Tuesday, July 29, 2008

Concerto, indie film ni Paul Morales

Doy/ July 30, '08
Bihira lang akong manuod ng sine, kung baga bilang lang sa daliri kada taon. Sapagkat, marami sa ating pelikula ngayon, kundi masyadong OA over acting, luhaan, sampalan, sex at violence at higit sa lahat, hindi makatotohanan. Laki talagang pasalamat at napanuod ko ang Concerto.

Nung inalok sa akin ng kaibigang si Viking na panuurin ang pelikulang CONCERTO, hindi na ako nag-atubiling tanggihan. Ayon sa kanya, "Davao at 1944 ang setting.” Agad sumagap sa isip ko na mukhang nasa huling bahagi ng World War II ang konteksto ng pelikula. Ang kutub ko, baka anti-war ang tema, singilang blues o may relasyon sa war criminals ala German fascist leaders na prinisecute ng mundo dahil sa genocide ng daan-daang libong hudyo.

Maganda at kakaiba ang pelikulang Concerto, bukud sa hiwaga ng musika (piano) na nagsilbing tulay upang maibsan ang tensiong ng gera, ang musika ang naging sandata upang paga-angin ang buhay na dinaranas ng mga tao. Ang alingawngaw ng mga boses at tunog ng piano ang nagpa-gaang sa nababalisang takbo ng buhay, na kahit paano’y naiwaglit ang lungkot, takot at pighati ng mamamayang dumaranas ng walang kasiguruhan epekto ng gera.

Ipinakita rin ang mahalagang papel ng isang magulang (Nanay at ng Tatay) sa kung paano sinuong ang napakadelikado at napakahirap na sitwasyong idinulolt ng gera. Sa gitna ng kalupitang dinanas sa kamay (torture) ng mga mananakop na Hapon, sa tindi ng udyok at hamon ng paghihiganti, nagawa nitong “magpakahinahon at unawain ang sitwasyon.” Halos ganun din ang naging papel ng isang anak nitong si Joselito. Bukud sa tapang, nagawa nitong maistablished ang pagtitiwala ng Hapon.

Ipinakita ang mahalagang papel ng pakikipagkaibigan, pakikisalamuha, pakikipag-ugnayan, pakikipagnegotiate at pag-established na mahusay na rapport sa mga mananakop na kahit paano’y nagsilbing buffer o pag-minimized ng trahedyang idudulot ng malupit na gera.

Ang pelikulang CONCERTO ay naging kabahagi ng CINEMALAYA 2008 competition .
To watch the movie trailer on YouTube, click here.

3 comments:

viking said...

Salamat sa iyong rebyu Doy. Biniro ka lang sa isang kasama na nag comment ako na ang ikli naman. Sa totoo ay natutuwa akong mabasa ang rebyu sa sa sariling wika. Hinaut wa na lang unta nimo guihisgut nga tungud kay natagaan ka ug tickets. Komedya ra man to. Salamat, bisan pa.

doy said...

Walang anuman Viking. Advocacy rin ang habol. Sa uulitin, kung mayroon ule, timbri lang... salamat

yanmaneee said...

ultra boost
air force 1
fila sneakers
supreme outlet
jordan shoes
retro jordans
stephen curry shoes
supreme hoodie
golden goose
converse outlet