Sunday, November 25, 2007

2010 Presidentiable contenders, atat na !

Ang simoy ng hangin ng 2010 presidential election ay talagang 'di na paaawat. Kagagaling lang namin kanina sa Club Pilipino, San Juan kung saan ginanap ang isang National Executive Council (NECO) at convention ng Liberal Party. Tulad ng inaasahan, matapos ang ilang linggong preperasyon, negosasyon at trade offs, opisyal na nahalal at kinilalang Presidente si Sen Mar Roxas, ang pambato ng Liberal sa 2010 presidential election. Si Sen Mar Roxas ang humalili sa dating oposisyon at Senador na si Franklin Drilon.

Ang tindi ng traffic sa vicinity ng Club Pilipino, puno ang parking lot at drive way, ang daming PNP at sniffing dog sa bungad. Approaching pa lang sa venue, pansin agad ang iba't-ibang modelo't mamahaling (luxury vehicle ng mga pulitiko) mga SUVs, Volvo, MercedesBenz, American made na Ford, GM, iba pa. Sa dami ng mga participants, mukhang 'di nakayanan ukupahan ng Club Pilipino ang lahat. Maagang dumating ang delegasyon ng National Capital Region (LGUs, mga City Councilors at Barangay Captain), naukupa nito ang karamihang round table sa plenaryo, habang ang ilang mga pulitiko na nanggaling pa sa malalayong probinsya, mga Mayor, Vice Gov, Gobernador at Kongresman, nahirapang makapwesto.

Kanya-kanyang pwestuhan, kwentuhang walang saysay at balitaan sa nakaraang 2007 election. Personality ang nangibabaw, kinakawayan at dinudungaw na pulitikong lilitaw sa pasilyo at sa plenaryo. Tanong ko na lang sa aking sarili, “ganito pala ang isang TRAPO convention, kung pulitiko ka't may mataas na posisyon, kilala at sikat ka, parang VIP ang dating mo sa Convention. Paano na kaya kung ito'y convention ng LAKAS, KAMPI at NPC, malamang mas malala pa siguro?”

Matapos ang LP convention at consolidation ng pwersa't makinarya, susunod sa makalawa ang partidong pinanghahawakan naman ni Senate President Manny Villar, ang pangulo ng Nacionalista Party (NP) at mahigpit na katunggali ni Sen Mar Roxas sa 2010. Nakakasa sa November 28 ang convention, itataon sa pagdiriwang daw ng ika--100 anibersaryo ng NP at sa Philippine International Convention Center (PICC)ang venue, mas malaki kung ikukumpara sa Club Pilipino. Magkakaroon ng Grand Re-union at book launching ng Partido. Ayon kay Sen Villar, ang activity ay simula na't bahagi na ng paghahanda para sa 2010presidential derby. (Larawan sa baba: http://www.malaya.com.ph/nov27/)

Habang abala ang mga presidentiables sa 2010, ang tingin ng marami, masyadong napakaaga at trabaho muna, ceasefire muna sa pagtatayo ng MAKINARYA'T pamumulitika. Sapagkat kung walang inaasam-asam na pagbabago, pinangangambahang mauuwi na naman tayo sa maruming klase ng pulitika at election. Sa takbo ng mga pangyayari, parang walang kumikilos at nakabinbin ang sunud-sunod na mga inbestigasyon in-aid of legislation sa “hello garci controversy, ZTE-Broadband scam at talamak na isyung panunuhol ng Malakanyang.”

Batid ng mga senador na ang kabulukan ng sistemang pulitikal at elektoral ang patuloy na yumuyurak sa estado. Ang kawalan ng tunay na partido politikal, ang negative zero credibility ng Comelec, ang titiguk-tigok na mga democratic institution at ang political uncertainty na magpahanggang ngayon ay bumabagabag sa mahina't lugmuk na lagay ng ESTADO.

Sapagkat elitist ang sistema ng halalan at pulitika, nayuyurakan nito ang hustisya at representative democracy na laman at isinasaad ng ating Konstitusyon. Malalaking pamilyang angkan (Political Clan), OLIGARKIYA, kasal, binyag, libing (KBL), warlordism ang siyang nakapangyayari, may kontrol at naghahari sa country.

Nasaan ang demokrasya kung ang mga pulitiko ay nailulukluk lamang ng MAKINARYA, command votes-VOTE BUYING, PADRINO at pananakot at hindi ng mamamayan? Ang isang matinkad ay ang karaniwang patayan, ang sobrang gastos sa kampanya, dayaan, dinastiya, warlordismo, mga larawan ng katatapos na May midterm election, ang 2004 presidential election, 1998 at 2001 election ay walang dudang MAUULIT sa 2010 Presidential election. Para maibsan ang kabulukang ito, "ang PROPORTIONAL REPRESENTATION at pagpapalakas ng POLITICAL PARTY ang unti-unting gigiba at sasawata sa political clan, dinastiya, personalidad at TRAPO politics."

Nakakalungkot isipin na mukhang wala sa "priority list" ng Senado, lalo na ang mga presidentiables, Sen Manny Villar, Loren Legarda, Dick Gordon, Mar Roxas, Ping Lacson, VP Noli de Castro at iba pa, ang pagbabago at reporma ng sistemang pulitika at election. (Mga Larawan ni Legarda, Noli de Castro at Ping Lacson: www.lawphil.net/congress/senate/senate_dir.html)

Ayon sa Nobel peace laureate winner na si Muhammad Yunus, “ang buluk na sistema ang pabrika ng karalitaan at kahirapang dinaranas ng bansa sa loob ng ilang dekada." Meaning, kahit sino pang matino't henyong pulitiko ang ilukluk sa Malakanyang, kung walang pagbabago, kung walang repormang aatupagin ang Senado sa loob ng dalawang taon bago mag 2010, magpapatuloy ang katiwalian at kawalang pag-asa ng bansa.

Nasubukan na natin ang "katalinuhan, bilang mahusay na abugado" -Bar topnotcher ni Marcos, ang relihiyosang may bahay ni Sen Ninoy Aquino, si Cory Aquino, ang astig, ang General sa katauhan ni Fidel V Ramos, ang college drop out, ang popular at maka-masang si Erap Estrada at ang huli, ang bode-bodegang diploma, mahusay na ekonomista't magsalita sa UN Gen Assembly, Phd, kaklase pa ni Pres Clinton sa Georgetown University sa US na si Gloria Macapagal Arroyo, ang resulta, wala pa rin ang inaasam-asam na demokrasya, ang boses at partisipasyon ng mamamayang Pinoy ay nanatiling bangungot.

Walang pinagkaiba ang Pilipinas sa uri ng pulitikang ginaya nito sa Amerika, ELITIST at controlled ng big business ang mga presidential candidates sa 2008 presidential election; si Sen Hillary Clinton, Sen Barrack Obama, John Edwards, John Mccain, ang dating Mayor ng New York City na si Giuliano at iba pa, pare-pareho't wala namang pinagkaiba ang pananaw, ideolohiya at foreign policy. Tulad sa Amerika, SAME BANANAS, iisang kulay, mga modernizing elites ang naglalaban-laban. Nananatiling nakahiwalay, walang partisipasyon ang mamamayang Pilipino sa mga desisyon, pagpaplano para sa kinabukasan raw ng country.

Ayon sa Nobel peace laureate Muhammad Yunus, “pag-isipan ang maling sistema at economimic theories na ginagamit ng isang bansa na siyang pangunahing sanhi ng KARALITAAN sa mundo. Idinagdag pa nito na "Poverty is not created by poor people. It is not their fault that they are poor.” "Ang KARALITAAN ay idinulot ng mga maling patakaran at desisyon na ginawa ng mga gubyerno, ang Framework, ang Theory (mode of development theory) na ginamit at ang pagyakap sa mga depinisyong pangkalakalan at negosyo." (larawan:Muhammad Yunus www.flickr.com)

Ang malaking tanong at hamon sa bansa ba ngayo'y mahahalintulad sa klase ng hanging manggaling pa sa Latin America (South America), ang pagbabago, ang reporma, ang pagtatakwil ng luma at inaamag na modelo, ang pagbabago o ang radical shift ng mga patakaran at polisiya ng isang matatag, popular na lider ng bansa?

Doy Cinco / IPD
Nov. 26, 2007

1 comment:

Roy said...

Last May, 2007, around 100,000 Overseas Filipinos participated in the online Mock Elections for Philippine Senators. It was so successful that nine out of the twelve elected senators matched our results!

After the Senatorial Mock Elections, it is now time for the online Mock Nominations for the next Philippine President. The Presidential Elections will be held in 2010 but as early as now, a number of names have come out in the news. Who do you think should be our next President? What qualities should the next President have?

The voice of Filipinos around the globe, our unsung heroes, deserves to be heard again by the voting public. The choices of the Filipinos overseas, both working and residing abroad, are important!

Let us contribute in making an informed voting public and help them choose intelligently!

Nominate now
http://presidentiables2010.speedfox.net/