Thursday, January 24, 2008

AMONG ED for President?

Isang ka-opisina ang minsan ay nagkwento ng isang insidenteng kakaiba sa karaniwan. Hinggil daw ito sa isang taxi-driver na mahiwaga ang dating. Sumakay daw siya ng taxi patungong Cubao mula sa IPD at dito siya namangha sa ipinakitang diskursong pulitika ng isang taxi-driver na sila raw ay nagsasagawa ng “SISID.” Ano po ang ibig sabihin ng "SISID?" "Ito'y hindi lutang, hindi sweeping, hindi propaganda, ito'y masinup, sureball at matyagang "panggagapang o isang tipo ng panghihikayat, pagrerecruit at pagpapaliwanag sa mga tao hinggil sa 'kung sino ang may moral ascendancy, ang karapat dapat na manalo sa 2010 presidential election at maupo sa Malakanyang."

Nung tinanong niya kung, “sino ang nagpapagalaw sa kanila, anong grupo o anong organisasyon ang kinapapalooban ng taxi-driver at bakit tila masyadong energetic, masigasig at prinsipyado ito? Ang sagot ng taxi-driver, ”sektor kami ng mga dis-abled (dati siyang sundalo at may tama ng bala sa kanyang tagiliran), marami r
aw sila sa grupo, libu-libo na, ang istilo ng pag-oorganisa ay “SISID” at ang matindi, regular daw silang nagmimiting buwan-buwan, nagpaplano at nag-aassessment at nakakabilib, boluntarismo at nag-aambagan kami."

Biglang nag-alangan ang ka-opisina ko. Unang pumasok sa isip niya ay kung sino namang presidentiable ang may kakayahang magpagalaw sa grupo ng mga taxi-driver, na mag-grassroot organizing. Para sa kanya, magagawa lamang ang maagang pagtatrabaho sa 2010 kung may tiyak na allowances, lohistika, resources, makinarya't kapabilidad ang grupo. Ang unang suspetya n'ya, presidentiable ito na taga SENADO, maaaring si Ping, Mar, Manny, Loren, Dick o BF? Mas madaling paniwalaang si Ping, dahil sa karanasan, si Lacson lamang ang naging mabango sa mga driver, lalo na nung pumutok ang kampanyang anti-kotong cops sa Maynila may isang dekada na ang nakalilipas. Ang tanong at ang sabi niya sa taxi-driver, "kay PING LACSON ba kayo, si Ping Lacson ba ang inyong manok sa 2010
?"

Laking gulat niya ng biglang sumagot ang taxi-driver, “hindi kami kay Lacson, kay AMONG ED kami” at dahil daw sa pamamaraang “SISID, araw-araw, Linggo-linggo, buwan-buwan, paparami kami ng paparami at nakakalat na kami sa buong Pilipinas!" Nagpatuloy sa buladas ang taxi-driver, “kahit hindi kami nakasisigurado kung tatakbo nga o hindi si Among Ed sa 2010 prsidential election tuluy-tuloy lang kami, hindi rin daw mahalaga't inportante sa grupo kahit hindi sila kilala ni Among Ed, dahil hindi naman daw sila humihingi ng kapalit o pabor, kahit hindi pa nga namin nakikita sa anino, sa personal si Among Ed, kahit hindi kami mga Kapangpangan, itutuloy namin ang aming panata, ang PANINISID para sa kampanya ni Among Ed for President sa 2010.”

Ayon sa taxi-driver, "si Among Ed daw lamang ang tanging tao ang tunay na magdadala sa Pilipinas ng katinuan, kaginhawaan, kaunlaran at moralidad sa Gubyerno. Idinagdag pa niya ang kaso ng kanyang paglalantad ng suhulan, P500,000.00 sa Malakanyang at kurakutan sa quarry operation sa Pampanga. Nilahad din niya ang matagumpay na panalo nito sa governatorial election nuong nakaraang May mid-term election kung saan, sa kabila ng kawalan ng partido, resources, kawalan ng karanasan sa pulitika at makinarya, sa kabila ng kaliwat kanang demolition job at banta sa kanyang buhay, tinalo nito ang makapangyarihan, ang dambuhala, ang emperyong TRAPO at manok ni Ate Glo sa probinsya."

Nung siya'y bababa na, nag-iwan siya ng tip (P50.0) sa taxi-driver, kaya lang ayaw tanggapin ng driver at siya'y nagpasalamat na lamang. Ang problema, hindi niya man lang nakuha ang telephone no. ng driver, cell no. o ang pangalan ng driver.

Doy Cinco / IPD
January 25, 2008

1 Comment -
Show Original Post

Blogger Joe_Taroogs said...
Asteeg! Mabu-ay si Hamong Hed! Nga pala, kung ex-soldier yung taxi driver at "SISID" yung style ng kanilang pangangampanya... matuturing ba natin ito na "Sisid Marino?" hehehe
1:05 AM
JT, Korek ka diyan, sisid marino nga yan! - Doy

3 comments:

Unknown said...

Asteeg! Mabu-ay si Hamong Hed! Nga pala, kung ex-soldier yung taxi driver at "SISID" yung style ng kanilang pangangampanya... matuturing ba natin ito na "Sisid Marino?" hehehe

doy said...

Mukhang wala ng planong magre-elect sa Governtorial post si Among Ed sa 2010.

Baka ito na ang signal, Among Ed for President movement...... - doy

lalooth said...

m3k88q3x33 v1k91f1e06 m8a31k6d11 m6p88t4a81 x2z32h7i55 i7g44o4l39