Pansamantalang nagkaisa tayo sa proyektong politikal na Transition Revolutionary Gov't (TRG). Bagamat nagpatuloy ang samutsaring debate, ang kahinaan at kalakasan, diskurso't substansya, kahit paano walang dudang umangkop ito sa konteksto't tawag ng panon, ang lumalagablab na sitwasyon politikal nuong huling quarto ng taong nakalipas hanggang unang quarto ng taong kasalukuyan.
May pitong (7) buwan na ang nakalipas nung naudlot ang inaasam-asam na “walk in the park”, ilang buwan ang nagdaan nung matapos ang campaign propaganda “victory sa SONA” ni Ate Glo, nailibing ng buhay ang impeachment 1 at 2 sa Tongreso, nag-conter attack ang Malakanyang sa mga kaaway nito sa politika. Ilang daan ang napaslang at ipinadukut, lumarga ang people's initiative at naka-abang sa kasalukuyan ang Con As ni Tainga't Kilay sa Tongreso. Maliban sa Stop Chacha, walang malinaw na kasunod na political projects (tactical) ang Kilusang Kaliwa't demokratiko sa darating na 2007 election.
Pare-pareho nating tanggap ang deka-dekadang kabulukan ng sistemang elektoral at procedure sa ating bansa. Sa punto de vista ng IPD, may katagalan at kaliwanagan ang panawagang electoral reform; baguhin, iamyenda, mapangHATI at napag-iwanan na ng panahon ang Omnibus Election Code, ang sistema ng party list at kredibilidad ng Comelec.
Naniniwala tayo na ang katangian ng ating eleksyon ay pangunahing kompetisyon lamang ng mga personalidad, kapangyarihan at makinarya. Sapagkat ang sinasabi nating kompetisyon ay sa pagitan lamang ng mga indibidwal at hindi sa PARTIDO o sa plataporma de gubyerno. Nakabaon ng malalim ang umiiral na relasyon, ang isang sistema't relasyong padri-padrino, ang utang na loob, bata-bata, ang “bossism, (boss ko'yan noh) at panunumbalik ng casique't oligarkiya.”
Bukud sa un-even development ng voters location, di balansyado o di pantay ang pag-unlad ng ating lipunang ginagalawan. Malaki ang naging pinsala o epekto sa mamamayan Pinoy o sa botanteng Pinoy ang kabulukan ng sistema ng eleksyon at pulitika. Habang may mga lugar na sinasabing mauunlad (industrialisado, urbanisado, middle class area?), mabilis na lumalaki at lumalawak ang matinding marginalization (karalitaan) ng populasyon. Tumitindi ang kumpas ng migration pattern (alsa balutan) mula sa kanayunan tungo sa kalunsuran, meaning mula sa atrasadong kalagayan, kawalan ng oportunidad sa probinsya patungong Kamaynilaan.
Dahil sa pagdarahop, karalitaan ng ating mga kababayan, sinamantala't matingkad hanggang sa kasalukuyan ang Kasal, Binyag at Libing (KBL), isang uri ng pribadong relasyon, pakikipag-ugnayan o serbisyo sa rural poor man at urban poor areas.
Personality, character traits at image oriented ang botanteng Pinoy, ang suma total, lantay na MACHO ang pampulitikang kultura. Nakakalungkot isiping na HINDI usapin ngayon kung sino ang tunay na magseserbisyo't maraming alam sa mga isyung pangnasyunal, ang mas litaw, ang mas matimbang ay kung sino at kanino kikita ang botante. Ang labanan sa ngayon ay kung sino ang mas may logistic at maayos na makinarya sa halalan.
Hindi mapagpasya sa electoral contest kung ika'y popular at maraming alam, ang mapagpasya sa ngayon ay kung sino ang MAGALING MANDAYA. Parang sinasabi na ang lahat ng paraan ay gamitin upang manalo at makapasok sa top 10 slate. Kaya naman ka'y daling unawain kung bakit sumikat at maraming "hello Garci" sa isang institusyong naatasang magbilang, magdagdag at magbawas ng boto, ang COMELEC.
Tactically at strategically, lubhang magkaiba kung paano itatrato, ang katangian ng mga botanteng Pinoy sa kalunsuran kung saan ang “market votes” o ang labanang propaganda ang siyang magdadala ng labanan, kaysa sa kanayunan kung saan ang “machine politics” (well oiled machinery) ang karaniwang kumpas ng pagpapanalo.
KAYA LANG.... Anumat-anumang ang mangyari, magkaroon man ng electoral reform o manatili tayo sa dating gawi, meaning walang mababago sa mannual na pagbibilang ng Comelec (ibinasura ng SC ang Automated Counting Machine), withdrawal of support man sa hanay ng junior officers, insureksyon man, rebolusyon man o pipol power, natuto't naistablished na rin ng Kilusan ang TEKNOLOHIYA sa eleksyon lalo na ang usapin ng pagpapanalo at kahit ano pa ang mangyari, "walang dudang matutuloy ang 2007."
Bilang mga progresibo't nag-aadvocate ng pagbabago, sa ayaw man natin o sa gusto, kailangang nating maging vigilant, kailangang pumapel, kailangang maghanda sa 2007 election lalong-lalo na sa Senatoriable.
Ayon sa mga lumalabas na senatoriable electoral survey, 12 sa nangunguna sa kasalukuyan ay pawang mga nasa elite oposisyon; (1) ang dating Senator Legarda (48.6%); (2) Senator Francis N. Pangilinan (39.0%); (3) Senator Panfilo M. Lacson (34.9%); (4) Senator Manuel B. Villar, Jr. (34.2%); (5) Senator Ralph G. Recto (33.1%); (6) former Senator Vicente C. Sotto III (31.0%); (7) Atty. Aquilino Pimentel III (29.9%); (8) Taguig-Pateros Representative Alan Peter S. Cayetano (29.5%); (9) former Senator Greogorio B. Honasan (27.7%); (10) San Juan Mayor JV Ejercito-Estrada (23.8%); (11) Ilocos Norte Representative Imee R. Marcos (23.1%); and (12) former Senator John Henry Osmeña (22.7%).
Summary of the 10 May 2004 Senate of the Philippines election results
Rank Candidate Party Votes
1. Manuel Roxas II K-4 - Liberal Party 19,372,888
2. Ramon Revilla, Jr. K-4 - Lakas CMD 15,801,531
3. Aquilino Pimentel, Jr. KNP / PDP-Laban 13,519,998
4. Maria Ana Consuelo Madrigal KNP 13,253,692
5. Richard Gordon K-4 - Lakas CMD 12,707,151
6. Pilar Juliana Cayetano K-4 - Lakas CMD 12,542,054
7. Miriam Defensor-Santiago K-4 - PRP 12,187,401
8. Alfredo Lim KNP 11,286,428
9. Juan Ponce Enrile KNP 11,191,162
10. Jinggoy Estrada KNP - PMP 11,094,120
11. Manuel Lapid K-4 - Lakas CMD 10,970,941
12. Rodolfo Biazon K-4 - Liberal Party 10,635,270
13. Robert Barbers K-4 - Lakas 10,624,585
14. Ernesto Maceda KNP 9,944,328
15. John Henry Osmeña K-4 - Independent 9,914,179
Pinagsanggunian: Philippine Commission on Elections
Batay SWS survey na llamadong nakahanay na 12 mga pangalan, mae-engganyo tayo sa unang tingin, kaya lang nakakalungkot suriin sa bahagi natin na halos ang karamihan ay nabibilang sa elite opposition! Malinaw na tagos hanggang buto ang kahinaan at kabulukan ng sistema ng halalan sa bansa. Para sa isang aktibista, mag-aalangan, magdududa, mahihirapan siyang sikmurahing dalhin ang halos lahat nito sa 2007. Maaring asahang magdeliver o may bagong-politikang susulpot sa isa o tatlo sa kanila.
Kaya lang, inaasahang marami pang mga kaganapang maaring magpabago habang papalapit ang 2007. Mga pagbabo sa mga pormasyon, re-aalignment ng pwersa o mga kakaibang mga koalisyon o kaganapang politikal sa magkabilang panig ng pampulitikang larangan. Ang sigurado, batay sa survey at kung bukas na ang election, pupulutin sa kangkungan ang administration ticket (senate slate) sa 2007.
Mahalagang mapag-aralan ng progresibong kilusan ang latag at taya ng electoral mapping at scanning sa senatoriable na labanan, balangkasin ang stratehiya't taktika at itayo ang matibay-tibay na gulugud na lalamnan ng mga kadreng elektoral na siyang magbubuo't magtratransporma't magpapalakas ng BASENG ELEKTORAL ng Kilusan. Sapagkat Senatoriable ang labanan, "botong merkado, imahe't kredibilidad ang isang maaasahan. May malaking papel ang gawaing pakikipag-alyansa't pakikipagnegosasyon, lalo na't iisa lang naman ang ating ilalako (Randy David) na pumasok sa top TEN, unang sampu.
Maaring magkanya-kanya ang Kilusang Demokratiko't Kaliwa sa Party List election, malaki naman ang posibilidad na magkaisa ito kahit pansamantala na bitbitin si Randy David sa SENADO. Dagdag pa, batay sa track record, malaki ang pag-asa, ang kakayahan at kapabilidad ng Kilusang sa Pilipinas na mabilisang i-translate bilang Base Vote ang buong organisasyon.
Bilang mga propagandista at bilang malikhaing makilos sa mayaamang karanasan ng gawaing grassroot organizing at networking. Kung pagsasam-samahin ang lahat ng botong nakalap nito nuong mga nakarang nagdaang halalan (20 years) at maidevelop, mamultiply ng 3 hanggang 4 beses (2.5 million x 4 = 10.5 million votes plus NEGO votes), may dagdag na diskarte, maari sabihing ilang kayod pa, ilang kahig pa sa target votes na 14.0 million ay kakayanin para sa top 10 sa Senado si Ka Randy.
Sa nalalapit na 2007, kung naniniwala tayong walang mababago sa Konstitusyon at mananatili ang sistemang PRESIDENTIAL, maliban sa paglahok sa party-list, mahalagang pag-aralan ang pagpapatakbo't may manok tayong tatayaan sa SENATORIAL na labanan at wala ng ibang pagpilian, mga TRAPONG oposisyon o kay Kasamang Randy.
Doy Cinco / IPD
September 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Itoy simpleng formula. Kung si Randy nasa loob ng isang "united opposition" line-up malamang mananalo siya given that very likely 12-0 ang labas sa Senate race. Zero ang administrasyon KUNG di magmamaniobra si Garci at mga galamay niya.
Me bali-balita na si Satur Ocampo at si Etta Rosales ay tatakbo rin bilang mga senador. Isa na ba itong pangkalahatang taktika ng kaliwa?
Post a Comment