Mula ng maibasura at nadoble dead ang Con Ass sa Mababang Kapulungan nuong nakaraang Friday (Dec 8, '06). "Tinuldukan na rin ng Malakanyang maging ang itinutulak na Con Con para sa lokohang charter change at tuluyan na nga itong inilibing ng malalim, mukhang nagbigay signal ito sa mga pulitikong re-electionista at nagbabalak tumakbo na tuloy na tuloy na nga ang May, 2007 election.
Kapansin-pansin ang biglaang kulumpungan ng mga political streamers, mga name recall sa lansangan, nakasabit sa mga kawad, nakabitin sa overpass at naka-frame pa bakal sa kanto na naglalaman ng sari-saring political GIMIK, mga diskarteng buluk tulad ng mga “pagbati” sa kapaskuhan, at “pagpapaalala sa creditong proyektong ipinatupad nito.”
Ang ELECTION ay totoong magpapa-kalma ng tensyon sa pulitika. Maaring sabihing pansamantalang magkaroon ng political stability ang bansa at magkakaroon na ng katahimikan sa mga kumukontra sa charter change. Sa kabilang banda, baka ang ELECTION ang "tipping point na hinahanap o siyang mag-triger ng malawakang pag-aaklas at pagrerebolusyon ng mamamayan," kahalintulad nuong naganap na garapalang dayaang sa Snap Presidential Election nuong 1983 at nagtuloy-tuloy sa pipol power Edsa Revolution.
Kaya lang dahil "Oust GMA ang tuon at armadong pakikibaka't insureksyon ang paraan," 'di seryoso at hindi gaanong pinapatulan ng Kaliwa ang election (ang pagtaya't pagpapanalo sa matitinong reformer/bagong pulitika sa LGUs at District level), ang resulta tuloy; palagiang nasosolo, nakokopong, namimiesta't natutuwa ang mga TRAPO.
Ating alalahanin ang huling binitiwang salita ni Sec Gabby Claudio na "gagamitin nito ang buong resources at super machinery ng Malakanyang, talunin lamang at all cost ang oposisyon sa 2007 election." Maaring totoo, sapagkat ayon kay Sen Drilon, may mahigit P100.00 bilyon isiningit sa budget na maaaring war chest ng Malakanyang para maisiguro at maitiyak ang panalo sa congressional at local May 2007 electoral combat."
Ang nakakakaba, nananatiling walang katiwa-tiwala ang country sa Comelec, ang naatasang mangasiwa sa pagbibilang at tumimon sa election.
Una, hindi pa ganap na na-ooverhaul at nababalasa ang Comelec. Ang Comelec, tulad ng Kongresong pinamumunuan ng mga TRAPO (gangster-Tainga de Venecia, Pichay, Villafuerte, Nograles, Lagman) ay sirang-sira at wasak din ang credibility. Hindi makakalimutan ng taumbayan ang mga operador at sindikatong dagdag-bawas sa Comelec, ang “hello garci tape controversy,” ang malawakang dayaan at lokohan nuong nakaraang 2004 Presidential election na kung saan ang punu't dulo ng KARMA ng palasyo, ang isyu ng “ilihitimong pangulo."
Pangalawa, walang nangyari't kinahinatnan ang electoral reform na balak sanang pagtulung-tulungang ipanukalang ipasa sa Kongreso bago ang 2007 election; modernization, electoral conduct, campaign finance, Political Party at iba pa.
Kung sa minimum ay 'di maihahabol ang pagsasa-over-haul ng ahensyang Comelec, meaning resignation ni Commissioner Abalos, ang pusakal na pulitiko, dating kaanib sa Lakas-NUCD at kaututang dila ni Ate Glo, aasahang kaduda-duda, mas magiging magastos, madugo, malawakang dayaang hihigit pa sa 2004 presidential election ang May 2007 election.
Doy Cinco / IPD
Dec '07
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment