Kaya lang, sa iba, kung “practical politics” at "survival mode" ang pag-uusapan, meaning sa level ng mga pulitiko at TRAPO politics, accidentally, lalabas na isang bayani, isang aktibista, isang militante si JDV. Sapagkat, tulad ni Gov Chabit Singson, inilantad nito ang karumal-dumal na katiwalian, ang immoralidad, ang mala MAFIA na klase ng organisasyon ng gubyernong pinatakbo ng dating Presidenteng si Erap Estrada. Tulad ni Chabit, dahil isang insider, inner circle at kaututang dila ang presidente, siento porsientong totoo't paniniwalaan ito ng marami.
Kung isasarado na ni JVD ang pinto ng pakikipagcashundo sa Malakanyang at tahasang ilalantad nito ang mahigit walong taong talamak na “katiwalian, everything is for sale, bribery at pangungurakot” sa ilalim ng panunungkulan ni Ate Glo, buksan nito ang mga nakabinbin na kaliwa't kanang mga iskandalo, ang mga nakatagong isyung bumabalot sa katayuan ni Ate Glo nung kasagsagan ng krisis, lalong lalo na ang kanyang mga binitiwang maaanghang na pananalita sa kanyang pagtayo sa plenaryo kagabi;
1. Ang kanyang nalalamang ditalye sa kung paano minaniubra ang resulta ng 2004 elections, ang katagang “yung dagdag, yung dagdag na 1 million,” kung paano tinamper ang resulta ng 2004 presidential election. Kung matatandaan, nagkaroon ng witching sa mga balotang inilagak sa Kongreso.
2. Kung paano ginamit ni ate Glo ang bilyong pisong ROAD USER'S TAX bilang panuhol at pagsustini sa poder ng kapangyarihan.
3. Ang garapal na pagkontrol at distribution ni Ate Glo ng pork barrel sa Kongreso, sa mga mambabatas (SARO at NCA - Notice of Cash Allowance). Ayon sa kanya, "We have to beg the President of the Philippines for our share of public works in order that we could build our irrigation systems and clinics and airports and mass housing and little hospitals and medicines for our people." Ang malungkot, anya, para ibigay ang pork barrel sa isang Congressman, kailangang mo munang mamalimus, kailagang pang dumaan at magmano sa dalawang anak nitong si Cong Mikey Arroyo ng Pampanga at Datu arroyo ng Camarines Sur at makiparte pa ang dalawa sa kalakarang komisyon o kickback.
4. Ang operador at bag man nitong businessman na si Ricky Razon, ang manipulador, ang may kontrol ng pork barrel ng Kongreso, may hawak ng road users’ tax at may hawak ng mga proyekto ng Malakanyang. Si Razon na hindi naman hinalal ng bayan ang siyang makapangyarihang katuwang ni Ate Glo sa kusina ng palasyo.”
5. Ang maanomalyang 25-year concession contract sa National Transmission Co. (Transco) na nai-award sa kumpanyang Monte Oro consortium na pag-aari ng negosyanteng malapit kay Ate Glo na si Enrique Razon Jr., chairman ng International Container Services Inc. Kung matatandaan, si Razon ang umaktong Finance Officer sa administration's Team Unity nuong nakaraang May midterm senatorial elections. Si Razon, ayon kay Joey de Venecia, ang tinukoy na katuwang ng Unang Ginoo't tanging esposong si Mike Arroyo na nakatanggap ng $70.0 million suhol kung maaaprubahan ang mabaho at maanomalyang kontratang $329-million broadband deal with China's ZTE Corp.
Dagdag pa ni JDV, “kasabwat din sa kickback ng Transco deal ang kapatid nitong si Diosdado “Buboy” Macapagal Jr. ang partner ni Razon sa kumpanyang Monte Oro.
6. Ang diumanong tanggkang asasinasyon ng tatlong kilalang Heneral sa kanya at sa kanyang anak na si Joey.
Kahit paano, isang malaking dagok sa kapanatagan ni Ate Glo ang pagtsugi kay JDV. Kung seseryosohin ni JDV na willing siyang tumulong sa ikakasang mga inbestigasyon sa hinaharap, nagdedelikading ang Malakanyang. Hindi pa nating pina-factor in dito ang “lame duck, sitting duck" isyu kay Ate Glo sa susunod na isang taon (1 year) hanggang 2010 presidential election.
Ang isang posibleng senaryo, kung titindi ang bangayang pulitika ni JDV at pamilyang Arroyo, baka mauwi ito sa muling pagsasalang ng impeachment sa loob ng 3 hanggang limang buwan? Kung maaabot ang inaasam-asam na numero, halimbawa'y sa bilang na 50 + na nag NO at nag-abstain sa botohan kagabi at kung kayang doblehin sa pamamagitan ng pakikipagtuwang sa oposisyon at kay Sen. Manny Villar. Kasama sa nag NO ang may bahay ni Sen Manny Villar na si Rep Cynthia Villar. Kung maiplaplantsa ang political partnership ni JDV sa presidentiable na si Sen Manny Villar, hindi malayong maiproyektong muling buksan ang impeachment proceeding sa Kongreso't Senado. Ang isang hanging question na lamang ay kung kaya bang makalap ni Villar ang 2/3 votes sa Senado sapagkat ang ibang presidentiable ay piyadong papalag, lalong-lalo na ang grupo ni Sen Mar Roxas ng Liberal Party.
Sa bahagi ni Ate Glo, bukud sa pagiging lameduck-sitting duck at 'di pa rin nakakabawi sa latay, dagok na ibinuking na ZTE-Broadband scam ay atat na atat na durugin ang ang lahat ng balakid, sagka, asungot at makukulit sa Kamara at sa lokal (LGUs). Sa pagsisikap na muling makontrol ang Kongreso, maikonsolida ang kapangyarihang politikal sa gubyerno, hirap itong mailatag ang balaking cha cha, Ultimo ang bagong upong Speaker na si Nograles na nagmamayabang na isusulong daw niya sa Kamara ang inaasam-asam na reporma ay walang dudang mihirapan kung paano maiimplement ang re-organization at kung paano pagbigyan ang lahat ng barkada. Hindi maiiwasang magrambulan na parang asong ulol na pag-agawan ng mga alipores mi Ate Glo ang mga mahahalagang Komite lalo na sa Appropriation, sa Commission on Appointment at sa iba pang komiteng may money involved at may kickback.
Para kay JDV, mula sa posturang nasa “war footing” mode sa vote of confidence kagabi, sa itinatakbo ng mga pangyayari, mukhang lumalambot, mukhang patungo sa pagbabati't areglo ang direksyon. Ayon sa huling balita, wala siyang planong lisanin ang partidong Lakas-CMD, “wala siyang planong pumaloob sa oposisyon, lalong-lalo na sa grupo nila Erap Estrada at “kung magpapatupad ng magagandang programa si Ate Glo, kanya itong susuportahan.” Dagdag pa, "hindi raw siya makikilahok upang ma-destabilized si Ate Glo at Malakanyang. Nilinaw niyang hindi siya makikisali sa pagpapabagsak (extra-constitutional) ng Malakanyang lalong-lalo na kay Ate Glo.”
Bilang patunay, siya pa ang nag-appoint kay Cong Nograles bilang Speaker of the House, at ang kengkoy pa rito posibleng ang kapalit ay ang inaasahan ibibigay ni Nograles ang Majority Floor Leaders kay JDV, kung baga, give and take, nagkarelyebuhan lang pala ang dalawa. (Photo:New Speaker Prospero Nograles is joined by Pampanga Rep. Mikey Arroyo prior to the start of sessions at the House of Representatives yesterday. Photo by BOY
Fluid ang lagay ng pulitika at kung aasahan nating magpapakabayani si JDV, 'wag na tayong umasa, sapagkat ang kasaysayan na ang mkakapagsabi na hindi "reliable sources" ang TRAPO politics sa ating bansa.
Doy Cinco /IPD
February 5, 2008
1 Comment
- Taroogs said...
2 comments:
pareng doy, kung ano man ang mga isisiwalat ni jdv, at ke sincere pa ang pagsiwalat na ito o dahil nandadamay lang, tingin ko ay indictment iyon sa kanilang lahat (trapos)... dahil sa kanilang mga kalokohan kaya nagkandaletse-letse ang pulitika ng Pilipinas.
Salamat.
Tama ka diyan...Ang pinakamaganda rito, hayaan natin silang mga dorobo/elite magrambulan. Kahit paano, malaking tulong ang isasagawang pagsisiwalat ni JDV ng mga pangungurakot ng pamilya, ng ehekutibo sa halos anim na taong nasa poder at kapangyarihan.
-Doy
Post a Comment