Friday, July 04, 2008

SEARCH COMMITTEE, nabastos, 2010 sinigurado ni GMA

Doy
July 4, '08

Marami ang nagsasabi na isang classic example na naman ng "lutong macau at padrinong pulitikal" ang nangyaring pagkakapwesto sa kareretirong Court of Appeal Justice Lucenito Tagle at Malabon RTC Judge na si Leonardo Leonida sa Comelec. Ang SEARCH COMMITTEE na itinalaga para mai-democratized ang selection process, ma-ensure ang “kredibilidad, integridad, competence, independence, credibility ng Commission on Election (COMELEC) ay nagmistulang walang silbe, naloko at nagmukhang tanga.
(Photo:
(L-R) Former regional trial court judge Leonardo Leonida and retired Court of Appeals Justice Lucenito Tagle take their oath as Commission on Elections (Comelec) commmissioners before Comelec Chair Jose Armando Melo in Manila, Thursday, July 03, 2008. [Buck Pago/NEWSBREAK/abs-cbnNews.com]; http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=123967)

Sapagkat ang totoong labanan pala ay
nakasaad sa Saligang Batas na si GMA, sa ayaw n'yo man o sa gusto ay "may absolutong kapangyarihang mamili ng gusto niyang italaga sa pamahalaan." Wala siyang paki-alam sa SEARCH COMMITTEE! Kahit wala sa short list ng search committee ang dalawang commissioners, eh ano ngayon? Ano man ang sabihin ng mga kritiko, kesyo hindi kilala, walang track record sa larangan ng electoral reform, kesyo unpopular, ika nga ng isang spokeman ng palasyo, inggit lang kayo! Kaya lang, ang tanong, para que at binuo pa ang SEARCH COMMITTEE? Hindi na bago ang ganitong patakaran, walong taon na itong manhid sa taghoy ng mamamayan. Ang totoong kwento, ang padrinong si Arsobisbo Eduardo Talamayan ng Tuguegarao, Cagayan, isang masugit na tagasuporta ni Ate Glo, ang umarbor kay Leonida para sa pwesto.

Tulad ni Comelec Chair Melo, nanaig din ang padrino at political accomodation. Tulad ng naunang dalawa (Tagle at Leonida), halos ilang buwang itinago, inilihim at sinekreto't binitin sa mga MEDIA at madlang pipol ang kabuuang proseso ng pagkakanomina kay Melo. Tulad din sa kaso ng 2, back door channeling at kawalan ng transparency ang ISYU, nabastos din ang search committe at grupo ng mga Obispo ng imungkahi nitong si Comm Wilhelm Soriano (chair ng CHR) ang iupo sa Comelec. Kumbinsido ang mga Obispo na mas kailangan ang isang batang-bata, energetic, may kredibilidad at highly respected na indibidwal kung ikukumpara kay Melo. Sa tingin ng mga obispo, bukud sa malapit ito sa mga Macapagal, sa gulang na 75, walang dudang uugud-ugud na, amoy lupa na at baka mas mahirapan si Justice Melo na imanage ang napaka-sensitibo at komplikadong trabahong ibangon ang prestiho ng Comelec

Ang irony pa nito, mula sa SEARCHING, nagsi-shift ang grupo sa gawaing pananaliksik, sa tracking of records, ang pag-alam sa BACK GROUND INFO at MONITORING - EVALUATION ng mga commissioners na ipinupwestoni GMA sa Comelec. At may pakonswelo de bobo, may isa pa raw na paraan at "kapangyarihan" ang mamamayan, sa pamamagitan ng pagbara sa Commission on Appointment (CA) sa Tongreso? Kawawang PPCRV at civil society, harapan ng binabastos na, inuuto, ginagago, pinagloloko, sige lang ng sige, mukhang na-immune na rin.


Habang unti-unting kinakatay ang country sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin, ang man made at natural na trahedya, inililibing ng buhay ang demokrasya. Kalunus-lunos na ang lagay ng pulitika sa bansa, suntuk sa buwang magkakaroon ng clean, honest, credible at peaceful 2010 election. Kahit pa modernisado na ang election sa 2010, kung walang seryosong electoral at political reform (Political Party, Campaign Finance, Political Clan at pagbubuwag ng private armies), "tulad sa karanasan at kinasapitan ng bansang Kenya, Zimbabwe sa Africa, mga dating Soviet Republic at Mongolia, inaasahang mas hihigitan pa, mas titindi pa ang dayaan, kaguluhan at patayan sa 2010 presidential election."

Kung patuloy na babaliwalain ng Malakanyang ang partisipasyon ng mamamayan (selection process), hindi malayong isiping na magpatuloy ang political uncertainty, ang walang katapusang extra-constitutional na paraan ng pagbabago; fertilizer ito ng palagiang bantang KUDETA, people power, INSUREKSYON at REBELYON.

Ang pagkakabulaga ng bansa sa dalawang hindi kilala’t retiradong kinatawan sa Hudikatura sa Comelec, bukud sa nilabag nito ang prinsipyo ng TRANSPARENCY, nanaig ang back door channeling at MAFIA politics, lalo nitong pinahihina ang mga institusyon ng estado. Kaya naman paulit-ulit nating sinasabi na "napaka-imposibleng magkaroon tayo ng isang STRONG REPUBLIC kung ang mga taong labas, mga PADRINO ang siyang nakapagmamando sa gubyerno." Hinihinalang all the way na si Ate Glo na maireplikang muli ang “dagdag bawas controvercy sa 2010 election.”

Ayon sa ilang mga nakalap na inpormasyon, bukud sa agarang maisasabak sa ARMM election, si Tagle at si Leonida ang magtitiyak sa matagal ng inaasam-asam na plebisito para sa Cha Cha na pinaplanong maaring isabay sa 2010 election. Prinoproyekto't ginagapang na ng Malakanyang ang Supreme Court, ang CBCP at ilang maimpluwensyang grupo na ayudahan ang pagpapalit ng sistema ng paggugubyernong parliamentarismo.

Related Stories:
Questionable search process by Ninez Cacho-Olivares
FRONTLINE
http://www.tribune.net.ph/commentary/20080704com2.html
Civil society checks new poll execs' track records
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=124022

No comments: