Ang pagkakapanalo ni Among Ed sa governatorial race sa Pampanga ang isa sa pinakaremarkable at pinakamakasaysayan sa kabuuang pandesiplinang electoral politics sa bansa. Sa kakapiranggot na botong isang libo (1,000), si Among Ed na dating isang paring diocesan, sinasabing walang karanasan sa larangan ng pulitika't halalan, ang yumanig sa dalawang pinakamakapangyarihang pulitiko, ang incumbent na si Governor Lapid at Provincial Board member Lilia Pineda, asawa ng pinakilala at kontrobersyal na gambling "weteng' lord ng bansa, si Bong Pineda.
Bagamat nanalo si Among Ed sa labanan elektoral nuong 2007 midterm election, hindi pa tapos ang tunay na digmaang pulitika sa probinsya, nasa unang proseso pa lamang ang tunay na krusada laban sa kadiliman at katiwalian. Nananatiling solido, malakas at makapangyarihan ang pwersa't makinarya ng mga kaaway ni Among Ed sa probinsya. Pilit nitong sinasagkaan ang konsolidasyon ng panimulang punla ng repormang hangad ng mga Kapangpangan.
May mga ugung na may panimulang P20.0 milyon kada bayan (mahigit kumulang na kalahating bilyon piso, P500.0 milyon sa probinsya) ang iminudmud diumano ng sabwatang Arroyo at Pineda upang simulan ang destabilization at paganahin sa Hulyo ang nasabing Recall sa probinsya.
Ano ang kasong sinasangkalan ng Provincial Board at mga lokal na trapito't kurakot laban kay Among Ed?
Una, Nandaya raw si Among Ed nuong nakaraang election? Haaaaaaa! Nag VOTE BUYING daw si Among Ed! Si Among Ed pa ngayon ang palalabasing nanunuhol, namimili ng boto, nanakot sa mga botante at nagsasagawa ng dagdag-bawas. Siya pa ngayon ang pinalalabas na may hawak at may kontrol sa lokal na makinarya, sa mga Mayors at Barangay sa buong probinsya at ang nakakalungkot at 'di pa kontento, mukhang palalabasing may ilang bilyong pisong electoral funds si Among Ed. Naman...naman...naman..
Pangalawa, “loss of confidence at in-efficient daw si Among Ed.” Paano magiging efficient ang governance ni Among Ed kung binabara, pinaparalisa ng mga Pineda ang operation at inplementation ng mga programa ng probinsya. Wala na raw kompyansa ang mga Capangpangan kay Among Ed. Ha.....! Sinong Capangpangan naman ito?
Sinong mamamayan ang binabanggit ng oportunistang Mayor Pelayo ng Candaba, ang puno ng Liga ng mga Mayor sa Pampanga, ang kasama sa junket trip sa Hongkong at Macau? Sinong tinutukoy ni Pelayo na mamamayang wala ng kumpyansa kay Among Ed, ang mga Cabo ng weteng, ang mga lider-lider nila sa barangay, ang mga inaa-anak at kamag-anak nila sa probinsya, ang mga goons, private armies nila sa probinsya at mga sindikatong naapektuhan ng raket sa QUARRY?
Hindi man magtagumpay ang ouster plot o destbilization ng mga galamay ng mga Pineda't Arroyo, hindi nito tatantanang mawala at masabotahe ang punungkulan, ang mabuting hangarin mabago ang sistema ng paggugubyerno sa lalawigan, ang demokratisasyon sa baba, ang alternatibo at participatory na paggugubyerno ni Among Ed.
Related stories:
“Bonding” ng 15 Pampanga mayors, kaduda-duda; http://doycinco.blogspot.com/2007/07/bonding-ng-15-pampanga-mayors-kaduda.html Pampanga board removes P45M from Panlilio quarry reform fund;
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/regions/view/20080115-112618/Pampanga-board-removes-
P45M-from-Panlilio-quarry-reform-fund
Doy Cinco / IPD
January 15, 2008
No comments:
Post a Comment