Sa pagkakatalaga kay Melo bilang bagong Comelec Chair, sa totoo lang, “mas nanaig ang sistemang PADRINO (patronage politics) at political accomodation” kaysa sa intensyong isareporma ang kawalang kredibilidad, ang bangkarote, politicized-partisano, mismanaged, corrupt at bulok na ahensya ng Comelec. Kahit sabihin pa ng PPCRV, NASSA, ni Bishop Juan de la Cruz, mga politikong si Sen Mar Roxas at Kiko Pangilinan na may "integridad, may competence, independence at may kahalong hustisya" pa raw si Melo, nanatiling kabado't may agam-agam ang marami. Maliban sa kanilang pamantayan, mauunawaang mas matimbang ang mga "joint projects at engagement" ng mga stakeholders at pakikipag-relasyon kaysa sa "direkta at head-on collision" sa mga institusyong katulad ng Comelec.
(Photo above: Benjamin Abalos, jaydejaresco.blogspot.com/
Sa simula pa lang, napanghinanaan na ng loob ang mamamayang Pilipino, LUTONG macao ika nga, sapagkat sa halos ilang buwang itinatago, PALIHIM, sikreto't binitin sa media't madlang pipol ang kabuuang proseso ng pagpili't nominasyon, ang "kawalan ng TRANSPARENCY, GUILTY na agad sa pamantayan ang Malakanyang. At dahil sa KAWALANG PARTISIPASYON ang MAMAMAYAN, mala-sindikatong pamamaraan sistema ng nominasyon at pagpili, tulad ng inaasahan, nanaig ang inpluwensya ng Malakanyang."
Ano na ang nangyayari sa inindorso, sa rekomendasyon ng 18 mga Bishop kay Wilhelm Soriano, ang chair ng Commission on Human Right, bilang Comelec Chair, paano na ang usapan at diskusyunan sa pagitan ni Ate Glo't mga Obispo nuong October 19, 2007 sa Tuguegarao? Wala bang tiwala si Ate Glo sa katatagan,kawalang partisano, independence at kredibilidad ni Soriano? Titigukin din ba ng Malakanyang ang 2 rekomendadong commissioners ng civil societies? (Photo: Wilhelm Soriano of CHR)
Tanggap ng mga Obispo na qualipikado si Justice Jose Melo sa posisyon, kaya lang, tumanggi ang mga ito sa dahilang, “mas kumbinsido silang mas kailangan ang isang batang-bata, energetic, may credible at highly respected na indibidwal sa pwesto at ito'y sa katauhan ni Wilhelm Soriano." Sa tingin ng mga obispo, "sa gulang na 75, walang dudang uugud-ugud na, amoy lupa na at baka mas mahirapan si Justice Melo na imanage ang napaka-sensitibo at komplikadong trabahong ibangon ang prestiho ng Comelec."
Sino si MELO?
Nakilala si Melo ng pamunuan nito ang walang kinahinatnang fact-finding Commission tutuklas at reresolba sana sa kaliwa't kanang extra-judicial killings sa Pilipinas, kung accountable ba si Ate Glo, Malakanyang, ang AFP o ang CPP-NPA?
Ayon sa isang grupong Anti-Graft o ang The Center for Anti-Grft and Corruption Prevention, Inc. (CENTER), “malalim ang affinity ni Ate Glo sa bagong talagang Justice Jose Melo at itatalagang mga Commissioner na si Artemio Toquero at Chief Prosecutor Jovencio Zuno sa Comelec.”
Dating magkaka-eskwela't magbabarkada sila Commissioner Jose Melo at sila ni Abalos, ang pamilyang Puno, ang dating sport official na si Roberto Pangandaman, ang kasalukuyang DFA Sec na si Alberto Romulo sa Law School sa MLQU (Manuel L Quezon University. Sila'y mga kabilang sa tinatawag na ELITE 27, notably closely-knit alumni ng MLQU, tratong magkakapatid at cordial ang rela-relasyon sa isa't-isa.
Bago magretiro, mahigit apat napung taon (40) nagserbisyo sa gubyerno si Melo at ang 23 taon dito'y naigugol nito sa hudikatura. Noong 1992, habang acting presiding justice sa Court of Appeals,' inappoint siya ng dating presidenteng si Fidel Ramos sa Korte Suprema. Malapit din sa mga Macapagal si Melo, hindi dahil sa siya'y tubong Kapangpangan bagkus siya'y dating naging executive assistant ng Malakanyang legal office nuong kapanahunan ng ama at nasirang dating Presidentent Diosdado Macapagal.
Bukud sa pagiging Solicitor General noon 1971, naging acting commissioner ng Professional Regulation Commission at Civil Service commissioner si Melo.
COMELEC mananatiling BULUK
Sa loob ng isa't-kalahating taon (2010 presidential election na), bubuhayin at ire-resurek ni Melo ang negatibong imahe ng Comelec, ang pinaka-unpopular, ang pinaka-distrusted, discredited na institusyon sa bansa. Sa kasalukuyang lagay at konteksto ng pulitika sa bansa, inaasahang mabibigo si Melo sa kanyang gahiganteng naka-atang na trabahong maibalik ang pagtitiwala, maisiguro ang isang malinis, kapani-paniwala at mapayapa 2010 presidential election sa Pilipinas.
(Photo below: Atty Lintang Bedol of Maguindanao, www.pcij.org/.../
Mas ang inaantabayanan, inaasahan at tanong ng marami ay, "kailan io-overhaul ang Comelec at ire-reporma ang buluk na sistemang elektoral? Mangyyari't umaasa pa ba tayo sa natitirang dalawang taon ng termino ni Ate Glo, nasa priority Bill ba ito ng Malakanyang, Kamara't Senado?" Sapagkat, kahit sinong magaling na ipalit na puno ng Comelec, kung nakatanim, nakabaon at nainstitusyunalisa na sa ahensya ang dayaan, ang maraming Atty Lintang Bedol, ang mga tulad ni Atty Somalipao, Boy Macarambon at Magbutay, mga batalyong galamay na abugago ni GARCI, ang mga katulad ni Ampatuan mula Abra hanggang Jolo, magpapatuloy ang maraming Maguindanao incidence, ang patayan at dayaan sa buong Pilipinas.
Ang kahinaan ng kasalukuyang batas na Omnibus Election Code, ang political patronage, ang casique politics-OLIGARKIYA at wardlordismong larawan ng pulitika sa bansa ang magdidikta ng masidhing pangangailangan ng isang electoral reform sa bansa. Kung wala nito, suntuk sa buwang magkakaroon ng clean, honest, credible at peaceful 2010 election. Kung walang seryosong electoral at political reform, "tulad sa karanasan at kinasapitan ng bansang Kenya sa Africa, inaasahang mas hihigitan pa, mas titindi pa ang dayaan, kaguluhan at patayan sa 2010 presidential election."
Dagdag pa, paano na, ano ang balakin ni Melo sa buong organisasyon at burukrasya ng Comelec? Batid ng lahat na ang karamihan ng mga election officers mula nasyunal (Intramuros) hanggang baba, ang rank and file o ang mga nakaLINE-UP na mga regional director at assistant director na "kadalasa'y bata-bata at inarbor na ng mga pulitiko, ng mga Kongresman at mga tao sa Malakanyang." Sa totoo lang, ang mga salarin at involved sa katiwalian nong 2004 presidential at midterm 2007 election ay nagamit ng Malakanyanag upang ilusot at ipanalo ang mahigit 100 majority ruling party (Lakas at KAMPI) sa mga District Rep, Gobernador at Lunsod ay patuloy na nananatili sa pwesto.
Dapat tutukan ni Melo, kasama ang tulong at interbensyon ng Kongreso't Senado, bilang bahagi ng reporma sa pulitika, ang pagpapalakas ng mga (pekeng) Partido Pulitikal, proportional representation (pagpaparami ng Party List-from 20 -50%) at pagsasa-ayos ng campaign finance (bilyun-bilyong pondo para sa kampanya, makinarya at pandaraya) na siyang dahilan ng kabulukan ng ating halalan. Kasama sa prioridad ang pagsusulong ng panukalang batas na sasawata ng pautay-utay sa mga warlords, guns, golds, goons (3Gs) at Kasal Binyag at Libing (KBL), bukud sa sila'y sagka sa DEMOCRATIZATION ng pulitika, sila ang mga pulitikong may ilang dekada ng bumabara at sumasalaula sa tuwing may halalan sa bansa.
Higit sa lahat, mas maiging "pangunahan at simulan na agad ng COMELEC, sa tulong ng simbahan, civil societies (PPCRV) ang komprehensibo't malawakan VOTER'S EDUCATION sa mga paaralan, sa mga opisina, sa mga komunidad (kanayunan man o kalunsuran) at gamitin ang mass media upang magkaroon ng kampanyang itakwil ang predatory, elite at TRAPO politics sa bansa."
Hindi dapat mapokus at malimita lamang sa "modernization at computerization" ang inaasam-asam na pagbabago sa halalan. Hinding-hindi mawawala ang “hello Garci dagdag-bawas controversy,” mga operador at katiwalian ng dahil lamang sa modernisasyon ng halalan. Sapagkat ang malaking bahagi ng election period, ang kondukta at proseso ng eleksyon, pre-campaign, campaign, election at canvassing period sa Pilipinas ay isang malaking dayaan na.
Related Story: " Overhaul, kailangan ng Comelec -- Pimentel"
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-01-28&sec=4&aid=47390
Doy Cinco / IPD
January 26, 2008
Army’s ‘thinking general’ eased out with Esperon extension
By Fe Zamora
Philippine Daily Inquirer
First Posted 00:36:00 01/27/2008
MANILA, Philippines -- Known as a “thinking general,” Lt. Gen. Cardozo Luna was said to be a strong contender for the post of commanding general of the Philippine Army last year. Luna has a master’s degree in Economics Planning and a Ph.D. in Program Regulation Economics, both from the University of Pennsylvania.
Luna lost the race to Lt. Gen. Alexander Yano, who is reportedly being groomed to replace Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. in May this year. The term of Esperon, who was supposed to retire on Feb. 6, has been extended for three months by President Macapagal-Arroyo.
The extension was reportedly intended to “ease out” Luna from the race, according to an Inquirer source who did not want to be named since he was not authorized to speak on the matter. There is a rule in the military that no one may be appointed chief of a major command if he has less than a year to go before the mandated retirement age of 56. Luna is turning 55 in September.
“The problem is not with Yano but with Luna,” the source said, commenting on reports that Esperon’s term was extended because MalacaƱang had doubts about Yano’s loyalty. Luna, the chief of the Eastern Mindanao Command, belongs to Class 1975 of the Philippine Military Academy (PMA).
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=115039
No comments:
Post a Comment