Tanging ang lahatang pagsisipag-resign ng buong Commissioner ang tanging nalalabing solusyon upang maisalba ang kredibilidad at pagtitiwala ng taumbayan sa Comelec. Kung may katiting pang delikadesa, konsiensya't pagmamahal sa mamamayan Pilipino dapat magsipag-resign na ora mismo ang bumubuo ng National Board of Canvassers o ang pamunuan ng Comelec, mula sa Chairperson na si Benjamin Abalos, Resurreccion Z. Borra, Florentino A. Tuason, Jr., Romeo A. Brawner, Rene V. Sarmiento at Nicodemo T. Ferrer. Pansamantalang magtatalaga na lamang ng mangangasiwa sa trabahong iiwan sa nalalabing araw ng canvassing at pagpoproklama ng mga kandidato.
Isang malaking kahihiyan ang katatapos na ehersisyong pulitikal sa bansa. Bukud sa nahubaran na ito ng estadong napaka partisano, lalong luminaw na buluk at naghihingalo na ang sistema ng pulitika at halalan. Naging inutil ang Comelec. Hindi nito ganap na napanghawakan ang buong sitwasyon, ang kondukta ng buong electoral process, mula botohan at bilangan hanggang sa super bagal na canvassing.
Sa itinakbo ng mga pangyayari, hindi nito napaghandaan, naantisipa at naiprepara ang paulit-ulit na kahinaang sinapit nito nuong 2004 presidential election, ang irregularidad, dayaan at kaguluhan ng election. Ang paulit-ulit na mga insidente, ang paulit-ulit na walang naakusahan sa korte, walang napaparusahan, walang responsable, walang accountablity at higit sa lahat walang transparency sa maraming mga disisyunan at tagubilin. Mula sa paghahanda hanggang sa implementasyon, mula sa Campaign, election period hanggang sa botohan, pagbibilang- Canvassing at proklamasyon, ang suma, naging failure ang katatapos na halalan.
Ultimo ang kanyang mga katuwang sa trabaho sa hanay ng non-government organization, mga kilalang election watchdog, mula sa Namfrel hanggang PPCRV, mga civil society organization tulad ng Kontra Daya, Halalang Marangal, LENTE, ang mass media at iba pa ang siyang magpapatunay na "failure sa kabuuan ang naganap na election. " Naniniwala ang lahat na ang katatapos na election ay isa na sa "pinakamagastos, pinakamadugo, pinaka-highly militarized, pinakamagulo, pinakamadaya sa kasaysayan ng electoral politics sa bansa. "
Pananagutan ng Comelec;
1. Ginulo nito ang listahan ng mga botante sa paghahanay at pagtatalaga nito ng mga “clustered precint” sa halos lahat ng mga presinto. Hindi totoong nilinis nito ang kabuuang listahan ng botante sa tulad na ibig nitong palabasin na may pinurgang mahigit isang milyong boto (1.0 milyon). Ayon sa PPCRV, sa araw mismo ng botohan lumitaw ang katotohanan, "noventa porsiento (90%) ng botante ang nawala at nahirapan hanapin sa kani-kanilang mga presinto." Mismo si Chairman Abalos ay biktima sa ganitong klaseng kalituhan at paghahanap ng sariling pangalan sa presinto-Computerized Voter's List (CVL). Malaki ang pagkukulang ng Comelec sa panawagan at anunsyong “continuing registration,” sapagkat may malaking bilang na mga baguhan (first time voter, bata't matanda) ang hindi nakapagparehistro. Halos ganito rin ang karanasan sa pag-eengganyon erehistro ang malaking bilang ng OFW-migranteng Pinoy sa Overseas Absentee Voting (OAV).
2. Hindi nakaporma ang Comelec sa lantarang partisanong pangangampanya ng AFP-PNP laban sa oposisyon at maka- Kaliwang partido. Garapalang pinaburan ng ilang pusakal na pamunuan ng AFP ang administration senatoriable (Team Unity) candidates at lantarang pag-eendorso ng sariling party list organization (Bantay). Ginamit din ang mga tropang militar sa maagang "pambubulabog, pagneu-neutralisa" raw ng mga maka-Kaliwang organisasyon sa hanay ng maralitang lunsod.
3. Hindi agad nito na-aksyunan ng Comelec ang maagang paglilinis at pagbeberipika ng mga nuisance candidates at pag-iidentify ng mga nominadong nasa mga pekeng party list organization. Lumabas na kahiya-hiya ang Comelec sa kaso ng iskimang paglalaglag sa kandidatura ni Cong Allan Peter Cayetano, Noynoy Aquino, pagkonsinti sa impostor na kandidto ng KBL na si Jujo Cayetano at ni Mayor Jess Robredo ng Naga. Ang pagtugon ng Supreme Court sa isinampang kaso ni Cong Etta Rosales sa isyu ng mahigit 20 pekeng Party List government front organization ay lalong naglagay sa katawa-tawang kalagayan ang Comelec.
4. Nagpabaya ang Comelec na sawatain ang kondisyong makapandadaya ang mga operador ng administrasyon kasabwat ang sariling mga tauhan mga ilang Linggo bago magsimula ang halalan ng mapalitang naipuslit ang questionableng pag-iimprenta, mga nawawalang Election Return (ER) at balota. Pikit matang sinang-ayun ng Comelec na sang-ayunan ang iligal na pribadong pagsusub-contract sa napakasensetibong pag-iimprenta ng Election Return. Matapos ang araw ng botohan, naging napakaimportante at mamahaling dokumentong kalakal (P50,000 / each) na ibinebentang (milyong pisong raket) patago ng mga operador kasabwat ang Comelec officials ang ER at official ballot.
5. Naging inutil ang Comelec sa simpleng pag-iimplementa ng batas sa iligal na pagdidikit, pagbalatengga sa mga kawad ng campaign poster at propaganda materials. nagmistulang isang malawak na basurahan ng mga illegal campaign materials ang mga urban center (mula Baguio, Cebu, Cagayan de Oro hanggang Zamboanga City) ng bansa. Lumabag sa batas ang halos lahat ng mga kandidato sa kanilang mga campaign poster.
6. Nabigo ang Comelec na makontrol ang bilyong pisong sobrang gastos tulad ng political Ad TV spot sa kampanya ng mga kandidatong kabilang sa TU-GO senatoriable candidates. Wala itong nagawa upang imonitor at subaybayan ang mahigit-kumulang na P300.0 milyong TV spot, radio at print Ad ng bawat kandidato. Napatunayang mahina ang batas sa campaign finance ng election karaniwang palusot ng mga kandidato, "hindi sa sariling bulsa bagkus ito'y donasyon ng mga kaibigang sponsor na padrino. " Nanguna si Pichay, pangalwa si Recto, Joker Arroyo, Mike Defensor, Ping Lacson, Zubiri, Manny Villar at Chabit Singson sa gastusan.
7. Walang nagawa ang Comelec sa malawakan at talamak na vote buying at panunuhol ng halos lahat ng mga kandidatong TRAPO. Iba't-ibang anyo ng vote buying, may hayagan (pamimigay sa mga sorties, ex Chabit Singson) at may patago. Mula sa “insurance policy, grocery,” ATM, cell cards, pagpapakain at iba pang pamamaraang direktang panunuhol sa mga botante. Nagmistulang mga DSWD na pinipilahan ng mga botante ang mga campaign HQ ng mga pulitiko. Sa kabila ng mga nakita at nasaksihan ng madla at ng media, wala itong sinampolan at diniskwalipikang kandidato.
8. Accountable ang Comelec sa mahigit kumulang na 150 ibinuwis na buhay ng karumal-dumal na electoral violence sa bansa. Nabigo ang Comelec-AFP at PNP sa kampanyang ipinatupad na “total gun ban” at pagbubuwag ng mahigit kumulang na 200 malalaki at kilalang private armies sa bansa lalo na sa lugar ng Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Masbate, Abra, Cagayan at sa ARMM kung saan ang bantog na private army ni Gov. Ampatuan matatagpuan.
Dahil sa itinutring kaalyado't local machinery ng Malakanyang, wala itong binuwag na kahit isang private army ng malalaking political clan-warlord sa Mindanao at Luzon. Ang mga armed goons at armies ng mga pulitiko ang tunay na dahilan kung bakit na delay at hindi nagkaroon ng malinis na halalan bunsod ng pagkakadiklara ng “failure of election' sa maraming lugar. Napahiya ang Comelec sa nasaksihan ng mga Foreign Observer ng hayagan nitong isambulat na "masahol pa sa Afghanistan Iraq ang sitwasyon sa Pilipinas."
9. Malaki ang kasalanan ng Comelec ng muling ipiwesto nito sa sensitibong posisyon ang mga “garci boys” na tulad ni Lintang Bedol ng Maguindanao kahit alam ng lahat na may questionableng kredibilidad ang karamihan sa mga itinalagang Regional election directors, provincial director at election officers sa antas munisipyo.
10. Walang pagsisikap ang Comelec na maberipika ang kahina-hinalang "paglobo ng bilang botante (20%) at voter's turnout (90-95%) sa lugar kung saan malalakas, kilalang may command votes at machinery ang administrasyon."
11. Dahil sa delay at "failure at special election” sa ARMM at Luzon areas, muling nabuhay ang talamak na “the price is right o mga bidding sessions” na dagdag-bawas at dagdag-dagdag special operation. Tulad ng inaasahan, sa halagang P50.0/boto, muling nagpiesta ang mga operdor, "garci boys" at galamay ng mga kandidatong nagbro-broker na sindikato o mga scalpers kasabwat ang ilang Regional, provincial at municipal Comelec director.
Dahil hindi nabura ang persepsyon mahina, kahina-hinala ang Comelec at pakawala ng administrasyon si Abalos, muling nadungisan ang mandatong taglay ng Comelec na “guardian of the ballots.” Ang pagbibitiw sa Task Force Maguindanao ng dating aktibistang si Commissioner Sarmiento at ang demosyong ipinataw kay Regional director na si Rapanan ay ilan lamang sa mga palatandaan na nagpatunay na may sabwatang nagaganap sa pagitan ng Comelec at Malakanyang.
“Ganito na lamang ba tayo palagi?
Ito ang karaniwang bukang bibig ng lahat ng sektor at ng lahat ng nagmamalasakit na mamamayan Pilipino, maliban sa mga propagandista ng administrsyon. Dahil nasa zero credibility ang Comelec, isang kabayanihan ang gagawing pagbibitiw sa katungkulan ng lahat ng Comelec commissioner, si Chairperson na si Benjamin Abalos, Resurreccion Z. Borra, Florentino A. Tuason, Jr., Romeo A. Brawner, Rene V. Sarmiento at Nicodemo T. Ferrer.
Sa pagreresign lamang maipapakita ang tunay na pagmamahal at paglilingkod sa mamamayang Pilipino. Kaya lang, nasa "total denial ang lahat ng alegasyon sa Comelec." "Di tulad sa tradisyon ng Hapon na may konsiensya, naghaharikiri sa kanilang kasalanang nagawa, sa Pilipinas, kabaligtaran, binabaluktut at ipinagbubunyi pa ng Comelec ang "matagumpay na kondukta ng katatapos na halalan na ayon sa kanila ay isang peaceful, orderly and honest election.”
Doy Cinco / IPD
Social Movement Team
May 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
tramadol online illegal to get tramadol online - tramadol 325 mg dosage
Post a Comment