Monday, February 18, 2008

"Oust GMA / Democratic Movement”

Ang sabi ng ilan, malapit na. Ang sabi ng iba, may salubong na ang kalat-kalat na pagkilos at panawagan. Ang sabi naman ng ilang barkada, may kalayuan pa't parang may kulang, ang sigurado, kumukulo na't malapit ng pumutok ang bulkang panlipunan. Naghamon ang isa kong kakilala, “pustahan tayo't (isang kahong beer) hindi na aabot ng Abril, '08 si Ate Glo,” at ang tantya n'ya, “PALACE COUP.” Ang pabulong kong reaksyon, malamang posible, sapagkat kung tatagal daw, ang labanan ay mauuwi na sa electoral mode, ang 2010 presidential election, mao-overtekan ng laban ni Manny Paquiao sa March 16 at masasagasaan ng tag-ulan, panahon ng kalamidad. Ang aking pahabol na tugon, masyadong agitated ang mama, hindi ko na pinatulan.

"PALACE COUP" man ito,
pipol power o cummunal action, ang sigurado, kumukulo ang bulkang Mayon, bumubwelo ang “democratic at ang Oust GMA Movement, ang transisyon tungo sa PAGBABAGO at ang pinakamahalaga, nae-empowered (kapangyarihan) muli ang mamamayan.

Bagamat walang dudang may malaking papel na gagampanan ang middle class, unti-unti na itong nagigising at maaaring sabihing muli na naman mapupruwebahan ang kanyang impluwensya't pamumuno sa labanan; lalong-lalo na ang mga progresibong sangay at makabagong pwersa ng panggitnang kinabibilangan ng mga pamilyang Pinoy na OFW, ang kaliwa't kanang panawagan ng isang section ng Negosyo, ang “communal action, ang panawagang moral revolution” ng simbahan, ang iba't ibang grupo ng civil societies, ang kilusang istudyante, ang insidente (prayer rallies) sa La Salle Greenhills at ang Ateneo. Ang tanong ngayon, ito na ba ang “pampinaleng tipping point” na inaantabayanan ng marami?

Malaki pa ang hahabuling pana
hon upang sabihing kumpleto na ang sangkap o ingredient ng pananagumpay. Maaring bumilis, bumagal o maunsyami. Ayon sa kasabihan, “mahirap magbilang ng sisiw sa hindi pa napipisang itlog,” meaning, mahirap pa ring manigurado sapagkat napaka-fluid ang sitwasyon, komplikado at posibleng may mga bagong elemento't namumuong senaryo, halimbawa ay ang posibleng ganting aksyon o matinding reaksyon isasagawa ng naghihingalong estado, ang kanyang alas, ang hambalos ng propaganda machine ng Malakanyang, ang panlilinlang, panunupil at pananakot.

Walang dudang malaki pa ang bubunuin ng “demokratikong kilusan” matamo lamang ang inaasam-asam na layuning “pagpapatalsikin sa mabaho, peke at unpopular na pangulo ng bansa.” Bagamat may mga inisyal na inisyatiba ang ibang grupo at klaro ang panawagang GMA Resign, ”manipis, kalat-kalat, wala pang malinaw na ekspresyong pang-organisasyon, wala pang malinaw na natukoy kung sino ang katanggap-tanggap, mapagkakatiwalaang maaring tumimon sa pangkalahatan kumpas at koordinasyon ng labanan. "

Napakahalagang mapanatili ang isang peaceful at non-violent na tipo ng pakikibaka sa ngayon, sapagkat atat na ang Malakanayang na sakmalin, pulbusin, upakan ang mga kaaway sa pulitika, pilit hinahanapan ng butas, sinisira ang credibility at iniu-ugnay sa CPP-NPA, sa Magdalo/KUDETA, sa Al Qaeda at Abu Sayaff o sa mga terorista ang “demokratikong kilusan,” magkaroon lang ng katwiran at rason na mai-impose ang “emergency rule at martial law.”

Dahil natuto na tayo sa karanasan ng Edsa 1, 2 at 3, kung saan nauwi lamang sa kangkungan at walang nabago sa buluk na sistema, ang immediate
goals sa ngayon ay ang pangangailangang maisentro ang labanan na "hindi lamang sa pagpapalit ng tao, bagkus magkaroon na ng pagbabago sa sistema (system change), pulitika man ito, electoral, paradigm shift at prosecution ng lahat ng mga nangurakot sa bayan (prosecution ng lahat ng nandambong sa country)." Alangan sa ngayon ang malalimang mga debate patungkol sa kung “tama o mali ang pampulitikang linya,” lalong hindi rin ito usapin kung ano ang kulay na mananaig, kung puti, dilaw, pula, berde, purple o orange at ang diskurso sa isyu ng "reporma o ang pagiging repormista't rebolusyunaryo, usapin ng pagiging vanguardismo at rebolusyon."

"Sapagkat ang pinakamahalaga sa ngayon ay NUMERO o bilang ng malawak na mapapakilos na mamamayang magmumula sa pinaka-BROAD na paraan at tipo ng organisasyon, Koalisyon o alyansa." Tiyaking "popular at simple ang mga ipaparating na mensaheng tatagos sa kaibuturan at damdamin ng mamamayang Pilipino, simbolo, IMAHE at tuloy-tuloy na media exposure sa madla," ang pagkabig sa “hearts and mind ng bawat Pinoy." Bukud sa mahalaga at kailangan ang atensyon ng pandaigdigang komunidad, malaki rin ang magiging papel ng ICT (information communication and technology), ang internet, ang papel ng mga bloggers, YOUTUBE at cell phone sa mga labanan.

Panghuli, ma-antisipa ang galaw at planong counter attack ng Malakanyang. Kung baga sa Chess, ang inaasahang galaw, 3 o 4 moves ng Malakanyang ay mahalagang nasusundan, upang sa gayon maiwasan maudlot, mabulilyaso o maminimized lang ang pinsalang maaring matamo sa labanan ng mamamayan.

Doy Cinco / IPD
February 17, 2008

Related Story:
Mon Casiple’s Weblog on Philippine Politics

Problem and development
The current upsurge of political protest against the GMA administration has reached a point of sustainability. At this time. this is centered in schools, churches, and middle class communities. Despite various attempts by Malacañang to diffuse this protest, it is spreading.
However, the movement has not yet reached the point of being a critical mass [...]
http://moncasiple.wordpress.com/2008/02/20/problem-and-development/


Lozada: Neri described Arroyo as 'evil'

Rodolfo Noel "Jun" Lozada Jr. on Monday said his friend, Commission on Higher Education (CHED) Chairman Romulo Neri, sees President Arroyo as an "evil person." (Photo: http://www.tongueinanew.blogspot.com/)
"She is evil," Lozada said at the Senate as he was forced by senators to "tell the truth" about Neri’s alleged description of Mrs. Arroyo. Lozada agonized in front of the senators and before revealing the "evil" description, he apologized to Neri.

The Senate star witness said Neri uttered the four-letter word during a meeting with senators Panfilo Lacson and Maria Consuelo Madrigal, which allegedly took place Dec. 7, 2007 at the Asian Institute of Management building in Makati City.
http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=109511

"CBCP frowns on another people power;" http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=109643

No comments: