Wednesday, February 13, 2008

Assassination plot against Arroyo bared

By Thea Alberto, Joel Guinto
INQUIRER.net
First
Posted 13:42:00 02/14/2008
MANILA, Philippines -- An assassination plot against President Gloria Macapagal-Arroyo allegedly from the al-Qaeda-linked Jemaah Islamiyah (JI) was revealed Thursday by her security group, which it said, was the reason why the President cancelled her trip to Baguio City over the weekend. (Photo: Osama Bin Laden at grupong Al Qaeda;
flapsblog.com)
Brigadier General Romeo Prestoza, head of the Presidential Security Group, told a press conference that the cancellation of another out of town trip was being studied.

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080214-118846/UPDATE-Assassination-plot-against-Arroyo-bared
Realated Story:
'ZTE-NBN mess worst crisis to hit Arroyo' http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=109149
US envoy urges government to listen to public outcry; http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080214-118883/US-envoy-urges-government-to-listen-to-public-outcry -----------

Wala na bang mas credible, hindi katawa-tawa, mas kapani-paniwala na pwedeng alibi, mapagbuntungan, mapagbalingan ng Presidential Security
Command (PSG) maliban sa Al Qaeda - JI at CPP-NPA, majustified lamang, maidivert (diversionary tactics) lamang ang atensyon ng mamamayan sa harap ng lumalalang krisis pulitikal at umiinit na isyung bumabalot na maanomalya at mabahong ZTE-Broadband network?

Sa harap ng panawagang “communal action at moral revolution” ng simbahan patungkol sa mga gangster at ala-MAPIAng pamumuno't pamamalakad sa Malakanyang, sa harap ng sunud-sunod na pinaplanong kilos protesta, mag-aala GLORIETA, CONGRESS BLAST na naman tayo? Kung kamakailan lamang ay nabulilyaso ang planong pambobomba (text messages) sa Kamaynilaan at kung dati-rati'y palagiang inuugnay sa CPP-NPA, MAGDALO, mga COUP PLOTTERS, mga destabilizer na oposisyon at civil society, ngayon nama'y AL QAEDA at JEMAAH ISLAMIYAH kay Ate Glo?

Walang tangang Pinoy ang maniniwalang may asasinasyon plot kay Ate Glo ng grupong Al Qaeda. Ang pinangangambahan at kutub ng bawat Pilipino ay ang pambobombang (Kamaynilaan) isasagawa ng "dirty trick dept ng palasyo," (hindi ng Al Qaeda at JI), ipagbawal ang communal action, pandurukut sa mga aktibista at diklerasyon ng emergency rule. Ang haka-hakang asasinasyon ay gawa-gawa lamang upang makondisyon ang tao at bigyang katwiran ang matagal ng binabalak na martial law” ng Malakanyang. (Photo: State of Emergency; www.internationalviewpoint.org/local/cache-vi...)

Sino si Ate Glo upang patulan ng AL QAEDA at JEMAAH ISLAMIYA? Yagit lamang ang Pilipinas, CARE GIVER at KATULONG lamang tayo ng mundo, wala man lang tayo sa kalingkingan ng mga makasalanan at mauunlad na bansa sa mundo. Wala tayong nalalamang atraso ni Ate Glo sa mga MUSLIM. Sa katunayan, walang Pilipinong mersenaryong sundalong nasa IRAQ at AFGHANISTAN. May isang milyong mga kababayan nating OFW ang na sa Gitnang Silangan pawang mga istadong Muslim. Kaibigan natin ang mga PALESTINO, Indonesian, Malaysian, Iranian, Saudis, Libyan at higit sa lahat kaututan dila natin ang OIC - Organization of Islamic Conference. Dagdag pa, ang “Global War on Terrorism” na ikinakampanya ni Bush ay hindi gaanong naging epektibo sa Pilipinas.

Walang kadahi-dahilan, walang LOHIKANG tatargetin si Ate Glo ng Al Qaeda at JI. Mas kapani-paniwala ng mahigit isang libong beses na "kung mayroon man asasinasyon plot kay Ate Glo, taga MALAKANYANG, nasa loob ng Malakanyang, kung baga INSIDE JOB, ang may gawa nito." Pangalawa, "istilong buluk - diversionary lamang ang nasabing asasin plot. Panghuli, mas uunahin iaa-sasina ng Al Qaeda / JI ang mga pinuno ng mga bansang nasa Western Europe, UK, Germany, France, Japan, S Korea, gubyerno ng Malaysia at Singapore, si Bush ng US at ang bansang Israel.

Ang isang napakalaking TANONG, bakit pa kakailanganing iasasina ng Al Qaeda si Ate Glo kung ito'y hindi na magtatagal sa kapangyarihan, kung ito'y nasusukol na ng taumbayan, kung ito'y malapit ng magresign, bilang na ang araw at nalalapit na ang paghuhusga laban sa kanya?

Related Story:

Bishop hits Palace 'crisis management tactics' amid ZTE mess”http://www.gmanews.tv/story/80815/Bishop-hits-Palace-crisis-management-tactics-amid-ZTE-mess
'Cover-up try may lead to Arroyo downfall, prelate'warns
'
http://www.gmanews.tv/story/80807/Cover-up-try-may-lead-to-Arroyo-downfall-prelate-warns

Doy Cinco / IPD

February 14,2008

8 comments:

Taroogs said...

feeling "internationally important" na naman si GMAfia. Al-Qaeda ang gustong yumari sa kanya? Charing!!! Sino ka si Bhutto? Di oy!!! Nunal ka lang.

doy said...

Salamat "nold....

Ganun ka-BUGUK itong mga spin, itong mga operador ng Malakanyang.
Kung noon, kung makailang beses, maraming napaniniwala sa 'diversionary tactics' ng palasyo, ngayon, halos walang naniniwala, tila nahihirapan makabawi ang palasyo.
Sa darating na mga Linggo, mukhang ang nag-iisang kumikilos na si Mayor Pelayo ng Candaba ay posibleng madagdagan, aasahang magpu-full move ang ULAP; Liga ng mga Mayor at gobernador upang manghakot ng mga tao (pipol power) upang agapayan. iligtas ang kanilang padrinong papalubug na sa kumunoy at naghihingalong 'lider' ng Malakanyang.
-Doy

Anonymous said...

My brother recommended I might like this blog.

He was entirely right. This post

actually made my day. You cann't imagine simply how much time I had spent for this

info! Thanks!

Have a look at my webpage - jamp.uninetsolutions.com

Anonymous said...

I truly appreciate this post. I’ve been looking everywhere for this!
Thank goodness I found it

on Bing. You have made my day! Thanks again

Also visit my page; Property law discovery

Anonymous said...

hi!,I like your writing very much! share we communicate more about your post on AOL?
I need an expert on this area to solve my problem.
May be that's you! Looking forward to see you.

Here is my web page :: www.osu.neverboredu.com

Anonymous said...

Hello just wanted to give you a brief heads up and let you know a
few of the

pictures aren't loading properly. I'm not
sure why but I think its a linking issue. I've tried it in

two different internet browsers and both show the same results.

Also visit my weblog; http://www.adfty.net/

Anonymous said...

advertising

Visit my blog: http://www.gloriouslinks.com/Travel/see-the-things-has-reached-costa-blanca-spain-silktide

Anonymous said...

I have been browsing online more than three hours today, yet I never found any interesting
article

like yours. It is pretty worth enough for me. In my opinion, if all site

owners and bloggers made good content as you did, the internet will be
a

lot more useful than ever before.

my blog post - 10 day weather forecast uxbridge