September 25, 2008
Mukhang manhid na’t allergic na ang mga tao sa mga Executive Orders (EOs). Maganda man ang instensyon ng KAUTUSAN, kung kabalintunan ang persepsyon ng tao, may pagdududa’t agam-agam at may credibility problem, nawawalan ito ng merito. Kahit paulit-ulit na total denial, pagpapaliwanag na hanggang 2010 lang si GMA, parang walang naniniwala. Baka dulot ito ng kapraningan, ang pagiging kontrabida ng magkabilang panig o masyado ng irrelevant ang isyu, kaya tuloy wala ng pumapansin sa mga opinion? Inperaness sa palasyo, dahil sapat na ang taglay na kapangyarihan, baka hindi na talaga kailangan ni GMA ang Martial Law, cha cha at term extension? Kaya lang, ano man ang uncertainty sa pulitika, ang sigurado, matutuloy ang 2010 election. (Photo above: bp1.blogger.com/.../
Itong nakaraang buwan (Agosto), habang abala ang marami sa isyu ng peace process, MOA-AD, pagsiklab ng gera sa Mindanao, pagbulusok ng presyo ng bilihin, panukalang reproductive health at walang patumanggang katiwalian sa gubyerno, isang kakaibang direktiba o Executive Order (EO 739) ang isinagawa ni GMA. Kaliwa’t kanang negatibong reaksyon ang agad sumambulat sa mga dati ng matataas na opisyal ng gubyerno, kritiko ng palasyo at grupong civil society.
Sa alituntuning nakasaad sa EO 739, "ire-re-organisa raw nito ang peace and onder council (National Peace and Order Council - NPOC) sa buong kapuluan, mula nasyunal, regional, provincial, city hangang antas municipal. Layon daw nitong tapusin ang deka-dekadang usaping insureksyon at mag move on na ang bansa sa inaasam-asam na first world country."
Tulad ng NSC, ang National Peace and Order Council (NPOC) ay pamumunuan ng Secretary ng Department of Local Government na si Ronnie Puno. Bubuuin ito ng Director General of the National Security Council; the Executive Secretary; the Secretary of Foreign Affairs; the Secretary of National Defense; the Secretary of Justice; the Press Secretary; the Chairman of the Dangerous Drugs Board; the Presidential Adviser sa Peace Process; the Director-General ng Presidential Management Staff; at Director-General ng Philippine Information Agency (PIA).
Kasama rin sa NPOC ang pamunuan ng Presidential Anti-Graft Commission; Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines; Chief of the Philippine National Police; Director ng Bureau of Investigation. Dagdag pa ang tatlong (3) kinatawan mula sa pribadong sektor na ia-appoint ni GMA. Maliban sa pagbabago ng composition ng konseho, ang DILG ang siyang tatayong bagong secretariat (Kalihiman) ng NPOC at ito’y pamumunuan ni Sec Puno. Mukhang seryoso, malawak ang saklaw at komprehensibo ang scope ng kapangyarihan. Kung magkakaganito, ang "political settlement options," tulad sa kaso ng Nepal, maraming bansa sa Latin American countries ay tila sarado na sa Malakanyang.
DILG Sec Ronnie Puno
Si Sec Puno ang pinaka-pinagkakatiwalaan cabinet official ni GMA. Kung may dynamics o faction man sa loob ng Malakanyang, ang grupo ni Puno ang isa sa pinakamasugit na nabibigyan prioridad sa masasalimuot na gawain ng Malakanyang. (Photo: www.abs-cbnnews.com/.
Ayon sa mga kritiko, "hindi maitatatwang isang hunyango, madaling magpalit ng kulay, baligtarin at oportunista si Puno. Sa katunayan, nanilbihan ito sa halos apat (4) na presidente ng Pilipinas, mula kay Tita Cory, FVR, hanggang kay Erap Estrada. Mula sa pagiging operador sa electoral politics, siya ang nagcucultivate at nag-ga-groundwork sa mga masinsinang trabahong "special operation," " overall coordinator at administration strategist ni GMA. " Dahil sa taglay niyang posisyon (DILG Secretary), siya ang rumerenda, direktang timon at organizational operator ng partidong KAMPI at LAKAS-CMD.
Sa katunayan, si Puno ang isa sa responsableng nangasiwa sa matagumpay na kampanyang elektoral ni GMA nuong 2004 presidential election at 2007 election. Mula sa "hello garci controversy - dagdag-bawas special operation," ang people initiatives, PIRMA patungo sa inaasam-asam na Con As - Cha Cha at extension of term limits. Katuwang ang grupong "special concern" ng Malakanyang, si Puno ang nagbalangkas ng estratehiya sakung paano tatablahin ang destabilization plot ng mga kaaway ni GMA, ang makailang beses na impeachmnet sa Kongreso, ilang ilang ulit na bantang kudeta at pipol power ng civil society at maka-Kaliwang grupo. Bagamat marami ring sumablay na plano't estratehiya, parang siya ang dahilan kung bakit nananatili si GMA sa Malakanyang.
Sa tuwing may "crisis situation," siya ang spin doc sa mga insidenteng "poso negrong" pagpapasabog sa Glorietta, Congress at Manila Pen stand off at ang pamumudmud ng daang milyong piso sa mga kaalyado at kritiko ng palasyo, mula sa League of Provinces of the Philippines (LPP), Union of Local Authority (ULAP) at sa mga tongresman. Hanggang sa pinakahuling sandali, siya ang responsable kung "bakit may lumitaw na Kumander Bravo at Kato na inilikha raw ng naunsyaming peace process at labanan sa Mindanao."
Kaya lang, para kay GMA, 'wag masyadong magtitiwala sa taong sobrang sipsip. Ang ating maipapayo kay GMA, dapat mag-ingat siya sapagkat, sa oportunistang track record ni Puno, baka siya ang unang trumaydor, lumundag sa kabilang bakod at parang Hudas na unang magkakanulo sa kanya.
Ano nga ba talaga ang layunin at para saan ang NPOC? "Kung bubuwagin nito ang warlordism, private armies ng mga political clan, rural development at pagpapalakas ng INSTITUSYONG sasawata sa talamak na katiwalian sa gubyerno (COA, UMBUDSMAN at TANODBAYAN), magtatakwil ng TRAPO politics sa bansa, overhauling ng Comelec, radical shift, formulate ng bagong patakaran sa ekonomya, utang panlabas (external debt) at patakarang demokratisasyon," sasang-ayon ang marami, LEGACY at sasaluduhan ng mundo si GMA..
Ang pinangangambahan ng marami at ang grupo ng mga dating matataas na government officials (FSGO), "hindi mahirap paniwalaang gamitin ni GMA ang EO 739 upang ineutralisa at kastiguhin ang mga kaaway (local - national) sa nalalapit na 2010 election hanggang 2016, lagpas sa itinatadhana ng batas." Tulad ng direktibang 1081 ni Marcos, may tatlong dekada na ang nakalipas, may hinalang gagamitin ni GMA ang Red bogey, ang CPP-NPA upang bigyang katwiran ang pagdidiklara ng "emergency power at martial law at magtagal sa pwesto beyond 2010."

1 comment:
Great read thank yyou
Post a Comment