Friday, September 12, 2008

2010 presidentiables, magkakabalahibo

Doy Cinco / Setyembre 13, 2008

"Masyadong u
miinit at napaka-aga ang preperasyon sa 2010 ng mga nagnanais makaagaw ng poder sa Malakanyang." Kung susundin ang mga pandisiplinang electoral na operator, "ito na ang tamang panahon (1 1/2 years pre-campaign period) upang makapaghanda o makaungos sa nalalapit na 2010." Kung sa bagay, wasto lamang ito kung makakatulong sa pagpapataas ng kamulatan o voter's education ng mga kabataan at botanteng Pilipino. Kaya lang, imbis na atupagin muna ang gulo at trahedya sa Mindanao, mga repormang hinihingi't ipinangako ng mga ito nuong 2004 at 2007 election, mas naitutuon sa pamumulitika at makinarya ang pinapriority.

Kung “bilib na bilib ang marami” sa
kasusubaybay ng electoral campaign sa pagitan ni Obama at Cain/Palin sa Amerika, kinakabahan naman ang lahat sa madilim na senaryong kahihinatnan ng election sa 2010 sa Pilipinas. Ang hindi napansin ng mga kababayan natin, mukhang malapit ng magkaroon ng gubyerno sa Thailand, Malaysia at Pakistan.

Sa kabila ng patuloy na hindi humuhupang krisis pulitikal, ang impassed, ang political uncertainty, ang patuloy na gapangan ng bawat isa at bawat kalahok, lalong lumilinaw sa mamamayan na parang zarzuela na naman ang 2010 election. Ang isang sigurado, tiyak na matutuloy ang 2010 at lahat sila ay nasa “awareness campaign, political visibilities, pagpapakilala o name recall, nasa pagbubuo ng poltiical machin
eries, nasa pangangalap, pag-iipon ng lohistika at bilyong (P10.0 B) pisong pondo."

Matapos ang sunud-sunud na nakukuhang parangal sa kagitingan ng institusyon ng Senado na kanyang pinumunuan, mataas na acceptance o kredibilidad at pangunguna sa mga electoral survey, matapos "makabig ang dating Speaker na si Joe de Vanecia (Lakas faction) at ilang padrinong handang magbigay ng pondo para sa kanyang kampanya;" Enrique Razon, Lucio Tan, Henry Sy, Danding Cojuangco at iba pang posibleng sumasanib na pulitiko, "dahil lamang sa maanomalyang proyektong C5, biglang dumausdos, lumagapak at parang kandilang natunaw si Sen Manny Villar sa paningin ng tao." (Photo: www.abs-cbnnews.com/.../20080508_presidents.jpg)

Matapos ma-involved sa "double entry-insertion o ang paningit" ng pondong gagamitin sa C5 road extension projects, hindi na ito nagkaugaga sa kapapalusot, ka-aalibi at pagtuturuan kung sino ang tunay na salarin at nangurakot ng mahigit P200.0 milyong piso. Ang persepsyon ng marami, matagal ng kalakaran sa Kongreso at Senado ang ganitong klaseng katiwalian; ang pangungupit, insertion-paniningit, ang makadiskarte-SOP ng bilyong pisong pork barrel na tangan nito.

Hindi rin nakaligtas si Sen Loren Legarda, Ping Lacson at si Chiz Escudero ng ito'y kastiguhin ng kasamahan sa maagang pag-gagrand standing, name recall billboard at pamumulitika. Ang pananamantala sa kasong “kidnapping kay Ces Drilon,” kaliwa't-kanang exposay at paggamit ng resources ng gubyerno para sa preperasyon at political campaign Ad, tulad (pabahay at PAG-IBIG) ni Vice President Noli de Castro para sa 2010.

Bagamat consistent sa pangunguna sa electoral survey, walang partido o ayaw pumailalim sa partido, ampaw ang political machinery at walang malinaw na resources at pondo si VP Noli de Castro. Hindi lang oportunista, parang HUNYANGO, hindi klaro kung ito'y maka-administrasyon o oposisyon. Kung kaya't hindi rin maliwanag kung bibitbitin ito ng administrasyon, ng Lakas-CMD, Kampi o ng oposisyon at malamang sa hindi, aasa ito sa market votes na sa panahon ngayon ay hindi riable na asahan.

Nananantya rin ang dating presidenteng si Erap na makabalik sa poder. Ang kanyang “caravan na pasasalamat sa mamamayan at ang pamumudmud” ay pinaghihinalaang maagang campaign sorties sa buong kapuluan. Maliban sa unpopular at bluder na posisyong “utak pulbura” sa gera sa Mindanao, nagbabala ito na kung hindi magkakaisa ang oposisyon (single ticket), "kung pahihintuluttan, baka raw siya maubligang tumakbo.” Ang tingin ng iba, decoy at mukhang si Jinggoy talaga ang balak i-bargain nito sa pagka Vice President.

Patuloy na nasa kulelat at hindi maka-angat-angat sa pwesto sa mga survey si Sen Mar Roxas. Sabihin man natin na isa siya sa nagdadala ng plataporma de gubyerno, hindi garantiya ito sa botanteng Pinoy upang ika'y kargahin hanggang kampanya. Ang maagang pagpaparandam at preperasyon y nagresulta ng ibayong internal crisis at pagkakawatak-watak sa partidong Liberal. Sumabog ang maagang pagbubuo ng campaign machinery at hanggang sa ngayon ay hirap at hindi na nakarecover.

Nanatiling walang mapiling manok ang administrasyon sa 2010. Patuloy na lumalala ang hidwaan ng KAMPI at LAKAS-CMD sa Kongreso at sa mga lokal na ehekutibo sa buong kapuluan. Ang katawa-tawa, nagpipilit at maagang nagpiprisinta si Bayani Fernando ng MMDA na siya na ang dalhin bilang standard bearer ng LAKAS-CMD kahit umaalingaw-ngaw ang bansag sa kanyang “pasista, berdugo ng maralitang tagalunsod at sidewalk vendor."
Ano man klaseng pangangampanya at panggagapang, estratehiyang bill board at sticker, mukhang hindi tumatalab, hindi epektibo at lalong inilulubog lamang ito sa kamunoy ng kasaysayan. Ang problema, walang gagong tongresman sa Lakas at Kampi ang magpapatiwakal na i-endorso si Bayani Fernando. Mas kapani-paniwalang mas tataya ang mga ito sa mga llamado, may winning chance at magsisipaglundagan sa kabilang bakod.

Habang kasabay na niraratsada ang Cha Cha, imiinit ang balitang ikukudeta si Speaker Nograles at ilang kongresman na malapit sa dating Speaker Joe de Venecia na nagpaplanong muling buksan ang “GMA impeachment sa mababang kapulungan." Sa dami ng lumulutang na espekulasyong pulitikal, may nagsasabing baka maunahan ito ng extra-constitutional na labanang pulitikal, ang pagsasabuhay ng cha cha, ang pagpapalit ng sistema ng paggugubyerno, diklerasyon ng emergency rule offshoot sa kaguluhan at gerang nagaganap sa Mindanao.

Habang parang talangkang nagsisikuhan at nagtatrayduran, pingangambahang mas magastos, mas masahol pa sa kabulukan, kaguluhan at dayaan ang 2010 election kaysa sa 2004 at 2007 election. Sa ganitong pangamba ng taumbayan, wala man lang mga pagsisikap at inisyatiba ang Kongreso't Senado na "makapagpapabago at makapagsasa-reporma ng sistema ng pulitika at eleksyon; tulad ng pagpapalakas ng political party, ang talamak na turncoatism, campaign finance, election conduct at higit sa lahat ang pagsasa-overhaul at pag-aaayos ng Comelec, ang punong abala sa election at institusyong na hanggang ngayon ay hindi pinagkakatiwalaan ng mamamayan."

Ang isang tanong, wala na bang "ALTERNATIVE, inaasahan magkaroon man lang ng isang aktibistang pangulo at may buto sa gulugod," mga senaryong ala Bolivia, Paraguay, Brazil o Venezuela? Ang nakakalungkot, kakaiba talaga ang Pilipinas, wala ng ngang tunay na partido pulitikal, mga TRAPO, lahat sila pare-pareho, MAGKAKABALAHIBO.

7 comments:

pinoygambit said...

alam mo doy marami sating mga pilipino ang talagang naghahanap na pagbabago sa bansa nating ito..ako man talagang inip na makamtan yon..

doy said...

salamat sa comment P're. Sana magkatotoo yung panawagan ng 5 Bishops na radical at reform change sa pulitika, ekonomya at panlipunan at ngayon na mismo...

Anonymous said...

And while investigators say the murder victim is linked to a "feud," they are
not sharing the details about that part of the investigation.

Make sure that you don't end up with a look of patches by checking to see that the glitter falls all the way around the edges of a newly-painted area. Flawless Flooring's polished concrete floor product boasts durability
and decorative seamless surfaces made mainly from epoxy and polyurethane materials.

Anonymous said...

One of her most popular products are her organic vegetable seedlings, especially the tomatoes,
which are cool-weather varieties that do well on California's foggy Central Coast. Native plants or at least plants adapted to similar conditions as your region will have a better chance of growing and thriving. Each has his own concoction of soapy water, tobacco juice or hot pepper solutions to to deter these nasty pests and try those first.

Feel free to visit my web-site: orientalist

Anonymous said...

Much of the Christmas celebration actually begins in the last week leading up to Christmas and this is the time that the event s joined by those taken flights to Egypt
from UK and other places. The lead character of Dumm's strip was a male, whereas Messick's lead character was female.

Among Pakistan newspapers, the best-studied papers are not always those from the nation's capital. Do you have any of your own experiences to share with readers from all over the Christian community. Finer threads usually result in a much smoother and softer fabric.

Here is my website: egyptian newspapers

Anonymous said...

This could cause them to grow less, flower less, and maybe even
die. Place organic kitchen waste, as well as yard waste such as grass clippings, leaves,
and the like into a compost bin. Sure, you had your occasional exception
that stupidly borrowed from the local loan shark, but most learned to live on less.


Visit my site; mulching

Flat Roofing Contractors Springfield said...

Hi, great reading your post