(Photo by BOY SANTOS: Stranded commuters on
Agad nag-issue ng Executive Order 712 si Ate Glo at pinag-utos na ibigay ang kahilingan ng Transport Group na matagal ng dumaraing sa pang-aabuso at pangongotong ng mga ganid na LGUs at Metro Manila Devt Authority (MMDA) at hilinging i-implementa ang isang unified ticketing system sa Kalakhang Manila. Kaya lang, bukud sa malaki ang hahabulin ng Transport group sa makapangyarihang batas na isinasaad ng Local Government Code (LGC) o ang "LOCAL AUTONOMY at DECENTRALIZATION" at ang kawalan ng ngipin ng Executive Order (EO) ng Palasyo, naiwang nakabinbin ang isyu hinggil sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.
Ang isang araw na communal action ay malawakang (broad) pinangunahan ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (FEJODAP), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Alliance of Transport Operators and Drivers of the Philippines, Makati Jeepney Operators and Drivers Association, Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association Nationwide Inc. (Pasang-Masda); Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA), Metro Manila Bus Operators Association, Intercity Bus Operators Association, Northeast Manila Bus Operators Group, Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), Association of Taxi Operators in Metro Manila, and 1-UTAK (United Transport Koalisyon).
Ano ang lesson na ipinakikita sa tagumpay na ito? Para kay Mang Pandoy, kung may malawak na pagkaisa, kung makatarungan at valid ang kahilingan (winnability), kung peaceful at non-violent ang pakikibaka, kung tapat at walang mga hidden agenda, kung may matitino, seryoso, may passionate at magigiting ang mga LEADER at higit sa lahat "kung 'di pinangungunahan at kinukubabawan ng mga grupong exremista, " ano mang lupit, bangis at panlilinlang ng isang evil administrasyon, NAGTATAGUMPAY ang adhikain.
Ang tanong, bagamat pinalakpakan ng sambayanang Pilipino ang matagumpay na communal action ng Transport group laban sa LGUs at MMDA, isusunod na ba ang mala-demonyong implimentasyon ng E-VAT na siyang ugat at dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo at mga bilihin, may part 2 ba? Ang isa pang tanong ng marami, kaya bang i-duplicate ng GMA Resign movement ang matagumpay na communal action ng grupong pangtransportasyon?
Doy / IPD
March 12, 2008
3 comments:
Dear Doy, Ano na ba ang nangyari sa EO 712? Sabi ni DOTC Sec. Leandro M endoza sa TV e wala na yung mga city at municipal ordinances pero bakit dito sa marikina e patuloy pa rin. Kailangan amg PUJ mo ay may sticker nila at pag hindi ka makasunod ay impounded ka.Ang masakit pa ay napakamahal ng bayarin para sa sticker.Isa sa kakilala ko ay gumastos na sya ng 5,000.Pano ba mapapatigil ito?

Post a Comment