
Imbis na ibangon at makatulong sa karukhaan, ihango sa kar
Ginamit ng mga programang ito ang mahihirap na mamamayan upang dumugin ng audience, sumikat at pumatok ang kanilang palabas- programa. Walang kaduda-dudang mas malaki ang kanilang kinikita kaysa sa kanilang pinamimigay na premyo. Ika nga ng marami, “wala tayong magagawa, negosyo lang 'to.”
Kung tutuusin, wala itong pinagkaiba sa SUGAL, weteng, Lotto, karera, masyao, kara-cruz at KULTOng lumalaganap ngayon sa tabi-tabi. Trinatratong mendicant, pagiging pala-asa, game of chance, “swerte ka-malas mo” ang buhay at kaluluwa ng mga kababayan natin.
Winawasak nito ang Filipino values. Parang ang lahat na lang ay kwarta, kwarta, kwarta! Ginawang mga sira-ulo, mukhang TANGA'T gago ang mga abang kalagayan ng mamamayan. Ang nakakalungkot, galing pa sa malalayong lugar (Northern Luzon, Bicol hanggang Mindanao) ang karamihan sa sumusugod sa Abs-Cbn at GMA 7. May sangkap pa ng desperation, pumipila ka ng ilang oras o araw para lamang maka-una sa pinamimigay na ticket, "parang sinusuhulan ang mga kalahok at spectator (audience) na suportahan ang istasyon at programa, may pangakuan, namimigay ng kwarta, premyo at mga bagay-bagay na kakailanganin ng isang mahirap, kinekengkoy ka, pinagtatawanan ka at higit sa lahat, sinisira ang pagkatao't kaluluwa mo."
Ang lumalabas, mas dinaig o mas nawalan ng kahulugan, nawalang saysay ang inutil na Department of Social Work and Services (DSWD), na siyang dapat kumalinga sa mga dukha't kapus-palad, kaysa Wowowee at Eat Bulaga. Bata, matanda, ulila, namatayan, may kapansanan, may kapighatian, may malubhang karandaman at higit sa lahat, mga walang trabaho, imbis sa DSWD magpunta, matyagang pumipila't halos magpakamatay, makapasok, makasali lamang sa dalawang programang noon time show.
Ang tanong ni Mang Pandoy, anong uri ng kultura't asal ang isinasalaksak at prino-promote ng mga programang ito? Kasipagan ba, pagmamahal ba sa kapwa, katalinuhan ba, pagiging malikhain ba, pagiging kritikal ba at mapanuri, kolektibismo ba't hindi maging makasarili o pagmamahal ba sa country?
Kung mas palalalimin natin ang pagsusuri, walang ibang dapat sisihin dito kundi ang karalitaan at survival, ang kapit sa patalim, ang karalitaang ibinunga ng matagal ng pagkakasalaula ng country sa mga pulitiko. Sa ilalim ng elitistang paghahari, sa bangkaroteng sistema, nabansot at permanenteng trahedya sa country!
Doy Cinco / IPD
September 5, 2007
No comments:
Post a Comment