(Photo: Arthur Yap www.lpp.gov.ph)
Sa konsepto ng SUPPLY at DEMAND, ang pagtaas ng presyo ng bilihin at bigas ay malinaw na idinulot ng kakapusan, kakulangan ng supply ng pagkain sa palengke. Kung malaki ang demands at kulang ang supply, pagbali-baligtarin man natin ang sitwasyon, maliwanag na abnormal ang lagay at may KRISIS. Sa kongkreto, 20% na ang itinaas ng presyo ng bilihin, partikular ng bigas sa loob lamang ng isang linggo (nakaraang holy week / Undas). Sa ngayon, mahihirapan ka ng makakita ng P18.0/kilo sa pamilihan, lalo na sa NFA. Ang dating P28.0/kilong sinandomeng bago ang holy week ay nasa P34.0 na sa ngayon.
Malinaw na nabigo ang Malakanyang na paunlarin ang produksyon ng pagkain sa bansa at kaunlaran sa kanayunan (rural development). Dekada 80s pa lamang ay may mga babala na o warning na ang mga Non Government Organizations at samahang magbubukid na kung walang maayos at matinong plano't patakarang isasagawa ang gubyerno (tactically at istratehikong pagpapaunlad ng agrikultura't industrialisasyon, mga programa't patakarang tutugon sa paglaki ng produksyong agrikultural at pagresolba sa atrasadong estado ng kanayunan) sa loob ng 10 taon (1990s), hahantong sa krisis ng pagkain ang bansa.
Kung maaalala ko noong maliit pa ako (tatlong dekada ang nakalipas) ay naranasan kong pumila para lamang makabili ng bigas na may halo pang mais sa gubyerno, sa kanyang National Grains Authority (NGA) at Rice and Corn Administration (RCA) sa ilalim ng gubyernong Marcos. Sinundan pa ito ng "green revolution" at "Masagana 99" rice production program na pawang bigo at hindi nagtagumpay.
Nakakalungkot isiping habang moderno at higly-mechanized na ang gamit sa agricultural production ang Vietnam, Thailand, India at dito lamang sa UP-Los Banos-IRRI nagsipagtuto- nagsipag-aral, may isang daang taong atrasado at sistemang KALABAW pa rin ang Pilipinas. Hindi na natuto ang "maggaling" na pamunuan sa gubyerno. Ang karaniwang tanong nga ng ating mga magsasaka sa kanayunan, may gubyerno ba tayo? Sapagkat, ilang dekada ng hindi marandaman ang agapay ng gubyerno, sa tulad na suporta't kalinga na ibinibigay ng mga kalapit nating mga bansa sa mga magbubukid.
Hindi ako eksperto sa larangan ng kaunlaran at produksyon pero kahit paano, napuntahan ko ang mga mauunlad na bansang kapitalista (industrialisado at maliliit na bansang Netherland at Denmark) na sagana, nag-eexport at self-sufficient sa pagkain. Kung sa kalapit na bansa natin, hindi ko lubusang maunawaan kung bakit hindi natin matularan ang karanasan ng bansang Vietnam, China at Thailand patungkol sa produksyon ng pagkain at kaunlarang pangkanayunan? Minamalas talaga tayo. Mga nagsipagtapos pa naman sa Georgetown University sa Washington, Doctor of Economics, Harvard, Princetone, UP, Oxford, Ateneo at bode-bodega ang mga diploma't certificates, ganito ang abang kinasapitan ng ating bansa. Hindi ko alam kung talaga bang mga uguk, mga TANGA at mga bobo ang mga namumuno sa Malakanyang. (Photo: Small farm in Netherland, www.worldtravelingpartners.com at DENMARK; Agricultural landscape of DENMARK academic.emporia.edu/.../
Mas kailanganin natin palakasin at paunlarin ang produksyong pang-agrikultura at industrialisasyon sa kanayunan. Sa ngayon, mas kakailanganin natin ang mabilisang pagpapatupad ng patakarang magreresolba ng isyu ng land conversion, ang pagkatali at walang hanggang katapusang palaasa sa pag-import ng pagkain, pagpapalakas ng agricultural subsidy at mga patakarang magpapalakas ng mga ahensyang nakapatungkol sa kaunlaran ng kanayunan, produksyon ng pagkain at mga patakarang karagdagang agapay o subsidy sa mga magbubukid.
Mula sa hindi matapos-tapos na paghahanap ng katotohanan sa ZTE Broadband, Cyber Ed controversies at Spratly, mula sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pagbaba sa palitang kinikitang dolyar ng OFW, patong-patong na kaso ng kabuktutan, iskandalo, immoralidad at pangungurakot na sumambulat sa palasyo at sa walong taon nasa poder, halos wala itong maipagmamalaking legacy man lamang na nagawa patungkol sa kaunlaran ng kanayunan at agrikultura. Dahil sa kawalan ng ayuda't suporta ng gubyerno, bukud pa sa lumiliit na bilang ng magsasaka sa kanayunan, mas malakihan, milyong metriko toneladang importason ng bigas at pagluluwas na lamang ng skilled OFW, caregivers at domestic helper ang siya ngayong pinagtuunan ng Malakanyang.
Hindi tayo magtataka kung sa darating na mga linggo o buwan ay bumulaga sa mukha ng Malakanyang ang "food rioting, (unrest) looting, hijacking ng delivery truck ng bigas, pagsugod sa mga warehouse-kamalig na pag-aari't kontrolado ng monopolyong RICE CARTEL at NFA." (Photo: rice ctel at NFA warehouse, below; riot in Paris bristle.wordpress.com )
Hindi tayo magtataka na baka ito na ang hudyat na muling malagay sa alanganin o kapanatagang pangseguridad ang Malakanyang. Hindi tayo magtataka kung ang mga political rally at demonstrasyon ay mag-iba ng hugis, mag change gear, mag-iba ng porma ng pakikibaka tungo sa mala-anarkistang labanan. Ganito ang larawan ng ating kasaysayan ng politika sa bigas (krisis sa pagkain), ganito ang nangyari kamakailan sa West Africa, ganito sa malamang ang kahihinatnan ng isang mahirap na bansang tulad ng Pilipinas.
Doy Cinco / IPD
March 26, 2008
May kaugnay na balita:
Food Shortages An Emergency - FAO Chief
By Ranjit Devraj
Jacques Diouf, director general of the United Nations Food and Agriculture Organisation (FAO), on Wednesday described spiralling food prices as an "emergency" that demanded concerted global attention.
http://www.countercurrents.org/devraj100408.htm
RP farmers warn of looming rice crisis
http://www.gmanews.tv/story/86300/RP-farmers-warn-of-looming-rice-crisis
Root of rice crisis in RP, not outside--Senator Roxas
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=126100
Rice crisis plus scandals may alter Arroyo's future by Carmel Crimmins
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=112682
Senators blame Arroyo for rice crisis by Gil C. Cabacungan Jr.
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=125292
Riots nakaamba sa krisis sa bigas, oil, bilihin, trabaho ni Juliet de Loza/Boyet Jadulco/Tina Mendoza
http://www.abante.com.ph/issue/mar2308/news04.htm
1 comment:
madami ng guton at hirap...good news for job seekers.. want to work online at the comforts of your home ..try this site if your still searching online jobs ...
BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.com
Post a Comment