Friday, July 25, 2008

GMA, muling maiisahan ang oposisyon?

Doy / July 26, '08

Hindi hamak na mas mabigat ang isyu ng postponement ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Election kung ikukumpara sa malazarswelang State of the Nation Adrress (SONA)” ni GMA sa Lunes at isyu ng reproductive health na patuloy na pinagdidibatihan ng simbahang katoliko’t mga iba’t-ibang sektor ng lipunan. (Photo: www.pcij.org/.../2008/05/madrasa-teacher.jpg)

Sa request at kahilingan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na agad sinang-ayunan ni GMA, malamang sa hindi na matutuloy ang ARMM Election. Sa unang tingin, parang si GMA ang lumalabas na tunay na "peace advocate at naniniwala sa pinakikipaglaban ng mamamayang Moro." Ayon sa Malakanyang, “ang postponement ng ARMM Election ay para sa kagalingan, isang legacy para sa kapayapaan, kaunlaran at para sa kabutihan daw ng bansa." Ang tanong ay kung may maniniwala naman kaya at kung makakalusot ito sa Senado?

Totoong may namimintong naka-ambang gera sa Mindanao bunsod ng umiinit na isyu ng ancestral domain at nauudlot na prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at MILF. Bukud sa inaasahang kaguluhang idudulot ng election at pamamayagpag ng angkang Ampatuan, ang administration candidate, may ilang tunggaliang mga interest ang nakasalang sa pagitan ng malalaking angkang pulitiko sa ARMM.

Inaamin mismo ng mga awtoridad (PNP) na may mahigit kumulang na 280 barangay ang inaasahang pagmumulan ng election violence o hotspot sa rehiyon, ito’y hindi dahil sa insureksyon ng MILF, bagkus bunsod ito ng ilang dekadang tunggaliang namamagitan sa hanay ng malalaking pamilya, political warlord at kanilang hawak na libong private armies sa lugar. Kung maglalabu-labo ang labanan sa Mindanao at sasabayan ng MILF, unrest at malawakang kilos protesta sa Kalakhang Manila, baka tuluyan ng magcollapse at hindi na makayanang mapanghawakan ng Malakanyang ang sitwasyon; ang patong-patong na krisis, bagyong pulitikal at ekonomya, ang mga trahedyang dulot ng katiwalian, pagtaas ng presyo ng petrolyo, hanggang langit na presyo ng bilihin at opensibang NPA sa kanayunan.

Pangalawa, ang katanungang kung may naniniwala pa ba ng election sa Pilipinas, lalo na sa ARMM? Maski sabihin pang modernisado, computerized, preperado ang Comelec at partisipasyon ng civil society bilang election watchdog, walang katiyakang magkaroon ng "clean, peaceful and honest election" sa ARMM. Alam at saksi ang lahat na "moro-moro lamang ang mga halalan sa ARMM. Dagdag pang usapin ang "kawalang silbe, inutil, tiwali at manipulasyon isinasagawa ng Malakanyang sa ARMM."

Kung sakaling hindi maitutuloy ang election, ang isang casualty rito ay ang modernization ng election na ipinagmamalaki ni Melo ng Comelec. Ang ARMM election kasi ang lumalabas na "PILOT TEST" ng Comelec para sa 2010. Kung hindi maipapakitang epektibo at episyente ang computerized election, nanganganib na pagdudahan gamitin ito sa 2010 presidential election, kung may election sa 2010? (Photo: http://newsimg.bbc.co.uk/media/images/40415000/jpg/_40415109_smartmatic_203ap.jpg)

Kawalan ng pagtitiwala, kredibilidad at sensiridad ang ilan sa mga isyung ibinabato ng mga kritiko ng Malakanyang patungkol sa isinusulong na peace process sa Muslim Mindanao. Bukud sa ura-urada at pabago-bagong postura ni GMA, napaghahalatang re-actionary at walang malinaw na plano’t patakaran ang Malakanyan. Kung babalikan ang mga pahayag, pronouncement ni GMA noong mga nakaraang State of the Nation (SONA 2003-7) address, nakatanim sa isipan ng tao ang hayagan at matitigas na panawagan nitong "sa loob ng aking pagtatapos sa panunungkulan sa 2010, (meaning sa loob ng 3 years), "kanyang buburahin, dudurugin ang rebelyon at insureksyon ng MILF, MNLF at CPP-NPA sa Pilipinas."

Hindi tayo magtataka na may lihim at nakatagong "agenda't rekisitos" ang nasabing pagpapatigil ng halalan sa ARMM. Tulad ng inaasahan, ang peace process at ang Mindanao conflict ang tila gagamiting iskima pa upang i-black mail ang mga kaaway sa pulitika, ang oposisyon at palabasing kontra ito sa kapayapaan at walang malasakit sa panawagan ng Bansa Moro. Kaya't maliban sa "kahinaang taglay, watak-watak, may kanya-kanyang agenda, nalalagay sa alanganing sitwasyon at muling naiisahan, nauutakan ng Malakanyang ang OPOSISYON."

Hindi kailanman magreresign si GMA o bibigay ang palasyo ng Malakanyang sa kahilingan ng oposisyon na magkaroon ng snap election bago mag 2010. Tulad ng hinala ng marami, ang peace process sa Mindanao ang siya pa ngayong magiging kakambal sa pag-aamyenda ng sistema ng paggugubyerno na maaring humantong hindi lamang sa political survival ng huli, maging sa extension ng presidency ni GMA. Ang isang anggulo’t paraang nakita ng mga spin doktor ni GMA ay "ang pagsasabuhay ng nailibing ng panawagang Charter Change ni GMA, sa paraang CON AS na nagkataong siya namang itinutulak na panukala sa Senado ni Senator Nene Pimentel." Hindi lang natin alam kung may kapalit o kung magpapagamit si Nene sa agenda ng Malakanyang?

Sa hindi inaasahang biglaang pagyuko ni GMA sa kagustuhan ng MILF, kahit wala pang malinaw na balangkas na peace agreement, lalabas na kahit na siya’y pagtawanan ng mundo, kahit masakripisyo ang soberanya’t Konstitusyon ng bansa, mawalang saysay ang mga alituntunin ng batas, maisangkalan o "mai-accomodate ang kontrobersyal na isyu ng anscestral domain" at kahit na magmukhang tanga ang Comelec kung ang kapalit naman ay ang kaligtasan pulitikal ng sarili, pupwede. (Photo: MILF forces, http://cache.daylife.com/imageserve/0ekGeC78VM2P5/610x.jpg)

Dagdag pa, dahil sa mahigpit ang pangangailangan suporta mula sa mga galamay sa Kongreso ang nasabing pagpapaliban sa election, "muli na namang gagamitin ang magic at hiwaga ng pamumudmud ng salapi't pabor at pambabraso, kahit pa sabihing nasa priority bill nito ang JPEPA, VAT, repeal ng Oil Deregulation at patong-patong na krisis na kinakaharap ang country." May mga balitang ina-areglo na ng mga operador ng Malakanyang ang posibleng agapay para sa isinusulong na Charter Change ng maimpluwensyang CBCP, korte suprema at sektor ng negosyo. Pera-perahan lang talaga ang labanan ngayon.

Kahit paano'y mukhang makakabawi si GMA sa unpopularidad na naging pangulo sa buong kasaysayan ng pulitika sa bansa. Maaring sabihing malaki ang magiging pampulitikang kalamangan ni GMA kung ikukumpara sa mga kaaway nito sa pulitika na "patuloy ang paksyunalismo, pagiging kanya-kanya at walang maiprisintang mukha at alterntiba." (Photo below:U.S. Ambassador to the Philippines Kristie Kenney (R) walks with Al Haj Ibrahim Murad, a leader of the Moro Islamic Liberation Front (MILF), before their closed-door meeting in Camp Darapanan outside Cotabato city, southern Philippines, http://cache.daylife.com/imageserve/0d6OP5Gf7hE/610x.jpg)

Kaya lang, kung talagang seryoso sa kapayapaan si GMA sa Mindanao, "buwagin na rin niya ang pekeng ARMM at lahat ng mga private armies ng malalaking pampulitikang angkan (political clan), ibalik sa barracks ang mahigit sampung batalyong sundalo at CAFGU at palayasin ang mga tropang Amerikano sa Mindanao. Ipatupad ang electoral at political reform 'di lamang sa Mindanao, maging sa buong kapuluan. Bigyang puwang ang partisipasyon ng mamamayan sa gawaing paggugubyerno at ganap ng ihatag ang matagal ng panawagang tunay na awtonomiya't pagpapasya sa sariling bayan ng Bangsa Moro."

Related Story:
Will Arroyo win the Cha-cha war? by Artemio V. Panganiban
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080726-150909/Will-Arroyo-win-the-Cha-cha-war

Congress unlikely to pass regional polls’ extension as senators reject proposal
by Bernard U. Allauigan and Elizabeth T. Marcelo
THE PRESIDENT’S proposal to defer elections in the Muslim Mindanao region faces bleak prospects with less than two weeks to go to rush a congressional approval.
http://www.bworld.com.ph/BW072908/content.php?id=072

No comments: