Dapat magsipagRESIGN na kung may katiting pang delikadeza ang pamunuan ng Philippine delegation, Chef de Mission na si William "butch" Ramirez at lahat ng bumubuo ng Philippine Sports Commission. Puro kahihiyan ang inabot natin sa Asian Games at nasayang lamang ang milyung-milyong pisong junket na iginugul na lamang sana sa scholarship funds para sa mga out of school youth.
May isang linggo na ang Asian Games sa Doha, Qatar subalit magpahanggang ngayon wala pa rin sa listahang medal standing at ZERO pa rin sa ginto ang Pilipinas. Ano ang nangyari, bakit kulelat na naman tayo? Kung totoong nag-champion ang Pilipinas sa SEA Games nung nakaraang taon, the same manner, logically dapat nangunguna tayo sa South East Asia (Thai, Malaysian, Viets, Indon, Singaporian at Burmese-Maynmar), dahil "marami na tayong pera, gumaganda't lumalakas na ang ating Piso at stock market, " ayon kay Ate Glo?
Buti pa ang Thailand, pang-anim sa standing, may 2 gold at LABING-ISANG medalya; Pangsampu ang Singapore, may isang gold at 6 medalya; may isang gold ang Indonesia at 4 na medalya; may isang gold na rin ang Malaysia at 4 na medalya; may 5 medalya ang Vietnam, may 4 na medalya ang Myanmar (isang bansang sinasabing mas maunlad pa raw ang Pilipinas) . Astig ang China, may 60 ginto at 104 na medalya. Parang kahit pagsamahain ang lahat ng medalya sa buong Asia, walang ibubuga pa rin sa China.
Binalik tanaw ko ang Asian Games nuong 1950s hanggang 1970s (golden years ng 'Pinas) kung saan hindi nawawala sa top 3 ang Pilipinas. Kahit sa ekonomya pumapangalawa tayo sa Asia, sumisegunda lamang sa Japan.
Matatandaang naghost tayo ng SEA Games (South East Asia, hindi Asia) nuong nakaraang taon. Dahil nasa home town advantages at daming players na Pinoy na nagparticipa, tayo ang nagchampion, tayo ang nanguna sa ginto at medal standing.
Kaya lang, nalagay sa kahihiyan at naging controbersyal ang Pilipinas nang isinawalat at iprinotesta ng dalawang bansa ang naging sistema't pamamaraan, panggugulang, dayaang at paghuhusga ng mga larangan sa mga palaro. Umangal ang Thailand (Prime Minister Thaksin tanggal na sa pwesto dahil sa Kudeta) at Vietnam sa garapalang pandarya sa SEA Games. Nagkaisa, nagalit at nagtampo ang sambayananag Pilipino sa reaksyon sa dalawang bansang kaanib sa Asean countries.
Pero sa ngayon, mukhang lumalabas na posibleng totoo nga ang anomalya, totoong pinilit, totoo ring iniregalo lamang ng mga official ng PSC kay Ate Glo ("survival mode") ang championship ng Pinas sa SEA Games, kung kaya't sa panawagang "at all cost," kung kailangang mandaya ay ggawin maging number one lamang sa SEA Games. Kabisado ng mga kabitbansa natin ang practice na dayaang laganap sa gubyerno, isang halimbawa ang “hello Garzi tape,” nursing examination, pamemeke ng mga dokumento at pandaraya't katiwalian sa gubyerno.
Inaasahan na nating malalagay sa alanganin ang Pilipinas sa Asian Games sa Doja. Mukhang 'di pinaghandaan at kulang sa budget. Bukud sa may pulitikahan at away-away, kinukurakot pa ng mga matataas na opisyal ng Phil Sports Commission (PSC) na kadalasa'y kasabwat pa ang Malakanyang. Dahil sa Doha Asian Games, malinaw na mali ang oryentasyon at prioridad sa sports na ipinapatupad ng PSC.
Mula ng lumitaw ang professional basketball, ang PBA sa Pilipinas, nagsimula ng malasin ang bansa, sinalaula, nakulelat, binansot nito ang dati rati'y hari, kinikilala, presitihong basketball ng 'Pinas sa Asia. Nawala na ang usapin ng pagmamahal at paglilingkod sa bansa at ang umiral, pera-pera, porma at yabang, Pacquiao, boxing at Bata Reyes-bilyar na lamang.
Sa kabila ng kahusayan nating mag-spokening DOLLAR, ang gagaling at pumapangatlo ang Pilipinas sa nagsasalita ng ENGLISH sa mundo. Eh ano ngayon, kulelat naman tayo sa SPORTs at sa halos lahat ng larangan sa Asia. Napag-iwanan ang 'Pinas sa larangan ng edukasyon, science and technology. Naiwan na rin tayo sa ekonomya lalo na sa pag-eengganyo ng mgadayuhang mamumuhunan (investors). Ultimo sa agrikultura, transportation at infrastructure, malayo na ang narating ng Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore at Vietnam. Tanging caregivers- KATULONG, japayuki, PROSTITUTION at basurahan na lamang ang expertice ng 'Pinas. Nakakaiyak, super Kawawa tayo, pinaubaya't ipinagkatiwala natin sa mga traditional politicians (TRAPO) ang pamumuno ng country.
Tiyak na may ugnayan ang lahat ng bagay-bagay na nangyayari sa bansa. Kung may damage ang kultura, damay rin ang economy at pulitika, kung malala ang krisis sa governance (paggugubyerno) walang kaduda-dudang damay pati ang sports at edukasyon ng ating bansa.
Doy Cinco / IPD
Dec 6, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment