Wednesday, March 12, 2008

KAMPI - Lakas, ang BUMABOY sa pulitika ng Pilipinas

Kamakailan lang, buong pagmamayabang na ipinagmalaki ni Ate Glo ang “pag-aasawa” raw ng partidong KAMPI at LAKAS at para sa kanya, ito raw ang magsisilbing “COLOSSUS” at magdodomina ng pulitika sa bansa bago, matapos at malamang lagpas sa kanyang pagtatapos na termino sa 2010. Ito raw ay "makakapag-create ng isang malakas na partidong pang-imprastrukturang siyang susi sa maayos na delivery of basic services at good governance." Dagdag pa, "maihahalintulad daw sa karanasan ng Malaysia, ni Prime Minister Mahathir Mohammad kung saan ang apat na dekadang dominasyon sa pulitika ay nakapagdulot ng walang patumanggang kaunlaran at kapayapaan."
(KAMPI at Lakas-CMD logo, walang website, kolorum na partido talaga)

Ang tanong ng marami, bangungot ba ito o propagandang pulpul? Bakit biglang minodelo ni Ate Glo ang sistemang pulitika ng Malaysia? Pareho ba ang pulitika sa Malaysia at Pilipinas?

Bukud sa parliamentaryo ang sistema ng paggugubyerno sa Malaysia, hindi hamak na magkaiba ang partidong United Malays National Organization (UMNO) kung ikukumpara sa KAMPI at LAKAS-CMD. Una, ang UMNO ay pinatakbo ng mga matitinong lider, naitatag sa kontekstong ideolohiyang MAKABAYAN ng MALAYO, kahit paano anti-imperialista, samantalang isang banana republic, mga traydor, kriminal, oportunista (political butterfly), kurakot at predatory politics ang mga pulitikong naka-anib sa KAMPI at LAKAS. Pangalawa; kung sa katiwalian ang pag-uusapan, bukud sa kurakot na pork barrel, sangkot palagi sa bilyung dolyar
sa katiwalian ang pamilyang (rent seeking) Arroyo Macapagal, kung ikukumpara sa ilang daang milyon dolyar lamang kay Mahathir.

Sa “pagsanib pwersa” ng KAMPI at LAKAS, sa totoo lang, walang epekto't pakinabang ang mamamayang Pilipino at mas kapani-paniwala pang sabihing mas lalo lamang ilulubog nito sa mabantut na BABOY KURAL na pulitika at ekonomya ang bansa. Sa katunayan, ayon kay Sen Mirriam Santiago, "pinag-aawayan lamang nito ang KICKBACK, komisyon at sinasayang lamang nito ang oras at panahon sa lehislatura.” Imbis dapat asikasuhin ang mga mahahalagang mga panukalang batas (political at electoral reform), kapangyarihan at kagahaman ang siya lamang pinagkaka-abalahan ng mga taran.... ito sa Kongreso."
(Photo above:New Speaker Prospero Nograles is joined by Pampanga Rep. Mikey Arroyo prior to the start of sessions at the House of Representatives. Photo by BOY SANTOS, http://www.philstar.com/ RIGHT Photo credit: Tobias Engay, PRID / 11 March 2008, www.congress.gov.ph/.../jdv06june07_ac.jpg)

Sa pamamagitan ng pamumudmud ng salapi at proyekto, ginamit na pang-salbabidang politikal ni Ate Glo ang KAMPI at LAKAS-CMD at balang araw, kung malalagay sa alanganin o lumubog kung sakali ang bangkang papel na sinasakyang ng mga ito, "ang siyang unang maglulundagan, unang magtatakwil, maghuhudas at magkakanulo kay Ate Glo, ang unang-unang magpapalit ng partido at allegiance."

Dapat ng idissolve ang mga partidong TRAPO sa Kamara de Representante sapagkat sa kabuuan, tulad ng KBL sa Batasang Pambansa nung panahon ni Marcos, sila'y mga rubber stamp, sila'y pare-parehong mga pekeng kinatawan, pabigat, salot at kurakot sa bayan.

Kamakailan lang, banner headline sa halos lahat ng pahayagan ang ulat na isinagawa ng Freedom House (FH), isang kilalang non-profit na institusyon, nonpartisan organization sa Amerika na nagtataguyod ng demokrasya at Kalayaan tungo sa isang panawagang kapanatagang pulitikal at ekonomya sa buong mundo. Ayon sa FH,
sa patuloy na pananalaula ng prinsipyong representative democracy o government of the people, tinanggal sa listahan ang Pilipinas bilang mga bansang hindi tumatalima sa demokrasya.
Tignan: Freedom Map:http://markhumphrys.com/Bitmaps/map.freedom.2006.jpg

Nasaan ang demokrasya kung ang mga pulitiko ay nailulukluk lamang ng pampulitikang MAKINARYA, command votes-VOTE BUYING-dagdag bawas controversies, nasaan ang demokrasya kung talamak ang Oligarkiya, PADRINO, Guns, Gold, Goons? Nasaan ang demokrasya kung ang sistemang elektoral at pulitika ay kinakikitaan ng karaniwang patayan, sobrang gastos sa kampanya, dayaan,
political clan, dinastiya, warlordismo at private armies?

Nasaan ang demokrasya kung ang mga pulitiko (Tongresman, Gobernador at Mayor) ay sa totoo lang ay nirerepresenta, kinakatawan ng malalaking negosyo't corporate elite, mga makapangyarihang may kontrol ng kabangyaman ng bansa at mga dayuhang gustong pangalagaan ang kani-kanilang interest at hindi ang mamamayang Pilipino. May naniniwala pa ba na ang mamamayan at botanteng Pilipino ang siyang tunay na pumipili, nagpapasya, may boses at nagdedesisyon sa mga election o sadya talagang isa lamang moro-moro ang election sa Pilipinas?

"Politics of convenience at hindi politics of conviction ang larawan ng political party sa Pilipinas. Walang matibay na pundasyong ideolohikal, pilosopiya't pananaw na pinanghahawakang ang mga TRAPONG partido saPilipinas."

MAKINARYANG pulitikal ang binubuhay at ino-organisa ng mga partido, imbis na mas patampukin ang mga programa, plataporma't mga isyu, showbiz-personality at power oriented ang litaw sa mga pulitiko't partido. Umaasa ang lahat sa padri-padrinong anyo ng oraganisasyon at relationship (Clan at patron client), imbis na mas itayo ang mas malalawak, alternatibo at mga bagong oraganisasyong panteritoryo't kilusang magtatakwil ng makalumang rela-relasyon at interest.

Kung track record ang pagbabasihan, isa ang mga pulitiko sa mga dahilan kung bakit tumindi ang karalitaan at dumami ang naguguton na Pinoy. Habang nagpapasarap, "libong Pinoy ang namamatay dahil sa sakit araw-araw at kakulangan ng hospitalization , milyong Pilipino ang naninirahan sa 'di maayos na kalagayan, walang maayos at mapanganib na paninirahan, kawalan ng serbisyo't pangkagalingang bayan tulad ng; maiinum na tubig, kawalang kuryente, kakulangan ng transportasyon, 'di kalidad at walang edukasyon.

Ang pulitiko, mga partido at ang Kongreso ang numero unong UNPOPULAR at kinamumuhiang INSTITUSYON sa bansa. Sa katunayan, sa persepsyon ng mga Pinoy, ang kahulugan ng pulitiko ay KURAKOT.


Doy / IPD
March 13, 2008

R
elated Stories:
Politics main industry of RP, says bishops


MANILA, March 15, 2008—Philippines is known to be God-fearing and God-loving; sadly it’s main industry is politics which ultimately lead to wealth, said 16 16 bishops of the Metropolitan Manila in their pastoral statement that will be read in Palm Sunday masses.
(Photo: "A commitment Fulfilled, www.congress.gov.ph)
http://www.cbcpnews.com/?q=node/1369
Most corrupt
For the second year in a row, a controversial annual survey by Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy has found the Philippines to be the most corrupt among Asia’s 13 biggest economies. Seven years after the ouster of a plundering president, corruption has grown worse.

http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/editorial/view/20080312-124344/Most-corrupt

Philippines poverty creeps upward; http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080308-123467/Admitting-that-poverty-can-rise
Mindanao Still Poorest Island in Nearly A Decade; http://www.newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=4265&Itemid=88889064
Increasing poverty caused by corruption; http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080310-123763/Increasing-poverty-caused-by-corruption

1 comment:

Anonymous said...

our website f8b55y2n80 replica wallets replica bags high quality pop over to these guys p8i91e7r93 Ysl replica handbags replica bags wholesale india replica kipling bags click w3k57s6q41 replica bags wholesale india