Friday, January 11, 2008

Malakanyang, may CREDIBILITY problem

Federalism ginagamit na palusot para sa Cha Cha
"Destabiliza
tion plot" upang bigyang katwiran ang panunupil at pang-aabuso

Wala na bang maisip na kadahilanan, katwiran, sangkalan o matungtungan ang Malakanyang upang kahit paano'y maniwala ang tao sa Cha Cha? Mukhang sumablay na naman ang estratehiya ni Sec Puno, Ermita at Norberto Gonzales, mga natitirang masugid na tagaPAYO ni Ate Glo sa larangan ng political survival. Sa hangaring maicancel ang presidential election sa 2010 at magtagal sa pwesto, mukhang gagamitin na naman ng palasyo ang Mindanao, ang isyu ng Muslim seccesionist movement, ang Pederalismo upang maisalang muli sa huling pagkakataon, ang Cha Cha. “Sa paniwalang ang federal Muslim state ay maitatayo lamang sa pamamagitan ng pagbabago ng paggugubyerno tulad ng sistemang parliamentaryo-federalismo.”
(Photo:
http://www.blogger.com/www.cremationofcare.com/the_nwo_sub_ab_halos.htmm/the_nwo_sub_ab_halos.htm)

Maaaring totoong sabihing na ang pagsasa-overhaul ng sistemang pulitika ay solusyon sa Muslim insurgency o secessionist movement, kaya lang ang tugon at pinagdidiinan ng marami, “hindi na kailangan ng Charter Change, sapagkat isang kumpas lang ni Ate Glo sa Kongreso, sa pamamagitan lamang ng isang makunat-kunat na LEGISLATION ay sapat na upang kahit paano'y maresolba ang isyu ng EMINENT DOMAIN at isyu ng awtonomiya sa Muslim Mindanao. “

Dagdag pa, “kung maimamaksima, maisasakatuparan at kung buong-buong mai-implementa lamang ng maayos ang batas ng Local Government Code of 1992 (LGC), ang decentralization, devolution, democratization, partisipasyon ng mamamayang at pagsawata ng mga warlordism at political clan, mga tipong Gov Ampatuan, Cong Wahab Akbar, dinastiyang Dimaporo at iba pa, tapos na ang boxing, 'di na kailangan ng Federalism na kinakangkang ng MILF at MNLF na pinapaniwalaan ng Malakanyang.”
(Photo: Gov Ampatuan;
http://www.blogger.com/www.geocities.com/lppsec/pp/maguindanao.htm)

In the first place, sino ba ang kaaway o enemy of the state, ang alam ng marami ay hindi MILF at lalong hindi MNLF? Sino ang nag-ookupa ng Mindanao, nagpapatupad ng bad governance, nangungulimbat at nangungurakot sa buong lugar na siyang dahilan kung bakit lumubha ang karalitaan ng Mindanao? Sino ang nagpahirap at nagsamantala ng ilang dekada sa Muslim Mindanao, 'di ba ang mga pulitiko, ang mga galamay ng Malakanyang at sino ang nanggagatong ng kaguluhan, gera sa Mindanao, ang mga warlords at ilang libong private armies na inaaruga at sinusuplayan ng armas ng Malakanyang? Sino ang kumikita at nakikinabang sa digmaan, sa mga peke at huwad na digmaang kini-create diumano ng militar, ng mga matataas na opisyal ng militar sa Mindanao?

Mas tatanggapin ng marami ang overhauling, structural change o Cha Cha o ang pagbabago ng paggugubyerno sa bansa lalo na kung ito'y nakapatungkol sa talamak na isyu ng political clan, dinastiya, OLIGARKIYA, ang warlordismo at buluk na sistemang politikang naka-ugat hindi lang sa Muslim Mindanao, maging sa buong bansa, mula Abra sa hilaga hanggang sa katimugang Jolo. Manipulado nito ang pampulitikang kapangyarihan, maging ang kabang yaman ng Mindanao at sila ang sumasagka sa pagbabago at kaunlaran ng Mindanao.

Paano pagkakatiwalaan at susuporta ang mamamayan sa commander in chief sa Malakanyang, kung tadtad ito ng kasinungalingan, panloloko at katiwalian? Paano nito makakabig ang hearts and mine ng mamamayang Pilipino sa anumang galaw at adhikain ng AFP laban sa itinuturing “terorista,” kung siya mismo ang problema at nanteterrorized sa mga Pilipino? Paano ito igagalang kung siya mismo ang instigador, pasimuno at may bahid ng paglabag sa karapatanag pantao laban sa sariling mamamayan at hindi gumagalang sa sariling Constitution?

CHA CHA para sa ELECTORAL at Political REFORM, hindi Pederalismo!

Ang pinakahihintay ng lahat, ng lahat sektor ng lipunan sa bansa, mula sa hanay ng Simbahan, civil society, Kilusang Demokratiko, NGO community, progressive blocs within the Congress, matapos ang isang napakagastos na election, election napakaDUGO at magulo, isang election napakadevisive at madaya ay ang ELECTORAL, POLITICAL REFORM LAW at overhauling ng Comelec (mula Intramuros hanggang probinsya) na inaasahang sisimulan, tatalakayin at ipapasa ngayong taong kasalukuyan.

Maaring itulak sa Senado ang batas na nakapatungkol sa electoral reform, subalit ang nakakalungkot, paiyakan at nakakapanglupaypay, dadaan sa butas ng karayum (over their dead bodies) sa Kongreso, sa Kamara. Una, balwarte ng TRAPO, mayorya o halos ¾ ng bumubuo sa Kongreso ay panay TRADITIONALPOLITICIANS, pawang mga buluk at kabilang sa dinastiya't political clan sa bansa. Paano natin maasahang maisasareporma ang election at pulitika kung ang puntirya ng batas ay sila mismo. Panglawa, mayorya ng 2010 presidentiables ay na sa Senado. Paano maisasakatuparan ang nasabing reporma kung status quo, kung 2010 ang nasa utak ng mga presidentiable, Panghuli, ang namumutawi sa hanay ng Senado ay outright na pagtutol sa anumang pagbabago ng sistemang pulitika at mag-grand standing, mag-imbistiga at mag-opposed-exposed sa lahat ng pinaggagawa ng administrasyon.

Mabigat ang credibility problem ng Malakanyang, ultimo "poso negro theory sa Glorietta blast," local politics naman ang sa Congress blast, 1% tax reduction sa taripa sa langis, propagandang umuunlad daw ang ekonomya (dahil daw sa paglakas ng Piso at stock market), national ID system at ang panghuling kaganapang may "panibagong destabilization plot na naman daw mula sa Magdalo at CPP-NPA," pinagdududahan, haka-haka at walang naniniwala. Kaya't may punto rin ang ilang grupo na nananawagan ng, “sadyang sa pagreresign na lamang o pagbibitiw ni Ate Glo at ng lahat ng pamunuan sa Malakanyang, magkaroon ng isang credible election, ang isang solusyon upang manumbalik ang pagtitiwala't kredibilidad ng Malakanyang sa mamamayan Pilipino.”

Related Stories: “Majority of Pinoys see politicians as dishonest “ by Gallup International http://www.manilatimes.net/national/2008/jan/18/yehey/top_stories/20080118top2.html

Doy Cinco / IPD
January 11, 2008

No comments: