Monday, May 07, 2007

69 IB-Phil Army sa Florida Blanca, AFP at ang sariling Bantay Party List

Maliban sa mahigit sampung (10 years) taon ko nang kilala, isang kaibigang matalik si Barangay Captain Romy Manuel ng Bodega, Florida Blanca. Isang matino, iginagalang, matapang-astig at prinsipyadong pinunong barangay. Bago nainvolve sa local politics, ilan dekadang nakibahagi siya sa maraming proyektong labas sa gubyerno o non-government organization tulad ng gawaing pangkaunlaran, kooperatiba, kalikasan at panawagang “bagong pulitika't pagbabago.” Naging abala at tumulong din siya sa paghuhubog at gawaing alternatibang pang-edukasyon ng mga kabataan, katutubo (aeta) sa grassroot level.

Katawa-tawa, napaka-imposible at suntuk sa buwang maiinvolve si Ka Romy sa CPP-NPA, sa tulad na gustong palabasin ni Lt. Tababa at ni Sgt. Divina ng 69th Infantry Battalion ng Philippine Army. Ang dalawa na nanakot at nangharrash kay Ka Romy at sa isa pang lider na “'wag ng magpapakita sa Florida Blanca (si Ka Romy) kung matatalo ang Bantay party list sa Florida Blanca at mananalo ang Akbayan, at pinagdiinang lisaning ang lugar o umalis na kayo rito...”

Isang grupo ng ilang tiwaling mga opisyal ng militar ang bumubuo ng Bantay party list. Ang ilan sa kanila ay mga aktibo sa serbisyo at retirado na tulad ng berdugong si Gen Palparan ng AFP. Ang Bantay, ay bantay salakay sa katiwalian, pabrika't fertilizer ng kumunismo, political killings at karahasan. Kasama siya sa binuo at pinondohan ng Malakanyang para guluhin, ilito at iprostitute ang sistemang Party List election. Isang sagad-saring anti-kumunista, anti-insureksyon at rebelyon na ang pangunahing layunin ay isalba si Ate Glo sa poder, durugin ang popularidad ng maka-Kaliwang partidong kalahok sa party list at mga legal na organisasyong maka-Kaliwa na nanawagan ng pagbabago at kaunlaran sa bansa. Nagpapanggap na isang marginalized sector, nananawagan ng demokrasya habang umaaktong diktadurya't pasistang galamay ng administrasyon.

Mula pa nuong 1998 partylist election ng ikampanya ni Ka Romy ang Akbayan sa Florida Balanca at ayon sa kanya, sa buong buhay niya, ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong kakaibang pagmamalupit, kayabangang insidente mula sa mga batang-batang mga opisyal ng militar.

Bukud sa Akbayan, matagal na rin siyang tumutulong sa ilang mga kandidato sa lokal. Isa si Ka Romy sa nangungunang kasapi ng KRUSADA ni Among Ed na tumtakbong gobernador sa Pampanga. Matapos ang insidente ng pang-aaresto't harashment ng kanyang mga kababayan, si Ka Romy ay malumanay na nangiti na lamang at nagsabing, "nawala na ang takot ko sa sarili, “sa tagal ko nang gawaing ito, sa dami ng nalagpasang labanan sa legal, ganun-ganun na lang ba...”

Isa siyang kakaibang lider. Bagamat sarado na sa kanya ang armadong pakikibakang isinusulong ng CPP-NPA, nirerespeto't hindi niya ito pinupulaanan at kinukutya. Para sa kanya, mas ang kanyang concerns, dalang prinsipyo't pinapaniwalaan ang gawaing pagsasareporma ng sistemg pulitika at paggugubyerno. Banggit ni Ka Romy, “anumang ang mangyari, walang makakapigil sa kanyang isinusulong na adbokasiya na good governance, alterntive politics, kaunlaran at elternative education hindi lamang sa Florida Blanca, Pampanga, maging sa buong bansa.

Kung may command at kontrol pa sa military establishment si Ate Glo at balak niyang magpa-pogi points, gumanda ang imahe sa mata ng mundo, ito na ang tamang panahon upang umakto't magkaroon ng buto siya sa gulugud, tigpasin niya ang Bantay Party list, i-overhaul at ireporma ang kabuuang military establishment, partikular ang dalawang opisyal ng 60 IB ng Philippine Army sa Pampanga.

Doy Cinco / IPD
May 6, 2007

2 comments:

Anonymous said...

When I heard the radio announcement for payday loan no broker, it peaked my curiosity and also a feeling
within of me advised me to work with them. I them my struggles and false guarantees
other lenders gave me. The payday loan no documents loan officer reassured me that
Refinance.com could really get the work finished. He even
empathized with me with regards to my past experiences.

He was actually a man of his word and I found reassurance in the
housing industry that I under no circumstances imagined was probable particularly during this volatile time when buyers are shedding their properties as guaranteed payday loans foreclosures are
at a drastic high.

Anonymous said...

im so proud of you tito rommm we miss you so much..:(

alam ko kasama muna si lord...