Saturday, September 20, 2008

Kung nasa ICU ang US, cancer ang tama sa Pilipinas

Doy Cinco
Sept 21, 2008

Hindi ko lang alam kung hanggang kailan makakabangon, kung kaya pang isalba (bailout plan) ng US federal government, iba pang mga Bangko Central ang bangkaroteng lagay ng ekonomya ng US, "pagtagilid ng global economy at sistemang Kapitalista ng mundo." Sa nangyayaring financial crisis, parang nawalan na ng mukha, kumpyansa, kredibilidad ang matagal ng “modelong pang-kaunlarang” ginagamit na capital at free market economy ang mundo.

Sa pagbagsak ng stock market at pagkalugi ng malalaki at kilalang institusyong pananalapi sa mundo - Merrill Lynch, Lehman Brothers, ang insurance giant AIG, Fannie Mae, Freddie Mac at investment bank Bear Stearns, sinasabing ito na ang pinakamatinding dagok na tumama sa Global Kapital mula pa nung unang nakalasap ito ng "The Great Depression” noong 1929 hanggang 1930.

Kung sinasabing "naghihingalo na ang kilusang Kaliwa sa mundo, marami ang n
aniniwala na ang pwersang maka-Kanan, ang pandaigdigang kapitalismo at neo-liberalismo ay nasa bingit na rin ng kamatayan,” Ang tanong ng marami, " lalakas o makakabawi pa ba ule ang mga Estado at mamamayan at muling maibabalik ang pagtitiwala ng isang malakas at aktibistang gubyerno sa mundo?"

Dahil nakasandig ang ekonomya sa US at sa iba pang mga mauunlad na Kapitalistang Bansa, directly o indirectly, apektado ang Pilipinas. Ang sabi ng iba, bukud sa titindi ang "internal conflict," hihina ang "negosyo, konsumo, bentahan at maraming mababangkaroteng negosyo at dahil dito, milyong Pinoy ang magugutom, mamamatay na sanggol, dadami ang prostitusyon, milyong manggagawa ang mawawalan ng trabaho at malamang manguluntoy ang dollar remitances na ipinadadala mula sa mga OFW at migranteng Pinoy sa ibayong dagat." Kung baga, kung "nasa ICU (intensive care unit) ang US economy, nasa taning na o may malubhang CANCER ang bansang Pilipinas."

Alalahaning may 7 bangko sa Pilipinas,
hindi pa kasama rito ang hinalang pati ang GSIS ($1.0 billion?) at SSS, ang nagoyong nagpasok (exposure) ng mahigit $360.0 milyon o P15.0 bilyong sa mga financial institution sa US. Kahit pa sabihin ng Malakanyang at local corporate elite na "HUWAG magPANIC, wag mag-withdraw ng pera sa mga bangko, i-atras na ang mga Seguro, Pension, pre-need-companies na nasimulan ng hinuhulug-hulugan ng Pinoy middle class, "may maniwala kaya?"

Pangalawa; sinasabing "hindi raw gaanong maapektuhan ang Pilipinas dahil daw wala pa sa 2% ang exposure ng ating mga local financial institution sa Amerika?" Tanga pala kayo! Walang dudang lahat ng bansa sa mundo (South Korea, Japan, European countries) ay maaring may ganoong din level na porsientong exposure (2%) sa US, kaya lang ang katumbas ng 2% exposure sa local bank ng Japan ay malamang nasa $20.0-100.0 billion; ang katumbas na 2% sa Switzerland banks duon ay $100.0 billion? Kaya't ang 2% exposure sa Pilipinas ($400.0 million) ay lubhang napakalaki at tiyakang maka-aapekto sa galaw at katatagan ng financial institution sa bansa.

Ang lesson at reality, "hindi pala monopolyo ng mga gubyerno ang pangungulimbat, katiwalian at pangungurakot sa mundo. Kung baga, mas demonyo, mas buwaya at mas matakaw ng ilang ulit itong mga dambuhalang corporate ELITE ng mga pribadong sektor, ng mga financial institutions at sistemang Kapitalismo sa kabuuan."
Kaya lang, ano ang paki ng mga maralita sa naghihingalong lagay ng KAPITAL sa mundo? Matagal ng nasa krisis, tambay sa kanto at amuyong sa lipunang buluk ang mga Pilipino.

"Ano ang bago," magpapatuloy ang pangungurakot sa gubyerno at pagiging busabos ng Pilipino sa mga dayuhan. Patuloy na tatangkilikin ang McDo, KFC, Starbucks, bumebenta ang Japanese, Korean Car at Made in China na nagtataglay ng American at European signature. Nandiyan pa rin ang Caltex/Chevron, Shell at Petron. Magpapatuloy na panuurin ang mga pelikulang Holywood at higit sa lahat, "magsasalita pa rin ng ENGLISH (carabao nga lang) ang mga Pilipino," magpapatuloy ang kapit sa patalim o ang migration ng Pinoy middle class sa US, Europa, Canada, Australia at New Zealand.

“Matira ang matibay ika nga at ang pagsuway sa batas ay maaaring isa ring anyo ng pasibong pagtutol sa buluk na sistema.”Halimbawa; paano makapagbenta ng illigal na droga, maging Kabo at tagapagpataya ng weteng, mashiao at ibugaw ang kakilalang kabataang babae sa mga manyakis? Mang-akyat ng bahay sa mga villages, mangholdup ng mga pasahero sa jeep, Taxi at bus, mandukot, magnakaw ng side mirror, plaka o gulong ng mamahaling sasakyan, makapang-agaw ng cell phone, lady's bag at Lap Top sa likod ng nakaparadang bagong Honda, mang-agaw ng motorsiklo, mang-hijack ng SUV at makapag-BANK robbery. (Photo: maralitang lunsod, (Photo:http://cache.daylife.com/imageserve/07iz2nYg9wgeJ/610x.jpg)

Sabi ng iba, “kung sinipon ang US, pyumonya ang katumbas na tama sa Pilipinas,” para sa mga kritiko, "nasa malubhang kalagayan, nasa ICU ang US, samantalang matagal ng nasa malubhang cancer, nailibing na ng buhay ang puso't kaluluwa ng bansang Pilipinas."

Related Story:
Etta to GSIS: Come clean on GIP
by Jonathan Mayuga

Correspondent
http://www.businessmirror.com.ph/09242008/headlines04.html

Will This Gigantic Bailout Work?
by Sean O’Grady
http://www.countercurrents.org/ogrady200908.htm

Only a Roosevelt-Scale Counterrevolution Can Prevent Great Depression II By Robert Kuttner,
The American Prospect.

http://www.alternet.org/workplace/99241/only_a_roosevelt-scale_counterrevolution_can_prevent_great_depression_ii/

2 comments:

smysath said...

déménagé ici Dolabuy Hermes vous pouvez les essayer Dolabuy Fendi pourquoi ne pas en savoir plus dolabuy hermes

seannee said...

find more Full Article you could try this out dolabuy ysl hop over to this web-site have a peek at this website