Yan na nga ba ang paulit-ulit na sinasabi ng marami sa atin. Kaduda-duda, kahina-hinala ang susunud na kabanata. Ang sunud-sunud na serye ng pagpapasabog sa Mindanao, ang nakaabang pang ibang plano, hindi lamang sa Mindanao, maging sa Kamaynilaan (assisination at bombing sa ilang low key area) ay talagang mukhang ipipilit, humantong lamang sa obhetibong kalagayang may klima ng takot sa populasyon na uuwi (kung 'di maitatabla ng mga Senador), hahantong sa pag-aapruba ng “anti-terrorism bill” sa Kongreso. Kaya't may isang libong mas kapani-paniwala na ang may kagagawan ng mga serye ng pambobomba sa Mindanao ay yaong ding may planong maisabatas ang “anti-terrorism bill.”
Si Uncle Sam, ang "global war on terror" ni Bush, si Ate Glo at ilang Heneral na galamay sa military ang tunay na makikinabang sa "anti terrorism bill?" Kahit sabihin pa nitong "naaprubhan, nabagsakan na at kahit sabihing nagoyo ni Ate Glo ang mga bansa sa ASEAN sa katatapos na ASEAN Summit ang "anti terrorism act," kahit maghasik pa ng lagim ang AFP-PNP, hindi matitinag ang mamamayan, sapagkat maliban sa manhid na ang taumbayan sa terorismo, masyadong OA-over acting at halatado ang script ng palasyo.
Habang nakaupo sa poder si Ate Glo, mukhang malabong maisakatuparan ang “anti terrorism bill.” Sapagkat ito'y maliwanag na gagamitin, sasamantalahin ni Ate Glo upang iligtas ang sarili, magtagal sa poder at kalimutan sa kasaysayan ang linlangan, ang dayaan, ang isyu ng ilihitimo, katiwalian at kastiguhin, durugin ang kayang personal na kaaway sa pulitika. Walang dudang hindi mga tunay na terorista ang puntirya ni Ate Glo. Ang malawak na kilusang masa, ang civil society, ang taung simbahan, ang naghahanap ng katarungan at pagbabago, ang nagsusulong ng reporma sa pulitika at election, ang oposisyong nagpaplano ng ikatlong impeachment laban sa kanya.
Sa totoo lang, magkaiba ang Terorismo sa rebelyon at insureksyon. Ang rebelyon at insureksyon kung magwawagi at kung mai-popularized sa mamamyang Pilipino, ay isang KABAYANIHAN. Sino nga ba ang tunay na terorista ng country, ito ba ang tunay na suliraning kinakaharap ng sambayanang Pilipino? Ang alam ng lahat, si Ate Glo ang totoong terorista sa Pilipinas.
Una, sinalaula nito ang constitution, democratic institution at ginoyo ang country sa pekeng CHA CHA at People's Initiatives (PI). Pangalawa; ginawa nitong isang “killing fields” ang bansa, sinalaula ang rule of law, ang Calibred Pre-emptive Response (CPR-no permit, no rally), 464, 1017 at Emergency powers (state of national emergency). Pangatlo; tinerorized at patuloy na tiniterorista ng Malakanyang ang oposisyon, ang midnight dismisal sa ilang kaaway sa local politics. Panghuli; ang terorismo ng kagutuman at karalitaan, ang teroristang hambalos sa matatahimik at lehitimong mga kilos protesta ng mamamayan.
Doy Cinco / IPD
Jan 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment