Wednesday, February 20, 2008

“People Power,” ikakasa para kay Ate Glo

Sa pag-aakalang kaya pang isalba ang palubog na bangkang papel, sariling version ng "people power" ang ikakasa ng Malakanyang. Mukhang nasa war footing at walang planong magRESIGN si Ate Glo. Alalahaning nakahanda at "may sapat na bilyong pisong (P5.0 bilyon) warchest ang Malakanyang sa lahat ng larangan ng labanan, maipakitang malakas pa, maayos at (strong republic) matatag pa, may suporta pa ng taumbayan," mailigtas lang ang sarili at hindi matulad sa kinasadlakan ni Marcos at Erap Estrada.

Tulad ng inaasahan, ilang araw mula ngayon, magsagawa ito ng isang malawakang “consultative dialogue” sa buong kapuluan. Sa temang tinatawag na, “Advancing Democracy and Economic Growth,” bilang show of force, isang malakihan "hakutan cum mobilisasyon-PEOPLE POWER" ang ikakasa ng Malakanyang sa kumpas ng masugid at battle tested na operador na si Sec Atty Ed Pamintuan, dating General Manager ng National Housing Authority (NHA), pinuno ng Office of the External Affairs ng palasyo. Kasama sa proyekto si Sec Puno ng Department of Interior for Local Govt (DILG), ang League of Province of the Philippines (ULAP/LPP), mga Liga ng mga Local Government Units, mga NGOs at ilang sektor ng simbahang malapit sa palasyo, mabalanse't maka-opensiba lamang sa propaganda ang Malakanyang.

Ang nakakalungkot, imbis na agapayan si Gov Evardone ng Eastern Samar, bigyan ng suporta't tulong ang mga nasasalanta ng baha't kalamidad sa Samar,Leyte at Albay, catanduanes, pamumulitika, pipol power, political survival ang inuuna ng Malakanyang. (Photo: LPP;
www.lpp.gov.ph)

Bagamat hindi gaanong bumenta, unang umarangkada sa iskimang PROP war ang grupong tinatawag na “Kongreso ng Mamamayan.” Sa isang pahinang manipestong inilabas nito sa mga malalaking broad dailies at tabloids (media), “sinabing isang demonyo, taksil at hindi bayani, isang luko-luko, dorobo't magnanakaw, pakana't bayaran ng mga pulitiko si Jun Lozada. Sa kabilang banda, pinalalabas na isang huwaran, nasa tamang direksyon, walang kurakot at katiwalian, diyos at anghel ang gubyernong Arroyo at ang tanging hangarin lamang ni Lozada ay iterrorized, i-destabilized at pabagsakin ang lehitimong pamahalaang daw ni Ate Glo Arroyo."

Habang ginagapang at hinahati ng Malakanyang ang civil society organizations at simbahan, ihiwalay sa mga grupong nananawagan ng “communal action at people power,” ang linyang “chismis lamang, haka-haka, pawang kasinungalingan, walang basehan, unfair at innuendos ang CBCP ay nagpapatuloy. Binuhay muli ang "separation ng simbahan at estado" at mukhang aabot sa takutang singilin muli sa buwis ang mga ari-arian ng simbahan.


Kapansin-pansin ang linyang “hindi pa napapanahon, imposibleng mangyari't maulit muli ang isang panibagong pipol power,” “hindi aabot sa critical mass o ang mga elemento para sa isang people power revolution,” habang minamaliit nito ang kakayahan ng CBCP at civil society na pamunuan ang nasabing “communal action” at habang naka-in place ang makalumang (olds school) estratehiyang devide and rule tactics, nasa panic mode at paranoya ang Malakanyang.


Nakatakdang buuin ang “National Reform Council” bilang pantapat sa isinusulong na “truth, accountability at moral revolution” ng mga kritiko ng Malakanyang. Ayon sa ilang source, kung 'di si Romulo Neri (ang nagsabing demonyo si Ate Glo), si Sec Ermita ang napipisil na mamumuno sa Konseho. Sa katunayan, may ilan kilalang civil society personalities (middle forces) ang ipinatawag at kinakausap ni Ate Glo upang i-accomodate ang ilang demands, concession, adbokasiyang ireporma ang gubyerno. Tignan mo nga naman ang nagagawa ng isang Ate Glo na naisasadlak sa political survival mode, lahat na lamang ng kahilingang kayang ibigay ay ibibigay, tumagal lang sa trono.
Ang malaking tanong ay kung talaga nga bang sinsero ito sa popular na panawagang “reporma sa pulitika at halalan?”
Kaya lang, "huli na ang lahat."

Doy / IPD
February 20, 2008

No comments: