Friday, December 22, 2006

Kudeta at aklasang bayan, pangunahin banta sa gubyernong GMA sa 2007

Hindi nakasisiguro si Ate Glo na ang banta ng seguridad at pagpapabagsak ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng Kudeta (ang nalalabi't tanging paraan) ay burado't nagkalimutan na. Bagamat mahina ang oposisyon at watak-watak ang kanyang mga kaaway, nabibigyang abono't buhay ito ng Malakanyang dahil na rin sa sunud-sunud na mga pasaway at political blunder ng Palasyo.

Walang dudang alam din ito ni Ate Glo at kanyang mga alipores sa Malakanyang na hindi aabot hanggang 2010 ang kapangyarihang trono, sapagkat
nananatiling hinug ang kalagayan, kondisyon, ingredient at mga batayan upang ang mga grupong nagtutulak ng demokratisasyon sa bansa ay buhay, patuloy na nagpapalakas at tsumetiempo ng magandang pagkakataon.

Kamakailan lamang, sa isang pagtitipon at speaking engagement ni ARMED Forces chief General Hermogenes Esperon Jr. sa AFP's 71st founding anniversary nuong nakaraang Linggo, sinigurado nito kay Ate Glo na
“tinuldukan na ng ng pamunuan ng AFP ang military adventurism ng mga kaaway ng gubyerno.” Pinasalamatan din ni Esperon si Ate Glo sa suportang inihatag nito na “maisulong ang military reform efforts, kasama ang isang bilyung pisong (P1.0 bilyon) grant para sa proyektong pabahay, pagpapatayo ng hospital at capability upgrading ng AFP.”

Dagdag pa, itinalaga ang dalawang retiradong heneral na si
Vice Admiral Mayuga at Lt. General Pedro Cabuay sa isang “task force na binuo ng Department of National Defence na mag-ooversee sa procurement ng military hardware.” kabilang ang dalawa sa bubuuing task force ng Finance undersecretary Roberto Tan laban sa pangungurakot sa loob ng AFP. Sa madaling salita, “ganap na raw na masasawata at malulusaw ang isyung kumukubabaw sa kasundaluhan, lalo na sa hanay ng junior officers na maghangad pa ng pag-aaklas laban sa gubyerno ni Ate Glo.”

Kung ating susuriin, napakababaw ng solusyon sa ilang dekada ng adbokasiya o mga kadahilanan kung bakit nagbabagang apoy ang katatayuan ng mga aktibistang hanay ng junior officers na ganap na ngang mawawala ang banta ng kudeta. Hindi nasasapol ng pamunuan ng AFP at Malakanyang ang lumalagablab, ang lalim ng diskontento't prinsipyong ipinaglalaban ng mga junior officers.

Kung Scenario-building ang pag-uusapan, ang ingredient ng TSUNAMI, lindol at bagyong signal number 4 tulad ng panloloko't bastusan sa CHA CHA, ang patuloy na political killings at paglabag sa human rights, ang patuloy na tensyon sa Mindanao at terorismo ng estado, ang pang-aapi't pang-aalipusta sa mga akusado ng “kudeta at military mutiny,” ang breakdown ng peace and order, ang mga palatandaang unti-unting dumidistansya ang gubyernong US, ang cancellation ng ASEAN Summit sa Cebu, ang cancellation ng Balikatan, ang joint military training sa pagitan ng AFP at US forces, ang patuloy na pakiki-apid nito sa China at marami pang iba.

Hindi malayong isiping nalalapit na ang paghuhusga't pagtutuo sa administrasyon ni Ate Glo, ito may constitutional o unconstitutional means, electoral, impeachment o KUDETA't pipol power na kaparaanang pagpapabagsak sa kanyang rehimen.

Ayon sa mga junior officers; napakalubha, out of proportion ang krisis na tinatamasa ng mamamayan. Hindi kayang tapalan ng isang band-aid o tapatan lamang ito ng
proyektong pabahay, hospital at proseso ng procurement ang lumulubhang ekonomya't karalitaan ng bansa. Malayo ang mga proyektong nabanggit sa kalagayang winawasak at sinasalaula ang Rule of Law at moral order ng bansa.

Habang ipinagbubunyi ang tatlong (3) Pilipinong bilyunaryo sa Forbes Asia (Henry Sy, Lucio Tan at Zobel-Ayala), ang masidhing pangungurakot at katiwalian sa gubyerno, mahigit tatlong milyong pamilya ang nagugutum, mahigit sampung porsiento (10%) ang walang hanap buhay at disenteng pamumuhay, patuloy na weak ang gubyerno, naproprostituted ang demokratikong institusyong ng estado at ang pinkamalungkot, nanganganib magiba ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura.


Batid ng kasundaluhan na isang illegal at unconstitutional ang patuloy na pag-umuukupa't pananatili sa Malakanyang ni Ate Glo. Batid din ng Kasundaluhan ang kanilang pananagutan at constitutional duty bilang
“protector of the people and the state” at patuloy na nananalaytay sa kanilang damdamin at adhikain ang demokrasya't kaunlaran.

Doy Cinco / IPD
Dec. 23, 2006

No comments: