Doy Cinco /
September 9, 2008
SINO ang TUNAY na TRAPO?
Buluk, peke at mahina ang mga POLITICAL PARTY sa Pilipinas. Kung sino ang maimpluwensya, kung sino ang siga-siga, kung sino ang sikat, kung sino ang may pera't may pondo at kung sino ang paksyong may malalaking pamilya o ang makapangyarihang political clan, siya ang nahahalal, siya ang “tunay na pulitiko,” siya ang binoboto, siya ang tinitingala't PADRINO at siya ang dinoDIYOS sa partido. Ang aking tinutukoy na mga pampulitikang partido kung saan ito'y biktima at kinukubabawan ng TRAPO (indibidwal) ay ang KAMPI, LAKAS-CMD, NP. LP, NPC, KBL at iba pang maliliit na partido.
(Logo ng partidong Lakas-CMD, KAMPI, LP, NPC, NP, Genuine Opposition, Team Unity (administration)
Pasintabi muna, pasensya muna sa mga aktibistang (reformer) pulitiko na nauubligang makihalubilo, sumakay at gumamit ng mga partidong ito bilang political survival, behikulo sa pagdedeliver ng basic services at good governance (Padaca, Baguilat, Jess Robredo at iba pa).
Katangian at dinisenyo ang political party upang magturn coat, maging HUNYANGO, magpalit ng kulay at maki-ayon sa sino mang mananalo at naka-upo sa Malakanyang. Bilang political survival, ito ang kanilang nakagawian, ang sumipsip sa may pera't may kapangyarihan at ang karaniwang katwiran, “ mas mahal ko ang paglilingkod (taumbayan) kaysa sa PARTIDO, walang permanenteng kaaway, pera-perahan (politics is addition) ang labanan." Wala silang paki-alam at pananagutan sa PARTIDO at organisasyon. Hindi kinikilala ang prinsipyo, constitution and by-laws at sa totoo lang, kanilang binabastos at ginagago ang Partido. Dahil wala silang commitment sa organisasyon, karaniwan na ang awayan, inggitan at factionalism.
Biglang nabubuhay sa panahon ng halalan at campaign period (60 days life span) ang mga partido. Matapos ang botohan at proklamasyon, parang multong naglalaho at namamatay agad ito. Namamagnetized palapit sa KUSINA o sa rumerenda ng kapangyarihan, for convenience, diskarte sa pondo, pork barrel, gamit sa pagtatayo ng electoral machinery, koneksyon, networks at iba pang mga bagay na ang pangunahing layunin ay manalo sa eleksyon at talunin ang kanyang kalaban sa pamamagitan ng boto.
Retorika ang palagiang laman ng "political platform," kung kaya't lahat sila ay halos pare-pareho't walang pinagkaiba. Walang organizational life, walang regular na meeting, walang organizing, grassroot membership at party education program, walang klarong structure, program of activities. Higit sa lahat, wala silang WEBSITE (internet) na magpapakilala sa partido. Sa madali't salita, FAKE, BOGUS, IMPOSTOR at KOLORUM na PARTIDO.
Malalim ang relasyon, ugnayan at koneksyon ng bawat kasapi. Kundi kamag-anak incorporated, kasosyo sa kontrata't negosyo, ka law firm, ka fraternity at kadugo't katribo sa pananampalataya. Kung sino ang may malaking ambag sa pondo, may lohistika para sa kampanya at pampulitikang makinarya, ikaw ang bida, ikaw ang lider, ikaw ang popular at ikaw ang hari't dino-diyos. (photo below, Speaker Nograles at Mikey Arroyo; http://www.philstar.com/newphilstar/www/image/20080206/front.jpg)
Dahil mahina ang mga political party (unlike sa strong PARTY system sa mayayamang bansa), hawak siya sa leeg ng TRAPO (traditional politician), kinukubabawan ng mga malalaking CLAN, CASIQUE, mga makapangyarihang tao na kadalasa'y nakaupo sa MALAKANYANG. Ito ang palagiang senaryo tuwing election, nuong 2007, 2004, 2001 at kahit pa noong 1900s pre war at post war era politics sa Plipinas.
Lubhang kailangan at napapanahon na ang pagpapalakas sa mga partido politikal lalo na't papalapit na ang 2010 national election. Bahagi at kaakibat sa demokratisasyon (demokrasya) at political maturity, ang pagsasabatas ng "pagpapalakas ng political party" ang inaasahang kakastigo sa TRAPO, pupuntirya sa bilyong pisong ginagastos ng mga pulitiko (president down to Barangay Captain) sa tuwing kampanya na kadalasa'y pinapaluwalan ng mga “gambling lord, drug lord, prostitution lords, corporate elite, casique-dynasty at political clan.”
Para ka manalo sa halalan "sa antas munisipyo (Mayor) kailangan mo ng minimum na sampung milyon, isang daang milyon (P100.0 milyon) piso sa isang distrito (tongresman), mga kalahating bilyon (P500.0 milyon) pisong warchest sa isang senador, at mga sampung bilyon (P10.0 bilyon) piso para sa isang aspirante sa presidente." Kung ganito ang kalakaran, sino at anong klaseng pulitiko't mga kinatawan ang mailulukluk sa poder ng kapangyarihan, anong klaseng paggugubyerno ang paiiralin nito at gaano kalaking KURAKOT ang kakailanganin upang mabawi nito ang kanyang ginastos sa kampanya?
Isa ito sa dahilan kung bakit tayo ATRASADO, lulugulugong ESTADO at napag-iiwanan in terms of political maturity, economic development, prosperity at pagkakawataak-watak (insurgency) ng lipunang Pilipino. Ang tanong, paano nating wawakasan kahit pauta'y-utay ang mga salot ng lipunan, ang mga TRAPO? Paano natin palalakasin at pahihinain ang personality oriented, TRAPO oriented at buluk na political party system sa bansa?
Naniniwala at bahagi ako sa panawagan ng Consortium on Electoral Reform (CER) na isulong ng lubusan ang pagpapalakas ng political party sa bansa (hindi TRAPO, hindi pagpapalakas o tulong sa pulitiko) bilang bahagi sa demokratisasyon (pagpapasigla ng demokrasya) sa lipunang PIlipino. Ang nakakalungkot, pinaratangan itong TRAPO, galamay ng pulitiko, mga ABUGAGO, mga repormista na "naglalayong ilihis ang landas ng pakikibaka-rebolusyunaro ang mamamayan." Imbis na suportahan at agapayan, binabara, pinupulaanan, sinasagkaan, kinakatay, binabasura ng grupong sagadsaring Kaliwa't extremista ang panawagan palakasin at isulong ang reporma sa pulitika at eleksyon sa Pilipinas.
Related Story:
A non-editorial
Sunday, September 07, 2008
I was aghast to read an unusually virulent–yet very sloppily-written–editorial of the Philippine Daily Inquirer this morning titled “Dirty, Rotten Trapos.” If not for the serious subject matter–that of reforming the Philippine political party system–I would have just shrugged it off as part of the usual slippage in an otherwise good newspaper.
However, the editorial writer [...]
http://moncasiple.wordpress.com/2008/09/07/a-non-editorial/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment