Wednesday, March 19, 2008

"English Carabao" ni Janina

Si Janina San Miguel, ang nanalong Bb.Pilipinas Worldwide title ay sagad sa butong ininsulto't pinagtawanan dahil lamang sa paggamit ng “carabao english.” Ang malungkot, maliban sa negatibong reaksyon ng spokening dollar na pulitikong si Rep Gullas ng Cebu, sumambulat sa cyberspace, mula sa internet, sa e-groups, blogs, YouTube at text messages ang mahigit 300,000 kumwestiyon at nagsabing “ito ba ang karapat dapat na maging kinatawan ng Pilipinas sa pandaigdigang labanan sa beauty contest?” (Photo;mg341.imageshack.us/.../binibinilicaroshy5.jpg)

Ang “carabao english” ay isang klase ng english languages na ginagamit ng mga englisero at engliserang Pinoy. Daang libong Pinoy at 'di lang si Janina ang gumagamit ng "english carabao." Trahedya man ito, globalisasyon o isang karangalan, pinipilit sabayan ang diksyon ng mga Englishmen/women, kahit mali-mali ang grammar, kahit hindi maunawaan at maintindihan mismo ng mga Briton at Kano (Anglo-American) ang "carabao english" ng mga Pinoy.

Mula sa sistema ng ating edukasyon bilang medium sa pagtuturo, ginamit ang English sa gubyerno’t lehislatura at pakikipagtransaksyon sa negosyo. Mula sa aklat at iba pang reference materials, magazines, research manual at script ay pawang nakasulat sa dayong wika. Gamit sa pakikipagtalastasan, sa court hearing, debate, sa mga pormal (social) na pagtitipon, conferences, forum, kahit sa simpleng pakikipagkomunikasyon, pagsusulat, kalatas o kahit sa mga panayam, advocacy work, kahit pilit at katawa-tawa, “english" ang karaniwang ginagamit.

"Ikatlo (3rd placer) raw ang Pilipinas sa buong mundo ang gumagamit ng English. " Apat na siglong (4 centuries) nilooban (occupation) tayo ng Amerika, Hapon at Kastila. Noong panahon ng Kastila, ginamit ang wika upang ikintal sa utak natin ang mensahe ng kabanalan at pagiging masunurin. Sa ilalim ng Kano, sa loob lamang ng kalahating siglo at ilang dekada matapos “ibigay ang kasarinlan,” isinubo ang wikang English bilang opisyal na lengguwahe.

Kung sa pulitika't kapangyarihan, kung gusto mong maging pulitiko kailangang English ang gamit mo, kung gusto mo ng may mataas na pinag-aralan at modernong pamumuhay wikang English ang dapat na gamit mo. Ginamit ang English sa pagbibiyahe sa abrod o jungket. Ginamit ang English sa land grabbing at malakihang pagnanakaw. Ginamit ang English upang sang-ayunan ang mga batas at tratadong kontra Pilipino. Ginamit ang English upang supilin ang kilusang makabayan. Ginamit ang English, upang baluktutin ang hustisya't paburan ang mga malalaki’t mga dambuhala. Ginamit ang English sa pangungurakot. Yung salitang commission, under the table, standard operational procedure (SOP), sovereign guarantee at “substantial compliance” ay walang iba kundi suhol, lagay at pangungulimbat.

Sinasabi ng ilang kritiko na tuluyan na tayong nawalan ng tunay pagkakakilala sa sarili. Sa awit ni Heber Bartolome na “Tayo’y mga Pinoy”, para tayong asong ngumingiyaw at hindi tumatahol. Sabi nga ni Randy David, “walang wikang umuunlad kung hindi ito naisusulat at binabasa. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t-ibang kaisipang hango sa maraming kultura. Kailangang makipag-usap ang ating sarili’t-katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isangtabi ito, sa maling pag-aakalang hindi na ito angkop sa bagong panahon."

Nasa yugto na tayo ng tinatawag na “Panahon ng Kaalaman.” Upang mkamit ang mithiing kaunlaran, napakahalaga ngayon ang pagpapaabot at pagpapaunawa ng kaalaman o mga kaisipan para sa mamamayang Pilipino. Hindi totoong mababa at makitid ang karunungang makukuha sa Filipino. Pakulo lamang ito ng mga may lagnat sa utak, maka-English at mga regionalistikong mapanghating pulitiko na naniniwalang hindi tayo uunlad kung hindi tayo marunong mag-English.

May sarili na tayong teknolohiya para mabuhay at magsarili. May nalinang na tayong paraan ng agrikultura at mga industriya para masagot ang ating pangangailangang pangkabuhayan. Intelektuwalisado na ang ating wika noon pa man. May mga salita ito na naglalaman ng mga katutubong kaalaman sa pilosopiya, politika at teknolohiya.

Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay (Nipongo, Korean, Mandarin, Bahasa, Scandinvian, Russian at iba pang mauunlad na sibilisasyon, identity at kultura), kung ang English ang magpapawi ng katiwalian at pangungurakot, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang english ang bubura sa paninging mga UTUSAN, chimay at PROSTI (domestic helper at caregivers) ang Pinoy sa mata ng mundo, kung ang English ang magdadala ng maraming gintong medalya sa tuwing may palaro sa Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa, baka siguro NUMERO UNO NA TAYO SA LAHAT NG BAGAY SA MUNDO!

Tulad ng mga mauunlad (kamalayang panlipunan at kaunlaran) na mga bansang may sarili at pambansang wikang ipinatutupad, may sapat na kakayahan ang mga Pilipino na makamit ang tunay na sariling kamalayan at kaunlaran kung patuloy tayong maiintindihan, mauunawaan at makipag-ugnayan sa sarili nating mga kababayan.

Ayon kay Ornolfor Thorsson, tumayong adviser ng Presidente sa Iceland noong 1800, “Without our language, we have no culture, we have no identity, we are nothing.” Ipinahayag niya ito sa panahong nanganganib masalaula, burahin at patayin ng kolonyalistang Norwegian ang sariling wika ng bansang Iceland (the Icelanders as an ethno­linguistic people would have disappeared from the face of the earth).

Ang “english carabao” at ang insidenteng kinasapitan ni Janina ay repleksyon lamang kung gaano kabaluktut, kabusabos at kapariwara ng elitistang lipunang ginagalawan ni Janina.
Kung nagsalita sana ng Pilipino si Janina, bukud sa walang dudang malaya niyang naipaabot ang kanyang mensahe sa wikang Pilipino, tiyak na hahangaan-kabibiliban pa ito ng sambayanang Pilipino. Biktima lang si Janina ng isang bansang patuloy na "naliligaw, naghahanap ng direksyon, identidad, kamalayan at pagbabago."

Doy Cinco / IPD
March 19, 2008

May kaugnayang Artikulo:
1. Globalization and National Language ni Mario I. Miclat
IN THE ERA OF GLOBALIZATION, is there a need for a national language? Does embracing an international language as its own make a nation more globally competitive? If language is the repository of knowledge and culture, what disadvantages do we want to redress and what benefits do we want to achieve, in trying to embrace one language over another?
I need not mention here how UNESCO has proven in many studies that the best way to impart basic knowledge to children is by means of their native tongue.

http://doycinco.blogspot.com/2007/12/globalization-and-national-language.html

2. Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan ni Conrado de Quiros
Walang duda na kailangan natin ng Ingles. Walang duda na mahalaga ang Ingles. Subalit, dito man ay marami nang mga maling akala tungkol sa kahalagahan ng Ingles. Isa sa mga maling akalang ito ay ang paniniwalang ang Ingles ay ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya.
Pinabubulaanan ito ng Thailand. Mahirap kumilos sa Bangkok hindi lamang dahil sa ang sulat dito ay sulat-bulate, ayon nga sa isang kaibigan, kundi dahil iilan lamang ang marunong mag-Ingles. Iba pa kung paano nila bigkasin ang Ingles, na talaga namang papawisan ka ng dugo bago mo maintindihan. Kahit na hotel clerks ay hindi makapag-Ingles ng diretso. Ang pinakamadaling paraan para makapagtalastasan sa taxi driver at tindero ay sign language.

http://www.sawikaan.net/wika_ng_kapangyarihan.html

3. Politika ng Wika, Wika ng Politika ni Randolf S. David
Kailanma’y hindi naging neutral o inosenteng larangan ang wika. Ang komunikasyon, ayon sa mga pilosopo ng Frankfurt School, ay isang larangan ng dominasyon. Ang wika ay nagsisilbing instrumento ng pagkontrol sa kamay ng mga makapangyarihan, at instrumento naman ng pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa parte ng mga biktima ng kapangyarihan. Hindi nakapagtataka, kung ganoon, na pagkatapos na pagkatapos ng tagisang militar, ang laging kasunod ay ang tagisan ng mga wika.
http://www.sawikaan.net/politika_ng_wika.html

4. Filipino ang Wika ng Edukasyon at ng Kaunlaran ng Filipinas ni Virgilio S. Almario
Speaking in tongues–Pilipino-styleruphus.com/.../08/12/philippine-languages-month/

5. “WIKANG GLOBALISADO o WIKANG BUSABOS?” ni Doy Cinco
Tanggap na natin ang hamon ng rumaragasang globalisasyon, ang paggamit ng English, ang bersyon ng English kalabaw at Taglish. Ng dahil sa English, kasunod na pinatatag ng Pilipinas ang trono bilang pinakamahusay na OFW-skilled, entertainer, domestic helper, care giver at prostitutes sa buong mundo. Sa tingin ko, hindi habang panahon ay OFW na lamang tayo!

http://doycinco.blogspot.com/2006/04/wikang-globalisado-o-wikang-busabos.html

6. ‘The English Language Is My Enemy’ by Larry Pinkney
I will indict the English language as one of the prime carriers of racism from one person to another and discuss how the teacher and the student, especially the Negro student, are affected by this fact. The English language is my enemy.” In elaborating upon the psychological aspects of “racism” Davis further notes: “Racism is a belief that human races have distinctive characteristics, usually involving the idea that one’s own race has a right to rule others. Racism.
http://www.countercurrents.org/pinkney011107.htm

7. “WHY save PHILIPPINE languages?”
By Fred S. Cabuang
There are many of us who still do not give importance to the value of language specially the “lingua franca” or “mother tongue.” The “lingua franca” or “mother tongue” is the language spoken at home by family members and the language being used by the members of the same community. The survival of the “mother tongue” is as important as saving “nature” and “humankind.” The protection of endangered species such as “plants and animals” and “people” who are classified as minority, such as women, children, disabled and senior citizens includes the protection of their “culture and language” under many international agreements.
http://www.manilatimes.net/national/2007/aug/04/yehey/opinion/20070804opi6.html

8. “KONGRESO,hindi lang TRAPO, ANTI-PILIPINO pa” - Doy Cinco
Ayon kay Tong Eduardo Gullas at ang bagong itinalagang Kalihim ng Dep Ed na si Jeslie Lapuz, “napakalaki na raw ang inihina o lubusang “nag-erode na raw ang competitiveness ng ating bansa in terms of human resources, 'di lang sa Pilipinas maging sa bumibilis na takbo ng globalization.” Ang katwiran ng dalawa, ang pangunahing dahilan daw kung bakit bumagsak, nanglupaypay ang mayorya ng ating mag-aaral sa Math at Science ay dahil daw sa “POOR ENGLISH,” may “kulang sa pag-intindi't pagsasalita ng English?”
http://doycinco.blogspot.com/2006/12/kongreso-hindi-lang-trapo-anti-pilipino.html

9. “BUWANG ng Wika” ni Doy Cinco
Para sa'yong kabatiran Tong Gullas, mahigit limang (5) dekada na nating hawak ang tronong ikatlo tayo sa mundo na nagsasalita ng English. Pinipilit gayahin, sabayan, tapatan ang diksyon ng mga Englishmen sa England (ang orihinal na nagsasalita ng English sa mundo), kaya lang, sa ayaw man natin o sa gusto, dahil siguro sa klase, sa porma, sa kapanguan ng ating ilong at disenyo ng ating BIBIG, ipagmalaki't tanggapin na nating hanggang english kalabaw (english carabao) na lang tayo.
http://doycinco.blogspot.com/2006/08/buwang-ng-wika.html

10. Bad English, bad education? – Doy Cinco
Paano huhusay ang ating mag-aaral sa Math at Science subject kung ang ginagamit nating resource at reference materials ay pawang nakasulat sa English! Ano ang kinalaman ng ating Konstitusyon o ang nakasaad na "ang Filipino ang siyang magiging wikang Pambansa" sa deterioration (panlulupaypay) ng Math at Science ng mag-aaral sa mababang paaralan ng bansa?
Sa isinagawang pag-aaral ng Third International Math and Science (TIMSS) noong dekada 90s sa mahigit kalahating milyong kabataan ng mundo, pang-labing pito (17th) at pangdalawangput walo (28th) lamang ang USA sa agham at matematika. Nangunguna ang bansang Singapore, S. Korea, Czech Republic, Japan, Bulgaria, Netherland, Hungary, Austria at Belgium. Ang tanong ngayon, english ba ang medium of instruction sa Korea, sa Japan, sa Czec Republic, sa Belgium, sa Netherland at marami pang bansang maunlad, na magaling, excellent sa Math at Science?
http://doycinco.blogspot.com/2006/07/bad-english-bad-education.html

No comments: