Sapagkat mga Kasal Binyag Libing (KBL), makinarya't vote buying, dagdag-bawas, pandaraya't pananakot ang ginamit na mga ito kaya nahalal sa election, isang PEKENG kinatawan at representasyon ang nailikha sa Tongreso at sa local government units (LGUs).
Kailanma'y wala sa pulitiko't sa Tongreso ang suporta ng mamamayan. Sa katunayan, may 70% ng mamamayan, CBCP at pati na ang Makati Business Club (MBC) ang ayaw sa Cha Cha, gustong patalsikin si ate Glo at gustong buwagin ang Tongreso (SWS at Pulse Asia survey). Matapos maibasura ang PI, ultimo si Ate Glo ay atubili, 'di seryoso't napanghinanaan na ng loob na maisasakatuparan pa ang Con Asshole sa taung kasalukuyan at 2007. "Monumental blunder" at isang "condemnable exerciase" ang planong Con Ass, ayon sa pahayag naman ni FVR-Tabako.
Dahil sa garapalang pambabastos, panloloko't panlilinlang, dinoble dead ng Supreme Court (SC) ang People Initiative (PI-Cha Cha) at hindi impusibleng muling maibabasura rin ang Con Ass.
May pag-asa pang makabawi sa katangahan at kahihiyan si Tainga de Venecia, Tongreso, ULAP at si Ate Glo kung iaatras nito ang Con Ass, ibabaling at pagkaka-abalahan nito ang relief and rehabilitation sa bilyong pisong pinsala at libong namatayan sa napakalaking trahedyang idinulot ng Bagyong Reming sa Southern Tagalog at Bicol Region.
Nakamanman ang buong mundo at sa susunod na linggo na ang Asean Summit. OVERKILL kung garapalang itutulak pa ng Tongreso, DILG at Union of Local authorities of the Phil. (ULAP) ang Con Ass. Kung baga, ceasefire muna sa pagnanasang pang-sarili't pamumulitika, "let's move on na muna tayo." pagtuunan muna ang lahat ng pagsisikap, tuong sa budget insertion-pork barrel sa mga nasalanta ng bagyo Reming sa probinsya ng Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Marinduque, isla ng Mindoro at Batangas. Kung sa bagay, halos araw-araw sinasalanta ng kalamidad na gawang tao ang mamamayan.
Walang patutunguhan, kahihinatnan ang "final Push ng Con Ass," useless exercise, walang tangang Pinoy ang naniniwalang maipagtatagumpayan pa ng mga pulitiko ang Con Ass-kupal. Bukud sa isyu ng kredibilidad, walang numero, walang QUORUM, kulang o walang warm bodies na aasikaso't magpu-push nito sa Kongreso. Kung sa bagay, libre ang mangarap at maging baliw.
Kung ipupursigi ang maitim na balaking maiconvene ang Con Ass sa Dec 6, ang iskedyul na itinakda ni Tainga de Venecia at mga GOONs ng pro-Cha Cha, ipostpone ang May 2007 election, pagpapalawig ng termino ng mga pulitiko hanggang Nov.'07, gawing interim parliament ang Tongreso, magkaroon ng plebisito sa January'07 at palitan kuno ang sistema ng paggugubyerno sa paraang Con Ass mula presidential tungo sa parliamentaryo ay isang maliwanag na pagpapatiwakal sa bahagi ng administrasyon. Lalo lamang titindi't lalala ang political uncertainty, polarization at division ng ating bansa at walang dudang nang-eengganyo ito ng radicalization at fertilizer tungo sa insureccion at rebellion.
Suntuk sa buwang maico-convene ang super unpopular na Con Ass, kasunod na Plebisito sa February 12, interim parliament hanggang November '07 at No-El (walang election) sa May '07.
Una, pagbali-baligtarin man nating ang pangyayari, wala ng panahon. Kahit may dalawang beses itong nagkaroon ng caucus sa Malakanyang at sinupalpalan ng dinero't SARO, walang numero, hirap magkaroon ng quorum at bilang sa daliri ang warm bodies na magtutulak nito. Dahil mga TRAPO, likas na sa mga ito ang pamumulitika't paghahanda sa 2007 May election. Abala na ito sa maraming pulong sa constituencies, distrito't pagtatayo ng makinarya.
Pangalawa, sabihin man nating iligal at sinolo ng House ang labanan sa Con Ass, meaning walang magkapareho at magkasabay na panukala (convene) sa Senate, kung hindi maimo-move, mababago o mairerelax ang House rules, dadaan ito sa butas ng karayum sa mga oposisyon sa plenary. Dadaan ang nasabing panukala sa nakagawiang 1st reading hanggang 3rd ang final reading. Sa ganitong senaryo, suntuk sa buwang aabot sa Dec 6 o hanggang Dec 16 ang inaasam-asam na pagcoconvene ng Con Ass.
Makalusut man sa Tongreso sa tatlong serye ng pagBASA ang Con-Ass, hindi papayag si Sen Enrile at si Brenda Santiago (mga urong-sulong na alyado ng administrasyon) na buwagin ang Senado ng Tongreso dahil sa Cha Cha. dagdag pa, kukuwestyunin ng mga Senador ang legality at Constitutionality ng Con Ass, agad idudulug sa Supreme Court at maaring mahingan ng Temporary Restraining Order (TRO). May dalawang Linggo rin ang bisa ng nasabing TRO.
Pangatlo, ang isyu ng credibilidad. Isang dahilan kung bakit mabantot sa pang-amoy ng mamamayan ang Con Ass-hole ay dahil sa ang mga pasimuno't nagtutulak nito. Isiping mga traditional politicians (TRAPOs), Villafuerte, Nograles, Jaraula, Tainga de Venecia, Ate Glo, Pichay, Salceda, Veloso, Apostol at Gov. Erico Aumentado! Mga matatagal ng pulitiko sa panahon ni Marcos. Parang sinasabing 'gagawa ng panukalang batas hinggil sa 'peace and order' ang mga kriminal at magnanakaw, ang naatasang magbantay sa sisiw ay uwak at lawin..
Isang libong katanungan at kabaliwang isiping biglang naging progresibo't mga aktibista ang ating mga representatante, ang hirap paniwalaang ng mahigit isang libong beses na biglaang magiging born again democrats ang mga kinatawang TRAPO sa Tongreso dahil lamang sa kanilang panawagang baguhin ang sistemang pulitika at Constitutional reform.
Ang totoo, ang may kasalanan at dahilan kung bakit sumama't bumulusok sa kabulukan ang sistema ng pulitika at ang krisis ng representasyon sa bansa ay sila rin mismo, mga TRAPO. Resulta't produkto ito ng deka-dekadang 'di pantay, 'di parehas na sistema ng pulitika't election sa bansa. Sila ang mga padrino't pulitikong angkan, ang oligarkiya't casique na kumontrol ng poder at sumalaula ng ating Constitution at demokrasya.
Ito ang matagal ng isinisigaw ng mga progresibong kilusan, mga demokratiko't makabayang kilusang nasa parliamento ng lansangan at ang nakakalungkot, ang mga kilusan at aktibistang kabilang dito ang biniktima't pinapaslang, pinaratangan ng sobersibo't komunista.
Kung titignan ang background, history at track record ng mga pulitikong ito, daang milyong pisong ginagastos nito sa tuwing election, pork barrel, suriin ang political party na kinasasapian nito, plataporma't ideolohiya, antimano't walang dudang sa kangkungan pupulutin ang ating country.
Kabilang sa malalaking political clan na mga may tatlo (3) hanggang apat (4) na henerasyong humawak sa 'di mabilang na pwesto sa gubyerno ang karamihan sa kanila. Ang kanilang LOLO ng mga LOLO, LOLO't Lola, ang kanilang magulang hanggang sa kanilang mga anak at apo ay kung 'di man may hawak ng malalaking negosyo, matataas na pwesto sa burukrasya ay nasa pulitika't nahalal bilang Bokal, Mayor, Mayor-councilors, Goberndor at Tongresman. Pero, ano ang nangyari sa country, bumuti ba? Kulelat sa lahat ng larangan sa Asia, katulong, basurahan at pulubi ng mundo.
Daan-daan milyon piso ang kani-kanilang ASSETs at liabilities. Wala silang ipinagkaiba sa mga pulitiko nuong panahon bago mag WWII, ni Magsasaysay (LP at NP), bago lumitaw at maibagsak si Marcos (KBL) , sa mga pulitiko nuong panahong ksalukuyan. Parehong TRAPO, ELITISTA'T mataas ang social standing, better educated at kadalasa'y abugado/go.
Kung nuon dominado ng Casique o land-lord elite-kumprador ang may kontrol sa pulitika't kapangyarihan, ngayo'y mangilan-ngilan na lamang at halos REAL ESTATE developers, Bankero, mga stockbrokers, mga big time professionals, negosyante o mga mlalaking kontratista. Panahon pa ni Marcos (KBL, LDP, Lakas-NUCD, NPC, LP at NP) ang karamihang mga pulitiko sa Tongreso. Nasa politika pa rin magpahanggang ngayon ang mga buluk na pangalan ng mga TRAPO. Ang mamamayan na ang makapagsasabi sa track record ng mga ito sa Congress Sino ang maniniwalang seryoso ang mga ito na ireporma ang pulitika at election?
May nagawa ba sila upang iwasto ang kabulukan ng sistemang politika at electoral ng bansa? Imbis na palakasin ang partisipasyon ng mamamyn, pampulitika't demokratikong institusyon, ang Tongreso, si Ate Glo, Tainga de Venecia pa mismo ang siyang sumagka, bumastos, bumansot at sumira nito. Patuloy na nilalamutak ng Tongreso ang katatagan ng estado. Kaya't walang rason, walang dahilan upang pagkatiwalaan pa ng country ang mga TRAPO.
Sinong siraulo at tangang Pinoy ang maniniwalang “may hangad at layunin paunlarin ng TRAPO ang ekonomya ng bansa sa pamagitan ng Cha Cha? Sa loob na lamang ng siyam na taon (3 terms), may nagawa ba ang Kongreso hinggil sa patakarang “magkaroon ng industrial policy ang bansa at sawatain ang penomenom ng OFW?” Sa isyu na lamang ng Utang Panlabas, hindi nito binago't pinakialamanan, bagkus pinabayaang mahigit 30-40% ng ating kabang yaman (national budget) ang ipinangbabayad sa UTANG, mga utang na hindi napakikinbangan ng country!” Hindi nito pinangarap na ipa-cancela o i-write-off ang gadambuhlang utang sa IMF-WB. Mga utang na kinurakot at hindi man lang napakinabangan ng mamamayang Pilipino.
Ano ang nagawa ng TRAPO upang mabawasan man lang ang pangungurakot sa gubyerno na tayo na ang lumalabas na Validictorian sa Asia? Ang tanging inasikaso ng mga TRAPO, pinagkaabalahan ay pork barrel, TONG at pangungurakot, panay pansarili, vested interest lamang.
Ano ang napala ng mamamayang Pilipino sa mgaTRAPONG ito sa Tongreso, kawalan ng hanapbuhay, basura, mataas na presyo ng bilihin, taas ng singil sa kuryente at tubig, kakapusan ng basic services tulad ng paaralan at edukasyon, pabahay at kalusugan at ang pinakamalupit at tindi, ang pagyurak ng karapatan at kalayaan ng mamamayang Pilipino.
Pang-apat, isang iligal at imoralidad ang Con Ass. “Nilalamutak, ginagahasa't nire-rail road ng mga TRAPO ang Constitution at Demokrasya. Ayon sa Constitution, ang kahulugan at ibig sabihin ng Congress ay two houses, meaning may Lower at Senate o Upper Houses functioning seperately. May ¾ vote from the House at Senate. Magkakaroon lamang ng Joint session ng Lower at Senate kung mayroon lamang panganib na magkakaGERA o magdedeklara ng Batas Militar ang bansa.
Ang Constitution ay isang sagradong pundasyon ng isang gubyerno. Ito ang gabay o patnubay na tinatahak ng isang bansa. Ito ang garantiya kung saan ang karapatan at relasyon ng mamamayan ay palalakasin at irerespeto. May prosesong sinusunod ang ating Constitution, kung gusto natin itong palitan isa na ang Constitutional Convention (Con Con) kung saan pinipili't hinahalal sa pamamagitan ng eleksyon ang mga taong uugit ng ating Constitution.
Panglima, Isang malaking panlilinlang at panloloko ang Con Ass at Cha Cha. Political survival at kasakiman sa kapangyarihang manatili hanggang 2010 si Ate Glo at mga TRAPO sa Tongreso. Layunin nitong burahin sa kasaysayan ang krimen at panunupil na kinasangkutan nito, pambubugaw sa ating mga kababayan sa mga dayuhan, 'hello garci tape contraversy," bilyong pangungurakot at katiwalian sa gubyerno at tugisin, tiris-tirisin ang oposisyon at kaaway sa pulitika.
Hindi na bago ang modus operandi ng administrasyong GMA. Ang plebisito at interim parliament (with Cabinet members) na inilalako ng Con Ass, walang gubyerno ang natatalo sa plebisito. Sa panahon ni Marcos at sa iba pang mga bansa, dinadaya't minamanipula ng gubyerno ang mga plebisito. Isang rubber stamp-puppet na kahalintulad ng Batasang Pambansang (unicameral) kontrol ng partidong KBL ng diktadurang Marcos ang pinopropose na "Interim parliament" ni Tainga de Venecia, Tandang Villafuerte, ni Pechay, ng Malakanyang at ni Ate Glo.
Kaya't sa kangkungan pupulutin ang “final Push,” sa bangin ng kumunoy ng kasaysayan ang Cha Cha ni Ate Glo, Tainga de Venecia, mga barkada't mga goons nito sa Lakas-CMD, NPC at KAMPI.
Doy Cinco / IPD
Dec. 2, 2006
No comments:
Post a Comment