Matagal na akong pikang-pika't nagtimpi sa isyung ito. Bukud sa nagkasabay-sabay ang mga bigating isyu itong buwan ng Setyembre, nakakapagod na, baka maging BIAS o dili kaya'y parang kaaway na naman natin ule ang mundo.
(Photo:http://newsimg.bbc.co.
uk/media/images/39660000/jpg/_39660561_death203body_4.jpg)
Sa totoo lang, inaasahan na natin na pakiki-alamanan ng Malakanyang ang kalalabasan ng paghuhusga at ito nama'y hindi na bago. Ayaw na sana nating patulan, kaya lang, ang nakakapikon, parang pinalalabas na "tagumpay raw ito ng hustisya, ng isang matatag na institusyon, rule of law at sambayanang Pilipino?”
Kahit paano'y may implikasyon ang nasabing isyu sa mas malaki at komplikadong mga isyu. Maaring sabihing makalito lamang tayo o pwede rin namang makapag-ambag ng paglilinaw o may aral na kapupulutan din akong maibabahagi. Depende na ito sa uri ng babasa sa artikulong ito. (photo: http://www.pcij.org/blog/wp-images/arroyo-sorry.jpg)
Ang isang malinaw, ang pagkakahatol na guilty verdick sa dating pangulong Erap ay 'di nangangahulugang may “strong republic” na ang bansa sa tulad na ipinamamarali ni Ate Glo. Lalong hindi nangangahulugang "alive na mule ang democratic institution ng bansa," meaning may “rule of law” na't may hustisya sa wakas ang country.
Hindi rin ibig sabihin na ang nasabing hatol guilty verdick kay Erap ay magsisilbing deterrent o babala sa iba pang matataas na puno sa Malakanyang lalo na kay Ate Glo't mga kampon nito sa pulitika na ganito rin ang kahihinatnang parusa kung patuloy na gagawa ng pangungurakot at pagdarambong. Hindi rin ibig sabihing "iigi na ang standing na second place ang Pinas sa pangungurakot sa Asia" at masasawata na ang mga big time kurakot ayon sa pamantayan ng Transparency and Accountability Network (TAN).
Ang hatol kay Erap ay posibleng mauwi sa pardon o amnestiya at sa kahuli-huliahan, si Ate Glo ang lumabas na bida at ang mga political opposition ang kontrabida. May anggulong reconcilliation at maaring tignan at maglingkod sa framing na “legacy," isang "graceful exit" para kay Ate Glo sa 2010 o sa kabilang banda, pwedeng sipatin sa senaryong mag-ala diktadurang Marcos, mag-FLIP TOP, isalang ang Cha Cha, tumakbong kinatawan sa Pampanga, maging Prime Minister sa bagong sistemang pampulitika, parliamentary form of government at patuloy na maghari lagpas at hanggang 2013.
Nililinaw nating hindi ito usaping maka GMA ka't maka-Erap Estrada at higit sa lahat, hindi ito usapin kung may credibility na ang kasalukuyang nakalukluk sa kapangyarihan o legitimized na ang katatayuan ni Ate Glo, legitimized na rin ang Edsa 2 at 3, ang 2004 presidential election.
Ang punto't siguradong alam ni Mang Pandoy, papatindi ang tunggalian ng dalawang elite faction sa pulitika o maliwanag na away ng mga dambuhala't walang kinalaman ang masa, ang mahihirap at sambayanang Pilipino. Pangalawa; nagkakaisa ang marami na hindi lamang si Erap ang nagplu-plunder o nandarambong ng kaban yaman ng bansa, ang kalakaran sa burukrasya, mula baba hanggang itaas, mula sa mga nakalukluk sa kapangyarihan, sa Malakanyang, mula sa lokal hanggang nasyunal, mula sa Comelec, sa Subic, BIR hanggang sa Lehislatura't Hudikatura, pare-pareho, nakakapagod na, manhid na ang country at walang bago't hindi na balita.
Pangatlo, kung ito'y deterrent sa pangungurakot, nakapila na ba sa kakasuhan at mabibilanggo na rin ba sa hinaharap si Ate Glo, si Jose Pidal (unang ginoo at tanging esposong si Mike Arroyo), ang cashunduang $2.0 milllion (P 95.0 milyon) Impsa power plant ng dating kalihim na si Hernani Perez, si Abalos sa P 1.3 billiong Mega Pacific Comelec Computerization SCAM at $200.0 million kickback sa bagong ZTE contract, ang mga Generals ng Hello Garci Dagdag-Bawas controversy at pekeng digmaan sa Mindanao, ang P728.0 million Joc joc Bolante ng Fertilizer fund scam, Piatco Naia 3 scam, ang P 1.1 billion overpriced na Macapagal blvd, ang P 28.0 billion Northrail projects at higit sa lahat ang talamak na dukutan at political killings sa mga aktibista't mga periodista.
Kung ang diktadurang Marcos at kanyang kasapakat na Cronies ay nagsurvived at walang naibilanggo, si Ate Glo pa kaya na sobrang wais, tuso't magaling at maabilidad. Bukud sa total denial, hindi nagawa ni Erap ang ganitong mga diskarte;
1. EO 464 o ang pagbabawal sa lahat ng mga government officials na dumalo sa Senate hearing
2. Ang Proclamation No. 1017 o ang garapalang State of Emergency
3. Calibrated preemptive response (CPR) o ang 'no permit no rally'
4. Ang pinakahuli ay ang Executive Order No. 1 na ipinaglalaban ng mga opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa imbistigasyon ng Tongreso at Senado.
Kakambal ng talamak na pangungurakot sa bansa ang sistemang buluk na umiiral sa pulitika at kawalan moralidad ng mga namumuno sa gubyerno. Ito'y parang canal na pinagbubuhatan ng lamok, na habang nariyan ang pusali ay mananatili ang lamok na kurakot sa gubyerno. Ang sistemang padrino, (patronage politics / rent seeking) elitist at factionalism na katangian ng pulitika, ang oligarkiya at casique, kasal binyag at libing (KBL) at GUNS GOLD ang GOONS.
Sadyang nainstitusyalisa na ang pangungulimbat sa burukrasya. Napaka- IMPUSIBLENG hindi ka maputikan o maulingan sa isang sitemang balon ng kababuyan at katiwalian. Take it or leave it ika nga. Kung ika'y "kontra agos, isang matino, malinis at straight sa trabaho, ikaw pa ang palalabasing masama, kontrabida't walang pakisama sa nakararami." Ang katawa-tawa, kung 'di ka ayon sa kalakaran, ikaw ang lalabas na tanga at gago.
Ang malungkot, hinahangaan, ibinoboto ng marami, nagpapainom ng stateside na alak, ginagawang ninong at ninang sa binyag at kasalan, iniimbitahang magsalita sa graduation rites ng mga paaralan at resource person sa mga pagtitipon at mga parangal, aktibo sa mga civic action at kawanggawa, pinakamalaking magbigay ng donasyon sa simbahan, abuloy sa patay, at higit sa lahat, tinutularan at ginagawang modelo.
Dahil sa ganitong sistema, nakadisenyo't normal lamang, at nakagawian na ang pandarambong sa gubyerno't may hawak ng kapangyarihan. Mula pa noong panahon ng kolonyalismo hanggang sa panahon ng republika, hindi na bago't nakagawian na ang pangungurakot sa gubyerno, ito may sa maraming ahensya, sa Tongreso, sa Malakanyang at sa lokal na gubyerno. Ang cardinal rule, rekisito't usapin na lamang ay dapat "everybody happy at huwag pahuhuli."
Ang suma, isang malaking katatawanan ang hatol na guilty sa pandarambong kay Erap. Ayon sa marami, walang kaduda-dudang isang political disisyon at kanggaro court ang nangyari. Kung baga, "ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw." Ang masaklap at ang hirap arukin, ang naghusga at humatol kay Erap ay tadtad din ng anomalya't iregularidad, dorobo, kasinungalingan, mandaraya't mandarambong. Para kay Mang Pandoy, "bitin, it's unfair.."
Doy Cinco / IPD
September 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment