaunlaran. (Larawan: Speaking in tongues–Pilipino-style
ruphus.com/.../08/12/
Sa ganitong paraan, binalewala ng pangkating Macapagal-Arroyo ang katotohanan na mas mabilis matuto ang sinumang mag-aaral kung sariling wika ang gamit sa pagtuturo at pag-aaral. Nais din nilang balewalain ang mahigit kalahating siglo nang pagsisikap para palaganapin ang Filipino at payabungin ito upang maging wikang panturo sa lahat ng antas at disiplinang pang-edukasyon.
Iwinawaksi din ng pangkating Macapagal-Arroyo ang katotohanan na ang paghusay sa Ingles ay walang tahas na kaugnayan sa pambansang kaunlaran. Maliban kung ang totoong estratehiyang pangkabuhayan ng administrasyon ay ipadala ang lahat ng edukadong Filipino bilang OCW o maging empleado sa call centers. Ang pagpapa-alipin ba sa mga banyaga ang ating adhikang pambansang kaunlaran? Ang export ba ng mga manggagawa’t edukado ang tanging lahok natin sa globalisasyon?
Para totoong umunlad ang Filipinas, kailangang gamitin ang lakas ng mamamayan tungo sa matalinong paggamit ng likas na kayamanan, pagpapaunlad ng negosyo, at pagbuhay ng mga industriya. Kaya kailangang mabilisang matuto ang mga mamamayan ng mga kailangang kaalaman at kasanayan para sa naturang mga gawaing pangkabuhayan. At magaganap ito kahit hindi Ingles ang wikang panturo. Ang totoo, higit na mabilis na magkatotoo ito kung Filipino ang wikang panturo.
Filipino, hindi Ingles, ang tunay na epektibong wika ng edukasyon!
Filipino, hindi Ingles, ang tunay na wika ng pambansang kaunlaran!
WIKANG GLOBALISADO o "WIKANG BUSABOS?"
Doy Cinco
August, 2006
KONGRESO, hindi lang TRAPO, Anti-Pilipino pa!
Bukud sa TRAPO, nakakatawang mga baboy, may lagnat sa utak at anti-Pilipino pa ang Kongreso. Ayon kay Tong Eduardo Gullas at ang bagong itinalagang Kalihim ng Dep Ed na si Jeslie Lapuz, “napakalaki na raw ang inihina o lubusang “nag-erode na raw ang competitiveness ng ating bansa in terms of human resources, 'di lang sa Pilipinas maging sa bumibilis na takbo ng globalization.”
Ang napakababaw na katwirang "ang pangunahing dahilan daw kung bakit bumagsak ang mayorya ng ating mag-aaral sa Math at Science ay dahil daw sa POOR ENGLISH,” may “kulang sa pag-intindi't pagsasalita ng English?” Kaya't kamakailan lamang, muli na namang itinutulak na maipasa sa Kongreso na “gawing medium of instruction sa lahat ng school level ang wikang English upang mai-upgrade daw ang kalidad ng ating edukasyon at gawin daw itong MARKET DRIVEN.”
Ayon kay Sen Pimentel, "isang malaking paglabag at kalapastangan sa ating Constitution ang nasabing panukala." Bakit, ginamit ba ng mga pulitiko ang English nuong panahon ng KAMPANYANG eleksyon, nung sila'y nasa entablado't nang-uuto, nagbabahay-bahay, namimili ng boto, nasa beerhouse kausap ang GRO at mga operador sa Comelec?
Paano mauunawaan ng ating mag-aaral ang Math at Science subject kung ang ginagamit na medium o lengguahe sa instruksyon (resource at reference materials) ay pawang English? Bakit, ang medium of instruction ba na ginagamit sa pagtuturo ng science at math sa Japan, Rusya, China, Germany, France, Italy, Thailand, India, Czecoslovakia at sa Scandinavian countries ay ENGLISH?
Kung ganito kakitid, kaBAOG, kagagong mag-isip ang mga kinatawan sa Kongreso, maaaring iugnay ang panukalang English na isang elitist, pagtatraydor, isang karumal-dumal na krimen, anti-Pilipino at anti-demokrasya. "Kung gusto mong maging Kongresman, isang TRAPONG pulitiko, technocrats at mataas na opisyal sa Malakanyang, kailangang English ang gamit mo, kung gusto mo ng mas may mataas na pinag-aralan at modernong pamumuhay, wikang English ang dapat na gamit mo."
Sa simpleng paghahalintulad, ginamit ang English bilang pang-cover sa pangungulimbat at pandarambong. Yung mga termino o salitang "commission, under the table, standard operational procedure (SOP), cash gift, token, sovereign guarantee" at “substantial compliance” ay walang iba kundi suhol, lagay at pangungukurakot.
Ginagamit ang English sa paglalakwatsa sa abrod o JUNKET. Ginamit ang English sa panloloko, sa land grabbing, malakihang pagnanakaw at panunuhol, tulad ng ZTE broadband, Cyber Education, PIATCO, Northrail, Mega Pacific scandals at iba pa. Ginamit ang English upang sang-ayunan ang mga batas at tratadong kontra Pilipino. Ginamit ang English upang supilin ang kilusang demokratiko, makabayan at MAPAGPALAYA. Ginamit ang English, upang baluktutin ang hustisya't paburan ang mga malalaki’t mga dambuhala.
Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay (tulad ng Nipongo, Korean, Mandarin, Bahasa, Scandinvian, Russian at iba pang mauunlad na sibilisasyon, identity at kultura), kung ang English ang magpapawi ng katiwalian at pangungurakot, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang english ang bubura sa paninging mga UTUSAN, chimay at prostitute (domestic helper at caregivers) ang mga Pinay sa mata ng mundo, kung ang English ang magbibigay daan sa katatagang pulitikal at STRONG REPUBLIC, kung ang english ang magdadala ng maraming gintong medalya sa tuwing may palaro sa Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa at kapanatagang pampulitika, baka siguro NUMERO UNO NA TAYO SA LAHAT NG BAGAY SA MUNDO!
SOURCE: http://doycinco.blogspot.com/2006/04/wikang-globalisado-o-wikang-busabos.html
10 comments:
Hi there, this weekend is pleasant in support of me,
because this point in time i am reading this enormous informative piece of writing here at my house.
Take a look at my site transfer news football premier league
Thanks a bunch for sharing this with all people you actually know what
you're talking about! Bookmarked. Please
also seek advice from my website =). We
can have a hyperlink change
arrangement among us!
Here is my web page ... Www.Illegalpropertyspain.com
Thanks for sharing excellent informations. Your web-site
is very cool. I
am impressed by the details that you’ve on this web site.
It reveals how nicely you
understand this subject. Bookmarked this website page, will
come back for more articles.
You, my pal, ROCK! I found simply the information I already searched
everywhere
and simply couldn't come across. What an ideal web-site.
Also visit my web blog :: http://www.seolinkads.com/travel/500-internal-server-error-43
I have been absent for some time, but now I remember why
I used to love this web site.
Thanks , I will try and check back more
often. How frequently you update your website?
my blog - the3rdgoal.org
very nice put up, i certainly love this website, keep on
it
Also visit my web blog :: www.ninhao.com
I wish to show some appreciation to you just for bailing me out
of this
situation. Because of researching through the online world and obtaining
suggestions that were not beneficial, I believed my life was
gone. Living without the
approaches to the issues you've
resolved by means of your website is a crucial case, as well as the kind that could have in a wrong way
damaged my career if I hadn't noticed your web site.
Your primary know-how and kindness in taking care of
everything was important. I am not sure what I would've done if I had not discovered such a thing like this. I am able to at
this time relish my future. Thanks a lot so
much for this high quality and
result oriented help. I won't
think twice to suggest your web site to anybody who ought to have care
about this matter.
Here is my page ... seamenow.net
I have learn some just right stuff here. Definitely worth bookmarking for revisiting.
I surprise how a lot attempt you
place to make this sort of
wonderful informative web site.
Feel free to visit my blog post ... friendconnect.me
It's a shame you don't have a donate button! I'd most certainly donate to
this outstanding blog! I guess for now i'll settle for
bookmarking and adding your RSS feed to my Google account.
I look forward to new updates and will share this site with my
Facebook group. Talk soon!
Feel free to surf to my web blog; http://moodle.iteach.ru
excellent points altogether, you just gained a new reader.
What would you suggest in regards to your post that you made some days ago?
Any positive?
my blog post; http://new-york-city.italiangreyhound.us/story.php?title=userjestineharrison1977-mtex
fantastic put up, very informative. I
ponder why the opposite experts of this sector do not realize this.
You must proceed your writing. I'm confident, you have a great readers'
base already!
My web-site ... www.sourire.it
Post a Comment