Friday, December 15, 2006

Tatlong Bilyunaryo, sa gitna ng karagatang kahirapan

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng matinding karalitaang dinanas ng ating mamamayan, higit pa sa dinadanas ng bansa nuong panahon ng gera WWII, may mababalitaan tayong may tatlong Pinoy na super ang yaman. Ayon sa Forbes Asia; may $4.0 bilyon ang networth ni Henry Sy, $4.0 bilyon ang kay Lucio Tan, habang $2.0 bilyon naman ang kay Jaime Zobel de Ayala. Kung pagsasama-samahin, halos kalahati ng national budget ng bansa (P1.2 trillion) ay katumbas ng mga pag-aari ng tatlong ito.

Si Sy ang may ari ng mahigit 30 SM Mall sa bansa at Mall of Asia,ang isa sa pinakamlaking Mall sa Asia. Siya rin ang may-ari ng Banco de Oro. Pag-aari ni Lucio Tan ang Philippine Airline (PAL), Fortune Tobacco, Philippine National Bank (PNB), Allied Bank, beer at ilang property sa Hongkong. Ayala Corporation, Bank of Philippine Island (BPI), Manila Water ang pag-aari naman ng mga Zobel. Wasto't magkano kaya ang ibinabayad na buwis ng mga ito, lalo na ang tinatawag na RealPropert tax? Kung 'di man nagpapalusot, walang dudang tax evader, nanduduktor ng mga datos ang tatlo at para makatipid, nanunuhol na lamang sa mga pulitiko.

Pinapatuyan lamang na hindi pantay (inequalities) ang yaman na natatamasa ng mga Pilipino, lalo lamang luminaw na iilang pamilyang elite ang may hawak ng kabang yaman at resources ng bansa. Sila ang mga ELITE na pinapatungkulan ng mga datos (economic data) na nakikinabang ng pag-unlad ng ating ekonomya at hindi ang mga Pilipino.

Habang ang
kalahati ng ating populasyon o 40-50% ang dumadanas ng karalitaan, kaakibat ang mahigit kumulang sa 40.0 milyon ng populasyon ang nagdarahop na kumikita lamang ng mahigit-kumulang na P100.0 kada araw o halos $2.0 kada araw. Higit sa kalahati ng populasyon (40.0 milyon) ang dumadanas ng matinding karalitaan at ang ang 20% rito ang ay nakakaranas ng masidhing kagutuman.

Sa loob ng mahigit tatlong dekadang (30 taon) nagdaan, mula sa panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyang rehimeng si Ate Glo, halos walang ipinagbago, walang pag-unlad, papaatras at bumulusuk pababa ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Nangangahulugan na pawang kasinungalingan, panloloko, inilihim at hindi ipinakita ng mga nagdaang presidente (Macapagal, Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Erap Estrada at ngayong si GMA), ng ating Kongreso, ilang salin (6x) na mga nagdaang mga Gabinete't pinuno ng National Economic Dev't Authority (NEDA), mga economic planners-technocrats, ang tutuong larawan at estdo ng ating kabuhayan.


Imaginin na lang natin kung ano ang nakakakilabot na kahulugan, meaning o mga palatandaan ng karalitaan tinamasa ng ating mamamayan na idinulot ng maling pangangasiwa't (bad governance) PATAKARANG (kolonyal at anti-mamamayan) ipinatupad ng mga nagdaang presidente ng bansa.

Malaking bahagi ng populasyon, sa kanayunan man o sa kalunsuran ay walang hanapbuhay, walang access sa (delivery) basic services; drinking water, walang mga sanitary toilet, walang kuryente, mataas ang illiteracy rate, masalimuot at kawalan ng disenteng pabahay. Ito ang
karumaldumal na KRIMENG mas masahol pa sa pinsalang pinagdaanan ng ating mga kababayan (casualty-since World War 2 ) na dapat panagutan at pagdusahan ng kasaysayan.

Nagresulta ito ng maralawakang paglikas at mangibang bansa (OFW) ang ating mga kababayan, kapalit ang survival, ng ilang dolyar, 'di alintana ang mapait na kahihinatnan ng maiiwang mga mahal sa buhay. Ayon sa Dept of Labor (DOLE), may kulang-kulang na limang libo (5,000) Pinoy ang umaalis araw-araw o sa loob lamang ilang taon, lumobo ito ng mahigit kumulang na 10 milyong Pinoy na lakas loob na lumikas, nagtrabaho't nagmigrate sa ibayong dagat at ito na lamang ang tanging panalba sa ekonomiyang may mahigit tatlong dekada ng gigiray-giray.

Maliban sa karalitaan, magkasabay na lumala ang sari-saring krisis na 'di mareso-resolba ng papalit-palit na paksyong pinamunuan at kinontrol ng elite. Kung kaya't kay daling unawain kung bakit hindi matapos-tapos ang kaguluhan, ang rebelyon, ang pagrerebulusyon at insureksyon isinusulong partilular ng iba't-ibang pwersang pulitikal labas sa kapangyarihan ng estado poder ng bansa.

Ang tanong, ito ba ang modelo ng demokrsya't kaunlarang na ilang dekada ng ginagamit, pilit na isinasalksak sa ating utak at garapalang ipinapaunawa ng mga pulitiko sa country?

Doy Cinco / IPD
Dec 15, 2006

No comments: