Nang maamoy na diretso sa bangin ang Cha Cha, Con Ass train, nang matunugang papalubog ang bangka, lumalakas ang suporta ng taumbayan kontra sa Con Ass at Cha Cha at muling sasambulat ang PEOPLE POWER, 14 na “hardcore” members ng administrion bloc, mga kawatan/kinatawan sa Tongreso sa Kamaynilaan at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), tulad ng inaasahan, nagsirkuhan, nahintakutan, nagbalimbingan, nagpulasan at naghugas kamay sa Con Ass-hole. Kumpirmadong TRAPO talaga!
Tulad ng inaasahan, karaniwan ng may naghuhudas, nagtatatwa sa kapwa kasamahan at kapartido; sa Lakas, sa KAMPI, NPC at LP-Atienza faction. Upang makabawi sa unpopular, wasak na imahe, maka-iwas sa kahihiyan, dumistansya ang ULAP at 14 na solon sa pitong (7) kinamumuhiang GOONs sa Kongreso, si Tainga de Venecia, Luis Villafuerte, Edcel Lagman, Prospero Pichay at Nograles, Constantino Jaraula at Gilbert Teodoro, ang pamankin ni Danding Cojuangco, ang dating crony ni Marcos.
Kunwari'y swabeng TUTOL sa No Election (No-El) senaryo ng Con Ass, parang may pahiwatig pang naniniwala pa sa isinusulong na Charter Change ni ate Glo at Tainga de Venecia ang mga hunyango't traydor. Anuma't anumang ang mangyari, maaari pang muling lumundag ng lumundag sa magkabilang bakod kung saka-sakaling madi-difused ang tension at mairesolba ang malalang krisis sa pulitika.
Sari-saring pang-aalipusta, pang-iinsulto at panlalait ang pinagdaanan ng mahigit tatlumpung (30+) "aktibistang oposisyon" sa Kongreso. Parang maihahalintulad ang kabayanihang ito sa kung paano nagsurvive sa isang napakabangis na lugar, ang "survival the fittest; “Ang kahirapang binaybay ng oposisyon sa kalupaang lugar sa Africa. Masukal ang daang tinahak, may kumunoy, AHAS, buwitre, LION, jaina, wild dog, buwaya, chita, leopard, piranha at sari-saring panganib ng buhay.
Matapos makapagsagawa ng maayos na daan, matapos mahawi ang panganib, mai-ayos ang landas ng panganib, eto na ang mga oportunista't mga hunyango na babaybay sa nasabing kabundukan ng walang panganib at kahirapan. Parang sila ang makikinabang, lalamon kahit hindi nagbayo at nagsaing. Sila pa ngayon ang nagpapapogi at nagsasabing “kami'y para sa inyo, kami'y biglang nakonsyensya, namulat at nagka-prinsipyo.”
Maliban sa ULAP, ang mga TRAPONG naglundagan sa kabilang bakod ay; 1. Mandaluyong City Rep. Benhur Abalos, chairman ng Lakas sa National Capital Region (NCR); 2. mga kaanib sa Lakas-NUCD na sina Valenzuela Rep. Bobbit Carlos, 3. Quezon City Reps. Nanette Castelo-Daza, 4. Mary Ann Susano, 5. Pasig City Rep. Robert “Dodot” Jaworski, 6. Manila Reps. Bienvenido Abante 7. Jaime Lopez ng Manila, 8. ParaƱaque Rep. Eduardo Zialcita, at 9. Marikina City Rep. Del de Guzman; 10. Pasay City Rep. Connie Dy ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi); 11. Manila Rep. Joey Hizon ng Nacionalista Party (NP); 12. Malabon-Navotas Rep. Ricky Sandoval ng Liberal Party (LP), Manila 13. Reps. Miles Roces at 14. Banzai Nieva.
Matapos maibasura ang Pipol Initiatives (PI) at pagkadiskarel ng Con Ass train, ano pa ang mukhang ihaharap ng Sigaw ng Bayan-DILG at House Majority sa Tongreso? Ano na ang panibagong GAME PLAN ng mga TRAPO (Lakas, KAMPI at LP-Atienza), ano ang posibleng kasunod, Constitutional Convention (Con Con)? Magpupulasan na ba ang marami sa partidong LAKAS-NUCD, KAMPI at LP-Atienza wings? Paano na ang pamunuan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), maglulundagan na rin ba o nalalapit na ba ang paghuhusga sa ilihitimong pangulo sa Malakanyang?
Doy Cinco / IPD
Dec 9, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment