Monday, February 27, 2006

Nami-miesta ang mga GESTAPO (CIDG,Querol at Lumibao)

Eh ano ngayon kung ideklara ni Ate Glo ang “State of national emergency,” 1017 o ang impaktong de facto Martial Law (ML)? Nagulat ba tayo? Nagtaka ba kayo? Nasorpresa ba tayo? Ang totoo, nakaraang taon (October'05) pang inaantabayanan ng lahat ang “emergency power.” Inaasahan ding idedeklara ang ML at pagsuspindi ng Writ of Hebeas Corfus, tulad ng diktadurang Marcos may tatlong dekada na ang lumipas. Hindi na bago ito at sa totoo lang, lumang tugtugin, at kung hindi tayo namamali mas lalo lamang ibinabaon niya sa kasaysayan ang sarili at ang kanyang poder. Sa kabilang banda pinalalakas ang adrenalin, ang enerhiya, naa-agitate, parang bitaminang nagpapalakas at binigyan n'yo pa ng buhay/abono ang sana'y nalalanta ng kilusang aktibista.

Ito naman ang “gustong gusto” ng kilusang masa, bukud sa naisu-sustina nila ang kanilang pagkilos, maraming napapasulpot na lider, bumibilis ang recruitment, nakokonsolida't tumatatag at nabibigyang linaw ang tunay na mukha't natatanggalan ng maskara ang gubyernong Macapagal Arroyo.

Gustong-gusto rin ng mga aktibista ang walang habas na paggamit ng pwersa ng riot squad (ay anti-riot pala) ni Querol at Lumibao! Sila ang berdugo ng Malakanyang at tunay na pasimuno ng kaguluhan sa lansangan. Sila ang mga asong ulol na ginagamit upang garapalang ipatupad ang isang illegal, brutal, pikit matang pagsunod sa anti- demokratiko at ala-MAFIAng batas ni Ate Glo. Ito ang kanal na pinagmumulan ng radikalisasyon ng kabataang estudyante. Ito ang abono at pandilig sa extremistang tunguhin ng mga kabataan. Hindi tayo magtataka kung muling mabuhay, mag-initiate, kung may bagong magtatag na kahalintulad ng Red Army, ETA, Red Brigade, Alex Buncayao Brigade (ABB), Hamas o suicide bomber o Irish Republican Army (IRA) ang mga kabataan. Mga Gestapo, gusto n'yo bang mangyari ule sa atin yan, Lumibao, Querol???

Kaya, sige, ituloy n'yo lang ang “warrantless arrest”, posasan at sinasapok habang nangangaladkad. Sana tinuluyan n'yo ng ibinalanggo si Randy David at iba pang kasamahan nito. Bakit walang mga sundalo sa mga lansangan na nanghuhuli, nakabalagbag at nangangatok ng mga bahay-bahay. Bakit wala pang singkwenta (50) ang dinampot n'yo nung Friday, 24 ng February? Bakit hindi isang daan (100)? May apat na araw ng namamayagpag ang de facto Martial Law at tila matumal ang damputan at arestuhan. Sinasabi n'yong 200 ang nakalistang huhulihin n'yo, bakit hindi dalawang libo (2,000)? Walang pang sampu ang inyong nahuhuli, tatanga-tanga, tamad ba mga Gestapo n'yo o nag-aalangan pa kayo sa gagawin n'yo?

Natatakot ba o nananantya pa ba ang Malakanyang? Bakit, confused ba kayo? Hinimay- himay n'yo ba yan, plinano, pinag-aralan o verbatim n'yong kinopya lamang yan sa 1081 ni Marcos. Noon, walang keme-keme, hayagan, libo agad ang ibinalagbag sa Aguinaldo, Bonifacio At Crame o ABC?

Dahil wala kayong paki-alam sa censorship, aba eh 'di ituloy n'yo lang ang take-over ('wag n'yong isasara, sayang) sa mass (broadcast at Print) media at bakit dadalawa pa lang ang (Abante at Daily Tribune) napupuruhan? I-take over n'yo na rin ang ABS-CBN, ABC 5, DZMM, DWWW, DWIZ, Malaya, Phil Daily Inquirer at iba pa. Arestuhin at ipakulong n'yo na rin ang mga Party List, mga retirado at mg active duty na mga matataas na opisyal sa militar. So what, eka nga?

Itodo n'yo na! Laklakin n'yo na! Sagarin n'yo pa, i-raid n'yo at ipasara n'yo ang maraming opisina sa civil society, mga institusyong kinabibilangan ng NGO (Non-Gov't Organization) at higit sa lahat 'wag na kayong magpatumpik-tumpik pa, ilabas n'yo na ang tunay na baraha n'yo, ang pagkatao n'yo, ipagbawal ng ganap ang kalayaang sa pamamahayag, sikilin ang pagsasalita, supilin ang kalayaan sa pagtitipun-tipon at pag-a-asembliya (ipagbawal ang rally at demo).

Kung sa tingin niyo'y may “rule of law” at prinoprotektahan n'yo ang civil liberties at karapatang pantao, ituloy n'yo na! Tutal nasimulan n'yo na, isustini't pangatawan n'yo na! “Wag n'yong intindihin si Sen Drilon, marami kayong “extra powers” upang ipatupad ang “warrantless arrest” at pagsususpindi ng “writ of hebeas corpus”. “Wag n'yong igalang ang mga korte at kung kokontra ang mga ito, ipasara n'yo ang Korte Suprema. Walang kakasa sa mga 'yan.

Huwag n'yong paniwalaan si Manong Tabako. Hindi “overkill” ang state of emergency”. Hindi ito makakapinsala sa ekonomya ng bansa kumpara sa totoong kudeta (na sa tingin ni Ate Glo) na isasagawa sana ng kanyang mga kalaban. Diumanong sinabi ni Tabako na, “walang dahilan para magdeklara ng national emergency dahil ang napigilang tangkang kudeta na siyang sinasabing basehan ni Pangulong Arroyo ay maituturing na conspiracy lamang.” “Pinayuhan din nito si Arroyo na tignan bilang leksyon ang insidente sa termino ni dating Pangulong Corazon Aquino kung saan hindi umano ito nagdeklara ng anumang emergency rule sa kabila ng serye ng mga coup attempts sa kanyang panunungkulan.” Dedma lang Ate Glo, nagpapasikat lang si Tabako.

“Wag kayong makinig sa mga buladas ni Sen Miriam Defensor Santiago, isuspindi n'yo ang functions ng Constitution, ang korte at Tongreso. “Wag n'yong pansinin si Sen Rodolfo Biazon, 'wag n'yong katakutang ang bantang bulkang sasabog, ang krisis pampulitikang malamang daw na mauwi sa civil war o insureksyon! Paabutin n'yo hanggang ruruk, ubusin n'yo ang lahi ng inyong kalaban at sana matulad kayo sa mapait na sinapit ng rehimeng Ceausescu ng Romania nuong 1988!!!


doy cinco/ipd
Feb 27,'06

Wednesday, February 22, 2006

The Best President? - “Wag n'yo nga kaming PAGLOLOKOHIN”

Manhid ka ba, wala ka bang pakirandam, wala ka bang paki-alam, walang sensitivity, walang ka-fassio-fassionate, out of touch ka ba, lutang at wala sa hulog, na sa ibang planeta-galaxy, hindi n'yo alam ang tunay na nangyayari, hindi n'yo alam ang inyong pinagsasabi (lasing ka ba, high ka ba sa drug-adik). Ang yabang-yabang n'yo! Sinusuka na kayo ng country (SWS-Pulse Asia survey) ayaw n'yo pang lumayas diyan sa Malakanyang. Paano n'yo nasabing pinakada-best na presidente kayo?

Sige na nga, tama ka nga Ate Glo, tulad nga nung sinabi n'yo (2 years ago), “kagagawan ng LORD ang pagiging presidente n'yo at suportado kayo ng mga Obispo't Vaticano. Dahil sa inyo, nalagay sa mapa ng mundo ang Pilipinas! Haaaa......Saan, bilang magna-cumlaude sa Asia sa pangungurakot, pangungulimbat at prostitusyon, sa illegal gambling-logging, sa droga, sa malnutrisyon at sa pagiging katawa-tawa ng mundo!

May limang taon (5 years) paulit-ulit n'yong sinasabi sa SONA na masasawata n'yo ang pangungurakot sa gubyerno. Sinabi n'yo pa na sa loob lamang ng 365 days, magagapi't mawawala na ang weteng sa country. Sa loob lamang ng limang taong, sinabi n'yong mawawala na ang budget deficit ng country. Limang ulit n'yong sinabi na magkakaroon tayo ng sampung (10 years) milyong pa/trabaho't at mawawala ang kagutuman, mapapawi ang ka-TRAPUHAN sa pulitika. Sirang plakang sinbi n'yong palalakasin ang INSTITUSYONG pang-estado (Comelec, Tongreso, Hustisya, Tuwad bayan, Kasundaluhan at kapulisan). Wowoweeeee, 'di ka ba naluoy, sa batang Pinoy?

Kapalit ng pagdurusa ng country, pinagtibay n'yo ang lola ng mga buwis, ang E-VAT, nauwi lamang sa walang katapusang pangungurakot (fertilizer scam, pork barrel) at pambayad utang ng country. Dahil sa kawalan ng hanap buhay, humigit kumulang na limang libo (5,000) ang lumalayas at nag-aalsa balutan sa ibayong dagat.

Mahigit P400.0 bilyon taung-taong pambayad sa utang panlabas na sana'y dapat mapunta sa livelihood program, basic services at pagsasa-ayos ng mga (LGUs) lugar na prone sa kalamidad (dange zone: baha, bagyo, lindol, mga squatter sa tabi ng estero, tabing bulkan, bundok, epidemyang sakit), imbis na palagiang REACTIVE at pagkakamot ng bayag ng mga trapito. Ginamit n'yong pam-propa si Angelo de le Cruz (Iraqi hostage) at Ultra tragedy. Sa ngayon, pwede ba, tigilan n'yo na ang planong gamitin ule ang trahedya sa St. Bernard, S.Leyte?

Sino ang may sabi na “pinaka-da-best kayong presidente sa balat ng lupa”, si Mang Pandoy? Ang kapal n'yo naman, nagbuhat kayo ng sariling bangko. Sana mas dinagdagan n'yo pa ng propa, ang rewind na sinabi n'yo two (2) year ago na “walang mababago, walang babaguhin, walang dahilan para magbago ng direksyon, kung ano ang dati, yung pa rin, ako, ako, ako, ako lang palagi, ang dating Gloria pa rin ang makikita sa Malakanyang! Ang tagapagligtas sa sansinukob ng country?

Sa kabila ng political UNCERTAINTY, POLITICAL INSTABILITY at political crisis factor, paano ka makakapanghikayat, sinong timang, gago, tangang mamumuhunang (investors) dayo ang maglalakas loob na maniwala sa inyo? Unless, mag-resign ka na't ihatag ang trono sa grupong may kakayahan, may katalinuhan, may katatagan, may direksyon, prinsipyado at may buto sa gulugud tulad ng isang KONSEHONG inilalatag na at iminumungkahi ng Transition Revolutionary Government!

Naalala ko tuloy yung kinakanta sa videoke ni Norman sa Isabela noong 1990s, 100% pa nga; “Walk Away, please go.......ni Mat Monroe, napapanon. Pero,mas maganadang kantahin ngayon ang “POSIBLE” ng Rivermaya (inawit para sa SEA Games '05), “SULONG BAYAN, 'WAG UURONG. ABUTIN MO ANG PANGARAP AT AAHON ... POSIBLE”.


-doy cinco
IPD/ Feb 22, '06

Saturday, February 18, 2006

Isang MULTO sa PANINGIN.

Three (3) weeks ago pa, inaasahan na nating gagawa ng mga kabulustugan ang palasyo ma i-delay man lang ang napipintong lagapak (ang katapusan) nito sa trono! “Teka muna, nag-iimpake pa'ko, sandali lang nag-aalsa balutan pa mga galamay ko, last na lang ito sayang din yung ilang bilyong pisong maiiwang koleksyon-komisyon at kurakot ko.” Eka nga, kung baga sa ahas nasa depensive mode, magsasaboy ng venum, MANUNUKLAW at maghuhurimantado. Nasa survival mode si Ate Glo at natural lamang na kahit man lang sa huling sandali (batay sa kanyang spin doctors/consultants) makapitik man lang at ma-win over pa ang suporta ng country.

Sunud-sunod na psy-war at propaganda warfare ang ipinupukol ng Malkanyang. Sentrong inaasinta ang PATRIOTs; ang assasination plot kay Ate Glo, demonyo, kampon ng kadiliman, walang kakayahan, walng malinaw na mukha't programa, isang monster, mga adbenturista, babaero, may ugnayan sa mga komunista (CPP-NPA), drug-weteng lord at kung anu-ano pa! Kaya lang, sa ngayon, sino ang mas kapani-paniwala't may kredibilidad sa masa?

Lumang tugtuging takuting muli ang country. Bumulaga sa broadcast at print media ang coup plot na “Oplan Hackle” na isasagawa raw ng kanyang mga kalaban, ang Magdalo-YOUng sa darating na araw. Aber, ano naman daw ang laman nito?

1. Assasination plot kay Ate Glo? Haaaaaa! Bawal yan! Ang ugung-ugung, accountable at huhulihing buhaw si Ate Glo at iba pa, lilitisin at ibibilanggo kung mapapatunayang may krimen sa country.
2. Mga “dog tag na ala-blood compact ritual” ang Magdalo na binibigay sa mga bagong recruits.” Ganun na pala ka lalim ang pakakaisa ng Magdalo, parang KATIPUNAN nga sa panahon ng pananakop ng Kastila't Amerikano.
3. Ang kudeta ay walang kabuhay-buhay. Isa raw itong adbenturistang militar, madugo at labas sa prosesong konstitusyunal? Talaga? Totoong walang kabuhay-buhay ang Kudeta, kaya nga't may civilian components at kombinasyong pampolitika't panawagan. Manalaming muna kayo, tignan n'yo nga mga pagmumuka n'yo? Ano bang ginawa ni Gen Angelo Reyes nuong Edsa 2? Ano ang ibig sabihin ng “shoot to kill” order ni Gen. Tolentino, Central Luzon Command chief sa apat (4) na mga junior officers na nakapuga sa bilangguan? Ano ang masasabi n'yo sa bantang “apoy sa apoy” ni Ninyo Bonitong si Mike Defensor? Sino ang yumuyurak sa hindi na mabilang na paglabag n'yo sa Konstitusyon?
4. Ang Magdalo-YOUng ay napasok na ng CPP-NPA? Ito ang palakang kokak na pahayag ng mga nagsunog ng kaluluwang si Maestrocampo at Gambala (sa udyok ng palasyo at umaasa pang maididismiss ang kanilang kaso) . Pagtugon daw ito ng junior officers sa panawagan ni Ka Roger Rosal na maluwalhating tatanggapin sila sa NPA? Sobra na kayo, napaka-KRUDO ng inyong propaganda. Manhid na sa pananakot ang country, lalo na ang Magdalo-YOUng. Sinong gago, tanga ang maniniwalang sumanib na sa komunista ang mga junior officers? Samantalang inaambus nga sila ng mga NPA sa Mindanao at Northern Luzon, pinapatay ang mga foot soldier (uring anak pawis) na mga anak din ng maralita, magsasaka at urban poor. Ilan na lang ba ang tunay na komunista sa mundo, ang alam ko North Korea na lamang! Buluk at lumang tugtuging Scare tactics ng palasyo sa hanay ng kasundaluhan!!
5. Kung magwawagi ang Magdalo-YOUng, bubuwagin nito ang LEHISLATURA at HUDIKATURA at ite-take over ang EHEKUTIBO, ang Malakanyang. Hindi pa kontento, ipasasara raw ang media? Abaaaa, ang galing naman noh, panigurong matutuwa at magpapasalamat ang country kung agad-agad na ikakandado na ang Tongreso at Hudiktura!! Patatagalin pa ba si TAINGA at buong barkadahan nagkakot ng tiyan? Deka-dekada ng pasaway, BABOY, kurakot ang dalawang institusyong ito. Walang dudang io-over haul ito ng Transition Government, itatayo pansamantala (EHEKUTIBO) na pamumunuan ng civilian at hindi mga militar, sa tulad na ipinangtatakot ng palasyo! Kung sa kaso ng “pagsasara ng media,” mukhang “foul”, kumplikado at dadaan ito sa proseso't masusing debatihan.


Tuliro't natataranta na si Ate Glo. Alam n'yang 'di niya lubusang maaasahan ang mga nasa tabi niya, partikular ang mga heneral, ang military. Ang mga mayors, gobernador sa lokal na gubyerno, na kanyang napakinabangan nuong nakaraang taong muntik ng tumaob ang gubyerno ay siguradong maghuhunyango, tatanggapin kung kusa kung sino man ang bagong uupo sa Malakanyang.

Kung babalagbag na (CRUNCH TIME na) ang aklasan, ang tanging huling depensa ni Ate Glo ay ang Tongreso at Senado (takuting mawawalan na sila ng trabaho). Kaya lang, watak-watak, mga dorobo't tuso ang karamihan dito. Kung tagilid na ang bangkang papel ni Ate Glo, walang dudang magsisirkuhan at magsisipaglundagan ang karamihan dito.
Ang isa sa maaaring imungkahi ng kanyang mga consultants-spin doktors sa larangan ng PROPA (makuha ang hearts and mind ng country at International community) ay palabasing, ''sa gawaing paggugubyerno, di hamak na mas mainam si Ate Glo kaysa sa ragtag at utak pulburang mga Magdalo-YOUng.“ Isang MULTO sa PANINGIN ng mamamayang Pilipino. Kaya lang, huli na ang lahat, nagsisimula na ang COUNTDOWN!!


DOY CINCO/ipd
Feb 19, '06

Sunday, February 12, 2006

Bago at Kakaibang kaganapan? (Military Activism)

Nakaka-intriga, “bago at kakaiba” sa mata ng country ang nagaganap na tipo ng aktibismo sa PATRIOTs (Magdalo-YOUng). Ayon sa ilang nagmamasid, kritiko, sa mga asaran sa inuman at kapihan, mukhang pinupulutan at pumapatok ang debate't diskurso hinggil sa nalalapit na pagbagsak ni Ate Glo. Positibo ring balita ang pinagsamang (magkatuwang) pwersa ng Magdalo-YOUng at ng kilusang masa. Sa ngayon, mas nagkakaroon ng panibagong larawan (political struggle), hugis, imahe, hindi lamang sa loob (kasundaluhan), maging ang relasyon nito sa lipunan at organisasyong kumikiling sa masang Pinoy.

Hindi malayong makumbinsi nito ang ilang grupo ng civil society, panggitnang pwersa, ilang bahagi ng taung simbahan, ilang moderate-left tendensiya at ilang bahagi ng mga aktibista sa loob ng burukrasya.

Unti-unting “nagkakapanatagan ng loob” sa hanay ng progresibong sektor at mga patriot-junior officers. Sa mga (masasalimuot) usapin at sensitibong mga isyu na may kinalaman at ugnayan sa lipunan, sa mamamayan at sa masa, kumaklaro at mukhang sumiseryoso ang inilalako nitong pagbabago at repormang hindi lang sa inaamag na sandatahang lakas (AFP), maging sa kabuuang sistemang pampulitika at pang-ekonomya ng country.

Kung sa unang pag-aaaklas (Edsa 1 & 2) militar cum pipol power ay nagoyo sila ng mga trapo't elitistang pamunuang militar, mukhang ang direksyon ngayon ay mukhang kakaiba, ang isang revolutionary government at hindi sa tulad ng dating pagpapalit lamang ng TRAPO, mga taong ang hangad ay status quo. Kung sa dati'y simpleng panawagan lamang ireporma ang AFP, tila mas malawak at mas komprehensibo na ngayon ang isinusulong ng mga ito, ang “system change”.

Sa lumabas na pahayag nito sa media, paulit-ulit nitong nilinaw na magkakaroon ng handover ng authority sa civilian government kung sakali mang maigupo nito ang rehimeng Macapagal-Arroyo. Bagamat kaya nitong ibagsak si Ate Glo sa lalung madaling panahon, nilinaw nitong "hindi nito kayang solong-patakbuhin ang gubyerno. Tiniyak nitong "kailangan ng isang grupong mapagkakatiwalaan at mapagpapasahan ng affairs, sa gawaing paggugubyerno." Meaning, bangungut ang isang “military junta” na pilit na ipinangtatakot ng Malakanyang sa country. Ang sigurado, hinding-hindi na mauulit ang panggogoyo nuong Edsa 1 at 2, kung saan silver plotter na nihatag nito ang konsesyon sa pulitiko at TRAPO.

Batay sa ibinigay nilang pahayag (matapos tumakas ang apat-4 na patriotic officers), “kami ay hindi na papayag na gawing kasangkapan sa bitag ng mga elite at trapo,” “hindi lamang pagpapalit ng gubyerno ang aming pinapanawagan, kami ay naghahanap ng pagbabo ng sistema na siyang maglalagay sa poder sa mga kaaway ng sambayanan at magpapatuloy na isinasainsangtabi ang hinaing ng mayorya.” Kung hindi ako nagkakamali, mukhang ang pakahulugan ko rito ay isang revolutionary government ang ninanais nilang itayo at hindi ang isang TRAPO government!

Diumano'y sinasabi pang magiging instrumento ng “pagkakaisa, ahente ng pagbabago, taga-pangalaga/ protector of the people, nakapakat at kinikilalang organong may mahigpit na ugnayan sa masang Pinoy. Ang pinagsamang pulitiko-militar na pwersa ng Magdalo-YOUng ay kabaligtaran ng “military adventurism”. Parang aktibista nga ang dating ah, “wow naman, kailangan pa bang imemorized yan. Sana hindi ako magkamali!

Baka ito na ang produkto ng mahigit sampung taong (10 years) pagninilay-nilay, sakripisyo, pagmumuni-muni, repleksyon at rectifikasyon ng PATRIOTs sa gawaing pang-organisasyon, politika at ideolohiya.

-doy cinco / IPD
Feb 13, 2006

Military Adventurism?

Totoong mauuwi nga sa military adventurism ang lahat, kung ang mga PATRIOTs (Magdalo-YOUng) ay maiiwang nag-iisa sa laban at kung walang malinaw na civilian components. Magiging pasaway nga ang mga PATRIOTs kung hindi nating aagapayan, kung wala itong katuwang sa pakikibaka, kung hindi tayo gagabay lalo na sa isyu ng tipo ng gubyerno, tipo ng transition revolutionary government at sa tipo ng pampulitikang engagement na susuungin ng PATRIOTs bago at matapos maibagsak ang rehimen ni Ate Glo. Kung magkaganito man at sana nagkakamali ako, “Military Junta” ang kauuwian ng lahat. Uuwi nga tayong luhaan, bigo, Biernes Santo at kanya-kanya na tayong mag-alsa balutan!!

Walang dudang tutungo sa military adventurism ang lahat kung wala tayong tactical engagement sa mga PATRIOTs, posibleng magkaligaw-ligaw ang direksyon, lalo na't sa tipo ng pakikibaka't anong tipo ng mga panawagang maglalagay sa kangkungan o wastong linya ng pampulitikang pakikibaka. Totoong mauuwi nga sa lantay militar (military adventurism-sa dulo ng gatilyo na lamang) ang pagsisikap nila't atin, kung walang magkasabay na political struggle at pampulitikang pwersa.

Alalahanin nating na habang tumatakbo ang panahon, ang mga araw, Linggo at tagiktik ng sigundo't minuto, lumalaki ang tsansa't posibilidad na tanging ang kumbinasyon ng kilusang masa't rebelyong militar ang gugupo at wawakas sa rehimen ni Ate Glo! Sa kabilang banda, mas nanlulumo, bangungut, nalalagay sa alanganin, lumalabo sa takbo ng panahon ang pag-asang maibagsak si Ate Glo sa pamamagitan ng constitutional process, meaning, impeachment, panawagang mag-resign si Ate Glo't Noli De Castro, snap election at anggulong Sen Drilon for transition president.

Malaki ang ating pananagutan na maiderehe ang pinagsamang laban ng PATRIOTs at kilusang masa. Kung wala sa atin ang may lakas ng loob, may “K”, ang may buto sa gulugud at may prinsipyong makipag-tactical engage sa hanay nila, lalo na't sa konteksto ng kanilang ginagalawan, tuluyan ngang mapapariwara ang inaasam-asam nating bukang liwayway, ang isang istadong malakas at may mahigpit na pananalig sa demokrasya (strong and democratic STATE).

doy cinco / IPD
Feb 13, 2006

Wednesday, February 08, 2006

Ano ang Gagawin mo (kung pumutuk ang Kudeta)?

Ano ang gagawin mo, ninyo, natin lahat kung saka-sakaling umarangkada na, pumutok ang KUDETA? Kanino ka papanig, saan ka tataya-pupusta, saan ka pupwesto? “Wala lang?” Teka muna, bago ang lahat, siguraduhin muna nating tunay nga o peke ang kudeta. Mahirap na't baka ma-pusoy tayo, makoryente o ma-wow mali? Ayon sa ilang pahayagan, maraming paksyon sa loob ng kasundaluhan na gustong mauna, mang-ambus (grupong “Tabak” at mukhang may dalawa pang grupo) at maghangad ding agawin ang gubyerno ni Ate Glo? Hindi lang natin alam kung may reform agenda ito?

Ang isa pang dapat ikunsidera ay ang posibleng gulpe atake ng Malakanyang. Kung titindi ang political mobilization sa huling bahagi ng February '06, may ugung-ugung na malamang magdeklara ng emergency power si Ate Glo. Aasahang may gagawing kontra-opensiba ang palasyo, si Tabako, si Sec Angelo Reyes, si Sec Senga at iba pa. Pwedeng gumawa ng alingasngas (senaryong “COUP me”) ang mga ito at sirain ang plano ng kanyang mga kalaban.

Kung “lalaruin natin” ang ating mga pag-iisip, sa katanungang naka-post, assuming may ideklarang Martial Law at umarangkada ang kudeta't may political mobilization. Ano ang gagawin mo?

Kung ako'y isang taong walang paki-alam sa mundo o barbarian, panigurong hindi ko ito mapapansin, nasa bahay, kukuya-kuyakoy, tulug dahil may hang-over sa inuman, bising-bisi sa raket o patuloy sa paghahanap ng trabaho (lokal o OFW). Maari ring nagpapalamig-namamasyal (sa mall), nanunuod ng sine, gumigimik ng kung anu-ano o chumichika-chika sa kapit-bahay. Mayorya ng tao sa mundo ay malamang na sa ganitong option.

Kung ako'y aware sa nangyayari at hindi kabilang sa anumang organisasyon (pampulitika o pang-sektoral), malaki ang posibilidad na imonitor ko na lamang sa radio't TV ang naturang kaganapan. Kung walang ginagawa, magyaya ng kasama at panuurin (ring side-parang boxing) ang labanan sa di gaanong kalayuan. Malaking bahagi rin ng ating kababayan (silent majority) ay posibleng ganito ang gawin.

Kung ako'y isang maralita't hindi organisado, posibleng; dedmlang, walang paki-alam sa nangyayari, tuloy lang ang pang-araw-araw na gawain sa buhay. Kung malapit lang sa lugar (site ng kudeta), maaring maging uzi (usisero/a), mag-antabay sa gilid-gilid at baka maambunan (may namimigay) na chibug o makapang-agaw ng kung anu-anong bagay na pwedeng pagkaperahan. Pangalawa, magsama ng kakilala, maging uzi pa rin at mapasama sa isang looting operation sa palengke, Mall o sa malalaking tindahan. Malaking bilang ng populasyon sa Kamaynilaan ang malamang mauwi sa ganito?

Kung ako'y isang militante at organisadong maralitang-taga lunsod, estudyante, civil society, moderate left at simpleng aktibista lang, walang dudang lalahok ako at papanig sa kaaway ni Ate Glo. Susuporta sa kudeta, pupwesto sa 'di kalayuan distansya at gagawa ng diskarte. Dalawa ang pwede kong pagpiliang gawin; maaring kahalubilo ko ang mga Magdalo-YOUng-aktibistang sundalo o nakapwesto sa ibang lugar na kabahagi rin sa network. Pwedeng nakapwesto't nag-rarally, nagpipipol power o nagba-barikada (strategic highways). May tangang puting bandila, may tangan-tangang bulaklak na rosas, nang-aagaw, namumulot ng armalite ng kalaban, kino-kumander ang isang army truck, APC ng Army at “sinisiguradong tahimik ang takbo ng mga pangyayari.” Maari rin namang habang nasa katindihan ng aksyon, nilulusob ang Malakanyang, nilu-looting ang ware house ng NFA (Araneta Av, Polo-Bulacan area), iba pang groceries at supermarket.

Kung ako'y isang middle class na aware din sa nangyayari at wala ring kinapapaloobang organisasyon. Malaking porsientong matuwa ako sa nangyayari, kampihan ko ang Magdalo-YOUng, mga patriotiko-nasyonalista't-batang sundalo. Imonitor sa radio't TV ang blow by blow account ng kudeta at makipaghuntahan-debate sa mga kakilala't kamag-anak. Kaya lang, malaking posibilidad na manatili na lamang ako sa bahay, opisina, makipag-text o makipag-inuman sa barkada o kapit bahay.

Kung ako'y middle class at kabilang sa militanteng grupo, aatend ako sa isang emergency meet na malamang ipatawag ng organisasyon at desisyunang suportahan ang Magdalo-YOUng. Kokontak at manghihikayat sa ibang kakilala na dumalo sa pagkilos. May baong pagkaing magkakasya sa limang (5) tao, pupunta sa site ng labanan, sasama sa rally, pero hindi gaanong magtatagal at pupuslit na rin kung makaka-tiempo.

Kung ako'y isang mayaman, negosyante at nakaka-angat sa buhay, posibleng wala akong paki-alam sa mga nangyayari, posibleng ring mag-neutral (anti-GMA at Magdalo/YOUng) o kabahan ako sa mga kaganapan sa Kudeta. Maggo-grocery, tirik bahay, magmonitor sa TV at tiyaking safe ang buong pamilya't negosyo. Maari rin namang, magbakasyon muna, kontakin ang travel agency at ihanda ang trip papalabas ng country.

Kung isa ka sa mga nabanggit o kung nakaligtaan kong isama ka dito, ihabol na lang natin!

-doy cinco/IPD
Feb 8, '06

Tuesday, February 07, 2006

Ginawa n'yong TANGA.............

Ginagawa n'yong TANGA....

Nakakapanglupaypay isiping ang trahedyang naganap sa Ultra nuong umaga ng Linggo. Lumantad mula Aparri hanggang Jolo at sa buong mundo, mula CNN, BBC, German DW, hanggang sa iba pang pandaigdigang pambalitaan ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga Pilipino.

Pawang mga maralitang taga-lunsod at mga taga-baryo mula pa sa kanayunan ang halos mga naging biktima. Ang daming nagpasikat at pumapel. Photo ops si Ate Glo at naglipana ule ang mga pulitiko. Nagtuturuan, walang umaamin kung sinong mananagot at may sala. Mukhang palalabasin pa atang “ang mga biktima pa ang dapat sisihin, ang may kasalanan at ang nangbiktima (ABS-CBN) ang siyang nalugi at naging kawawa?

Ipinapakita sa larawan kung gaano kadesperado na ang mga kababayan nating mga mahihirap. Imbis na ibangon sa kadukhaan, ihango sa karalitaan at maitaas ang puri't dangal ng mga tao, pinagsamantalahan, pinagkakitaan, ginogoyo at pinagloloko pa ng mga ganid at buwitreng mga programa ng noon time show (ABS-CBN at GMA-7), partikular ang Wowowee. Ginamit ng mga istasyong ito ang mahihirap na Pinoy upang dumugin ng audience, sumikat at pumatok ang kanilang palabas-programa. Walang dudang mas malaki ang kanilang kinikita kaysa sa kanilang pinamimigay na premyo. Eka nga, “wala tayong magagawa, negosyo lang 'to”. Ikaw na ang maging dorobo at kapitalista.

Anong uri ng kultura't asal ang ikinikintal, ang isinasalaksak at prino-promote ng mga istasyong ito? Kasipagan ba, pagmamahal ba sa kapwa, katalinuhan ba, pagiging malikhain ba, pagiging kritikal ba at mapanuri, kolektibismo ba't hindi maging makasarili o pagmamahal ba sa country? Kung tutuusin, wala itong pinagkaiba sa SUGAL, weteng, Lotto, karera, masyao, kara-cruz at KULTOng lumalaganap ngayon sa tabi-tabi. Trinatratong pulubi-mendicant, pagiging pala-asa, game of chance, “swerte ka-malas mo” ang buhay at kuluwa ng mga kababayan natin. Parang ang lahat na lang ay kwarta, kwarta, kwarta! Winawasak nito ang Filipino values. Ginawang mga sira-ulo, mukhang TANGA at mukhang gago ng mga programang ito ang mga abang kalagayan ng mamamayan.

Hindi wastong sabihing normal lang, ganun talaga, apologetic ang dating, “kahit saang lugar, kahit sa mayayamang bansa ay sadyang may trahedya” (stampede-soccer-football-world cup games), ani ni Mike Defensor. Tarn.....tdo, magkaiba ang konteksto dun, malayong-malayo! Totoong may trahedya (riot pa nga eh), totoong may nagaganap na stampede sa England, sa Netherland, sa France, Brazil at Germany sa ilang madamdaming mga labanan (national pride) sa larong football sa stadium.

Kaya lang, ibang-iba ang kaso dito. Dito'y sangkap ng desperation, pumipila ka ng tatlong araw (3 days before) para lamang maka-una sa pinamimigay na ticket, parang sinusuhulan ang mga spectator (audience) na suportahan ang istasyon at programa, may pangakuan, namimigay ng kwarta, premyo at mga bagay-bagay (tricycle) na kakailanganin ng isang mahirap, ginagawa kang gago, kinekengkoy ka, pinagtatawanan ka at higit sa lahat, sinisira ang pagkatao't kaluluwa mo.

Kung mas palalalimin natin ang pagsusuri, walang ibang dapat sisihin dito kundi ang karalitaan at survival- ang kapit sa patalim, ang karalitaang ibinunga ng matagal ng pagkakasalaula ng country sa mga pulitiko, (nuon at ngayon-failure of governance), ang pangungurakot at katiwalian. Walang substansyal na pagbabagong naganap sa ilalim ng limang (5) taong panunungkulan ni Ate Glo. Mula kay Marcos, 3 Edsa at magpahanggang ngayon. Sa ilalim ng elitistang paghahari, nabangkarote, nabansot at nagkaroon ng permanenteng trahedya ang country!


Doy Cinco/IPD
Feb 7,'06

Sunday, February 05, 2006

coup 101 (kudeta)

Kudeta 101

Sa ayaw man natin o sa gusto, totoo man ito o kwentong kutsero, ang banta ng kudeta ay mananatiling bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Ewan ko, basta ang alam ko, nasa magkabilang dulo ng kudeta ang kawalang katarungan, katiyakan at pag-asa, kahinaan ng estado, katiwalian, karalitaan, kasakiman, kasibaan at kasinungalingan. Wala sanang kudeta, kung walang sangkap, konteksto't kondisyong nagtutulak sa loob na maireporma't magsipag-aklas ang naglulupang mga foot soldiers. Kung baga sa karneng nabubuluk, may uod; kung baga sa umaapaw na isang salop na bigas, kinakalos; kung baga sa pundidong bakal, kinakalawang; kung baga sa bagong tuli, kinakamatis. Hindi na maitatatwang bahagi na ng isang pampulitikang tradisyon ang kudeta.

Ang isa pang natuklasan ko, hindi lang ngayon ito nauso. Maski nuong unang panahong (alipin-ilan daan taon bago dumating si Kristo) ng mga kahariang Emperyo sa Roma ay kudeta rin ang nakagawiang pamamaraan. Sa pamamagitan ng “gulpe de gulat” ang mga Emperor ay palagiang naibabagsak at nailulukluk sa kapangyarihan. Noong ika-labingpitong taong siglo (17th century), ang kilalang Emperor ng France na si Napoleon Boneparte ay nang-agaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng isang kudeta.

Ang huling bahagi ng siglo dalawampu (20th century) ay kinakitaan ng madadramang kudeta lalo na sa mga bansang kabilang sa ikatlong daigdig. Nabugbug sa kudeta ang mga bansa sa Latin Amerika (Brazil, Chile, Bolivia at Argentina), Africa, Asia at maging sa Asia Pasipiko (Fiji at Pilipinas). Hindi rin nakaligtas ang mga may kaya at relatibong mauunlad na bansa sa Europa (Greece, Portugal, Spain at Unyon Soviet).

Noong kami'y mga aktibista't ng National Democratic movement (late 70s), ikinintal sa isipan namin na ang Kudeta, bukud sa labag sa estratehiya't taktika ng partido, ay isang daang porsientong (100%) pakana ng mga alagad ng Central Intel Agency (CIA). Ginagamit ng imperyalistang Estados Unidos ang kudeta upang panatilihing kontrolado at proteksyunan ang sariling interes. Ang ganitong aksyon ay nagsisilbing alternatiba (substitutes) sa napaka-unpopular na direktang pakikialam o military intervention ng isang imperyalistang bansa (nangyayari sa Vietnam at Iraq) sa mahina't lulugo-lugong bansa.

Maaaring tama o maaaring mali rin, pwedeng tignang nao-over-estimate ang papel ng US o ng USSR o pwede ring naman may bahaging under-estimation. Ang sabi nga ni Joel Roc, mahalagang mapag-aralan ang obhetibo at suhetibong kalagayan ng mga nagtutulak, naniniwala't pati na rin yung mga kinakabahan at may agam-agam sa posisyunan.

Kung noon, pinabilib tayo sa rebolusyon sa Rusya, sa Tsina, Vietnam, Cuba at Frances. Asa ka pa, mukhang hindi na ito masusundan. “di hamak na malaki na ang ipinagbago ng mundo. Ang huling rebolusyon na alam kong nagtagumpay ay ang Rebolusyon sa Nicaraguan nuong huling bahagi ng dekada setenta (70s), kaya lang hindi rin gaanong nagtagal at nauwi sa masalimuot na kaganapan.
Magkaiba ang rebolusyon kung ikukumpara sa kudeta, bukud sa mahaba, tumatagal ito ng ilang henerasyon (people's protracted war). Malaking grupo ng mga kadre ang kakailanganin, malaking bahagi ng populasyon ang kalahok sa labanan (uring manggagawa't magsasaka) at higit sa lahat, madugo't marahas. Ang kagandahan lang, renewal ang dating, nauuwi sa radikal na system change. (pampulitika't panlipunan)

Ayon sa Wikipedia, inpiltrasyon sa maliliit ngunit kritikal na bahagi ng state apparatus ang taktikang kadalsa'y gamit ng kudeta. Ang mismong resources at kapangyarihang ng gubyerno ay ginagamit para pahinain at agawin ang estado poder. Ang suportang agapay ng organisadong mamamamayan at paggamit ng pwersang militar ay maaring magkakambal o maaring hindi absolutong may padron (pattern), magdedepende ito sa kongkretong kaganapan at kondisyon . Sa pag-agaw at pagkontrol ng state apparatus, hangga't maari, anumang paraang maiiwasan ang karahasan at pagdanak ng dugo (extra legal tactics o participatory coup) ay maaring ikunsidera. (Edward Luffwak, Coup d'etat: a Practicak handbook)

Mga sariwa, ilang pangyaring Kudeta at tangkang Kudeta:
1997: Kudeta sa Turkey, tinawag na makaabagong kudeta (Post-modern coup) February 28 naibagsak ang Gubyernong Koalisyon
1999: Kudeta sa Pakistan. Tinanggihan ng Army na sundin ang mga utos ng Prime Minister Nawaz Sharif's government. Naupo si General Pervez Musharraf bilang "Chief Executive" at ipinatapon (exile) sa Saudi Arabia si Nawaz Sharif.
1999: Kudeta sa Côte d'Ivoire
2000: Tangkang Kudeta sa Fiji, sa ilalim ni George Speight
2000: Kudeta sa Ecuador
2000: Pagpapabagsak sa Presidente ng Peru, si Fujimori
2002: Tangkang pagpapabagsak kay (idol) Hugo Chávez ng Venezuela
2002: Kudeta sa Central African Republic
2003: Tangkang kudeta sa Mauritania
2003: Kudeta sa São Tomé and Príncipe
2003: Kudeta sa Guinea-Bissau
2004: Kudeta sa Haiti
2004: Tangkang Kudeta sa Democratic Republic of Congo
2004: Ikalawang tangkang kudeta sa Democratic Republic of Congo (June)
2004: Tangkang Kudeta Equatorial Guinea (August)
2005: Kudeta sa Togo. Kinilala sa parliamentary vote pero hindi ni-recognized ng
international community.
2005: Kudet sa monarkiya ng Nepal , naibagsak ang constitutional monarchy. Naibalik
ang absolute monarchy.
2005: Kudeta sa Mauritania naibagsak si president Maaouya Ould Sid'Ahmed Taya, naupo
sa kapangyarihan sa pamamagitan din ng Kudeta noong 1984.

Kasalukuyang namumuno at naupo sa pamamgitan ng Kudeta

*Omar Hassan Ahmad al-Bashir, Presidente ng Sudan (1989–)
*Muammar al-Qaddafi, pinuno ng (1969–)
*Azali Assoumani, Presidente ng Comoros (1999–)
*Zine El Abidine Ben Ali, Presidente ng Tunisia (1987–)
*François Bozizé, Presidente ng Central African Republic (2003–)
*Blaise Compaoré, Presidente ng Burkina Faso (1987–)
*Lansana Conté, Presidente ng Guinea (1984–)
*Idriss Déby, Presidente ng Chad (1990–)
*Yahya Jammeh, Presidente ng The Gambia (1994–)
*Gérard Latortue, Interim prime minister ng Haiti—'di kinilala ng CARICOM
*Teodoro Obiang Nguema Mbasogo, Presidente ng Equatorial Guinea (1979–)
*Pervez Musharraf, Chief of Army Staff at Presidente ng Pakistan (1999–)
*Ely Ould Mohamed Vall, Chairman ng Military Council for Justice and Democracy sa
Mauritania (2005–)

Magkakasunod na pipol power at aklasang militar ang bumulaga sa mundo. Pinagmalaki natin ang Edsa revolution (1,2 &3), kaya lang nasalaula at nauwi rin sa kangkungan. Bumagsak ang Berlin Wall sa Germany, mga bansang sosyalista sa Silangang Europa at pagkakawatak-watak ng Unyon Soviet Republic (USSR).

Kadalasa'y iilang porsiento (+/-5% warm bodies) lamang ng mga aktibong bahagi sa military ang kailangan upang pamunuan at makontrol ang malaking bahagi ng kasundaluhan. Ang mga ito ang siyang bibihag, magtatanggal, magneu-neutralisa sa malaking bahaging maiiwan sa loob ng military.

Sa mga karanasan ng mga matagumpay na kudeta sa maraming bansa, may pattern kadalasa'y ng taktikal na opensiba na sunggaban, hawakan at kontrolin ang mahahalagang bahagi ng mga opisina sa gubyerno. Ang mga ito'y; tele-komunikasyon, mga strategic physical infrastructure, tulad ng airport, strategic highways, power plants at mga sentrong lunsod (CBD – Makati) ng Kamynilaan. Kung hindi agad maagapan (nasasawata ang plano) ang kudeta, normally, agad itong nakapagko-konsolida ng posisyon, (kasama ang suportang agapay ng organisadong mamamayan) na-iistablished ang legitimacy at nauuwi sa isang matagumpay na aksyong militar.

Dahil sa bantang kudeta, may ilan taong ng nangangatog sa takot ang Malakanyang, hindi sa CPP-NPA, hindi sa MILF at Abu Sayaf, lalong hindi sa trapong oposisyon, kundi sa mga gilid-gilid, tabi-tabi (from within) at naglulupa-patriotikong mga batang sundalo. May lilitaw kayang Hugo Chavez dito?

Doy Cinco/ipd
Feb 5, '06

Wednesday, February 01, 2006

Coup de main or Coup de'etat or Coup de the'atre

For the IPD Web
Patrick I. Patino


Coup de main or Coup de'etat or Coup de the'atre
Don't we have anymore options?


The 8th of July 2005 struck a fatal blow to President Arroyo's reign in Malacanang. Ten cabinet members and advisers of Mrs. Arroyo resigned en mass and called for her resignation for manipulating election results that won her the 2004 presidential race. Close allies, Senate President Drilon, the Liberal Party and former President Aquino withdrew support from Arroyo. A section of the elite business community joined the chorus for her resignation.

There was anticipation that the countdown of the fall of the Arroyo government had started. But the declaration of neutrality of the Armed Forces of the Philippines (AFP) High Command and the Philippine National Police (PNP) National Directorate saved Arroyo. The neutrality of the military and the police radically shifted the balance of forces in favor of Arroyo. Former President Ramos and House Speaker de Venecia with congressmen and local officials in tow rushed to Malacanang and stayed behind the beleaguered President. After a couple of days, Arroyo further gained breathing space, when the Catholic Bishops Conference of the Philippines came out with an open-ended pastoral letter, essentially a neutral position. Surviving from the fatal crack of her political base, Arroyo and her allies went on a series of offensives – killing the impeachment complaint in the House of Representatives; obstructing other venues in the pursuit of charges against Arroyo through Executive Order 464 (a presidential directive that requires government executives, military and police officials to get clearance from the president, before they can testify at legislative hearings). And barricading the remaining constitutional venue of the anti-Arroyo struggle – the streets – through the Calibrated Preemptive Response (CPR) policy. The Arroyo government was able to confine the political and democratic struggle of the anti-Arroyo movement to a small fraction of the population.

Arroyo survived and regained strength but failed to break the impasse in the political crisis. Neither has the administration gained the upper hand in the political conflict as its dilemma of legitimacy and credibility remains, the very issues that ignited the raging political fire.

The shutdown of the legal and constitutional avenues of dissent resulted in a protracted political crisis and raises the chances of military intervention. The neutrality of the AFP also causes nervousness as there are sections in the military that came out with contrasting position. Since then, rumors of a coup swirl around. On July 11, the Revolutionary Patriotic Alliance (formerly Reform the Armed Forces Movement - RAM) called for Arroyo's resignation or impeachment. The Young Officers Union (YOU) made a sharper call on July 22, that called for the ouster of Arroyo. The RAM and YOU figured prominently in the late 80s during the failed coup attempts to unseat President Aquino. Former YOU members, who have either retired or are working in the burucracy, disclaimed their organization's statement, thus the birth of YOU new generation. YOUng is a clandestine organization believed to be composed of the former members of YOU, now senior or middle-level military officers , that have apparently regroup together with the reformist elements of the current crop of junior officers.

On Oct. 18, YOUng released a statement that, “strongly demand for the last time that Mrs. Arroyo and her corrupt officials and generals resign immediately and avoid bloodshed. Otherwise, bloodshed will be on their side.” On Dec. 7, the LTA Building in Makati was strafed and followed by a Declaration of the Enlightened Warriors sent to the press claiming the attack. The Declaration avered, “calling fellow men and officers in the armed forces and all Filipino people to rise up as one to bring down the Arroyo regime and help set up an entirely new government of genuine reforms in the soonest time possible.” There seemed to be a confluence of events because just a week later, detained Magdalo mutineer Capt. Nicanor Faeldon escaped. While on a run away, Faeldon set up his own website coming out with statements calling for civil disobedience among the soldiery and the public.

Coup rumors has been lingering Metro Manila since after July 8. But starting October, a plot of military factions to overthrow the Arroyo administration is appearing serious. There are contributing factors to the seriousness of the plot other than the charges of electoral cheating and corruption of the Arroyo administration. The rumor of the overthrow plot gained momentum after Arroyo relieved Brig. Gen. Francisco Gudani and Army Lt. Col. Alexander Balutan from their posts following their defiance of EO 464 and testimony before a Senate committee investigating alleged cheating in the last election. This was followed by Arroyo's change of mind in appointing Major General Samuel Bagasin as commander of the AFP Southern Command. Another was the exposee of Air Force Col. Salvador Daquil of the illegal and exuberant perks of senior officers in the air force. These issues stirred discussions and debates among senior and middle-level military officers, junior officers and the foot soldiers already bereft with grievances of inadequate salaries against high prices of basic commodities, stolen insurances and social benefits, inadequate government services, arbitrary promotions and designations, retired generals overstaying in flush residences in Camps Aquinaldo and Bonifacio, poorly tailored uniforms, among others.

On the other other, while government spokespersons brush aside coup rumors, serious moves are done to dissipate the potentials of military political activism and forceful actions. While creating the “fear of a coup” environment, and reminding the armed forces of abiding the chain of command, the military intelligence intensifies monitoring activities of division, brigade, battalion and company commanders in the field and suspected “destabilizers” within the military. Monitoring order has been allegedly handed to the AFP Counter-Intelligence Group (AFP-CIG) directly under the AFP Chief of Staff and regularly submits intelligence report to the Core 2 (on security matters) of Malacanang and the President. Standard operating procedures were also issued in dealing with “recruiters” who are threatened to be shot if they resist arrest. There are also moves to secure the attachment of the more critical parts of the state apparatus – the armed forces, the police, intelligence and security services - to the political administration through promotions, positions, loyalty checks, commitments are made and rewards promised, provision of housing units while containing the movements of major suspects and “boxing-out” suspected supporters. The administration tried to establish dialog between government and the people, to tone down and redirect energies of political forces, through the formation of a National State Council but failed.

Possibly sensing that the situation is getting out of control, former President Ramos reasserted his option to the resolution of the political instability – an elite consensus to and brass tacks of the Charter Change and the 2007 elections as a framework exit of Arroyo. Ramos doesn't have quantitative force as a negotiating chip with Arroyo but confident that his stature can create a qualitative influence in the political process. He failed as only the trapos could easily compromise with him and easily circumvent their vows.

When FVR failed, the potentials of the situation getting out of hand gets bigger. After years of silence in detention, Magdalo leader Lt./SG Antonio Trillanes IV, challenged the public to decide between two choices – to live with the status quo or act for change. On the same day, four fellow Magdalo members of Trillanes bolted out from their cell in Fort Bonifacio. Coup rumors grow louder and serious.

While protest movements continue to crowd the streets in small numbers and elite political players fail to muster an elite consensus in the resolution of the political crisis, it seems that military intervention is brewing hot as an option to the resolution of the political crisis? Is the economic crisis severe and prolonged enough to fan a coup? Is the chronic political instability favorable for a brilliant, sudden and highly successful stroke of a small but critical segment of the state apparatus able to displace the government from its control of the remainder? Is there a critical segment within the military capable of military forceful actions?

Current conditions may seem unpropitious for military coup de'etat, but the specter of military forceful actions may still be able to exert a perverse influence on the political process. The striking expressions of military discontent to the defense establishment and political leadership are stark reminders that military forceful actions remain very real threat to the uncertainties of the political crisis. Forceful actions of military elements pushed to the wall may turn into a coup de main or with the sudden turn of events, a coup de the'atre.

Is there a capacity for military forceful actions? Military coup abuzz as rumors because divisions among the officers corps and military rebellious factions are widely perceived, thus preventing elements within the military from taking action. Among the military high command and senior military officers, keeping the status quo is in their best interest unless there is a compelling reason that they withdraw support from the president or stay away when forceful actions erupt. There is also a perception of widespread public apprehension to a military coup, thus the weak complementation of political forces for military actions.

Philippine history has more record of failed military coups than the coup of Gen. Emilio Aguinaldo against Andres Bonifacio, the Palace coup of Ferdinand Marcos in 1972, the military uprising in 1986 against Pres. Marcos, and the military withdrawal of support from Pres. Estrada.

But the potential of a breakthrough coup could radically reverse the ongoing political process. There are two contributing factors to look at. Have the different factions of the military rebellious elements, military reform elements and military political activists arrived at and developed a high level of internal cohesion? Is there a perception of widespread public neutrality towards military forceful actions? Is there a development of the political forces able to compliment the military actions?

On the other hand, even if there is a deep criticism against the government, are the potential military forceful actors aware of their inability to provide alternative political leadership and of the deleterious effects which a military take over would have by unleashing widespread civil and violent strife?

Military coup is unpredictable. Thus, the greater the uncertainties of the protracted political crisis, the higher the unpredictability of a breakthrough coup – rumors will continue, or there may be big one, or a series of actions, or nothing at all. But however unpredictable coups are, they contain certain ever recurring patterns - “the same always different.”

#

02/02/06

Sino ang mas may kredibilidad?

Sagad haggang buto ang inabot na atake ng palasyo laban sa mas kinakatakutang mga bata-grasssroot-patriotikong sundalo sa banta nitong pag-aaklas upang pabsakin si Ate Glo. Sa darating na panahon, aasahan pa nating ang sunud-sunod na balck propagandang matatanggap ng mga Magdalo/YOUng officers. Bihasa sa demolition team ang mga galamay ng Malakanyang. Kaya't ang mga aasahang ipupukol sa mgito ay ang mga katagang demonyo, kampon ng kadiliman, walang malinaw na mukha't programa, isang monster, mga adbenturista, babaero, may ugnayan sa mga komunista, drug-weteng lord at kung anu-ano pang below the belt na paninira! Kaya lang, sino ang mas kapi-paniwala at mas may kredibilidad sa masang Pinoy?

Ayon sa mga galamay ni Ate Glo,
"may banta ngang kudeta pero hindi gaanong seryoso, dahil wala umanong kapabilidad ang mga coup plotters na makapaglunsad ng isang golpe de estado. Pinangalandakan pang nananatiling matatag at solido ang AFP kay GMA.

Dahil "wala sa kanila ang suporta ng buong AFP at taumbayan, hinding hindi raw magtatagumpay ang mga foot soldiers/ YOUng-Magdalo, " Parang suicide at nagsasayang lamang ng panahon ang mga bata. Hindi raw nagbabago magpahanggang ngayon ang “professionalism" sa loob ng militar at solido itong nasa likod ng konstitusyon (anong konstitusyong ang pinagsasabi n'yo, baka ang dinero, pwesto at kapangyarihan?). Inilarawan pang mga "asong ulul na kahol nang kahol" ngunit walang kapasidad na makapanghikyat ng pag-a-alsa ang mga bata-patriotiko-(foot soldier) naglulupang sundalo. Wala raw katotohanan ang mga ulat na mayroon ngang bitak sa hanay ng militar, at bilang commander in-chief, in control pa rin daw si Ate Glo sa AFP at PNP." Ha...........kung hindi pa namin alam na panay ang loyalty check at command conference n'yo gabi-gabi sa palasyo!!

Isa pang pagyayabang at pagpapalakas ng loob ng palasyo ng sabihing, “inerereport daw sa kanila, sa mga nakatataas na opisyal-superior ang mga ikinikilos at plano ng mga Magdalo-YOUng junior officers at kilala na daw nila ang mga'to? May hirit pang, hindi nagiging matagumpay daw ang horizontal-recruitment na isinasagawa nito. Kung may recruitment man sila, kino-kontra daw ito ng kanilang mga kumander." Lumang tugtugin na ang mga ganyang propagandang buluk!

Kung tukuy n'yo na, kung kilala n'yo nga talaga, bakit hindi n'yo pag-aarestuhin ang mga ito? May mahigit kumulang na 700 ang bumibilang sa mga karanggo ni Capt Trillanes, at ayon sa mga senador , mayorya na nito ang malamang ay may simpatya na sa (reformer sa AFP) naglulupang sundalo (foot soldier)? Paano kung ang recruitment ay nasagad na sa horizontal at mauwi na sa vertical, meaning may malaking bilang na ng Koronel at Heneral? Marami sa pamunuan ng AFP (matitinong heneral) ang napaulat na nagpapahayag na "igagalang nito ang konstitusyon at si Ate Glo bilang commander-in-chief, pero hindi namin mapipigilan ang tsunaming kudeta ng Magdalo-YOUng officers." Meaning, suntuk sa buwang masusunod ang "chain of command" sa tulad ng ipinagmamalaki ni Ate Glo.

"Kung totoo raw na may bantang pabagsakin ang administrasyon ni Ate Glo sa pamamagit ng kudeta o withdrawal of support, bakit walang "critical mass" gaya ng nangyari noong December 1989 failed coup attempt." Hindi natin alam kung anong klaseng "Critical Mass" o kung anong pakahulugan ng palasyo dito. Ang tiyak dito at ang sigurado, dalawa sa tatlong (2:3) mamamayang Pinoy (SWS at Pulse Asia survey) ang gusto ng pabagsakin si Ate Glo sa anumang klaseng kaparaanan! Lumalganap ang demoralisasyon, kaguluhan, bitak sa nabubuluk na sandathang lakas ng Pinas. Ayon kay Sen Biazon, sinalaula (prostituted) at niyurakan (pamumulitika at pangungurakot) ng pamahalaan ni Ate Glo ang AFP.

Mas dapat kabahan tayo kung totoong nawala na ang pipol power, kung mawawala ang civilian components at critical mass. Sakali mang pumutok ang isang pag-aalsang militar o kudeta (mapaaga man o ma-atrasado), mas maiiwasan ang pagbubuwis ng buhay, makakatiyak tayong mami-minimized o ganap na maiiwasan ang pagdanak ng dugo, lalo na yung "apoy sa apoy" na binalagbag ni Mike Defensor.

Normally, sa Edsa 1 & 2 , "mabilisan at naging maiksi ang labanan." Tulad noon, mananawagan na lamang ng "withdrawal of support, non-allegiance sa commander-in-chief (Ate Glo)", ibig sabihin, mula Appari hanggang Sulo, sunud-sunod na mga anunsyo ng mga yunit batalyon,"sa pangunguna ng bagong tatag na AFP (Magdalo-YOUng +),

Tulad din noon, habg papalubog ang bangkg papel ni Ate Glo, aasahang maglulundagan at magsisirkuhan sa kabilang pwesto ang mga pabling na Heneral, Koronel, at mga hunyangong mga pulitiko. Malamang sa hindi, kung mapapatunayang seryoso, patriotiko, system change nga, nasyonalismo at may reform agenda ang mga Btang naglulupa't patriotikong sundalo, walang kadahi-dahilang basbsan ng CBCP, UCCP, Muslim Mindanao, Korte Suprem at ng malawak na nagkakaisang mamamayan ang matagumpay at matahimik na pag-aalsa!

Ano kaya ang laman ng kanilang reform agenda, patriotismo at nasyunalismo? Maihinto kaya nila ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin? Pabahay sa mahihirap at rural development? Palaganapin ang kulturang Pinoy at magkaroon ng tunay na hustisyang pangkarapatang pantao? Maibigay kaya nito ang P10 bilyong kabayaraan pinsala sa mga biktima ng karahasan (human rights) sa panahon ni Marcos? Patuloy na pagpapa-alipin o ganap na kalayaan sa World Trade Organization (WTO), Aaregluhin ang utang panlabas at independent foreign policy? Hahabulin kaya ang mga salarin sa IPPs, Bataan Nuclear Power Plant at mga dambuhalang tax evader ng bansa? Ipgpapatuloy kaya ang pagrereporma sa Sandatahang Lakas at kapulisan, kasama na ang Hudikatura? Magkaroon kaya ng pag-uusap pangkapayapaan? at panghuli, kasama kaya sa panawagang ito ang pagsasa-reporma ng sistemang politikal at electoral.

Sa kabilang banda, ang mga ito ba'y matutugunan ng pinagsamang cha-cha (parliamentaryo) ni Tabako,Tainga at Ate Glo? Sino ngayon ang mas kapani-panaiwala at may may kredibilidad, si Ate Glo o ang mga Batang grassroot, patriotikong sundalo?

doy/IPD / Feb 1, 2006