Wednesday, July 30, 2008

"Peace" is possible: GRP-MILF timeline

Doy / July 30, '08

Ganito ang balangkas, ang pakanang “roadmap” ng GRP-MILF peace process na ipambabraso ng Malakanyang sa Kongreso at sa mga kaaway sa pulitika. Abangan ang mga “golf courses” at pamumudmud, mga transaksyon at pakikipagtawaran sa pagitan ng mga Tongresman, ilang Senador at operador ng Malakanyang. Aasahan din ang matinding pagtutol ng sektor ng Simban, mamamayan, mga independent LGU executives sa Memorandum of Agreement (MOA) re ancestral domain, mga karagdagang teritoryo na mawawala sa kanilang jurisdiction at mapapasakamay sa teritoryo ng Bansa Moro Judicial Entity (BJE).

Credibility ang bumabara at malaking tanong sa kasalukuyan. Sinong maniniwala sa biglaang pagsisirko, convertion ni GMA bilang “peace activist / advocate.” Mas kapani-paniwala ng mahigit isang libong beses na mas political survival ng Malakanyang partikular ni GMA ang pakay ng nasabing kasunduan, kaysa sa peace process at kaularang ipinopropaganda sa madla.

'Wag na wag agad magtitiwala ang marami, lalo na ang pamunuan ng MILF na seryoso na nga si GMA sa peace process. Ang malamang sa mangyari, bunsod ng matinding depensa ng Senado, sa kangkungan din ang tuloy ng postponement ng ARMM election. Masawata man sa Senado ang hangarin ng Malakanyang, ikakatwiran pa rin nito sa MILF na seryoso't nagsisikap ito sa peace process, kahit hindi totoo at walang naniniwala.


Tulad ng inaasahan, maggagamitan lamang ang magkabilang panig, ang palasyo ng Malakanyang at ang MILF na sa bandang huli, sa kalagitnaan ng usapan ay mauuwi lamang sa goyoan, pananabotahe, trayduran at mas higit na labanan sa Mindanao. Abangan ang susunud na kabanata.
























































http://bongmontesa.files.wordpress.com/2008/07/peace-is-possible-timeline001.jpg

Related Story:
ARMM polls face postponement: officials
Agence France-Presse
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=126837