"'WAG UMASA, WAG MAGDIKTA at higit sa lahat WAG IMPOSING! Hayaaan nating mag-evolved, dahan-dahang mamulat ang bawat tao, ang mamamayan, kasama na rin ang mga Obispo. Bakit sa CBCP lang tayo nakatingin, bakit walang pumapansin sa Iglesia ni Kristo (INK), sa El Shaddai, sa oportunistang position ng US Government kay Ate Glo? Bakit hindi natin singilin ang ating mga “hinalal”na mga pulitiko, ang ating Barangay Captain, ang ating Mayor, ang ating mga Kinatawan sa Tongreso (Congressman)?" (Photo: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=110482)
Inaasahan na ng marami na hinding-hindi guguhit, pupusturang aktibista, militante at manawagang “Oust GMA” ang CBCP. Malayong-malayo at hindi birong magkaiba ang sitwasyon ng CBCP kung ikukumpara sa Bayan Muna, ANAKPAWIS, sa Akbayan, sa MAGDALO at Laban ng Masa. Dagdag pa, kung madalas nating maikumpara si Cardinal Sin sa mga Obispo sa kasalukuyan (PAGCOR factor), iba ang konteksto noong 1970s, nung panahon ng diktaduryang Marcos at ang pag-aalsa noong 2001. Marami ang naniniwala na "may malaking kahinaan ang dalawang pag-aalsang naganap sa Edsa at mukhang napagtuunan lamang nito ang pagpapalit ng mukha/tao at hindi ang pagbabago ng buluk na sistema na siyang pabrika at pinanggagalingan ng katiwalian at karalitaan tinatamasa ng country. "
Para sa akin, sa konteksto ngayon, malaking bagay na rin ang panawagang “communal action” ng CBCP. Maaring ito na ang pinakamataas na anyo ng panawagang kayang ibigay, ibato ng simbahan sa harap ng lumalalalang krisis ng paggugubyerno sa bansa.
Maliwanag naman sa lahat, nagkakaisa naman ang lahat na ang kahulugan ng “communal action ay pagkilos na communal, sama-samang pagkilos para sa pagbabago, commune, ika nga, kahit paano, isa itong political action.” Sa "layuning maibalik ang pagtitiwala, good governance at higit pang palakasin ang tinatawag na responsableng mamamayan, sa panimula, maaaring “communal prayer at soul searching, pray together, magdecide o mag-act together, patungo sa tinatawag nating pagpapataas ng kamulatan, pagtuklas ng MUKHA'T ALTERNATIBO.”
Walang dudang nasaktan ang Malakanyang sa panawagang “communal action” ng CBCP at walang ibang tinutukoy at pinapantungkulan ito kundi ang imoralidad, ang kabulukan ng GMA administration at ang paraan kung paano ito mareresolba, sa abot kaya ng inabot na kamalayan ng simbahan ay sa pamamagitan ng "communal action."
Sa bagong position ng CBCP, walang ibang matutuwa't makikinabang dito kundi ang institusyon ng Senado, ang tumatayo sa ngayon at nag-iisang may kumpiyansa't pagtitiwala ang mamamayan. Sapagkat, winawarat ng mga alipores ng Malakanyang ang credibility ng Senado sa alegasyon "destabilization at hindi in-AID of legislation" ang mga Senate investigation. Sa paninindigan at paghahanap ng katotohanan ng CBCP, sa "panawagang pagbubuwag ng EO 464 at panawagang hindi dapat pagbawalan ni Ate Glo ang kanyang subordinates na magsabi ng katotohanan hinggil sa nalalaman sa katiwalian lalo na sa mainit na usaping broadband scandal, mukhang pinalalakas nito ang institusyon ng Senado na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang mapalabas ang katotohanan at accountability.”
Sa bagong mga kaganapan, back to basic ang labanan; mag-organisa't magmulat ng ating mga pamayanan, sa ating komunidad, sa ating mga kapit-bahayan, sa mga PAROKYA'T mga kapamilya, kamag-anakan sa totoong lagay ng estado, kabulukan ng pulitika at lipunang ginagalawan. Kung babalikan ang kasaysayan, hindi ang Simbahan ang namuno sa ilang dosenang PAG-AALSA at REBOLUSYON nuong 1896 (maliban kina GOMBURZA). Ang taumbayan, ang mga KATIPUNEROS, si Bonifacio, si Rizal, Mabini, si Tandang Sora at sila SAKAY ang nagpa-alab ng himagsikan laban sa mananakop at mapagsamantala.
Pasalamat tayo at hindi naging sagad-saring PRO-GMA ang CBCP at hindi nito kinastigo ang panawagang 'OUST GMA CAMPAIGN” ng maraming sector.
Doy / IPD
February 27, 2008
Related Story:
CBCP pastoral letter does not discourage protests vs Arroyo
While it does not call for President Gloria Macapagal Arroyo's resignation, the Catholic Bishops Conference of the Philippines' (CBCP) latest pastoral letter is not discouraging protests against her either, a bishop said.
http://www.gmanews.tv/story/82386/CBCP-pastoral-letter-does-not-discourage-protests-vs-Arroyo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment