Marami ang nagdududa at kinakabahan sa kakayahan at kredibilidad ng VP Noli de Castro. Ang tanong ng iba, "ito na ba ang "PALACE COUP" na niluluto ng Malakanyang sa pakikipagsabwatan sa ilang corporate elite?" Bukud sa pagiging malapit, kaututang dila ni Ate Glo, may agam-agam sa usapin ng pagbabago at ang garantiya sa isyu ng "REPORMANG PULITIKA at elektoral, ang pagbabago ng mga patakarang anti-Pilipino o ang kabulukan ng sistema na lubhang nanganganib na hindi galawin ni NOLI at ng kanyang itatayong interim government. " STATUS QUO" ika nga.
(Photo: President Arroyo arrives with Vice President Noli de Castro at MalacaƱang..., http://www.philstar.com/)
Kung Noli ang lumalabas, ang hiling lang ng "communal action" ay magkaroon ng safety nets ang country, magarantiya ang sumusunod na kagyat na programa, tulad ng mga ss;
Una; maisigurong walang hangarin si Noli sa 2010 presidential election, i-insulate ito sa panganib na sakmalin ng predatory TRAPO politics (KAMPI/Lakas at UNO) at ang papel ni Noli ay maibalik sa political normalcy ang bansa, irehabilitate, i-overhaul, palakasin ang naghihingalong "strong republic," kawalang representasyon ng mamamayan at ihanda ang taumbayan sa isang malinis, kapani-paniwala, credible at mapayapang presidential election sa 2010.
Pangalawa, agarang imbestigasyon sa salang pandarambong ng pamilyang Macapagal Arroyo (ZTE-Broadband deal, Cyber-Ed, Northrail, Macapagal Highway, Jocjoc Bolante fertilizer scam at iba pang SCAM na kinakaharap ng huli).
Pangatlo; agarang OVERHAULING ng COMELEC (top to bottom) at pagpaparusa sa lahat ng sangkot sa Mega Pacific SCAM at Hello Garci dagdag-bawas controversy.
Pangatlo, pagbibitiw ng lahat sa gabinete, kasama ang OMBUDSMAN, TANODBAYAN at parusahan ang may kagagawan sa kaliwa't kanang political killings na isinakatuparan ng "security forces" ni Ate Glo sa basbas mula sa pamunuan ng PNP at AFP .
Pang-apat, ipawalang bisa ang "AUTOMATIC APPROPRIATION" o agarang moratorium (at least 1 year) ng PAGBABAYAD ng maanomalya at onerous na UTANG PANLABAS.
Panglima; i-institutionalized ang "communal action," ang demokratization sa lahat ng sangay ng demokratikong institution sa bansa. Tiyakin ang partisipasyon ng civil society, ng "aktibo't responsableng mamamayan" sa lahat ng organo ng kapangyarihan ng ESTADO, mula LGUs hanggang Malakanyang.
Pang-anim, ipamahagi na sa lalong madaling panahon ang bilyong pisong kompensasyon sa lahat ng biktima ng kalupitan at human right violation noong panahon ng diktadurang Marcos. Pakawalan ang lahat ng bilanggong pulitikal at mga naiditiing matataas na opisyal at junior officers na kalahok at sangkot sa "mutiny at rebelyon" ng Oukwood at Manila Pen incidence.
Panghuli, suspensyon ng lahat ng POLITICAL PARTY sa bansa at isuspindi ang pork barrel sa Kongreso, pagbuwag ng LPP / ULAP (Liga ng mga lokal na trapito ng bayan), ng lahat ng WARLORDS, private armies, guns, gold at goons sa buong kapuluan.
Kung ganito ang UNANG 100-300 days ni Noli de Castro, maaring tanggapin at kilalanin ito ng country at 'di masayang lang ang pagsisikap ng "communal action" ng mamamayan.
DOY / IPD
March 2, 2008
---------------------
Dictatorships are one-way streets. Democracy boasts two-way traffic.
Albert Moravia
Related Story:
Noli ‘all set’ to assume presidency
Written by Aries Rufo
Saturday, 01 March 2008
The vice president is in close contact with personalities who will advocate constitutional succession in case of a power vacuum. In case of a vacancy in the Office of the President, Vice President Noli de Castro is “all set” to assume the President’s functions and duties.
While he may not join efforts to oust the President, the Vice President has taken a crash course on the basics of the presidency and what to do during the first days in Malacanang. He is also in close contact with some personalities who will advocate constitutional succession in case of a power vacuum.
Members of the inner circle of the Vice President have confirmed with abs-cbnNews.com/ Newsbreak that de Castro has undergone tutorials on the demands of the presidency and how to immediately normalize the political situation if he becomes President.
The preparation includes putting the ‘house’ in order in the first few days and drafting a national development agenda, from the mid-term to long-term, as part of effecting smooth transition of power. .......
http://www.newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=4241&Itemid=88889051
"Noli walang ‘k’ maging presidente!" http://www.abante.com.ph/issue/mar0308/news02.htm
No comments:
Post a Comment