Sunday, January 06, 2008

2010 presidentiables, pare-pareho, magkakabalahibo?

Imbis na atupagin muna ang trabaho, ang repormang hinihingi't ipinangako ng mga ito nuong 2004 at 2007 election, mas pamumulitika at makinarya ang pinapriority ng mga presidentiables. "Masyadong napaka-aga ang preperasyon ng mga nagnanais makaagaw ng poder sa Malakanyang sa 2010." Kung sa bagay, wasto lamang ito kung makakatulong sa pagpapataas ng kamulatan o voter's education ng mga kabataan at botanteng mamamayang Pilipino.

Sa kabila ng p
atuloy na hindi humuhupang krisis pulitikal, ang impassed, ang political uncertainty, ang abangan, matyagan, ang bantayan at hintayan ng bawat political player-brokers, ang turfing, gapangan ng bawat isa at bawat kalahok sa 2010 presidential election, patuloy na umiinit at headline sa maraming pahayagan ang 2010 at pamumulitika. Parang bukas na ang eleksyon at sumasabay sa Amerika. Hindi lang siguro natin alam na ito pala'y bahagi na ng "name recall, political visibility o awareness" ng mga political tacticians ng mga presidentiables.

Ang sabi ng mga sceptics, may iba't-ibang game plan ang Malakanyang at "hindi pa nakatitiyak o nakakasiguro kung matutuloy nga o hindi ang 2010. Sa dami ng lumulutang na espekulasyong pulitikal, may nagsasabing baka mauunahang ito ng extra-constitutional na labanan o ang "god save the queen," ang pagsasabuhay ng cha cha, ang pagpapalit ng sistema ng paggugubyerno o diklerasyon ng emergency rule o martial law. Habang ang iba ay nagsasabing "mas ipriority munang ayusin ang Comelec, ang punong abala sa election, i-overhaul at isareporma muna ang sistemang halalan at pulitika."

Totoong piesta, daming pera, kenkoyan, zarzuela't kinikilala ng mamamayan ang palagiang pagsasagawa ng election, kaya lang matapos ang walang katapusang dayaan at kaguluhan nuong 1998, 2001, 2004 at 2007 election, marami ang halos pinanghihinanaan na ng loob, demoralisado at wala ng tiwala sa buluk na sistemang ehersisyong pulitikal sa bansa.

May ilang mga grupo ang nag-iisip at naniniwalang baka may iba pang porma't arena ng pakikibakang tutungo na sa pagbabago't radikalisasyon ng ating lipunan na hindi na kailangang dumaan pa sa magastos, madaya, magulo at elitist na election. Sinasabing mas hinog na ito sa ngayon kung ikukumpara sa mga nakaraang dekada. Ang mga bagong sumisibol o emerging movement na ito na ang tingin ay "mukhang hindi na garantiya ang election upang ang isang bansa ay malagay sa demokrasya, kapanatagan at istabilidad."

Iba pang usapin kung ang mga presidentiables na ito'y mga PROXY lamang ng malalaking negosyo sa bansa. Iba pang anggulo kung sino ang mga financier o nagpopondong corporate elite, mga nasa kapangyarihang may kontrol ng kabangyaman ng bansa at mga dayuhang gustong pangalagaan ang kani-kanilang interest.

Lingid sa atin ang talamak at pusakal na mga political clan o dinastiya na nakakalat sa bansa, ang makapangyarihang mga political brokers; ang pangalang Danding C, Lucio Tan, ibang mga Taipans, malalaking Network sa media at ang malungkot, mga dayuhang mamumuhunan, ang China, US, ang Western Power at mga LORDs (gambling, drug, prostitution at feudal) na walang dudang makiki-alam at tataya sa 2010 election.
Ganito ang nangyayari noon at ganito pa rin ang malungkot na nangyayari sa kasalukuyan at sa hinaharap, sa 2010. Kung kaya't ang isang malaking katanungan, "totoo ba at mas naniniwala pa ba tayo na ang mamamayan at botanteng Pilipino ang siyang tunay na nagpapasya, may boses at nagdedesisyon sa mga election o sadya talagang isa lamang moro-moro ang election sa Pilipinas?"
(Photo: Danding Cojuanco/ www.bulatlat.com; Lucio Tan/www.forbes.com)

Ultimo sa US presidential election, ang malalaking negosyo, lalo na ang military industrial complex ang palagiang mga nasa likod ng mga kandidato, partidong Democratic man ito o Republican. Maraming mga bansa sa mundo ngayon, mula sa mga bansang dating sakop ng Soviet Republic ay nagkakagulo dahil sa election, dahil sa katiwalian, credibility o poll rigging ng mga election. Nandiyan ang Pakistan, at Kenya sa Africa na patuloy na nagkakagulo dahil sa election. Ang kontinenteng Latin Amerika at Asia, ang bansang Thailand, Cambodia, Indonesia at Malaysia ay ilang lamang mga halimbawa na imbis malagay sa normalcy ay nauuwi sa kaguluhan at civil war. Lumalabas na imbis unification o pagakakaisa, nagsisilbing devisive ang election. Something wrong sa sistema at layunin ng election.

Bagamat mas gusto natin ang BALOTA, ang matahimik na landas ng pagbabago ng pampulitikang liderato sa bansa, kung ikukumpara sa armadong pakikibaka, insureksyon, rebelyon at kudeta, itinutulak ang sambayanang Pilipino na questyunin na ang paraan, ang kondukta at kabuuang sistema ng electoral politics, kung ito ba'y talagang arena ng pagbabago o direksyong magpapanatili lamang ng status quo. Sapagkat ang mas lumilitaw, hindi na sapat ang paghahanap ng panibagong pagpapalit ng leader bagkus napakahalaga na rin na isentro na't pagsikapang magkaroon ng pagbabago ng sistema, ng sistemang pulitika at moda ng sinusunod na ekonomyang pangkaunlarang patakaran sa bansa.

Ayon sa mga analysis ng UNDP at Nobel peace laureate winner na si Muhammad Yunus, “ang buluk na sistema ang pabrika ng karalitaan at kahirapang dinaranas ng bansa sa loob ng ilang dekada." Meaning, kahit sino pang matino't henyong pulitiko ang ilukluk sa Malakanyang, kung walang pagbabago, kung walang repormang aatupagin sa loob ng dalawang taon bago mag 2010, magpapatuloy ang katiwalian at kawalang pag-asa ng bansa. Sapagkat, ilang presidente na ang bumalagbag sa bansa, may populist o maka-masa, may corporate, PHD at sobrang talino, may dating generals, may dating may bahay na sobrang relihiyoso, may topnotcher sa bar at magaling na abugado at marami pang iba. Subalit, anong nangayri sa bansa natin, napag-iwanan tayo sa Asia.

Ang isang malaking hamon at tanong ng marami, totoo ba na ang mga magpapanlaban sa 2010 presidentiables ay pare-pareho, same bananas o magkakabalahibo? Bagamat pinipilit nating unawaing mga seryoso ang mga presidentiables at baka kung saka-sakali, may lilitaw na Andres Bonifacio, Tandang Sora, Jose Rizal at Mabini sa hanay kanila.

Una, silipin natin ang mga pananaw at track records ng mga pulitikong ito: nasaan sil nuong ibinenta ang Transco at lumaganap ang isyu mga IPPs, ang kontrobersyal na mga independent power producers? Ano ang paninindigan ng mga ito sa patakarang privatization / deregulation na nagpalugmuk pang lalo sa kuryente at tubig na binabayaran ng mga Pilipino? Ang isyu ng agapay sa magsasaka, sa mga farmers at manggagawa't empleyado, ang isyu ng Debt moratorium at ang patakarang “automatic appropriation.” Ang isyu ng patuloy na pagtaas ng gasolina't bilihin, ang naging paninindigan at pagkilos nito sa isyu ng Human Rights, ang ilang daang political killings na sumambulat hindi lamang sa bansa maging sa buong mundo, ang US intervention sa Mindanao at Iraq, pag-aabolish ng pork barrel at iba pa.

Pangalawa, dahil wala namang tunay na pampulitikang partido sa bansa, sapagkat ang laganap sa ngayon ay "politics of convenience at hindi politics of conviction o isang matibay na pundasyong ideolohiya, pilosopiya't pananaw na pinanghahawakan ng partido." Itinuturing ng marami na walang diperensya o walang pagkakaiba ang administrasyon at oposisyon, pawang mga pulitiko at pare-pareho. Walang malinaw na platapormang magpapatibay sa demokrasya't pagpapalakas ng democratic institution ng bansa. Sa praktika, mas panay motherhood statements at propaganda lamang.

Dahil sa ganitong trahedyang sitwasyon, masasabi nating tunggalian lang ito ng iba't-ibang paksyon pulitikal, malalaking pamilya sa bansa. Ang kasunod na tanong, may pagkakaiba ba ang Lakas, Kampi, NPC, Liberal at Nacionalista Party? Ang mas nakikitang diperensya ng mga pulitiko't partidong ito ay; “habang ang isa ay nakaluklok at nasa kapangyarihan, nasa labas sa kulambo ng Malakanayang ang isang bahagi.”


Pangatlo, imbis na mas patampukin ang ang mga programa at mga isyu, nakakalungkot sabihing mas personality at power oriented ang litaw sa mga presidentiables. Halos lahat ay umaasa sa padri-padrinong anyo ng oraganisasyon at relationship (Clan at patron client), imbis na mas itayo ang mas malalawak, alternatibo at mga bagong oraganisasyong panteritoryo't kilusang magtatakwil ng makalumang rela-relasyon at interest, pekeng partido pulitikal at makinarya ang binubuhay at ino-organisa.

Maaga man o hindi ang paghahanda sa 2010 presidentiables, maliban sa pagbabago ng sistemang pulitikal na inaasam-asam ng mamamayang Pilipino, isang "aktibistang presidenteng may buto sa gulugod" ang kailangan ng bansa sa ngayon.

Related story: "
2010 Presidentiable contenders, atat na !" http://doycinco.blogspot.com/2007/11/2010-presidentiable-contenders-atat-na.html

Doy Cinco / IPD
January 8, 2008

No comments: