Tuesday, May 29, 2007

2007 Election Assessment: Abalos, buong Comelec Commissioners, magsipagresign na!

Tanging ang lahatang pagsisipag-resign ng buong Commissioner ang tanging nalalabing solusyon upang maisalba ang kredibilidad at pagtitiwala ng taumbayan sa Comelec. Kung may katiting pang delikadesa, konsiensya't pagmamahal sa mamamayan Pilipino dapat magsipag-resign na ora mismo ang bumubuo ng National Board of Canvassers o ang pamunuan ng Comelec, mula sa Chairperson na si Benjamin Abalos, Resurreccion Z. Borra, Florentino A. Tuason, Jr., Romeo A. Brawner, Rene V. Sarmiento at Nicodemo T. Ferrer. Pansamantalang magtatalaga na lamang ng mangangasiwa sa trabahong iiwan sa nalalabing araw ng canvassing at pagpoproklama ng mga kandidato.

Isang malaking kahihiyan ang katatapos na ehersisyong pulitikal sa bansa. Bukud sa nahubaran na ito ng estadong napaka partisano, lalong luminaw na buluk at naghihingalo na ang sistema ng pulitika at halalan. Naging inutil ang Comelec. Hindi nito ganap na napanghawakan ang buong sitwasyon, ang kondukta ng buong electoral process, mula botohan at bilangan hanggang sa super bagal na canvassing.

Sa itinakbo ng mga pangyayari, hindi nito napaghandaan, naantisipa at naiprepara ang paulit-ulit na kahinaang sinapit nito nuong 2004 presidential election, ang irregularidad, dayaan at kaguluhan ng election. Ang paulit-ulit na mga insidente, ang paulit-ulit na walang naakusahan sa korte, walang napaparusahan, walang responsable, walang accountablity at higit sa lahat walang transparency sa maraming mga disisyunan at tagubilin. Mula sa paghahanda hanggang sa implementasyon, mula sa Campaign, election period hanggang sa botohan, pagbibilang- Canvassing at proklamasyon, ang suma, naging failure ang katatapos na halalan.

Ultimo ang kanyang mga katuwang sa trabaho sa hanay ng non-government organization, mga kilalang election watchdog, mula sa Namfrel hanggang PPCRV, mga civil society organization tulad ng Kontra Daya, Halalang Marangal, LENTE, ang mass media at iba pa ang siyang magpapatunay na "failure sa kabuuan ang naganap na election. " Naniniwala ang lahat na ang katatapos na election ay isa na sa "pinakamagastos, pinakamadugo, pinaka-highly militarized, pinakamagulo, pinakamadaya sa kasaysayan ng electoral politics sa bansa. "

Pananagutan ng Comelec;

1. Ginulo nito ang listahan ng mga botante sa paghahanay at pagtatalaga nito ng mga “clustered precint” sa halos lahat ng mga presinto. Hindi totoong nilinis nito ang kabuuang listahan ng botante sa tulad na ibig nitong palabasin na may pinurgang mahigit isang milyong boto (1.0 milyon). Ayon sa PPCRV, sa araw mismo ng botohan lumitaw ang katotohanan, "noventa porsiento (90%) ng botante ang nawala at nahirapan hanapin sa kani-kanilang mga presinto." Mismo si Chairman Abalos ay biktima sa ganitong klaseng kalituhan at paghahanap ng sariling pangalan sa presinto-Computerized Voter's List (CVL). Malaki ang pagkukulang ng Comelec sa panawagan at anunsyong “continuing registration,” sapagkat may malaking bilang na mga baguhan (first time voter, bata't matanda) ang hindi nakapagparehistro. Halos ganito rin ang karanasan sa pag-eengganyon erehistro ang malaking bilang ng OFW-migranteng Pinoy sa Overseas Absentee Voting (OAV).

2. Hindi nakaporma ang Comelec sa lantarang partisanong pangangampanya ng AFP-PNP laban sa oposisyon at maka- Kaliwang partido. Garapalang pinaburan ng ilang pusakal na pamunuan ng AFP ang administration senatoriable (Team Unity) candidates at lantarang pag-eendorso ng sariling party list organization (Bantay). Ginamit din ang mga tropang militar sa maagang "pambubulabog, pagneu-neutralisa" raw ng mga maka-Kaliwang organisasyon sa hanay ng maralitang lunsod.

3. Hindi agad nito na-aksyunan ng Comelec ang maagang paglilinis at pagbeberipika ng mga nuisance candidates at pag-iidentify ng mga nominadong nasa mga pekeng party list organization. Lumabas na kahiya-hiya ang Comelec sa kaso ng iskimang paglalaglag sa kandidatura ni Cong Allan Peter Cayetano, Noynoy Aquino, pagkonsinti sa impostor na kandidto ng KBL na si Jujo Cayetano at ni Mayor Jess Robredo ng Naga. Ang pagtugon ng Supreme Court sa isinampang kaso ni Cong Etta Rosales sa isyu ng mahigit 20 pekeng Party List government front organization ay lalong naglagay sa katawa-tawang kalagayan ang Comelec.

4. Nagpabaya ang Comelec na sawatain ang kondisyong makapandadaya ang mga operador ng administrasyon kasabwat ang sariling mga tauhan mga ilang Linggo bago magsimula ang halalan ng mapalitang naipuslit ang questionableng pag-iimprenta, mga nawawalang Election Return (ER) at balota. Pikit matang sinang-ayun ng Comelec na sang-ayunan ang iligal na pribadong pagsusub-contract sa napakasensetibong pag-iimprenta ng Election Return. Matapos ang araw ng botohan, naging napakaimportante at mamahaling dokumentong kalakal (P50,000 / each) na ibinebentang (milyong pisong raket) patago ng mga operador kasabwat ang Comelec officials ang ER at official ballot.

5. Naging inutil ang Comelec sa simpleng pag-iimplementa ng batas sa iligal na pagdidikit, pagbalatengga sa mga kawad ng campaign poster at propaganda materials. nagmistulang isang malawak na basurahan ng mga illegal campaign materials ang mga urban center (mula Baguio, Cebu, Cagayan de Oro hanggang Zamboanga City) ng bansa. Lumabag sa batas ang halos lahat ng mga kandidato sa kanilang mga campaign poster.

6. Nabigo ang Comelec na makontrol ang bilyong pisong sobrang gastos tulad ng political Ad TV spot sa kampanya ng mga kandidatong kabilang sa TU-GO senatoriable candidates. Wala itong nagawa upang imonitor at subaybayan ang mahigit-kumulang na P300.0 milyong TV spot, radio at print Ad ng bawat kandidato. Napatunayang mahina ang batas sa campaign finance ng election karaniwang palusot ng mga kandidato, "hindi sa sariling bulsa bagkus ito'y donasyon ng mga kaibigang sponsor na padrino. " Nanguna si Pichay, pangalwa si Recto, Joker Arroyo, Mike Defensor, Ping Lacson, Zubiri, Manny Villar at Chabit Singson sa gastusan.

7. Walang nagawa ang Comelec sa malawakan at talamak na vote buying at panunuhol ng halos lahat ng mga kandidatong TRAPO. Iba't-ibang anyo ng vote buying, may hayagan (pamimigay sa mga sorties, ex Chabit Singson) at may patago. Mula sa “insurance policy, grocery,” ATM, cell cards, pagpapakain at iba pang pamamaraang direktang panunuhol sa mga botante. Nagmistulang mga DSWD na pinipilahan ng mga botante ang mga campaign HQ ng mga pulitiko. Sa kabila ng mga nakita at nasaksihan ng madla at ng media, wala itong sinampolan at diniskwalipikang kandidato.

8. Accountable ang Comelec sa mahigit kumulang na 150 ibinuwis na buhay ng karumal-dumal na electoral violence sa bansa. Nabigo ang Comelec-AFP at PNP sa kampanyang ipinatupad na “total gun ban” at pagbubuwag ng mahigit kumulang na 200 malalaki at kilalang private armies sa bansa lalo na sa lugar ng Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Masbate, Abra, Cagayan at sa ARMM kung saan ang bantog na private army ni Gov. Ampatuan matatagpuan.

Dahil sa itinutring kaalyado't local machinery ng Malakanyang, wala itong binuwag na kahit isang private army ng malalaking political clan-warlord sa Mindanao at Luzon.
Ang mga armed goons at armies ng mga pulitiko ang tunay na dahilan kung bakit na delay at hindi nagkaroon ng malinis na halalan bunsod ng pagkakadiklara ng “failure of election' sa maraming lugar. Napahiya ang Comelec sa nasaksihan ng mga Foreign Observer ng hayagan nitong isambulat na "masahol pa sa Afghanistan Iraq ang sitwasyon sa Pilipinas."

9. Malaki ang kasalanan ng Comelec ng muling ipiwesto nito sa sensitibong posisyon ang mga “garci boys” na tulad ni Lintang Bedol ng Maguindanao kahit alam ng lahat na may questionableng kredibilidad ang karamihan sa mga itinalagang Regional election directors, provincial director at election officers sa antas munisipyo.

10. Walang pagsisikap ang Comelec na maberipika ang kahina-hinalang "paglobo ng bilang botante (20%) at voter's turnout (90-95%) sa lugar kung saan malalakas, kilalang may command votes at machinery ang administrasyon."

11. Dahil sa delay at "failure at special election” sa ARMM at Luzon areas, muling nabuhay ang talamak na “the price is right o mga bidding sessions” na dagdag-bawas at dagdag-dagdag special operation. Tulad ng inaasahan, sa halagang P50.0/boto, muling nagpiesta ang mga operdor, "garci boys" at galamay ng mga kandidatong nagbro-broker na sindikato o mga scalpers kasabwat ang ilang Regional, provincial at municipal Comelec director.

Dahil hindi nabura ang persepsyon mahina, kahina-hinala ang Comelec at pakawala ng administrasyon si Abalos, muling nadungisan ang mandatong taglay ng Comelec na “guardian of the ballots.” Ang pagbibitiw sa Task Force Maguindanao ng dating aktibistang si Commissioner Sarmiento at ang demosyong ipinataw kay Regional director na si Rapanan ay ilan lamang sa mga palatandaan na nagpatunay na may sabwatang nagaganap sa pagitan ng Comelec at Malakanyang.

“Ganito na lamang ba tayo palagi?
Ito ang karaniwang bukang bibig ng lahat ng sektor at ng lahat ng nagmamalasakit na mamamayan Pilipino, maliban sa mga propagandista ng administrsyon. Dahil nasa zero credibility ang Comelec, isang kabayanihan ang gagawing pagbibitiw sa katungkulan ng lahat ng Comelec commissioner
, si Chairperson na si Benjamin Abalos, Resurreccion Z. Borra, Florentino A. Tuason, Jr., Romeo A. Brawner, Rene V. Sarmiento at Nicodemo T. Ferrer.

Sa pagreresign lamang maipapakita ang tunay na pagmamahal at paglilingkod sa mamamayang Pilipino. Kaya lang, nasa "total denial ang lahat ng alegasyon sa Comelec." "Di tulad sa tradisyon ng Hapon na may konsiensya, naghaharikiri sa kanilang kasalanang nagawa, sa Pilipinas, kabaligtaran, binabaluktut at ipinagbubunyi pa ng Comelec ang "matagumpay na kondukta ng katatapos na halalan na ayon sa kanila ay isang peaceful, orderly and honest election.”

Doy Cinco / IPD
Social Movement Team
May 29, 2007

How the Local was Won

Patrick I. Patiño
Political & Electoral Reform Program
Institute for Popular Democracy
May 28, 2007

The May 14 elections gave us more of the same and in many occasions more than that. Vote-buying has become an open galore and sophisticated. Election-related violence and deaths have become prominent during the counting and canvassing of votes. The decades-rule of some political families has been shattered but political dynasties have penetrated various layers of elective offices.

Vote-Buying
In the coastal city of Tuguegarao, Cagayan, vote-buying is massive but discreet. How was this done? The price range from P200.00 to P500.00 with free bangus fish because the money is wrap in plastic and hidden inside the fish belly. But the system was exposed on eve of election day because it became unusual for people seeing men with pails of bangus going around the neighborhood. In Sto. Tomas, Batangas, vote-buying is through five-kilo rice bag with one-kilo pack of tocino and beef-tapa per household. It is more enticing and cheaper. An operator of a mayoral candidate in Mabalacat, Pampanga herded the officers of an elderly association to a house in San Fernando to bribe them for the association's vote. Unfortunately, the mobilization was uncovered before the vote-buying was made.

In Albay, money flowed from different levels. Instead of a one-slate vote-buying, each elective post has a price, depending on the target – individual vote or family vote. Mayoral posts range from P500 to 1,500; and P500 to P2,500 each for congressional and gubernatorial seats including the senatorial slate. Vote-buying became prominent in areas there was battle of margins among candidates.

There are many forms of vote-buying, but the system of giving cash is directly to undermine voter to vote for a specific candidate. But a new form of vote-buying was innovated - the negative vote-buying. Instead of buying votes which is tedious to follow-through to ensure that the voter really votes for the candidate and highly potential to be uncovered, negative vote-buying aims to dissuade voters not to vote. This system is done in areas where the candidate is weak. Another way is taint the voter's right finger nail with indelible ink to assure that he/she could not vote anymore. Negative vote-buying is one way of disenfranchising voters of their suffrage – but at least, a win-win exchange between the candidate and the voter. As they say, “hindi disimulado at hindi garapalang nakakahiya.” Many ordinary and poor voters in Pampanga, were given packed biscuites (with money inside) just to stay home on election day and deny gubernatorial candidate Among Ed his important votes. The election result: Among Ed won in a very tight battle of margins and very low and unusual voter turn-out.

On election day, have you noticed many children near the polling centers giving sample ballots to voters? The children's parents and/or elder siblings were recruited as poll watchers by various candidates. Recruitment of poll watchers more than the required number in a precinct is a legitimized form of vote-buying. A mayoral candidate in Caloocan City had huge number of poll watchers besides his other supporters who were accredited as Commission on Election (Comelec) Marshalls.

Election-Related Violent Incidents (ERVIs)
Election-related violence is a fixture of Philippine elections. What differs one election with another is the number and nature of incidents, deaths and wounded. There are three issues that came about ERVIs in the recent elections. First, although the Philippine National Police (PNP) boasts of lesser number of violent incidents compared to the 2004 elections, the death rate is high relative to the number of incidents – more than 50% death rate (117 deaths against 227 election violence incidents from start of election period to May 12). This is expected to go further high from election day to end of election period.

Second, among the victims killed, 72 are politicians (incumbents) and candidates unlike before where majority of victims are ordinary supporters and civilians. Does it mean that violence in the recent election is planned and pre-meditated? If there is parity among contending candidates in terms of resources and machine, is violence and/or killing an effective technology for winning? But why is killing done during the campaign where before it is done months ahead of election period?

Third, the PNP has discovered a formula how to downplay the impact of election violence, like government economists innovating measurements for less-impact poverty threshold and unemployment. The police has developed a categorization of election violence – one is politically- motivated and the other is personal grudges. Because the police has found out that not all 227 election violence incidents are politically motivated, therefore there are fewer deaths and wounded.


Regardless of how the police presents the data, election violence not only manifests the weakness of the state to curtail violence but also an extended expression of how the current dispensation uses the coercive instrument of the state for its partisan and political interests. Expect that post-election harassments and deaths will continue in Pampanga and other places where local politicians are alter-egos and have high stakes in Malacanang. Election violence also manifests the blatant disregard of politicians and candidates on election laws and disrespect to the Comelec, that has become completely inutile in implementing election rules and sanctioning election violators and criminals.

Family as Political Machine
Is the defeat of a number of political dynasties in the elections means the loss or weakening of the family's monopoly of local power or plain campaign blunder? Can the Joson's of Nueva Ecija, the Espinosa's of Masbate, the Acosta's of Bukidnon, the Imperials of Albay; the Espinas of Biliran, and Dimaporos of Lanao del Norte recover from their loses the next time? While most political families either exchanged elective posts or did changing of the guards, political dynasties not only maintained their rule but expanded the family's control in various elective positions. Prominent among these dynasties are the Marcoses of Ilocos Norte, Singsons of Ilocos Sur, Ortegas of La Union, Romualdezes of Leyte, Duranos of Cebu, Ecleo's of Surigao del Norte and Dinagat Island, Cerilles of Zamboanga del Sur and the Ampatuans of Maguindanao.

Post-1986 emerging clans are trying to catch-up with the old traditional political families by expanding their own clout like the Garcias of Bataan, Magsaysay's of Zambales, Umali's of Nueva Ecija, Garcias of Cebu, Zubiris of Bukidnon and the Barbers of Surigao del Norte. Gloria Macapagal-Arroyo also entrenched her own family in the Lower House by having two sons and a brother-in-law in the Lower House. A sister-in-law attempted to join the Legislature through the party-list elections.


Political dynasties will stay as long as the political-economy of local politics remain and as long as the election institution allows them. On the other hand, they may be considered as exception to the case, but the victory of Among Ed in the gubernatorial race in Pampanga against the entrenched patronage, coercive network and political machines of the Pinedas and Lapids; of the re-election of Mayor Robredo in Naga City amidst multi-prong attack of the Villafuertes with the support of two Comelec commissioners; the victory of Glenn Chong over the political patriarch of Biliran and Grace Padaca's struggle against the manueverings of the Dy's in Isabela are rays of hope that provide possibilities for agents of reform.####

Friday, May 25, 2007

Trillanes and the 2007 mid-term Elections

Emmanuel Hizon
Link: violentdispersal.blogspot.com

While it is correct to say that a vote for Trillanes is not necessarily a pro-coup vote in the strictest sense-- a coup which means the overthrow of a government by a section of the state, often by a fragment of the repressive apparatus of the state, replacing high-level leaders without the explicit support of the people, however, it doesn't also automatically equate that a vote for Trillanes is not a vote for extra-constitutional change.

The man was undoubtedly a symbol--a symbol of a form of rebellion which can clearly disrupt and stir the seemingly managerial tranquility of the ruling clique, a symbol of change outside the parameters of "convenient and acceptable" social norms if not of ruling laws. Joker Arroyo, the self-styled "defender of the constitution" even branded him as the poster boy of rebellion. People know this and yet, they voted and even campaigned for him. Trillanes was therefore an innovative if not a revolutionary concept and idea in an otherwise dreary political life under the GMA regime. An idea which the people evidently understood and identified with.

This only proves that the people were not just simple admirers of his convictions and courage (or his good looks); the truth of the matter, they were clearly becoming more open in changing society outside the limited options of our capitalist democracy or what is being offered by our American-styled constitution. Trillanes without doubt symbolizes this.

In here, the role of the progressive movement must be examined. Will our movement pour cold water to the potential radicalizing sentiment of the populace by insisting on the "acceptable" and "legal" means of change within the scope of formal democracy? Will the progressive movement push the people back towards social myopia by saying that their acceptance or mere interest in a coup is a no, no and therefore all aspiration for change via the extra-constitutional track must be abandoned? Or is it the role of the left movement to lend much needed political clarity and direction by insisting on our own version of an extra-constitutional road for change--a change that is systemic, democratic, participatory and yet radical when all else fails within the bound of this current social model?

Why are we so afraid of a people-supported military coup? Is it not much better than a classic military coup devoid of any people participation and involvement reducing the people as mere passive audience and pawns? Or of a veto coup, suppressing the majority will of the people through violent means? Is a coup still a coup when it involves the participation and commitment of a fighting populace out to dislodge an illegitimate regime? Or is this just a matter of branding, the same way the powers-that be label a genuine people's revolution as terrorism when that revolution failed in its quest for state power. I wonder what we will be calling the February events if it succeeded. Do we honestly believe that there is a neutral army in the first place?

But for the sake of argument, if we do unite ourselves in disagreeing with a military coup, people-supported or not, then so be it! However, we should never close our doors to extra-constitutional change. Hindi lang naman kudeta ang kabuuan ng extra-constitutional frame even if Trillanes is associated with it.

The people who voted for Trillanes may not exactly agree with a kudeta but it doesn't mean they will not entertain other forms of radical change. Ito ang mas importante. What is important is that people are beginning to appreciate more the political logic and relevance of achieving change outside the parameters of elite democracy--a form of democracy which unfortunately never championed the interest of the exploited and marginalized.

But the question remains, if people are beginning to become open to radical change, then why is GMA still winning in the congressional and local government elections? Why is GMA seemingly succeeding in reducing the progressive PL groups to negligible presence?

My reply is; aren't we expecting too much from the people in this particular moment, our people who are heavily oriented if not still fascinated with the spectacle of trapo elections? Does it automatically mean that just because they cannot articulate or budge their desire for change in the elitist, confusing and truly limiting numbers game of congressional, PL and LGU elections that they do not want change at all outside the restriction of bourgeois democracy?

How do we truly account for the awful performance and people's distrust of Garci, Paquaio, the Josons, the Atienzas, Pineda and the showbiz-crap wannabe politicians epitomized by Richard Gomez and Cesar Montano? Are these not significant strides in the peoples' political maturity? Are we going to dismiss these exceptions from the dominant charade that characterized the 2007 Mid-term elections as ho-hum?

Lastly, this brings us to the subject of heroes. I don't believe our people are merely looking for heroes instead of clamoring or seeking fundamental reforms. I believe they direly thirst for both. Personally, heroes are like symbols. People give them power, relevance and legitimacy. Symbols and heroes, in and by themselves are deemed powerless, but with enough people behind it, these can radically change things.

If the symbol or a hero reflects the desire for fundamental reforms without resorting to uncritical admiration or hero-worship, then I guess there is nothing wrong with it.

As David Bowie puts it, "we can all be heroes".

Link: violentdispersal.blogspot.com
May 26, 2007

"And I knew the meaning of it all
And I knew the distance to the sun
And I knew the echo that is love
And I knew the secrets in your spires
And I knew the emptiness of youth
And I knew the solitude of heart
And I knew the murmurs of the soul
And the world is drawn into your hands
And the world is etched upon your heart
And the world so hard to understand
Is the world you can't live without
And I knew the silence of the world".

-Billy Corgan, Smashing Pumpkins

Election sa Maguindanao-ARMM, “Moro-Moro”

Tulad ng inaasahan, nalagay muli sa sentro ng balita ang probinsya ng Maguindanao at ilang ARMM areas. Hindi lang sa isyu ng feudal-warlordismo, 4 Gs (guns, gold, goons at girls) at poltical clan, muling tumingkad ang isyu ng talamak na “dayaan at bastusan.” Sa ngalan muli ng “command votes at local machinery,” isang milyong pisong (P1.0 milyon) pabuya't pangako maitabla lang ng Malakanyang ang oposisyon. Kung baga, ang 12-0 ng administrasyon sa Maguindanao ay nagpapakita lamang na desidido ang Malakanyang na ipasok ang kanyang senatoriable bets sa Magic 12 maski masalaula ang institusyong nangangasiwa sa pagbibilang, ang Comelec.

Maliban sa kaso ng Pampanga, Isabela at iba pang lokal na lapaban kung saan ipinakita ang lakas ng mamamayan, sa kabuuan, muling nanaig ang impluwensya't kapangyarihan ng political clan at patron. Tulad ng GERA, walang election ang walang namamatay at walang election ang walang dayaan. Ginagamit lamang na instrumento ang election upang mapanatili at mapalawak lamang ang dinastiyang pulitikal ng malalaking angkan. Walang demokratiko at malayang election na kinatatampukan ng parehas (fair election) na labanan. Walang ideolohiya at tunay na partidong nagdala ng plataporma de gubyerno at ang malungkot, ang election ay tunggalian lamang ng iba't-ibang malalaking paksyon at alyansang magkaka-pamilya o political clan.

Nakilala ang Maguindanao nung sumambulat ang insidente ng 2004 “hello Garci dagdag-bawas controvercy.” Isa sa ipinagmamalaking may solidong “command votes at local machinery” ang probinsya ng Maguindanao. Ang sabi ng mga propagandistang buluk ng Malakanyang na si Evardone, Albano, Ermita, Gabby Claudio, Roquero, Nograles at Pichay, "ito raw ang alas ng administration senatoriable bets upang talunin 12-0 ang oposisyon."

Bukud sa pagpapakita ng lakas, pambayad utang at pangakong idedeliver na boto sa Malakanyang, pinagkakitaan din ito ng mga operador sa Comelec. Sa anyo ng “highest bidder at dagdag-bawas,” shopping spree sa mga senatoriable candidates na nalalagay sa alanganin (13th - 16th position). Ayon sa mapagkakatiwalaang mga source, “pinakamababa ang P20.0 milyon kada kandidato ang ibinayad ng TU at GO sa lugar, makapag-operate at makapagkontra-opensiba lamang sa pandaraya." Note:hindi kasali si Trillanes.

Patronage politics ang kalakaran umiiral sa Maguindanao. Maraming Maguindanao sa Pilipinas, ito'y matatagpuan sa Northern Luzon, Central Luzon, Sourthern Tagalog, Bicol at Kabisayaan. Sa madali't sabi, isa lamang lokohan, denggoyan, lutong macao o ang katawagang s “moro-moro” ang pulitika ng Maguindanao. Ang salitang “moro-moro” ay isang klase ng panlalait (racist) at anti-muslim na popular na ginamit ng Kristiano't elitistang Pinoy sa tuwing may proyekto't halalan sa Muslim Mindanao.

Kilala rin ang Maguindanao bilang pumapangalawa (2nd place-2006) sa pinakamahirap na probinsya sa buong bansa mula sa pang-anim (6th place) nuong 2002. May 289, 029 rehistradong botante ang Maguindanao. Sa 22 bayan sakop, isa lamang ang hindi kontrolado ni Gov Datu Andal Ampatuan. Ito'y hawak ng katunggaling angkan na si Matalam. Dating gobernador, may kontrol ng pulitika at siga-siga sa probinsya. Bukud sa may kasalukuyang armed seccesionist movement sa lugar, may armed check point sa lahat ng papasok at palabas ng probinsya, mistulang isang malaking military garrison ang probinsya. Kaya't bago ang May 14 election, tinapos ang selection process sa mga kandidatong angkan ilulukluk at sil-sila rin ang nagproklama. Walang Comelec na pwedeng maki-alam, walang BEI, walang poll watcher, walang Kristianong media at walang grupong poll watchdog ang pwedeng pumapel.

Walang pwedeng mangahas na magreklamo o magprotesta. Bawal ang civil society. Ang panginoon-angkan lamang ang masusunod. Ang kagustuhan ng panginoon ay kagustuhan din dapat ng mamamayan at wala ng iba. Dahil sa ganitong kalakaraan, alam ng lahat na napaka-imposibleng magkaroon ng isang maayos na electionsa Maguindanao. Isang election may kahalintulad na klima ng karahasan nagaganap sa Iraq at Afghanistan. Talamak ang feudal lord, warlordismo, 4 Gs (guns, gold, goons at girls), malalaking political clan at higit sa lahat, kinakalinga, pinakikinabangan at sinusuportahan ng isang rehimeng naghihingalo't gustong manatili sa poder, si Ate Glo.

Ang election sa Maguindanao ay basically selection, kung sino ang uupo at hindi. Ito'y pinagpapasyahan ng maimpluwensyang mga pinuno na naghahari at tumatayong panginoon-datu-patron sa lugar. Sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag na “suara,” dinisisyunan, tinatapos at binasbasan na ito ng angkan. Para sa kanila, “pormalidad (formality) lamang ang Mayo 14." Ang mga “halal” na political leaders ay kadalasang kaalyado ng sinumang nakaupo sa Malakanyang. Pareho silang may political interest at nakikinabang sa isa't-isa.

Kaduda-duda ang ipinakikitang datos sa Maguindanao, tulad ng apat na probinsyang sakop ng ARMM (Sulo, Basilan, Tawi-Tawi at Lanao del Sur), tumaas ng mahigit 10% ang voter's population ng anim sa dalawangpu't tatlong munisipyo sa Maguindanao. 10.37 % ang itinaas ng bayan ng Ampatuan; Datu Abdullah Sanki, 19.23 percent; Datu Paglas, 12.52 percent; Datu Saudi Ampatuan, 17.78 percent; Datu Unsay, 27.63 percent; Pagalungan, 15.82 percent; Paglat, 43.05 percent; Shariff Aguak (Maganoy), 19.83 percent; and South Upi, 72.70 percent. Kataka-taka ang biglaang pagdami ng mga botante sa Maguindanao at apat na probinsyang sumasakop sa ARMM.

Sa loob ng tatlong taon, may 60,000 nadagdag na botante ang Maguindanao at Sulo (120,000), 80,000 ang nadagdag sa Basilan, may tig 60,000 (120,000) ang nadagdag sa Tawi-tawi at Lanao del Sur. Ang nakak-intriga, habang lumiit ang bilang ng botante sa malaking bahagi ng Pilipinas, lumolobo't lumalaki ang bilang ng botante sa ARMM areas. Sa kabila nito, walang ginagawang pag-aalangan, pagsusuri't double check ang inutil na Comelec.

Ayon sa Regional Comelec chair na si Bedol, “mataas palagi at hindi bumabba sa 90% ang voter turnout sa party list election sa Maguindanao. “ Noong 2004 elections, sa kabuuang 334,331 registered voters, ang total party list votes cast sa probinsta ay 283,012, halos 84.65%, ang pinakamataas sa buong kapuluan.

Ampatuan at Matalam Clan
Mula pa nuong panahon ng Kastila't Amerikano, ipinagpapatuloy ang dinastiya't oligarkiyang kontrol ng iilang pamilya o political clan hindi lang sa Maguindanao, maging ang buong Pilipinas. Pinagharian ng dalawang malalaking Political Clan ang Maguindanao, ang Datu Andal Ampatuan, ang pinakamalaki, pinakamabagsik at kasalukuyang may tangan sa poder ng probinsya. Kabilang ang Ampatuan sa mga Datumanong at Datu Abdula Sanki clan. Bahagi rin sa ankan ang mga Sinsuat, ang dating Gobernador nuong panahon ni Presidente Marcos.

Ang angkang Matalam sa katauhan ni Datu Udtug Matalam ang mahigpit na katunggaling politikal ng mga Ampatuam , isang prominenteng political at rebel leader nuong kapanahunan ng paghihimagsik nuong dekada sais senta (60s). Siya rin ang kauna-unahang halal at limang beses nahalal bilang gobernador ng Cotobato, bago pa ito biniyak sa apat na probinsya. Habang nakalinya sa mga Nacionalista Party at kay Marcos ang mga Ampatuan, naka-alligned naman sa Liberal Party (LP) ang mga Matalam, ang kanyang brotherin-law na si Salipada Pendatum at mga ilang kabataang militanteng muslim scholar sa Manila.

Maliban sa pagiging gobernador (twice un-opposed), siya rin ang kinikilalang panginoong Datu, lider ng angkan, pinuno ng Regional Lakas-CMD sa rehiyon si Datu Andal Ampatuan. Siya rin ang mahigpit na kaututang dila ng pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa, si Ate Glo. Sa dalawangpu't dalawang munisipalidad ng Maguindanao, 18 rito ay hawak ng kanyang mga anak, apo, kamag-anak incorporated (mayors) at mga un-opposed itong nagdaang election. Ampatuan din ang Vice Governor, si Sajid Ampatuan.

Nang pasukin ni Ampatuan ang pulitika, namuhunan muna ito at pinaghandaan ang lahat ng sangkap sa pagtatayo ng kaharian politikal. Maliban sa kayamanang taglay, itinayo nito ang sariling armadong grupo (private armies). Bago ang May election, mahigit kumulang na tatlong libong pwersang armado (3,000) at mahigit 5,000 rehistradong malalakas na armas ang hawak ni Ampatuan. “Katumbas ng labingdalawang batalyon, isa sa pinakamalaking private army sa Asia.” Nakakatawa, habang nasa tungki ng ilong ng PNP-AFP ang pananatili ng Ampatuan Army, tiklop ang buntut, walang magawa sa kampanyang pagbubuwag ng private armies ang inutil na Comelec.

Noong sumiklab ang digmaang MNLF at pwersang gubyerno noong 1970s, namangka sa dalawang ilog si Ampatuan. Habang nakikisimpatya sa MNLF-Nur Misuari, nakipagcollaborate siya sa gubyernong Marcos. Noong papahupa na ang gera, nag-alaga si Ampatuan ng mga junior officers na nakadistino sa Maguindanao. Ang mga ito ay siya ngayong tumatayong mga matataas na pinuno ng AFP na nagsu-supply sa kanya ng malalakas na armas. Nang muling sumambulat ang digmaan sa pagitan ng bagong tatag na grupong MILF at pwersang gubyerno, ganap na nakiisa na siya sa gubyernong Ramos. Binuo niya ang sariling CAFGU at CVO na inarmasan ng AFP laban sa MILF.

Maliban sa regular na supply na armas, pinapakyaw ni Ampatuan ang lahat ng malalakas na armas tulad ng M-60 machinegun, M-14 at baby armalite sa arsenal ng AFP. Iba't-ibang yunit ang kanyang private armies, bukud sa Cafgu at CVL, nasa-payroll din sa kanya ang PNP at AFP. Malaking tulong sa isinusulong na “global war on terrorism” ng gubyerno si Ampatuan, kaya't bilang kapalit, lahat ng kailangan nito ay pino-provide ng AFP. Kahit anong klaseng katiwalian, irregularidad, karahasan hanggang sa pagmamanipula sa tuwing may election ay nairaraos na parang walang kaso. Untouchable si Ampatuan hindi lang sa Maguindanao, maging sa buong Pilipinas.

Sa darating na “special election” sa Mayo 26, aasahang muling iiral ang irregularidad. Habang hindi naio-overhaul ang Comelec at nandiyan si Abalos at si Ate Glo at habang nananaig ang dominanteng sistema ng election sa Pilipinas, habang may kontrol at naghahari ang Political Clan, padrino at talamak na 4 Gs (guns, gold, goons at girls), kahit pa maimodernisa ang election (automated voting machine, proven in the last ARMM election nuong 90s), kailanma'y isang bangungut ang malinis at credible na election sa ARMM, partikular ang probinsya ng Maguindanao.

Doy Cinco / IPD
May 25, 2007

Monday, May 21, 2007

Namfrel Is Missing The Moment

By: Gladstone A. Cuarteros
Research Associate, IPD
May 21, 2007

In March when the Commission on Elections (Comelec) finally accredited the National Movement for Free Elections (Namfrel) to undertake a quick count for this 2007 elections, I did not rejoice. I have doubts on Namfrel, a feeling that is shared by many people I know. The allegations against its ex-Chairman is one reason. The other reason is Namfrel lost significant credibility when it declared that there was no systematic nor large-scale fraud committed in the 2004 presidential elections. The discovery of 'Hello Garci' tapes erased all that assessment. On the contrary there was indeed systematic and large scale-fraud as the Garci tapes have revealed. What dismayed me more is Namfrel until this day did not bother to make any condemnation on the fraud allegedly committed by GMA and Virgilio Garcillano.

Though Namfrel failed to account for its own actions in the 2004 election Operation Quick Count, because Comelec already decided that it will be doing the quick count I was willing to give Namfrel a chance to redeem itself this time. I could not over emphasized the value of a quick count in deterring election fraud and cheating, especially so when the count it is done literally quick. In our archaic electoral system that requires weeks to complete the canvassing of votes for national positions, an independent quick count will provide the public important information on the outcome of the elections way ahead of the official count. By doing so whoever are planning to cheat the elections by altering municipal or provincial certificate of canvass (COCs) will have less time to do it because independent count have already reported who are the winners. All that is left is for Comelec to finish their bureaucratic, slow-paced count and proclaimed officially the winners.

One week after the May 14, 2007 elections what we see is Namfrel's supposed quick count is not a quick at all! Until today (21 May) it has counted less than half of the total election returns, exactly only 37.76% of the 225,000 election returns nationwide. Its highest figure on the senatorial candidates votes stand only at 5.6 million votes. Compare that to the media quick count done ABS-CBN and STI who were successful in counting up to 1.4 million in just 24 hours. Or the separate media count of GMA 7 and AMA whose figures stood at 1.5 million votes counted in a day and a half. They also made use of precint-level tabulations just as what ERs have, which Namfrel is authorized to receive a copy.

The media quick counts while unofficial and limited to provinces and cities where these computers schools have branches, they gave full meaning to the word QUICK. And because they were so quick they earned criticisms from the Palace and Comelec accusing them of trending, an accusation that is misplaced I should say. If ABS-CBN/STI and GMA7/AMA can undertake counts that are fast and accurately why can't Namfrel do the same? What is bugging Namfrel from hastening its count?

For sure, Mr Edward Go, the new Namfrel Chairman explained that their computer system could not take-in the volume and so at some point their system bug down. Furthermore Go's secretary general also explained that they could not cross-check the data last Thursday (17 May) night because their volunteers were tired. I don't know if we should be convinced with these reasons, flimsy as they are. Namfrel should understand that by delaying the count, Namfrel is unwittingly providing time and opportunity for 'dark' political operators outside and within Comelec to do their cheating? A lot of time and opportunity, in fact. And what are these rumors that Namfrel is deliberately delaying the count and is involve in trending?

The cheating machines of candidates are by now very active. Last week sources have said that some groups have been spotted in Mindanao already. They are just waiting for time to insert somewhere the fabricated ERs and COCs they have in their hands. The use of quick counts is precisely to guard against these people by not giving them time and opportunity to insert those ERs/COCs somewhere. If the votes for every municipality, province and city are counted quickly, then the 'dark' political operators will have difficulty finding a municipality, province or city to cheat, to insert those fake Ers/COcs they have.

This is where my dismay of Namfrel is coming from, it is taking them too long to complete the quick count. The delay is giving too much time and opportunity for the dark political operators to successfully manipulate the election outcome. How many days have passed after the voting yet Namfrel is literally miles away from completing its count. In fact it is just few millions ahead of the official Comelec count and with the pace Namfrel is taking it might even be overtaken by the Comelec in a matter of days.

People want to know quickly the results of their votes, that is why the ratings of the TV channels rise up when ABS-CBN and GMA7 were doing their media counts. When the media stop their counts they are expecting Namfrel to fill the gap. But Namfrel is now missing the moment of providing quick information to the public and as such, also missing the guarding against election fraud/cheating. Instead of seizing the moment, Namfrel is missing the chance of raising its own credibility capital. The fear of Manolo Quezon III that Namfrel might not be up for the job of rendering judgment and ensuring credibility of the 2007 elections is proving to be a legitimate fear.

We all know for a fact that funding for Namfrel comes from big business. If by any chance the big business is among the reasons why Namfrel is doing a slow count, not the quick count that it is suppose to be doing, only because of the concern of big business for political stability, then I think the businessmen/women should go back to drawing boards. They might just get the opposite. This year's election is critical in deepening our democracy. After 'Hello Garci' in 2004 our people expects no less than honest and credible election. When the people see that the elections is so manipulated by the powers that be just like in past, worse with the aid of independent bodies, I am sure our people will turn the tide against to those who are betraying them and those who do not respect their votes.

#####

Saturday, May 19, 2007

Dahil sa “Delay at Failure of Election,” Trillanes, Cayetano at Pimentel Ilalaglag ng sabwatang Comelec-Malakanyang

Walang kaduda-duda, halatang-halatang puntirya ng "pagdedelay at failure of Election” ang tatlo upang ipasok sa magic 12 si Zubiri, Defensor, Recto at Pichay. Bunsod ng napipintong “special election,” may mahigit 600,000 boto sa Mindanao ang inaasahang minamanipula ng mga galamay at operador ng Malakanyang para maipwesto ang apat na TU bets at ilaglag sa kangkungan ang tatlong GO senatoriable bets.

Hindi maaatim ng Malakanyang na makapasok sa magic 12 ang tatlo, lalo na ang dalawang kinamumuhiang pasaway, balakid sa katatagan at political survival ni Ate Glo, si Trillanes at Cayetano. Patuloy na namamayagpag sa pangsiyam at panglabing-isang position si Trillanes. Binimbin sa bilangguan ang consistent na gumuguhit sa kabulukan ng sistema ng paggugubyerno ng kasalukuyang administrasyon, walang makinarya't daang milyong pisong ginastos, lalo na sa TV spot Ads si Trillanes. Ganun din si si Allan Peter Cayetano, isang oposisyon, isang anti-GMA at perwisyong totoo sa pamilyang Arroyo. Kung matatandaan, halos lahat ng klase ng paggugulang ng Administrasyon-Comelec ang ibinato kay Allan Peter Cayetano 'wag lamang mapasama sa magic 12.

Ayon sa mga usap-usapan sa mga "inuman" ng ilang kaibigang operador-mersenaryong may link sa ilang kandidato ng TU- administrasyon, "kung walang counter-meassure, counter offensive tulad ng ginawa ni Sen Lim sa Manila at kung 'di masasawata, maaagapan (ng mga abugado) ng kampo ng oposisyon ang masamang balakin ng administrasyong " maipapasok sa magic 12 ang apat na namimiligrong Team Unity bets ng administrasyon.

Tulad nuong nakaraang mga election, ang Mindanao ang palagiang nagreresolba ng deadlock at end game ng maruming halalan sa Pilipinas. Mismo na ang taga Mindanao (ARMM) ay asiwa na sa Comelec sa kung bakit hinahayaan, kung bakit wala itong ginawa at hindi nito mareso-resolba ang pangit na larawan ng kanilang rehiyon sa tuwing election. Ilang dekada, paulit-ulit na ilang election, ang Mindanao (ARMM) ang pangunahing ginagamit, pansalba, panghilot, ang fallback at lunsaran ng special operation ng mga natatalo at gustong makaungos sa magic 12 lalo na ang naghihingalong mga administration candidates.


May ilang araw bago ang E-day (Mayo 14), lumitaw ang Oplan “Mercury Rising.” Isang engrandeng iskima't plano ng Malakanyang na ang layunin ay itabla ang oposisyon sa election, gamitin ang buong pwersa' resources ng estado at gawin ang lahat ng paraan upang mailatag at maisigurado ang 5 : 5 : 2 (Oposisyon, Administrasyon at Independent). Hindi na balita ang 12 - 0 pagmasaker sa oposisyon na ipinakita sa Maguindanao at sa limang bayan sa Bohol. Alam ng lahat na walang naganap na election sa lugar, ganito rin ang sinasabi ni Ed Cabalu, spokeman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), kung saan ang malaking guerilla base nito ay matatagpuan. Patunay lamang na seryoso ang Malakanyang na kahit magboomerang, anumang consequence, ipatutupad ang garapalan at malawakang pandaraya.

Dahil nagcommission rin ng electoral survey ang Malakanyang, alam nito na mamamasaker ng GO ang TU administration ticket (9 : 2 : 1). Alam ng Malakanyang na naparalisado ang "vote delivery" at nag-collapse ang kanyang ipinagmamayabang na "command votes at local machinery." Alam din nito kung ano ang kadahilanan, saan-saan lugar, sino ang involved, gaano kalayo ang ilalamang at paano lulunasan ang usapin.


Bunsod ng mapait at nakakahiyang kinahinatnan sa election, muling binuhay ng Malakanyang ang “dagdag-dagdag at dagdag-bawas ops” upang baligtarin ang trending, resulta at mga pangyayari. Walang dudang itatapon sa kangkungan ang tatlong kawawang oposisyon. Kumakatok na sa pintuan ang apat na TU candidates at unti-unting inuungusan ang tatlo. Ayon sa huling labanan, palaglag na magic 12 si Trillanes, pumasok na si Zubibiri sa pang-sampung position at nahawi na sa panglabing tatlo si Pimentel.

Isa sa matibay na palatandaan ng "dagdag-dagdag at dagdag-bawas" ay ang pagkakadiklara ng “failure of election” ng Comelec sa ilang probinsya ng Mindanao (ARMM areas). Bunsod ng kaguluhan , takot, terorismo at “pagkakadelay ng election, counting at canvassing,” dinisisyunan ng magkaroon ng “special election sa May 26” sa mahigit-kumulang na labing-tatlong munisipalidad sa Lanao del Sur at Norte, Mindanao.

Dahil sa napakaliit lamang ang diperensyang botong namamagitan (5,000 – 100,000 votes) sa pang-siyam hanggang panglabinglimang position (rank: 9th-15th place) na inirereport ng Namfrel at Comelec trending, nakakalungkot isipin na ang mahigit 600,000 boto sa rehiyon ay walang dudang lalapastanganin ng mga sindikatong operador ng administrasyon. Ito ang tiyakang magpapasya o deciding point sa kahihanatnan at kalalabasan ng halalan sa national Senatorible election. Dito sa Pilipinas, ang deciding point ay sa panahon ng canvassing (1-2 weeks after election) at hindi May 14 sa inaakala ng lahat.


Habang nagcoconduct at nagna-national canvassing sa PICC ang Comelec, may patagong subastahan, price bidding at negosasyon sa gilid-gild at malalamig na lugar ng Maynila ng mga operador, mga kinatawan ng kandidatong talunan sa Senate race at local Comelec officials. Tulad nung 2001 at 2004 election, naglalaro sa P5.0/boto hanggang P 50.0 / boto ang bentahan. At dahil sa total blockade ng partisanong AFP at PNP ang lugar na paglulunsaran ng “special election,” maliit ang tsansang maicover ng dalawang malalaking national media networks, ng ABS-CBN at GMA-7 at mabantayan ng independent election watchdog at Namfrel ang “special election.”

Bago ang E-Day, maliban sa talamak na "vote buying," ang bilihan, suhulan at pangakuan (P100.0 - P5,000) sa halos lahat ng lugar sa Pilipinas, may naiulat na nawawalang Election Return na inaasahang maibabaligya ng mga sindikato sa halagang P40 -60,000 kada set sa mga bilyunaryong senatoriable candidates na nalalagay sa alanganin. May naiulat ding nawawalang 3,700 ballots sa Lanao del Sur, kung saan nagkataong dito rin isasagawa ang "special election."

Isa pa, habang may paglobo ng mahigit 40% ng registerd voter's population sa Maguindanao at mahigit 20% sa ilang karatig probinsya ng Shariff Kabunsuan, Basilan at Sulo, Mindanao at Northern Luzon, lumiit naman ng mahigit 10% ang voter's population sa Metro Manila, ilang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at ilang urban center sa Kabisayaan at Mindanao.


Halos ganito rin ang voter's turnout. Habang nasa 55-70% ang turnout sa Metro Manila at sa ilang tukoy na rehiyong may sintiementong anti-administration, kamang-manghang lumobo naman ang voter's turnout, 70-85% sa mga lugar na kinikilalang balwarte, may command votes at machinery ang administrasyon. Dagdag pa, dahil sa mahigit 10% ang turnout, pinakikitang walang ganang bomoto ang ating mga kababayang tinaguriang mga bayani ng panahon, ang Overseas Absentee Voter's (OAV). Parang kulang na lang sabihing “walang kakwenta-kwenta, elite dominated at TRAPO politics ang isinagawang election ng Comelec sa Pilipinas.”

Habang “marami ang 'di nakaboto, nawalan ng pangalan, nalito, may dobleng pangalan, ang matagal ng patay ay nakakapagtakang nasa mga listahan ng Computerized Voter's List (CVL).” Ultimo si Chairman Abalos ng Comelec ay biktima ng kalituhan at kaguluhan sa paghahanap ng kanyang pangalan sa presinto ng Mandaluyong. Pawang propaganda lamang, lokohan ang anunsyong nilinis at nagtanggal ito ng mahigit isang milyong botante.

Kung matatandaan, nuong Marso-Abril '07, ilang buwan bago ang E-Day, kung sana'y sinunod nito ang tawag ng mamamayang "ilabas nila ng mas maaga ang CVL" sa kanilang websight o ipaskel man lang sa mga polling centers ilang Linggo bago ang E-Day, hindi sana nagkawindang-windang at nagkagulo-gulo ang botohan at election. Ang nakakalungkot, maliban sa milyong pisong raket ng Comelec ang pagbebenta ng CVL at sadyang sinusunod lamang nila ang utus mula sa Malakanyang na guluhin, lituhin at i-clustered ang listahan ng mga botante.


Alam ng lahat na mas may bentahe't pakinabang ang administrasyon sa liit ng voter's turnout sapagkat ang silent majority o ang tinatawag na market votes na umaabot ng mahigit 60% ng kabuuang 33.0 milyong bumoto ay nasa panig at kontra- administrasyon, kotra kabulukan at sistema ng paggugubyerno ng kasalukuyang dispensasyon.

Totoong isang referendum kay Ate Glo ang May midterm election, totoo ring isang political statement ang kritikal na ipinakita ng mamamayang Pilipino hindi lamang sa senatoriable race, pati na rin sa mga strategic vote rich areas sa lokal na labanan. Ang kaso ng Pampanga kung saan pinahiya't pinabagsak ni Among Ed ang galamay ng pangungurakot at talamak na gambling network ng administrasyon. Hindi sa naniniwala't may suporta ang mamamayan kay Among ED, Mayor Lim, Binay, Cong Darlene Custodio at Jess Robredo ng Naga, sa Makati, Manila at General Santos City, bagkus ito'y "pagpapakita ng daing at panawagang pagbabago laban sa kasalukuyang nakalukluk sa Malakanyang at disgustong kabulukan ng sistemang electoral at pulitika."

Anuman ang mangyari, may conjuncture man o wala, manalo man ang oposisyon at administrasyon, may impeachment man o wala, may malalim na inbistigasyon ba ang gagawin ng Comelec sa Mindanao (ARMM) o wala, ang tiyak ay dinaig ng Pilipinas ang Afghanistan, at ang sigurado, ang katatapos na May midterm election ang itinuturing na PINAKAMADUGO, pinaka-highly militarized, pinakamadaya, pinakamagastos at higit sa lahat, pinakawalang kwentang ehersisyong politikal na naganap sa kasaysayan ng electoral politics sa Pilipinas.


Doy Cinco / IPD
May 18, 2007

Wednesday, May 16, 2007

“DAGDAG-DAGDAG” ang ipinalit sa Dagdag-Bawas, 6 : 4 : 2 ipipilit ng Malakanyang

Una na nating sinasabi na “gagawin ang lahat ng paraan” ng administrasyon manalo lang sa election. Sa ikalimang pagkakataon (since 1992-2004 presidential election), muling binuhay ng administrasyon ang magic at makinarya ng pandaraya upang ipasok ang anim (6) na TU senatoriable bet sa magic 12. Sa totoo lang, hindi na balita ang 12 – 0 ipinakitang dayang boto sa Maguindanao kapalit ang isang milyong pisong (P1.0 milyon) pabuyang ipinangako sa kada Mayor ng probinsya. Ang Maguindanao ay indikasyon na tutuluyan ng administrasyon ang oposisyon kahit mawarat ang kredibilidad ng Comelec.

Paulit-ulit na pinagyabang ng administrasyon ang “command votes at local machinery” na mukhang umepektib lamang sa Maguindanao at naunsyami't nabulilyaso sa 80 probinsyang pinagmamalaking balwarte't malakas ang makinarya ng administrasyon.” Kaya lang, laking kahihiyan ang inabot ng administrasyon ng bumulaga sa madla ang tunay na realidad, resulta at pagpapasya ng mamamayan sa katatapos na election. Mag-aapat na araw na ang bilangan (15% sa kabuuang bilang ng botante) at patuloy ang pamamayagpag sa 7 : 3 : 2 hanggang 9 : 2 : 1 ang oposisyon sa Abs-Cbn (STI), GMA 7 (AMA) quick count at Namfrel.

Maliban sa pangkaraniwang tipo ng dayaang ginamit, lalo na ang bantog na “dag-dag bawas special operation” nuong 2004 election, dis-enfranchisement of voters, confusion, garapalang vote-buying, laganap na irregularidad sa bilangan at canvassing ng boto, terorismo sa halalan tulad ng ballot snatching, poll violence, may sinimulang bagong istilo't porma ng dayaan ang Malakanyang, ang DAGDAG-DAGDAG special operation.

Dahil bistado na ang iskimang “dagdag-bawas” na pinasikat ng “hello Garci controversy," may bagong innovation ng pandarayang ipinatutupad ang administrasyon kasabwat ang ilang opisyal ng Comelec at sindikatong mga operador, ang DAGDAG-DAGDAG special Ops. Isang iskimang kay daling isagawa't hindi gaanong halata kung ikukumpara sa Dagdag-Bawas.

Base sa proseso ng halalan, Una; ang boto ng mamamayan ay unang bibilangin ng Board of Election Inspector (BEI) sa prisinto o sa mga polling place. Pangalawa; ang resulta ng bilangan ay nakasulat o nakadokumento sa Election Return (ER) kung saan sinusumite ito upang icanvass sa municipal-city canvasser. Pangatlo; ang resulta sa munisipyo-city canvassing ay ilalagay, isusulat at isusuma sa Certificte of Canvass (COC). Pang-apat; ipapasa o ifoforward ang COC sa Provincial Canvasser na kung saan isusuma ito't ilalagay sa Provincial Certificate of Canvass (PCOC). Panglima; ipapadala ang PCOC sa PICC (Phil International Convention Center, sa Cultural Center sa Manila) upang isagawa ang huling pagsusuma, ang National Canvassing kung saan bibilangin ang labanan sa Senatoriable at Party List.

Saan maaaring makapenetrate ang DAGDAG-DAGDAG? Dahil sa dami at tindi ng pagbabantay na isinasagawa ng maraming sektor, bagamat pwede pa rin mailusot may tantya ang administrasyon na mahihirapan ng isagawa ang palasak na "PAGBABAWAS ng boto" sa presinto hanggang munisipyo. Dahil dito, nakakita ng butas, taktika at nagchange gear ang mga operador at isinagawa ang konsepto ng Dagdag-Dagdag.

Tulad ng konsepto ng Dagdag-Bawas sa munisipyo, nasa munisipyo't probinsya rin ang target ng Dagdag-Dagdag ops. Nasa "pangalawa hanggang pang-apat na proseso" isasagwa ang DAGDAG-DAGDAG ops. Tulad din ng dagdag-bawas, ang Election Return pa rin ang puntirya ng operation. Ang kaibhan lang, kung dati rati'y pakyawan ang tapyasan ng boto sa kalaban, sa ngayo'y walang babawasang boto, bagkus magdadagdag na lamang (additional digit o pagdiskrungka ng numero) ng boto sa mga kaalyadong kandidato, specially sa mga administration candidates sa Senate at Party List candidates na may mahigpitan ang labanan.


Sa canvassing na isinagawa sa Makati kamakailan lamang, natuklasang ng ilang Poll Watcher ng oposisyon ang botong 1,000 ay naging 1,800, dahil nilagyan ng isang maliit na zero ang ibabaw ng malaking zero, ang resulta nadagdagan ng walong daan. Ang 867 boto ay naging 1,867, nadagdagan ng isang libo.

Kung nangyari't nagtangkang salaulain ang boto ng mamamayan sa Makati, ano pa kaya sa mga liblib na lugar sa Mindanao kung saan wala ng media at election watchdog na naka-antabay. Kung mailulusot at 'di ma-gwagwardiyahan ng mamamayan, walang dudang ganito ang isasagawa hindi lamang sa Metro Manila, maging sa buong kapuluan, mula Aparri hanggang Jolo kung saan ang local machinery at command votes ng administrasyon matatagpuan.

Doy Cinco / IPD
May 16, 2007

Sunday, May 13, 2007

7 : 2 : 3 hanggang 9 : 2 : 1 (Oposisyon, Independent at administrasyon)

Marami sa atin ang namangha sa “command votes" at local machinery na pinausong termino ng mga operador at electoral tacticians ng administrasyon. Bagamat nakakatulong sa kung paano imaneho at istrategized ang kampanya, marami ang 'di nakakaunawa sa kahalagahan at importansya ng nasabing tools at classification ng electoral campaign technology. Kaya lang, kalakhan ng kandidato ang umaasa't nakatali na lamang sa makalumang pamamaraan pamimili (vote buying), paggamit ng pera, lakas, pwersa at impluwensya sa eleksyon.

Sa probinsya ng La Union kung saan may tatlong araw (May 8-10) rin akong nag-obserba't nagbigay ng vote protection - Poll Watching training, halatang kinapos at may kulang sa kahandaan, lohistika't enerhiya na ng mga organisador ng isang partidong kaalyado't hawak din ng Malakanyang. Parehong nasa panig ng administrasyon ang naglaban, ang Lakas na si Manoling Ortega, ang dating 1st District representative at ang KAMPI bet na si Tomas Dumpit, ang dating 2nd District representative ng La Union. Dahil kapwa nasa administration, hindi garantiya ito upang patnubayan ganap ng national politics ang local politics . Kapansin-pansin ang diin sa sarling laban para sa pagkagobernador kaysa sa labanang senatoriable election sa nasyunal.

Local machinery
Sapagkat parang GERA ang pulitika sa lokal, walang natatalo at pawang nadadaya lamang. Aabot na sa 120 ang namatay at ito na ang pinakamadugong election sa loob ng sampung taon (10 years, since1998). Ito rin ang pinakamagastos, pinaka-highly militarized at pinakamadaya sa kasaysayan ng electoral politics sa Pilipinas.

Sa local na larangan, ang bahay ng kandidato ang kadalasan campaign HQ, meetingan ng organisasyon, kainan at lunsaran ng mga pagsasanay sa poll watching. Dito rin nakatambak ang bode-bodegang mga campaign parapenalya, tulad ng poster, pulyeto, tarpuline, computerized voter's list at sample ballot sa senatoriable na galing pa sa nasyunal.


Ang local machinery at vote delivery ang madalas na ipinagmmalaki ni Sec Ermita, Gabby Claudio, Puno, Ed Roquero, Arthur Albano at Evardone, sa kabilang banda, hindi naman nito pina-factor-in ang makinarya ng sambayanang Pilipinong disgusto sa kasalukuyang kabulukan ng sistema pulitika at paggugubyerno. Hindi nakita ng anim na alipores ni Ate Glo ang makinarya ng partisipasyon at mobilisasyon ng mamamayan, civil society, mass media, simbahan, global citizen at aktibong mamamayang uhaw na sa pagbabago at handang magmalasakit, magbantay at maki-alam para sa isang marangal, parehas, malinis, may kredibilidad at kapani-paniwalang proseso ng ehersisyong pulitikal.

Batay sa mga pahayag ng anim na propagandista ng Malakanyang, "ang lakas ng local machinery ang siyang magpapasya't maghahari raw sa Mayo 14.” Tulad nuong 2004 election, muling hahawakan raw ang Cebu, ang kabuuang Visaya at Mindanao. Ayon sa anim, 70% ng 10 milyong botante sa Mindanao o pitong milyon (7.0 milyon) ay mapapasa-kamay raw ng administrasyon. Ayon kay Cong Puentebella at Tony Cuenco, makokopong ng administrasyon ang botante ng Cebu (2.0 milyon) at Negros Occidental (1.4 milyon). Sinusugan pa ito ni Mayor Tomas Osmena ng sabihin "dahil daw ito sa generousity ng mga Cebuano, mayorya ng TU candidates ang mananalo."

Nagyabang din si Cong Ed Roquero ng Lakas-NUCD na ang grand koalisyon (Team Unity) ang magwawagi sa Isabela, Palawan, Nueva Ecija at Sorsogon. Ang katawa-tawa, baka sa sariling lugar, sa lunsod ng San Jose del Monte, Bulacan ay matalo ang Roquero sa pagka Mayor. Ipinagmalaki ng anim na mayroon silang 79 sa 81 na governatorial post at 199 sa 219 administration coalition candidates sa District Rep sa buong bansa ang siguradong panalo. Idinagdag pa na mayroong 93% ng kabuuang nagpapanakbuhan sa city at municipal candidates ay nasa administrasyon.

Nilinaw naman ni Sec Gabby Claudio na 70% ng 18,000 local position ay hawak ng administrasyon. Kaya't ang suma, ayon kay Sec Ed Ermita, "nasa kanila ang machinery at command votes na siyang ikapapanalo raw ng administrasyon."

Tulad ng KAMPI sa La Union, inaasahang mapaparalisa ang vote delivery ng local machinery at command votes ng administrasyon. Bunsod ito sa matinding kiskisan, malalim na sigalot, agawan at tunggalian sa loob ng dalawang partidong may gustong kumontrol at humawak sa natitirang bilyong pisong budget para sa “vote protection at special operation-dirty tricks ng administrasyon.”

Dahil sa tindi ng kompetisyon ng mga angkan sa lokal (political clan), bumara ang command structure ng "super machinery" ng grand coalition na siyang dapat tumugon sa “kodigo pinal ng administrasyon.” Mas umiral ang kanya-kanya at "survival instinct." Kung naperfect ang teknolohiya ng dayaan at kakayahan ng local machinery nuon 2004 election, mukhang nag-iba ang konteksto sa 2007 mid term election. Mas umiral ang talamak ang trayduran, junkingan at pagcollapse ng inaasahang vote delivery para sa TU senatoriable candidates.

Mahihirapang baligtarin ang malaking kalamangan tinatasa ng oposisyon sa senatoriable race. Maaring gawin ng administrasyon sa maximum ay piliting ineutralisa ang latag hanggang makatabla sa score na 6 : 6 . Ang pinaka-worse senaryo ay tambakan sila ng oposisyon (9 : 2 : 1). May kalabuang muling maulit ang malaking kalamangan tinamasa nito sa Visaya, sa lunsod ng Iloilo, Bacolod at lalo na sa ipinagyayabang balwarte ng administrasyon sa Cebu, Samar at Tacloban. May kabuuang 8.9 milyong botante ang Visayas, 4.5 milyon sa Northern Luzon at ilang bahagi ng Mindanao, tulad ng ARMM na may 1.0 milyon boto.

Mahirap paniwalaang makokopong ng TU-senatoriable candidates ang mahigit kumulang na 79 na bilang na governatorial race position. Hindi ito nakasisigurong mamamanipula ang kabuuang 70% ng mahigit 18,000 local position sa bansa. Hindi awtomatiko ang vote delivery patungo sa taas. Mas iba ang dynamics ng vote conversion at delivery sa lokal kung ikukumpara sa nasyunal. Kung mayroon mang local machinery at vote delivery ang administrasyon, tinatantyang hanggang 5-10% lamang ang posibleng effectivity nito sa kabuuan. Kalakhan ng botante (60-75%) sa lokal ay "market votes o undecided" at nananatiling hindi sakop sa tinatawag na command votes at local machinery ng anumang partido.

Inaasahang latag at resulta
Inaasahang nasa 12 – 13.0 milyon boto ang “winning votes” ng panglabing 12 at nasa 19-22.0 milyon boto ang tantyang makukuha ng numero uno o mangunguna sa magic 12. Inaasahan ding lima hanggang isang daang libong boto ang diperensyang (5,000 – 100,000) mamamagitan sa pangwalo hanggang panglabing dalawang (8th - 12th place) posisyon sa magic 12.

Saan manggagaling ang 7 : 3 : 2 hanggang 9 : 2 : 1 pabor sa oposisyon? Ayon sa sunud-sunod na resulta ng SWS at Pulse Asia, nanatiling oposisyon ang malaking bahagi ng populasyon sa bansa, lalo na ang Metro Manila, Southern Tagalog, Central Luzon at ilang bahagi ng urban voting population ng Visayas at Mindanao.

Ipagpalagay na 80% ang voter's turn out sa Mayo 14, lalabas na 36.0 milyon lamang ang boboto sa Mayo 14 kumpara sa kabuuang 45.0 milyon rehistradong botante ng Pilipinas. Kung makukuha ng oposisyon ang mahigit 80% boto o ang 9 : 2 : 1 (oposisyon-Independent at administrasyon) sa lugar na tinatwag na “Vote corridor,” ang Dagupan, Pangasinan sa Hilaga hanggang Lucena, Quezon sa Timog, ang bumubuo ng mahigit 40 % ng kabuuang botante sa Pilipinas, tapos na at pinagpasyahan na ng “kritikal na mamamayan” ang eleksyon.

Ang Pangsinan na may 1.3 milyon boto, ang Central Luzon na may 5.0 milyon, ang Southern Tagalog na may 6.0 milyon at ang Metro Manila na may kabuuang 5.7 milyon boto, ang suma total, mahigit kumulang na 18.0 milyong boto o 14.4 milyon boto (80% voter's turn out). Nangangahulugan na 11.5 milyon boto ng katumbas na 80% na makokopong ng oposisyon. Hindi pa rito kasali ang Visayas at Mindanao votes kung saan, paparte pa ng ilang porsiento ang oposisyon. Kulang na lamang ng isang milyon boto upang ipasok ang 12 kandidato ng oposisyon. Pagnagkataon, 9 : 2 : 1 sa panig ng oposisyon, Independent at administrasyon at ang masaya, malamang makasama si Trillanes sa pang labing dalawa (12th place).

Sakali mang maka-apat ang administrasyon sa magic 12 o sa senaryong 6 : 4 : 2 (oposisyon, administrasyon at administrasyon), maaring naging tama ang estima ng anim na operador ng Malakanyang. Meaning, nagdeliver nga ng boto ang local machinery ng administrasyon. Kasama na rin dito ang 5.0-10 % "fraudelent at dis-enfranchisement operation at TRAPO votes" o katumbas na 12.2 milyon plus 2.0 hanggang 3.0 milyong boto para sa administrasyon. Ang suma, 14 – 15.0 milyon boto para sa apat na Team Unity senatoriable tiket na papasok sa pangwalo hanggang panglabindalawa (8th - 12th place).

Ibig sabihin, 50% boto sa kabuuang 17.6 milyon (80% turn out) ang maidedeliver na boto ng local machinery sa Northern Luzon, Visayas at Mindanao, meaning 8.8 milyong boto. Idagdag pa ang 20% vote delivery ng local machinery sa Central Luzon, Metro Manila at Southern Tagalog o pinagsamang botong bilang na 3.4 milyong boto sa kabuuang bilang na 17.0 milyon.

Kung makukuha ang 6 : 4 : 2 sa panig ng administrasyon, aasahang lulubha ang pampulitikang krisis na tinatamasa sa kasalukuyan. Inaasahang mas lalala pa ang krisis na kahihinatnan ng bansa matapos ang “hello garci” controversy at isyu ng illegitimacy ng pangulo. Walang dudang magkakagulo o magkakaroon ng halo-halong kalamay na kaguluhang pulitikal sa bansa.

Para kay Ate Glo, gagamitin nito ang 6 : 4 : 2 upang muling ibunyag at ipagmalaki sa bansa't maging sa buong mundo na may MANDATO at legal siyang pangulo ng Pilipinas. Maaring magdiklara ng Martial Law o manawagan ng reconcilliation sa mga oposisyon at kastiguhin ang mga extremistang Kaliwa at Kanan na nagpaplano ng destabilization, tulad ng KUDETA, armadong insureksyon at pipol power.


Anuman ang conjuncture at political scenario na maaring maganap matapos ang election sa Mayo, matalo man o manalo ang oposisyon, itutuloy ang pagpaptalsik sa iligal na nakaupong pangulo sa Malakanyang. Kaya lang, nasa mamamayan pa rin ang pagpapasya, pakikibaka, pagkilos at makakpagpabago ng sistemang pulitika, halalan at paggugubyerno sa bansa. Nasa lakas ng mamamayan pa rin ang makakapagpatalsik kay Ate Glo sa poder ng kapangyarihan.

Doy Cinco / IPD
May 13, 2007

Monday, May 07, 2007

69 IB-Phil Army sa Florida Blanca, AFP at ang sariling Bantay Party List

Maliban sa mahigit sampung (10 years) taon ko nang kilala, isang kaibigang matalik si Barangay Captain Romy Manuel ng Bodega, Florida Blanca. Isang matino, iginagalang, matapang-astig at prinsipyadong pinunong barangay. Bago nainvolve sa local politics, ilan dekadang nakibahagi siya sa maraming proyektong labas sa gubyerno o non-government organization tulad ng gawaing pangkaunlaran, kooperatiba, kalikasan at panawagang “bagong pulitika't pagbabago.” Naging abala at tumulong din siya sa paghuhubog at gawaing alternatibang pang-edukasyon ng mga kabataan, katutubo (aeta) sa grassroot level.

Katawa-tawa, napaka-imposible at suntuk sa buwang maiinvolve si Ka Romy sa CPP-NPA, sa tulad na gustong palabasin ni Lt. Tababa at ni Sgt. Divina ng 69th Infantry Battalion ng Philippine Army. Ang dalawa na nanakot at nangharrash kay Ka Romy at sa isa pang lider na “'wag ng magpapakita sa Florida Blanca (si Ka Romy) kung matatalo ang Bantay party list sa Florida Blanca at mananalo ang Akbayan, at pinagdiinang lisaning ang lugar o umalis na kayo rito...”

Isang grupo ng ilang tiwaling mga opisyal ng militar ang bumubuo ng Bantay party list. Ang ilan sa kanila ay mga aktibo sa serbisyo at retirado na tulad ng berdugong si Gen Palparan ng AFP. Ang Bantay, ay bantay salakay sa katiwalian, pabrika't fertilizer ng kumunismo, political killings at karahasan. Kasama siya sa binuo at pinondohan ng Malakanyang para guluhin, ilito at iprostitute ang sistemang Party List election. Isang sagad-saring anti-kumunista, anti-insureksyon at rebelyon na ang pangunahing layunin ay isalba si Ate Glo sa poder, durugin ang popularidad ng maka-Kaliwang partidong kalahok sa party list at mga legal na organisasyong maka-Kaliwa na nanawagan ng pagbabago at kaunlaran sa bansa. Nagpapanggap na isang marginalized sector, nananawagan ng demokrasya habang umaaktong diktadurya't pasistang galamay ng administrasyon.

Mula pa nuong 1998 partylist election ng ikampanya ni Ka Romy ang Akbayan sa Florida Balanca at ayon sa kanya, sa buong buhay niya, ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong kakaibang pagmamalupit, kayabangang insidente mula sa mga batang-batang mga opisyal ng militar.

Bukud sa Akbayan, matagal na rin siyang tumutulong sa ilang mga kandidato sa lokal. Isa si Ka Romy sa nangungunang kasapi ng KRUSADA ni Among Ed na tumtakbong gobernador sa Pampanga. Matapos ang insidente ng pang-aaresto't harashment ng kanyang mga kababayan, si Ka Romy ay malumanay na nangiti na lamang at nagsabing, "nawala na ang takot ko sa sarili, “sa tagal ko nang gawaing ito, sa dami ng nalagpasang labanan sa legal, ganun-ganun na lang ba...”

Isa siyang kakaibang lider. Bagamat sarado na sa kanya ang armadong pakikibakang isinusulong ng CPP-NPA, nirerespeto't hindi niya ito pinupulaanan at kinukutya. Para sa kanya, mas ang kanyang concerns, dalang prinsipyo't pinapaniwalaan ang gawaing pagsasareporma ng sistemg pulitika at paggugubyerno. Banggit ni Ka Romy, “anumang ang mangyari, walang makakapigil sa kanyang isinusulong na adbokasiya na good governance, alterntive politics, kaunlaran at elternative education hindi lamang sa Florida Blanca, Pampanga, maging sa buong bansa.

Kung may command at kontrol pa sa military establishment si Ate Glo at balak niyang magpa-pogi points, gumanda ang imahe sa mata ng mundo, ito na ang tamang panahon upang umakto't magkaroon ng buto siya sa gulugud, tigpasin niya ang Bantay Party list, i-overhaul at ireporma ang kabuuang military establishment, partikular ang dalawang opisyal ng 60 IB ng Philippine Army sa Pampanga.

Doy Cinco / IPD
May 6, 2007

Thursday, May 03, 2007

Ang Karera sa Pampanga, Krusada laban sa Makinarya

Krusada laban sa makinarya

Patrick I. Patiño
Political and Electoral Reform Team
Institute for Popular Democracy


Tatlong kandidato sa pagka-gubernador ng Pampanga ang magkakarera sa darating na eleksyon sa Mayo 14. Ito ay sina Gubernador Mark Lapid, si Bokal Lilia Pineda at Among Ed Panlilio. Sila ay pare-parehong popular na kandidato.

Si Gobernador Lapid ay idi-depensa ang kanyang pwestong minana mula sa ama noong 2004. Si Mark Lapid, ay nagkaroon ng ilang pelikula, pero mas naging popular dahil sa amang si Lito Lapid, na naging punong-panlalawigan mula 1995 hanggang maging Senador noong 2004. Umabot sa pambansang medya ang pangalan ni Mark Lapid dahil sa anomalya sa negosyo sa buhangin at hablang korupsyon sa pondo ng pamahalaang panlalawigan.

Si Lilia Pineda ay naging alkalde ng Lubao ng siyam na taon bago nahalal na miembro ng Panlalawigang Konseho noong 2004. Naging popular si Lilia dahil sa impluwensya ng kanyang asawang si Bong Pineda – kilalang di-umano'y hari ng jueteng sa Central Luzon. Naukit ang pangalan ni Lilia Pineda sa pambansang medya nang isambulat ni Michaelangelo Cuse, isang saksi sa imbestigasyon ng Kongreso sa iskandalong “Hello Garci”, na si Lilia ang namahagi ng sobreng may pera sa field officers ng Comelec sa bahay ni GMA sa La Vista, Quezon City.

Si Among o Father Ed Panlilio ay nagka-pangalan sa Pampanga bilang kura-paroko ng iba't ibang bayan ng probinsya at sa mga socio-economic projects ng Social Action Center na kanyang pinamunuan. Napansin ng pambansang medya si Among Ed dahil sa krusadang kinakatawan ng kanyang kandidatura – ang krusada para sa bagong pulitika at paggugubyerno sa lalawigan.

Ilang linggo bago mag-umpisa ang kampanya sa halalang lokal, sina Lapid at Pineda ay naggigirian sa pag-aagawan ng mga pwersang pulitikal sa probinsya, laluna sa hanay ng mga halal na opisyales ng pamahalaang lokal. Si Mark ay kinonsolida ang base sa ilalim ng Partido Lakas-CMD kontra sa pag-rekruta ni Lilia ng pwersa sa ilalim ng Partido KAMPI. Ipinaggigiitan ni Lilia na ang kanyang kandidatura ay tulak ng “pangangailangan ng bagong mukha sa panlalawigang pamahalaan.”

Si Mark Lapid naman ay nagbabandera ng “ipagpatuloy nating tahakin ang nabuo na nating landas sa kaunlaran.” Sa maniobrahan ng dalawang kampo, todo suporta naman si Senador Lapid sa anak, gayundin si Bong Pineda sa asawa. Madaling maintindihan bakit matindi ang maniobrahan nila sa ngalan ng kanilang Partido. Una, hindi para buuin ang tunay na partido kundi para makabuo ng malawak at malalim na makinaryang pang-eleksyon. Ikalawa, para makuha ang suporta ng Pangulong Macapagal-Arroyo, na matagumpay na nakuha ni Lilia Pineda. Ang hindi pagpabor ni GMA sa alinmang kampo ay naging paborable kay Lilia lalupa't kailangan ni Mark ng hayag na suporta dahil siya ang nasa pwesto at ang ama nito ang puno ng partido sa probinsya. Katunayan, masama ang loob ng Senador sa Malakanyang at nagbanta pang baka sumali sa oposisyon pagkatapos ng eleksyon.


Sa kabilang banda, hindi pinansin si Among Ed ilang araw pagkatapos na ito ay mag-deklara ng kanyang kandidatura noong Marso 29. Sa gitna ng mga humuhugos na suporta sa kanyang kampanya ay lumaganap ang mga text messages na “pang-gulo” lang iyan. Sineryoso na lamang si Among Ed pagkatapos ng motorcade nito noong Abril 8 nang may humigit-kumulang isang libong sasakyan at sa habang ilang kilometro. Umalingawngaw ang “seryosong hamon ito.” Sineryoso ng dalawang kampo si Among Ed ngunit mas tumampok ang krusadang nagdadala ng kanyang kampanya. Ang maraming bumubuo ng krusadang ito ay mga taong simbahan, grupong relihiyon, mga organisasyong sibiko, mga organisadong samahan, mga propesyunal, lokal na negosyo at iba pa na nais “ibangon ang nadudungisang karangalan ng mga Pampagueno.”

Mauulit kaya ang kaganapan ng halalang 1995 sa Pampanga? Sa halalang pagka-gubernador noong 1995 ay nanalo si Lito Lapid laban sa re-eleksyonistang si Gub. Bren Guiao. Iyon ang panahon ng kasikatan ni Lito Lapid. Ngunit sa panahon ng kampanya, maraming pampulitikang taga-masid ang nagsabing mahihirapang manalo si Lito kahit siya ay popular. Ang yumaong Bren Guiao ay kilala at matatag na lider-pulitiko sa probinsya at latag at solido ang kanyang makinaryang elektoral kumpara sa mga kampanyador ni Lapid na “mga cowboy at stuntmen.” Nasa makinarya ni Bren Guiao ang halos 90% ng mga lokal na opisyales ng pamahalaang lokal kasama na ang mga punong-barangay na sinuportahan niya sa halalang barangay ng 1994.

Ang nagpanalo kay Lito Lapid ay hindi lamang ang kanyang popularidad. Mahalagang salik din ang konteksto ng lalawigan noon. Iyon ang panahong ang Pampanga ay nahihirapang bumangon mula sa alikabok ng bulkang Mt. Pinatubo at kawalang-kapanatagan sa paglisan ng mga sundalong Amerikano sa Clark Air Base Iyon ang panahong habang ang Pampanga ay lubog sa lahar, ang maraming pamayanan ay dis-oriented sa naninibagong-hugis ng identidad at lugmok sa kawalang istableng tirahan, hanapbuhay at pagkain. Nanalo si Lito Lapid hindi lamang dahil siya ay sikat na artista kundi bilang kongkretong alternatiba at buhay na pangarap. Si Leon Guerrero ang nagbigay ng inspirasyon sa mga karaniwang kapampangan at setler.

May tsansa ba ang krusada ni Among Ed kontra sa makinaryang elektoral nina Mark Lapid at Lilia Pineda? Ang makinarya ni Lilia Pineda ay latag sa Lubao at kalakhan ng Silangang Pampanga, samantalang si Mark Lapid ay latag sa Mabalacat at sa kalakhan ng hilagang Pampanga. Kung ganun, ang magtatakda sa labanan ng dalawang kampo ay kung sino ang mas may malalim na pondo at mas tuso para wasakin ang makinarya ng kabila. Makikita ang lakas ng pondo sa klase ng mga rali, miting, asembliya at iba pang pagtitipon na inoorganisa nila.

Sa pamamahagi ng kung anu-anong mga bagay na may halaga sa mga botante; pamimigay ng pera sa mga opisyales ng barangay, sa mga drayber ng traysikel at jeepney, maramihang pag-kontrata ng mga abogado, paramihan ng mga nari-rekrutang lider at kampanyador sa bawat sitio at kalye ng may alawans, at iba pa. Ang katusuhan naman ay makikita sa laganap na text messages na may paninirang-puri; pananakot sa mga suportador ng kabilang kampo; pamimili ng boto at pandaraya sa araw ng eleksyon. Ang karahasan ay salamin ng katusuhan ng mahina.


Ang krusada ni Among Ed ay parang daluyong na kumakalat sa buong probinsya at maraming kampanyador ang boluntaryong kumikilos dahil sa pananalig at pagnanais ng pagbabago. Subalit ang krusada ay isang pang-habangbuhay na pananampalataya at ang eleksyon ay may hangganan – ang Mayo 14 – ang pagboto, mabilang ang boto, mabantayan ang canvassing at proklamasyon ng nanalo.

Sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas, iilan pa lamang ang krusadang nanalo sa eleksyon. Kay Climaco, sa eleksyong mayoral ng Zamboanga City noong 1982. Kay Cory, sa eleksyong presidensyal noong 1985. Kay San Juan, sa eleksyong kongresyunal ng Zamboanga del Sur noong 1998. Kay Padaca, sa eleksyong gubernador ng Isabela noong 2004.

Ang anumang magiging resulta ng eleksyong gubernador sa Pampanga ay manipestasyon ng antas ng kahandaan ng mga botante sa demokrasya. Kung gayun, manipestasyon din kung gaano kalalim na nailalangkap ang krusada ng demokrasya sa dispalenghadong sistema ng eleksyon at malalim na tradisyon ng botante sa eleksyon. ###

Mayo 2, 2007

Tuesday, May 01, 2007

Tapos na ang election sa 1st District, Camarines Sur

DATO Macapagal Arroyo vs Mayor Mabulo at ang kabulukan ng sistemang election

Si Diosdado 'Dato' Macapagal Arroyo na mas kilalang Dato ang isa sa pinag-uusapan ngayon hindi lamang sa Bicol maging sa buong bansa. Si Dato na napabilitang tumatakbo sa congressional 1st District ng Camarines Sur na “walang kalaban” ang siya ngayon kongretong ehemplo ng kabulukan, elitist-personality oriented at TRAPO politics sa bansa.

Sa isang mapanuring Bicolano, paano maipapaliwanag ni Dato at ni Ate Glo na kanyang ina, na siya'y kumakatawan sa isang lugar na may mahigit tatlong daang kilometro (300 km) ang layo mula sa kanyang lugar na sinilangan at tinirikan? Paano mairerepresenta ang tunay na damdamin at adhikain ng mga Bicolano kung ika'y hindi naman talaga isang Bicolano o ika'y isang peke at nagpupumilit na Bicolano. Batid ng mundo na si Dato'y isang Kapangpangan, Visaya at taga-Quezon City at anak ng pinakamakapangyarihang pulitiko ng bansa. Kung sa bagay, kung "tanggap, welcome at kayang ampunin" bilang adopted son ng mga Bicolano si Dato, walang problema at hindi malayong mangyari ang ganitong kaganapan.

Dahil sa pagiging iskul bukol, “aksidenteng” napadpad si Dato Arroyo sa Camarines Sur. Hindi nito pinagkaila na hindi ito pumasa sa rekisitong academic standard na pamantayan ng Ateneo de Manila sa QC at nabigyan ng chance na magtransfer sa ibang Ateneo School, sa Ateneo de Naga sa Lunsod ng Naga, Camarines Sur. Maaring isang planado o pinag-aralan ng pamilyang Arroyo ang proyektong pulitikal para kay Dato. Kung ito'y isang planado, maaring isa ang Cam Sur sa tatlong lugar na pinagpiliang landingan ng career path ni Dato, ang QC, Pampanga at Negros Occidental.

Lumaki sa La Vista, Barangay Pansol, malapit sa UP at Ateneo, QC si Dato Arroyo. Ito rin ang official address ni Ate Glo. Ito'y nasa ilalim ng 3rd District ng QC na hawak ng Defensor Clan. Mahigit dalawang dekadang kontrolado nito ang teritoryo at malabong payagan ng mga Defensor na panghimasukan sila ng mga Arroyo.

Hindi rin uubra sa Pampanga sapagkat hindi pa natatapos ang termino ng kanyang kapatid na si Mikee na tumatakbo rin sa kanyang ikalawang termino sa ikalawang Distrito. Ito'y maliban na lamang kung madadagdagan ng isang distrito ang probinsya upang pampulitikang i-accomodate si Dato.

Lalong hindi rin pupwede kung makikisingit pa si Dato sa Negros Occ sapagkat kailangan munang tapusin ng kanyang uncle na si Cong Iggi ang ikaalawang termino at tulad ng Pampanga, masikip din sa pwestuhan ng malalaking angkan pulitikal ang probinsya.

Libreng nakatunton sa Kongreso si Iggi at si Mikee Arroyo. Walang dudang matutulad din si Dato sa dalawa. Kaya't sa pagpasok ng unang sesyon ng 14th Congress, tatawagin na rin siyang "honorable at gentleman from Camarines Sur." Siya, ang kanyang kapatid, ang kanyang Uncle, ang partidong KAMPI at Lakas-NUCD ang sasawata sa pinaplanong ikatlong pagsasalang ng impeachment complaint ng oposisyon laban kanyang minamahal na Ina.

Produkto ng PADRINO, political machinery, political clan at political negotiation si Dato. Ang nabakanteng distrito sa Camarines Sur ang lumalabas na kabayaran at regalo ng Andaya Clan kay Ate Glo kapalit ng pwestong pinanghahawakan ngayon bilang Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) at dating chair ng Appropriation Committee sa Kongreso. Ang malaking katanungan, maliban sa kawalan ng track record, kanino siya mananagot (accountable) at sino ang kanyang pagsisilbihan? Alangan naman kung sa mamamayan ng District 2, pwede pa sa kanyang minamahal na Ina, sa mga Andaya't Villafuerte Clan o sa mga lokal na pulitikong nakasuso sa Malakanyang.

Political reform at ang Alternatiba
Isang yagit, matapang at prinsipyadong pulitiko si Mayor Sabas Mabulo ng San Fernando. Siya ang mapangahas na alternatibang tumapat laban kay Dato. College gradute sa Ateneo de Naga si Mabulo at kahit isang pulitiko, hindi ito naging hadlang upang maging aktibo ito sa developmental projects ng isang Church-based Caceres Social Action Center sa Camarines Sur. Bago na-involve sa local politics, naging kabilang siya sa isang NGO na nag-aadvocate ng kagalingan at “transparency for good governance” (anti-kurakot) sa rehiyon. Dahil sa kanyang husay sa paglilingkod, nahalal at nakompleto niya ang dalawang taon bilang councilor at tatlong termino (9 years) bilang Mayor ng San Fernando, Camarines Sur.

Pinutol ni Mayor Mabulo ang tulay na nag-uugnay bilang alyado ng mga malalaking kahariang pulitikal sa probinsya, tulad ng Andaya't Villafuerte Clan, mga kilalang malalaking political clan sa Bicol at mismo sa siyam (9) na incumbent mayor ng ikalawang distrito ng Cam Sur. Ang pinagsamang makinarya ng kanyang malalaking kalaban, nadagdagan pa ng Arroyo clan at isang bilyong pisong (P1.0 bilyon) proyekto sa panahon ng kampanya mula sa Malakanyang, lumalabas na masyadong over kill at lubhang hindi na FAIR ang election sa bahagi ni Mayor Sabas Mabulo.

Isang liblib na lugar ang bayan ng San Fernando. May mahigit 30 kilometro ang layo nito mula sa National highway kung saan matatagpuan ang bayan ng Libmanan, ang address na tinukoy, natagpuan at pakunwaring umampon kay Dato Arroyo. May sakop na 22 barangay at may kabuuang 14,200 botante na halos kasingdami ng isang barangay lamang sa Quezon City ang bayan ng San Fernando. Samantalang ang Libmanan na may 75 na barangay at 41,000 botante, ang pinakamalaki sa Ikalawang Distrito.

Kung sa yaman ng karanasan at track record ang pag-uusapan, panalo si Mayor Mabulo. Kung sa pababaan ng gastos sa electoral campaign (P50,000/election), panalo si Mayor Mabulo, kung sa plataporma, paglilingkod, dedication at prinsipyo, walang dudang panalo si Mayor Mabulo, kung FAIR, parehas, walang dayaan at demokratiko ang election, panalo si Mabulo. Ang nakakapanglupaypay, wala pang election, kompirmadong panalo na si Dato.

At ang nakakalungkot, kung dadaanin sa personality, LOHISTIKA, MAKINARYA, TRAPO politics na dulot ng kabulukan ng pulitika at election, walang dudang TALO si Mayor Mabulo.


Doy Cinco / IPD
May 1, 2007