Tuesday, September 04, 2007

"SQUATER WAR" posibleng sumiklab sa Kamaynilaan

Sa mata ng maralitang Pinoy, ang 7.5% GDP economic growth na inanunsyo ni Ate Glo kamakailan lang ay isang malaking kalokohan, propaganda, insulto at anti-Pilipino. (photo: www.thieme.de/.../famulatur_manila_pandacan.jpg)
Para kay Mang Pandoy at sa mga senatoriable candidates na n
akasaksi sa kalunus-lunos na kalagayan ng maralitang lunsod nuong panahon ng pangangampanya sa katatapos na May midterm election, "patuloy ang kalbaryo ng ekonomya, pagtaas ng unemployement at under-employment ng/at tanggalan (laid off) industria't manupaktura (3.5 million un-employed), ang walang kapanatagan sa kanayunang dulot ng paghahari at pagpapanumbalik ng oligarkiya o paghahari ng iilan, ang 'di matigil-tigil na kontra-insureksyon at rebelyon, ang mga magniniyug, magsasaka at mangingisda ay patuloy na dumaranas ng kakapusan ng kita at pabagsak na kabuhayan at ang patuloy na migration pattern o internal refugee ng mga tao tungong kalunsuran mula sa kanayunan o sa kabuuan, ang matinding KARALITAAN, lomobo ng malaki ang populasyon ng maralitang lunsod sa Kamaynilaan."

Maliban sa OFW at election spending sa katatapos na May midterm election, ang direktang puhunan (direct investment), pautang at abuloy (grants) mula sa mayayamang bansa ang tanging sumalba at bumuhay na parang dekstros sa ekonomya't gubyerno ni Ate Glo.

Hindi malayong paniwalaang muling magkaroon ng putaki-putaking gera sa pagitan ng Maralitang Lunsod at Metro Manila Development Authority (MMDA) at polis. Bunsod ito ng anti-squating na patakarang walisin sa Metro Manila ang lahat ng mga inpormal sektor o mga SQUATERS sa loob ng tatlong taon, meaning sa panahon bago magtapos ang termino ni Ate Glo sa 2010, ididiklarang “no squaters ang Metro Manila.”

Sa utus at tagubilin ni Ate Glo, ikinasa ni Bayani Fernando ang isang inter-agency o isang task force na sasawata sa mga squaters o slum dwellers na “sagabal sa mga DAAN / traffic, sa RILES, sa mga CREEKS, sa mga ilalim ng tulay at sa mga alanganin at delikadong kinatitirikan upang resolbahin once and for all ang problema ng illegal squating sa National Capital Region (NCR).”

Para lubusang maipatupad ang plano, nagbuo ng isang task force mula sa iba't-ibang mga ahensya ng gubyerno tulad ng; National Housing Authority, Department of Education, Department of Health, National Anti-Poverty Commission, Department of the Interior and Local Government, Commission on Human Rights, Technology and Livelihood Resource Center, Department of Environment and Natural Resources, Presidential Commission on Urban Poor at 17 mga LGUs. Upang magkaroon ng “spiritual na basbas,” isinama rin sa proyekto ang Archdiocese ng Manila. (photo: www.jesuit.org.sg/.../agustinus.tanudjaja03.jpg)
Isang katlo (1/3) ng mahigit 10.0 milyong populasyon ng Metro Manila ay binubuo ng maralitang lunsod, "ang isa sa pinakamalaki sa buong mundo." Ibig sabihin, may mahigit tatlong milyon (3.0 million) mga kababayan natin ay "squater sa sariling bayan" at malamang dumoble pa ang laki nito sa susunod na mga taon kung walang pag-unlad ng ekonomya't katinuan ng paggugubyerno sa bansa.
Sa matagal na panahon, ang mga squatter ang palagiang nagagamit sa mobilisasyon ng admi
nistrasyon at kaaway sa politika, sa pangangalap ng boto at sa korupsyon ng mga pulitiko para sa sariling kampanyang politikal at kapangyarihan.

"Alang-alang raw sa pagsugpo ng baha, sa clearing operation at development ng Metro Manila, sa nakaabang na "Mega projects" ng Malakanyang at sa pagsugpo ng kriminalidad sa Kamaynilaan, inaasahang may 100,000 urban poor dwellers (1/3 ng kabuuan) ang sa pilitang buburahin sa mapa.” Ang malungkot, 'di tulad sa panahon ni Presidente Marcos, ang kampanyang demolition ni Ate Glo ay malupit, sobrang bagsik, walang kasiguruhang malilipatan, walang relocation o resettlement sites.

Muling pag-iibayuhin ng MMDA ang gasgas at tatlong dekada (3 decades) na programang “balik probinsya at iba pang paraang pag-eengganyo tulad ng incentives,” makumbinsi't mauto lamang ang maralitang lunsod. Kung mayroon mang paglilipatan, walang kaduda-dudang super layo, liblib at walang facilities (tubig at kuryente), amenities at higit sa lahat, walang malinaw na basic services. Aasahang itataboy sa malalayong liblib na lugar ng Bulacan, Laguna o sa Cavite ang mga maralita.
(Photo:
www.indymedia.org/icon/2007/03/882957.jpg)
Kapansin-pansin ang mararahas ang paraang ginagamit ng awtoridad sa pagsasagawa ng demolition. Maliban sa sobrang dami ng mga tauhan-goons ng MMDA, over-kill ang tirada, naka-full battle gear ang back-up forces na parang may gerang sinusugud na kuta ng mga terorista. Karaniwang dahilang ginagamit ng MMDA at LGUs ang ura-uradang demolition ay una; nasa danger zone (creek at esteros), pangalawa; nakababara ng basura sa mga water ways, pangatlo, pinagkukutaan ng masasamang elemento at panghuli; ang pinakamatindi sa lahat, walang building permit at clearing ng sidewalk .

Ayon sa grupo ng mga Maralitang Lunsod, maliwanag na isang iligal ang isinasagawang demolition ng MMDA. Bukud sa napaka-BRUTAL at makahayop na pamamaraan, labag ito sa isinasaan na batas Urban Development and Housing Act UDHA RA 7279 o ang tinatawag na Lina Law . Ayon sa Section 28 ng UDHA, "eviction or demolition as a practice shall be discouraged." Kung sakaling 'di maiwasang ang sirkumstansyang pwersahang pagpapalikas , kailangan tupdin ang walong (8) mandatory requirements, kasama rito ang “sapat at demokratikong konsultasyon sa pagitan ng mga tukoy at designated na kinatawan ng komunidad at mga pamilyang maaapektuhan, lalong-lalo na ang maayos at karapat-dapat na lugar na kanilang paglilipatan."

Ang mga ito'y;
۰ Matinong konsultasyon sa mga maapektuhan;
۰ Sapat at risonableng paabiso sa mga tatamaan bago pa ang iskedyul ng gibaan;
۰ Inpormasyon sa mga nakaabang na gigibain, saan ang alternative, kung saan ang mga lugar o housing na paglilipatan at available na panahon para sa apektadong sector.;
۰ Ang presensya ng mga tao involve o mga taong responsible sa gibaan, mga government officials o kanilang kinatawan; Lahat ng tao ng involved sa gibaan ay may mga identification card (ID);
۰ Ang gibaan ay ‘di dapat isagawa sa panahong masama ang panahon o gabi, may consent dapat sa mga maapektuhan;
۰ May provision sa legal remedies; at
۰ May provision, kung saan hanggat maari, may legal aid sa mga taong apektado na kanilang idudulog sa korte.

Kung magkagayon, dapat isagawa ng gubyerno ang mga sumusunod;
1. Agad ihinto ang pwersahang gibaan at irikonsider ang mga planong posibleng magreresulta ng pwersahang gibaan o karahasan;
2. Tukuyin, magkaroon ng proseso ng pakikipagkonsultasyon sa mga apektadong sector, sapat na alternatibong mapaglilipatan o akomodasyon sa lahat ng mawawalan ng tirahan dahil sa pwersahang gibaan, at i-established ang sapat na mekanismo ng kabayaran o konpensasyon at relokasyon sa lahat ng apektadong sector;
3. Ipag-utos at magkaroon ng independent inbistigasyon sa mga nangyaring mararahas na gibaan at isapubliko ang resulta ng nasabing inquiry;
4. Siguraduhin ang lahat ng mga opisyal, government agencies at polis personnel na responsible sa paglabag ng karapatang pantao, gumamit ng matinding pwersa, kalupitan at ‘di makataong pagtrato ay maipagsakdal.
5. Magcomply sa mga treaty obligations na napagkaisahan sa pagitan ng bansang Pilipinas na naimilti sa report ng Committee on Economic, Social at Cultural Rights na hindi tinutupad ng Philippine government mula pa noong 1995.

Dagdag pa, ang Executive Order no. 152 na inissue noong December 10, 2002, kung saan minamanduhang ang lahat ng opisyal ng gubyerno (ahensya) na dumaan sa proseso, magsecure muna ng Certificate of Compliance (COC) mula sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang siguraduhing ang lahat ng procedure ay wasto, makatarungan at makataong pagde-demolition batay sa nakasaad sa Constitution na pinagbasihan ng batas UDHA.

Bilang State Party sa International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights, ang Gubyerno ng Pilipinas ay inuubligang irespeto ang karapatan sa marangal na paninirahan, kasama ang mahigpit na tinututulang pwersahang pagpapalikas, bilang garantiya sa Artikulo 11 (1).

Nagsimula na ang demolisyon sa maraming lugar at ang iba'y naka-iskedyul na't napaabutan na ng notice of eviction. Apat na malalaking lunsod ang pupuruhan, ang Quezon City, Manila, Caloocan, San Juan at Malabon-Navotas area.

Ayon kay Nacianceno ng MMDA, "ipaprioriting ipagiba ang 3,000 pamilyang (12,000 tao) matatagpuan sa Tullahan River sa Quezon City at San Juan.” Katatapos lamang ang marahas na gibaan/demolition sa Paco, Manila. Mga naninirahan sa ilalim ng tulay San Andres sa kahabaan ng South Superhighway noong March, 2007. Ang demolition sa compound ng San Agustin, Sta Mesa, Manila. Hinihinalang politically motibated (2007 election-balwarte ni Mayor Atienza) ang nasabing kautusang pagpapagiba ni Mayor Lim.

Ang demolition sa mahigit 200 pamilya sa Barangay Palanan at San Isidro sa boundary ng Makati at Pasay. Kasunud na iminungkahi ng MMDA sa mga nasalanta na lumipat pansamantala sa relocation site ng Laguna, Rizal at Batangas. Dahil sa magkasabay na kampanyang linisin ang mga illegal na obstructions along waterways ng Kamaynilaan, dinimolished din ng MMDA ang mahigit 500 illegal na istruktura sa hilagang bahagi ng Metro Manila., sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.


Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay tratong hayop at salot sa lipunan ang mga maralita ng lunsod, na kung sa totoo lang, sila'y biktima ng kabulukan ng sistema, kabulukan ng sistemang panlipunan at pampulitika. Sila'y maliwanag na unang casualty ng maling sistema ng paggugubyernong matagal ng umiral sa ating bansa. Kung patuloy na lalabagin ng MMDA at ng estado ang batas, walang ibang depensa ang maralitang lunsod kundi ang magkaisa at lumaban.

Doy Cinco / IPD
September 4, 2007

2 comments:

juana said...

ang pagkakaintindi ko po ay pwede kung nasa critical area or danger area, kung nasa public places like playground, daanan.

Anonymous said...

SQUATERS and STREET CHILDRENS !!!
I agree 100% They are the Image & result of the governments Irresponsibilities, Selfishness, Corruptions and most of all they are Bunch of LIARS,LIARS and BIG LIARS.!!!
The governments are the True Enemy here and they started it all.!!! WHY????? ...They are encouraging and BrainWashing (they even make Advertisement on T.V ) very much the Filipino people, That working Abroad is one of the way or the only way to overcome Unemployment and Poverty and also help the Governments to Earn Dollars thru Padala Systems ...Is that what is supposed to be??? Us helping the government, Instead of them Helping us.???
Did the Government & most Especially the President ever think and realize the Burden and how Difficult to work abroad and leave your children and Wife/Husband behind aside from being Hang, Killed, Raped and Victims of Illegal Recruiters while in the Foreign Land???
Through the years have past and what I have Observed & Learned, There has been Less or No Effort at all from the Government to Help the Filipino People improve their life as a Citizens of this Country!!!!!
I wished in the Future, there will be a real President of the Philippines who is truly Faithful,Honest,Kind,Thoughtful,Caring,Understanding and most of all GOD Fearing.!!!!!