Tuesday, July 01, 2008

Relief and Rehab sa Iloilo, pulitika pa rin

Doy
July 2, 2008

Kung dilubyo at trahedya para sa mga Ilonggo ang bagyong Frank, sa Malakanyang, sa mga pulitiko na naghahanda sa 2010, ito’y oportunidad, ito’y isang pagkakataon makapag-papogi points, makapag-image building at mangangkong ng mga kalabang pulitiko na nasa kabilang bakod o oposisyon. Meaning, kung ika’y magmamatigas sa paninindigan, sa prinsipyo at katotohanan, piyadong wala kang matatanggap na biyaya ng RELIEF at REHAB mula sa Malakanyang. (Photo: Typhoon Frank's devastation (Iloilo City) akbayanforum@googlegroups.com)

Para bang ang lahat ng tulong agapay ng Malakanyang para sa apektado ng kalamidad ay gusto pang palabasin “utang na loob” ng tumatanggap. Ganito rin ang sitwasyon sa Pork Barrel na mga Tongresman at prosesong SARO ng Dept of Budget and Management (DBM), dahil utang na loob, kailangan pang tumbasan ng kapalit na pabor. Sa haba ng kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas, patuloy na nananalaytay ang “padri-padrino, malapit sa kusina ng kapangyarihan, palakasan, kanya-kanya, kami-kami at kayo-kayo.”

Ito ang klase ng “CULTURAL POLITICS” na nakabaon sa sistema ng paggugubyerno ng Pilipinas. Na ang relasyon ng paglilingkod (ESTADONG MAHINA) sa mamamayan ay "napaka-PERSONAL, PRIBADO at hindi pampubliko" (private ang relasyon at hindi public service). Ang wastong oryentasyon ay ang pagiging public servant o public service. Sapagkat “ito'y galing sa buwis ng mamamayan at dapat lang ibalik sa mamamayan, claim making ika nga sa balangkas ng serve the people, hindi paglilingkod sa mga pinagkakautangang pulitikal.” Unknown at wala sa bukabularyo ng mga pulitiko, "wala sa kaisipan at kamalayan ng sistema ng paggugubyerno sa ating bansa ang ganitong prinsipyo ng serve the people."

Sa kaso ng Iloilo na nilumpo ng bagyong Frank kamakailan ay isang classic example. Tinatantyang may dalawang bilyong piso ang idinulot na pinsala sa imprastruktura’t agrikultura at ilang daang buhay ang ibinuwis sa probinsya. At dahil kontrolado ng oposisyon, hindi KAMPI at Lakas-CMD ang may hawak sa lugar, meaning kalaban sa pulitika at pati ang mga Obispo ng probinsya ay kritikal din sa Malakanyang, ang resulta; pinagdamutan, pinagkaitan at tinipid ng Malakanyang ang Relief at Rehab nito sa Iloilo. Patunay ito sa naging pahayag ng Kalihim ng Dept of Agriculture (DA) na si Arthur Yap (senatorial candidate) at ibang ahensya na “MINIMAL” daw ang epektong pinsala ni Frank sa agrikultura’t pangisdaan ng Iloilo.

Base sa huling pagtatasa ng NDCC, humataw na sa P10 bilyon ang kabuuang pinsala ng bagyong Frank sa Pilipinas at mukhang tataas pa ito kung makokompleto ang mga datos sa ground. Ayon sa ulat kahapon ni National Disaster and Coordinating Council (NDCC) Executive Director Glen Rabonza, may P5.2 bilyon ang damage sa agrikultura, P2.3 bilyon sa imprastruktura’t mga tulay, P2.3 bilyon sa iba pang pasilidad, P445.0 milyon sa mga paaralan at iba pa.


Ang mas nakakatakot, piyadong pagkakakitaan na naman ng mga pulitiko ang bilyong pisong rehabilitation ng mga nawasak na imprastruktura sa probinsya. Para masawata ang KURAKOT, ang mungkahi ng marami, "mas ibigay sa mga KOOPERATIBA, sa mga grupo ng mamamayang (nagsama-samang mga un-employed karpentero, tubero, mason, electricians at iba pa) nagbaBAYANIHAN, kaysa sa mga Contractors at Supplier na kasapkat ni Tongresman, predatory syndicates sa DPWH, LGUs (Mayor at Gobernador), ang bilyong pisong proyektong REHAB, ang proyektong pagkukumpuni ng mga nawarat na gusali’t tulay dulot ng bagyong Frank."

Kung mahilig sa subsidy ang Malakanyang, ito ang tamang istratehiya upang maidemocratized ang sistema ng pag-aawards at bidding ng IMFRA projects ng gubyerno at kahit paano ang mamamayan naman ang pumarte ng kabang yaman ng bansa, malabanan ang krisis na dinaranas, umunlad, makinabang at kahit pansumandali, ma-empowered.

No comments: