Wednesday, July 16, 2008

NORTHRAIL project, maagang nadiskaril

Doy
July 16, 2008
Sa pagdiskaril ng Northrail project, hindi ko lang alam kung anong klaseng State of the Nation address (SONA) ang ibubuladas at ipagmamayabang ni Ate Glo sa July 28. Tulad ng inaasahan, ang inaasam-asam nating railway system na sinasabing mas moderno kung ikukumpara sa dating TRAIN na nasaksihan ng ating mga lolo't lola at pinatakbo ng Phil National Railroad (1920s-1970s / PNR) mula Tutuban hanggang La Union ay mukhang mapupurnada. Ang Northrail project na ipinattern sa kontratang ZTE (Sec may 200 ka rito) Broadband ay BUMUKOL at mauuwi sa wala. Ang dahilan, TONGPATS, KURAKOT!
(above Photo: Northrail made in China train; http://farm2.static.flickr.com/1001/1308896314_47de36eafb_o.jpg, Belo
w; a relic coach of Philippine National Railways now rotting in Hondagua Lopez, Quezon,flickr.com)

“Ang labis na pangongotong, ang gadambuhalang laki ng LAGAY na hiningi at ang maagang pagpapaluwal nito sa mga opisyales ng gubyerno ang mas kapani-paniwalang rason kung bakit nag-alsa balutan ang mga Tsinong Engineers sa proyekto.”

Ayon sa balita, “ang malaking bahagi ng anim na bilyong pisong (P6.0 bilyon) nagastos ng China National Machinery and Equipment Group (CNMEG) para sa naturang proyekto ay naipang LAGAY, NAIPANG SUHOL lamang sa matataas at maimpluwensyang tao't mga opisyal ng gubyerno.” May ilan source na nagsasabing may ilang matataas na opisyal na ang nakakuha ng LAGAY na nagkakahalaga ng P500.0 milyong na naideposito na sa bangko. In short, NAISTAPA sila ng mga magugulang na kurakot.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit halos gustong padagdagan ng $300.0 milyon ng (P15.0 bilyon) China-CNMEG ang Northrail para raw masimulan na't magpatuloy na ang proyekto. Halata na, kahit pa itago sa alibi na “kawalan daw ng PROJECT DESIGN, ang humihinang Peso - dollar na palitan, tumaas daw ang implasyon at ang isyu ng squatter o ang right of way ng proyekto.” Sinong maniniwala sa nasabing dagdag-kahilingan, bistado na kayo ni Mang Pandoy.

Layon ng Northrail project na paunlarin ang transportasyon at railroad system ng bansa na balang-araw ay mapapakinabangan ng mga tagaMetro Manila, Gitnang Luzon hanggang sa mga taga Baguio sa Hilagang Luzon. Ito rin ang inaasahang iiwang ala-ala, LEGACY at handog ni Ate Glo sa walong taong niyang nasa poder para sa kanyang mga kababayan sa Pampanga.

Batay sa time frame ng proyekto, kung nagsimula ang proyekto noong 2003, 2010 ang target date of completion. Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang isang bangungot at isang malaking kahihiyan ang patunguhan ng proyekto. Sapagkat sa nalalabing isa't kalahating taon sa pwesto, "ni isang metrong haba ng aserong bakal ng riles, isang 10x 6 inches na kapal na buhos na semento na may isa't kalahating metrong haba na pagpapatungan ng bakal na riles ay wala pa, ni wala ka man lang marinig na ingay ng mga heavy equipmenta o pukpok man lang ng martilyo," 2010 ka pa diyan. Ang tanging na-accomplished lamang nito ay ang pagpapatalsik ng mahigit 40,000 urban poor squatter sa Bulacan. Palibhasa, ito lang ang kayan-kayanin nilang paglolokohin.
(Top Photo: Xinhua-Tibet railway; http://english.people.com.cn/200606/09/images/xinsrc_142060308211090631209146.jpg, below;
A file photo taken on Nov. 2004 shows the ongoing Qinghai-Tibet railway. [Xinhua] http://www.chinadaily.com.cn/english/doc/2005-03/08/content_422679.htm)

Ang kahiya-hiya rito, nauna pang natapos ang 2,000 kilometraheng habang Qinghai-Tibet railway (Golmud to Lhasa), na inanigurahan noong nakaraang taon (July, 2006), kaysa 32.0 kilometraheng Caloocan to Malolos, Bulacan na Northrail project. Nagkakahalaga ng $3.60 billion ang nasabing mega project ng China na mukhang breaking the record ang dating. Sapagkat kakaibang terrain ang binagtas ng railway na tinawag na "roof of the world," mala-Great Wall of China, may 4,000 meter elevation, mahahaba't matatarik na tulay o elevated / fly-over kung ikukumpara sa ground level, patag na terrain at napakadaling gawing 32.0 km Caloocan-Malolos Northrail project.

Kung makukumbinsi ng CNMEG ang Malakanyang sa hiling nitong karagdagang pondong $300.0 milyon, dodoble at aabot sa $800.0 milyon ang kabuuang halaga, mula sa orihinal na $421.0 million at $82.0 million bilang counterpart sa bahagi ng gubyernong Pilipinas. Sa $800.0 million, kung tama ang aking kompyutasyon, lalabas na $25.90 million / kilometro ang magiging project cost ng Northrail. Samantalang $6.0 million / kada kilometro lamang ang nagastos sa kumplikado at kagila-gilalas na $3.60 billion, 2,000 kilometraheng haba ng Qinghai-Tibet railway.

Kung mangyayari ito, ang Northrail project ang lalabas na pinakamahal, ang pinakagintong railway projects sa buong mundo. Parang dinaig pa nito ang high tech Maglev (400 km / hr bullet Magnetic Elevated train sa Shanghai at sa Germany) at TGV train sa France. (Photo: MagLev Train sa Shanghai, http://www.aboutshanghai.com/imgs/maglev-train-line-big1.jpg; TGV train sa France, http://www.rmtbristol.org.uk/tgv1.jpgg)

Kung walang kurakot, ang halagang $800.0 million na Northrail project ay posibleng umabot mula Tacloban-Maasin, Leyte, babagtas ng Bicol Region, Metro Manila hanggang Laoag, Ilocos Norte (2,000 km)! Kaya tuloy ang mga dayuhang mamumuhunan ay nag-aalangang pondohan ang ilang natitirang MRTs (MRT 4,5,6 at 7) projects sa Kamaynilaan. Baka nga naman bumukol, magsuper over prized, makotongan at sakmalin ng mga galamay ng Malakanyang.

Kung sa bagay, sa mata ng taga-gubyerno, "ito ang kultura, ito ang tradisyon, since immemorial pa ito, gawain na ito mula kay Pres. Quezon hanggang kay Arroyo, normal lang at nakabaon na ang ganitong takbo ng gawaing paggugubyerno at higit sa lahat, ipagmamalaki't taas noong ipagwawagwagan pa nilang HINDI ito KURAKOT, WALANG KATIWALIAN, wala kaming kasalanan sa diyos."

Realated Soty:
Northrail project, pang-Guinness ang presyo (Noel Abuel/Boyet Jadulco/Bernard Taguinod)
http://www.abante.com.ph/issue/july2008/news03.htm

6 comments:

Dear Hiraya said...

Narinig ko nga ang balitang ito sa DZMM nitong nakaraang araw at matinding diskusyon ang inabot ni Ted Failon at ng isang opisyal (na di ko na maalala ang pangalan) na konektado sa proyektong ito.

Sa totoo lang, nakakabadtrip! Nakakaasar! Nakakapang-init ng ulo! Sino bang hindi? Katatawa na tayo sa mga dayuhan! At lalong nakakahiya ang kademonyohan ng mga opisyales sa bansang ito.

Nakakaasar talaga! Nakakagago.

Hindi ko alam kung saan pa nga ba patutungo ang Pilipinas sa napakagagaling nating mga pinuno. Ang sarap pagkokoyatan!

Badtrip!

http://hiraya.co.nr

doy said...

PARE, SALAMAT SA COMMENT. BILANG MGA ACTIVE CITIZENS, SA PANAHON ITO, KAILANGANG NATING MAGING VIGILANT SA PULITIKA. ITO NA LANG SIGURO ANG MAI-AAMBAG NATIN, SA IIWANG MGA SUSUNOD NA HENERASYON.

Nicholas Kister said...

Doy,

I've been trying to contact you, but didn't know how I could, except through the comment section.

This is Nick, the Editor not Chief of FilipinoVoices.com.

I have had you on my feedreader for the longest time now. Read your blog posts whenever I can.

I want to invite you to contribute and collaborate with us, I know for certain that many of our readers would learn a lot from your analysis on the issues.

You can email me : nick at tingog.com

I hope you can oblige.

,Nick

doy said...

Nick, salamat sa pagtitiwala mo. Ok lang. Singapala, ano nga pala ang TERMs and Conditions? Ano ang specifically ang maaaring contribution ko?
Nck, ang medium na gamit ko, basically FILIPINO, Taglish language. Waray-waray ka ba Nick? Kasi TINGOG, boses!
-doy
facinco@yahoo.com

Unknown said...

Nice project but too expensive.. It's gonna be look so cool in the area of Manila and to other part of Luzon area. But the thing is who will can afford to ride on that train?Probably the Middle Class and Rich People will only ride on that train.How about the below average people?May karapatan din ba sila sumakay sa train na yan?
Pretty sure,the price of the train will be expensive too and it's not affordable for average filipino citizens.Gaganda nga ang lugar pero paano naman ang mga kababayan natin na naghihirap? Sana mabigyan sila ng jobs opportunity sa project na yan and give them a discounts fare para makasakay din sila sa fancy train na 'yan.

Also, what I see, the VAT will go higher again after this project has been built.

Dito sa U.S.A. they built a new train few years ago call, Amtrak Acela. Maganda ang train kaya lang, super mahal ng fare because it's a express train to Boston, Washington,DC and Georgia back and forth.

Unknown said...

Btw, Welcome to The Year of Millenium, New High Technology and Ideas. Kaya pati ang Pilipinas gumagaya -gaya na din sa mga ganitong bagay.