Maliban sa magpapatuloy ang political killings sa hanay ng Kaliwa, inaasahang muling magkakaroon ng breakdown ng peace and order (inutil ang PNP at AFP) sa pagsapit ng Enero, 2007 hanggang sa post election period ang bansa. Ang nakakalungkot, baka may mga nasa likod o malalimang orchestration sa bahagi ng administrasyon ang mga nagaganap na patayan sa bansa. Ito'y upang bigyang katwiran ang "emergency rule o prelude sa pagdedeklara ng martial law" na mauwi sa "No-El senaryo o pagdiskarel ng May 2007 election, " istilong diktadurang Marcos. Kung baga, bukud sa muling bubuhayin ang Cha Cha, ang game plan ng palasyo na "pagkahaba-haba man ng prosisyun, sa No-El parin ang kauuwiang direksyon.
Ito sana ang unang prinayority at trinabaho ng ating Kongreso, na magkaroon ng electoral at political reform na siyang isa sa ugat ng krisis ng pulitika't elihitimong pangulo, hindi ang walang kabuhay-buhay na Charter Change. Kung sa bagay sinong tangang pulitiko na gagawa ng batas na ang mga sarili nila ang tatamaan at mabibiktima.
Bago ang pamamaslang kay Kongresman Luis Bersamin Jr., tinangka rin ang buhay ni Kong Dodot Jaworski at NOGRALES. At halos lahat ay nagsasabing pulitika ang nasa likod ng pagtatangka. Nakakalungkot isiping napapa-aga ang kaguluhan-patayan kahit malayo't hindi pa nagsisimula ang campaign period (45 days sa Lokal at District) sa May 2007 election.
Buhay o kamatyan ang pulitika sa bansa; divisive, violent, elitist, showbiz at pera-pera lamang. Ito ang mapait na estado't sistema ng ating pulitika, walang natatalo, nadadaya't napapatay lamang. Since ememorial pa ang ganitong pangitain sa electoral politics ng bansa, ibig sabihin kahit nuon pa, bago ang World War II hanggang sa panahon ni Quirino (ex Crisologo at Singson sa Ilocos) hanggang sa panahon ni Marcos, naging bahagi't normal na ang ang patayan na may kaugnayan sa pulitika.
Sa mga nagsusuri ng electoral politics at election realated violence, nagsisimula na ang dilhensya't pag-iipon ng campaign kitty (budget) na walang dudang panggagagalingan sa masasamang elemento't aktibidad nito; ang weteng, drug, pork barrel at pangungurakot, smuggling at pagnanakaw, nasa WAR FOOTING na ang mga pulitiko. Ibig sabihin, bukud sa bata-batalyong private armies at gun for hire, latag na ang apat na 'G' (guns, gold, goons at girls), nag-iipon at nag-iinbentaryo ng kani-kanilang ARMORY, mga armas at bala para sa May 2007 election.
Kung 'di mo kayang talunin sa balota, ang last resort, BALA, meaning 'hindi na paabutin sa campaign period ang katunggali, “daanin mo sa disqualification, dayaan at kung 'di uubra, takutin o patayin mo ang kalaban.”
The forms and incidence of electoral violence vary according to the different election phases:
TABLE 1: Violent incidents and deaths across election periods | ||||
1988 | 1992 | 1995 | 1998 | |
Pre-election period | 23 incidents, 11 deaths | 16 incidents, 3 deaths | 37 incidents, 7 deaths | 44 incidents, 7 deaths |
Campaign period | 268 incidents, 149 deaths | 87 incidents, 73 deaths | 127 incidents, 80 deaths | 188 incidents, 53 deaths |
Election day | 91 incidents, 14 deaths | 43 incidents, 11 deaths | 59 incidents, 16 deaths | 71 incidents, 9 deaths |
Counting-Canvassing-Proclamation period | 23 incidents, 14 deaths | 11 incidents, 2 deaths | 21 incidents, 5 deaths | 19 incidents, 8 deaths |
Patrick Patino & Djorina Velasco; Election Violence in the Philippines
The authors are Research Associates at the Democracy Watch Department of the Institute for Popular Democracy (IPD), Quezon City, Philippines.
Dec 17, 2006
No comments:
Post a Comment