Sunday, January 20, 2008

BF: 'Kung ayaw mo ng TRAPIK, huwag lumabas ng bahay'

Minsan hindi ko inisip na kahit katiting ay may “katwiran” din pala itong si Bayani 'topak' Fernando, ang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Bakit nga naman kailangang pang lumabas ng bahay, bakit mahilig tumambay sa Mall ang mga tao, manuod ng movie, kung (lunch) kakain lang, bibili lang ng isang bagay, mag-internet, magpapalamig o mag-date lang naman kayo, at bakit hindi na lamang manatili sa bahay o mamili sa loob na lang ng inyong komunidad?

Isa sa mga napakakontrobersyal na gabinete ni Ate Glo. Dating mayor ng ipinagmamalaking lunsod ng Marikina at sinsabing “pinakamaayos at progresibong” lunsod daw sa buong Pilipinas. Popular man sa ilang middle class, diktadurya't pasista naman sa maraming nabiktimang mga kababayan natin mula sa hanay ng maralitang lunsod. (Larawan: kuha ni Rolly Salvador:
Homes along the creek. A demolition crew from the Metro Manila Development Authority dismantles hundreds of shanties built along the banks of the creek near Quezon avenue, Barangay Tatalon, Quezon City. The residents did not put up any resistance; http://www.malaya.com.ph/jan25/)

Itinatag ang MMDA upang pagb
uklurin ang 17 mga bayan at Lunsod na bumubuo ng Nation Capital Region. Bilang isang ahensya ng gubyerno, nakaatang sa kanya ang pagpaplano, pagmomonitor, pagkoko-ordina at pagsasagawa ng karampatang mga reglamento at pangangasiwa't pagdedeliver ng serbisyo sa kalakhang Maynila.

Kaya lang, may ilang problemang litaw sa papel at ginagampanang tungkuling bilang awtonomiya ng mga Lokal na Gubyerno sa larangan at usaping lokal na pangangasiwa. Hindi mawawala ang persepsyon ng tao na BILYON PISO na ang kickback at niraraket ni Bayani Fernando sa MMDA, na ayon kay BF ay; “makakatulong daw sa pagpapapogi, pagpapaganda, sa imahe, PRIDE at sa pagpapanumbalik ng respeto ng buong mundo sa Kamaynilaan, bilang sentro at kapital ng bansa.” Baka pa nga mas kapani-paniwalang sabihing ang paghahanda sa 2010 ang puntirya ni BF. (Doy's Photo, After clearing operation o demolition of vendors near Commonwealth market, balik operation ang mga Vendors)

Ang Metro Guapo na ipinagmamalaking programa ni BF ay may ilang taon ng ipinatutupad sa Kamaynilaan, na binuo, kinonceptualized mula sa pagiging Guapo patungong PANGIT at pagiging MAGULO ang Metro Manila. Binuo ito laban sa maralitanag lunsod o isang patakarang anti- mahirap, diktadurya. Una, ang Sidewalk Clearing Operations. Napuruhan sa proyektong ito ay ang mga lugar sa Cloverleaf Market saBalintawak, sa kahabaan ng Commonwealth at Quirino Highway-Caloocan, Cubao-Aurora blrd, Baclaran Paranaque Pangalawa; ang “patuloy na road widening.” (U-Turn: jangelo.blogspot.com/2004_11_01_archive.html)

Isang classic example ay ang makailang beses (limang) na road widening ng mga highway sa Kamaynilaan, partikular ang Commonwealt Av sa Quezon City. Sa kabila ng road widening, sa akalang maiibsan ang trapik, in the end, nanatili't lumalala ang trapiko sa Commonwealth Av at Kamaynilaan. Dahil sa sobrang lapad (10 lane) ng highway ala-run way sa airport, nagreresulta lamang ito ng matitinding aksidente sa mga motorista at pedestrian lalong lalo na ang mga U-Turn slot na parang kabuting itinayo ng MMDA sa kalakhang Manila. Ganun din ang inutil na "yellow lane at Bus Seperator," ang mga kulay pink na mga railing sa mga bus stop na inaasahan sa kahabaan ng Edsa, Commonwealt at ibang mga lansangan.

Batid ng MMDA kung gaano katindi sa araw-araw, ano mang okasyon ang traffic sa metropolis lalo nsa 24 na kilometraheng kahabaan ng Edsa, mula Hilaga, MacArthur Highway sa Caloocan hanggang sa Timog-Roxas Blvd sa Lunsod ng Pasay. Ang Edsa na panguning tinututukan at priority ng MMDA ay "itinuturing isa sa pinakamataas in terms of volume ng sasakyang bumabagtas 'di lang sa Pilipinas bagkus sa buong mundo." Ito ay isang semi-circular na umuugnay sa halos lahat ng mga radial roads na bumabagtas sa sentrong pampulitika, pang-ekonomya at panlipunan ng metro Manila.

Sa loob ng ilang dekadang pag-eexperimento ng MMDA sa Edsa, NABIGO at 'di naresolba nito ang traffic sa Edsa. Sapagkat, sa kabila ng paglalagay ng bilyung-bilyong pisong fly-over sa mga estratehiyang kanto ng Ortigas, sa Kamuning hanggang sa Quezon Av, bukud pa sa maliliit nitong mga proyekto, masasabi nating bigo ito na maresolba ang trapiko sa Edsa. Lumalabas, habang lumalaon, habang nandiyan ang MMDA, palala ng palala ang traffic sa kahabaan ng Edsa.
(Photo: Edsa http://www.filipinasoul.com/wp-content/uploads/2006/09/edsa_traffic.jpg
l.com/wp-content/uploads/2006/09/edsa_traffic.jpg)

Ilang taon ng lumalarga ang MRT 3 sa Edsa, itinayo para solusyunan ang trapik sa Edsa, subalit hindi nito ganap na naaresto ang trapik sa halos tatlong dekad
a ng bumabagabag sa Edsa. Alam siguro ng MMDA ang mahigit P20.0 bilyong katumbas na nasasayang na halaga' ng pinsalang dulot ng matinding trapiko sa kahabaan ng Edsa, ang nasayang na panahon (oras/man hour), ang palagiang pagmimintina't pagkukumpuni nito at ang pinakamalala, ang tone-toneladang krudo't gasolinang ibinubuga nito sa kapaligiran ng Kamaynilaan dilot ng trapik.

Ang desperadong anunsyong "kung ayaw n'yong MAT
RAPIK, huwag ng lumabas ng bahay" ni Bayani Fernando ay isang malinaw na depensang KABIGUAN ng programa ng MMDA sa Kamaynilaan. Sa unang tingin, parang anti-pribadong sasakyang ang mokong, pero kung mas palalalimin ng kaunting pagsusuri, malaking sablay at labag sa prinsipyo ng "freedom ng kalayaan sa paggalaw." Dagdag pa, paano nito irereconcile ang isyu ng ekonomya, ang posisyon ng Departament of Trade (DOT) at Tourism kung saan, sila ang kadalasa'y nananawagan o nag-eengganyong lumabas ang tao, namnamin ang kapaligiran, kagandahan daw ng bansa at may epekto sa pag-unlad ng negosyo't employment. Walang dudang lumalala ang trapik sa Kamaynilaan sapagkat hindi nito matutumbok ang ugat ng trapiko sa Kamaynilaan.

Namanhid na't karaniwan na lamang ang pangitaing trapik o PARKING LOT ng mga estratehikong mga lansangan sa Metyro Manila. Kung ikaw may sasakyan o isang mannakay at subukang mag-ikot sa Kamaynilaan, walang taong hindi mababad trip sa iyong mararana
san at makikitang parking lot.

Mula sa kahabaan ng Edsa, mula sa SM North Edsa hanggang Cubao at North Av., mula sa Ortigas hanggang Guadalupe, mula Ayala hanggang Taft av. Parking Lot din ang kahabaan ng Taft Av. mula Caloocan hanggang bansang Pasay. Parking Lot din ang kahabaan ng Quezon Av, mula sa Quezon Memorial Circle-underpass sa Edsa hanggang Welcome Rotonda at Quiapo. Talamak din ang trapik sa biyaheng timog patungong Cavite, ang kahabaan ng Aguinaldo Highway at papadireksyon ng Laguna at Eastern Rizal. Grabe rin ang traffic sa C-5 at Sumulong Highway.

Ang itinuturing kapalit ng Edsa at short cut mula sa Timog at Hilaga ng Metro Manila. Mula ng magsulputan ang malalaking Mall sa kahabaan ng C-5, week end man o may pasok sa eskwela ang mga bata, nagsimula ng maparalisa ang C-5. Isang mahabang Parking Lot ang C-5, mula sa Ateneo hanggang Libis Area. Mula sa Ugong, Pasig hanggang sa Kalayaan, Makati-Fort Bonifacio area. Bumalik din sa kalbaryo ng trapik/parking lot ang kahabaan ng Quirino Highway at Commonwealth Av.

Ano mang road widening project ng MMDA sa lugar ay nababalewala dahil sa dami at volume ng private na sasakyan na dumadaan. Gabi-gabi ang trapik sa bandang Sandigan - Litex hanggang Fairview Mall. Hindi mareso-resolba ang isyu ng pedestrian sa harap ng Commonwealth Market kung saan ilang mamamayan na ang nagbuwis ng buhay.

Sa isang pangkaraniwang motorista, driver ng taxi at pasahero, simple lamang ang kanilang nakikitang solusyon ng papatinding trapik sa Kamaynilaan, ang pagpapatupad ng PATAKARANG MASS TRANSIT (subway) sa kalunsuran, pagsasabalik ng popular na mga TRANVIA, pagdi-discourage ng paggamit ng pribadong sasakyan lalo na ang mga makukunsumong mga SUV (sport utility vehicle) sa Kamaynilaan at pag-eengganyo ng paggamit ng bisikleta, paglalagay ng bicycle lanes sa buong Kamaynilaan. (Photo: TRANVIA http://www.blogger.com/www.akworld.net and MRT 3)

Kung maisasakatuparan ang ganitong pagbabago sa patakaran, walang dudang magtatagumpay nga ang Metro Guapo ng MMDA.

Doy Cinco
January 20, 2008

2 comments:

politikobuster said...

may topak talaga si bayani fernando

politikobuster said...

http://mgasidecommentsko.blogspot.com/2008/08/where-in-philippines-is-bayani-fernando.html