Setyembre 17, 2008
Nang maibulgar ang sistemang “Congressional Budget Insertion” sa maanomalyang C5 road extension project, mas lalong luminaw sa taumbayan ang modus operandi ng pangungurakot sa Kongreso, Senado at Ehekutibo. Kung bakit napapalusutan, walang napaparusahan, walang accountability at higit sa lahat, kung bakit tayo validictorian sa KURAKOT sa Asia.
Batid ng lahat na “tip of the iceberg” lamang ang “double entry-insertion o ang paningit" sa pondo ng C5 road extension projects, kung baga, wala pa itong one percent (1.0 %) sa kabuuang nakukulimbat, nananakaw sa gubyerno. Ayon sa Transparency International, umaabot ng 40-60% ng taun-taong budget ang nananakaw at naibubulsa sa kabang yaman ng bansa.
Ayon kay Leonor Briones ng Alternative Budget Initiative (ABI), isang nationwide na alyansa ng mga NGOs; "may projected revenues sa Budget Expenditures at Sources of Financing (BESF) na nagkakahalaga ng P56 billion ang maaaring ma-magic. May “Special Purpose Funds (SPF)” na P760.0 billion (56% ng 2009 proposed budget). Hindi dumadaan sa karaniwang performance based sa budgeting process ang SPF sapagkat ang lump-sum funds sa ilalim ng SPF ay discretionary ng isang presidente. Ito ang mga kadahilanan kung bakit prone sa abuso at kurakot ng Malakanyang ang Budget. Bukud pa sa “unprogrammed Funds” na nagkakahalaga ng P75.97 billion na kung saan walang pagdi-detalyesa kung paano at saan ito gagamitin." Hinihinalang mahigit kumulang na P 20-40-B ang Congressional insertion taun-taon sa national budget.
Ang problema, kung usapin ng budget, "masyadong powerful ang presidente ng Pilipinas. Every step of the way, mula sa SARO (special allotment release order), notice of allocation hanggang releasing, mula sa budget preperation at legislation, meaning, sa Kongreso at sa Senado, sa Bicam hanggang budget execution," dadaan sa kamay ni GMA. Kung ayaw ni GMA, idis-approved o i-approved ang budget, siya ang bosing at masusunod. Sa ganitong sistema, hindi mahirap paniwalaang "walang nalalaman, walang SOP, walang parte sa katiwalian si GMA."
Ang kawalan ng transparency, accountability at kawalang partisipasyon ng mamamayan sa budget process ang isang dahilan kung bakit gahigante't, kaliwa't kanang katiwalian (kakulangan ng delivery of basic services) ang nararanasan taun-taon sa bansa. Nalagay sa sitwasyong napag-iwanan tayo sa lahat ng bagay sa Asia-Pasipiko. Ang isang malaking pagkakamali, masyadong ipinagkatiwala, inasa sa mga pulitiko (oposisyon at administrasyon) at presidente ang kinabukasan at kahihinatnan ng sambayanang Pilipino.
Sa totoo lang, dahil ang mamamayan ang tunay na nakararanas ng kahirapan, pighati at sila ang nakaka-alam sa tunay na kalagayan ng komunidad, sila ang dapat na "may karapatan at mas SAY sa budgeting process," walang dahilan upang sila'y i-etchepwera at hindi maging kabahagi sa "deliberasyon, monitoring at mag-evaluate ng buong proseso ng pagba-Budget sa gubyerno; mula sa paghahanda, pagsasa-priority, pag-a-identify ng mga programa't proyekto, hanggang sa implementasyon at pagpapatupad" ang mamamayan. Hindi hamak na magkaiba ang interest ng pulitiko at ng mamamayan at wala ng naniniwalang representatnte't kinatawan (dahil hinalal ng buluk na sistema ng election) ng mamamayan ang mga pulitiko.
Bakit hindi gawing "participatory (mapanglahok) at demokratiko" ang proseso ng pagba-budget? Sa sistemang “Participatory Budgeting” na tinatawag, kahit paano'y mababawasan ng kaunti ang pangungulimbat sa gubyerno. Isang innovation sa gawaing paggugubyerno kung saan, demokratikong kinukunsulta at binibigyan ng kapangyarihan ang mga kinatawan ng mamamayan, civil societies, NGOs, taong simbahan, kooperatiba at iba pa na aktibong lumahok, magdeliberasyon at magdesisyon sa kung paano ia-allocate, ia-identify, ipa-priority ang pambansang (pamprobinsya at municipalidad) budgetsa gubyerno.
Experimentong pinag-aralan (Porto Alegre, Brazil) at ipinatupad ito sa Brazil (1990s) at agad kumalat ang magandang balita sa buong Latin Amerika at buong mundo. Dahil sa napatunayang epektibo at episyente, nireplika't kinopya ng ilang mauunlad na bansa (France, Italy, Canada at United Kingdom), Africa at Asia ang sistemang “participatory budgeting process.” (photo: Why some Latin American cities are asking ordinary citizens to decide how public funds should be spent grupobid.org/.../archive/
Ang alam ko, may ganito na ring kahawig na programa sa ilang bayan sa Pilipinas, ang balita, sa Naga City, ang kanilang mayor, si Jess Robredo.
Related Story:
GMA realigned P106 billion without Congress’ approval
by Gemma Bagayaua, Newsbreak, abs-cbnNEWS.com
http://www.abs-cbnnews.com/nation/09/17/08/gma-realigned-p106-billion-without-congress%E2%80%99-approval
Comb ’09 budget for dubious funds, NGOs tell solons
by Christine Avendaño
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20080908-159321/Comb-09-budget-for-dubious-funds-NGOs-tell-solons
2 comments:
Eh, kahit naman may participatory budgeting, kung iipitin naman ang release ng pondo sa DBM, paano iyan?
Totoo talaga yan. Sobrang makapangyarihan ang presidente sa Pilipinas. Kung hindi uubra ang TRANSPARENCY at ACCOUNTILITY, baka siguro, panahon na upang bawasan ng kapangyarihan (powers) ng presidente.
Post a Comment