Kamakailan lamang (bago ilunsad ang ASEAN Summit) buong pagmamayabang na iprinopa ng kapulisan at military na “safe ang bansa, wala ng banta ng terorismo, tinutugis na't mahina na JI, walang kakayahan na, pilay na, patay na ang lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Janjalani.” Kaya lang, sa kabila ng paghahanda sa seguridad at red alert, ang tanong, "bakit nalusutan ito sa tatlong magkakasunud-sunod na pambobomba sa Mindanao?" Ito na ba ang tinatawag na Collateral damage ni Sec siRaulo Gonzales?
Kung susuriin, may pattern, modus operandi, parang antimanong kabisadong- kabisado't detalyado ang mga kalaban at terorista, parang hindi nababahala ang pamunuan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), parang mga disusi at utusang robot ang mga terorista, koordinado't mukhang planado?
Kataka-taka rin ang magkakasabay na kumokak ang mga palaka sa maagang pagba-banta, kritikal at panigurong atake ng mga terorista sa Cebu at ilang lunsod sa Mindanao. Sa paulit-ulit na “travel advisory,” hulang-hula ng apat na mayayamang bansang 'di naman kabilang at miembro ng ASEAN, ang US, ang UK, Australia at New Zealand ang iminent attack ng mga terorista.
Hindi mabubura sa isip ng ating mga kababayan ang hayagan at matapang na exposay ng grupong Magdalo, kung paano minanipula ng AFP ang Abu Sayaff at MILF sa Mindanao. Na siya ang tunay na may pakana ng mga serye ng pagpapsabog sa Davao, ilang lugar sa Mindanao at sa Kamaynilaan nuong bago magkainitan ang labanan sa Moro Islamic Liberation Front sa Gitnang Mindanao.
Umugong sa Mindanao ang sabwatan ang AFP, Abu Sayaff at Norberto Gonzales, ang puno ng National Security ng Bansa na magcreate ng pekeng GERA, pekeng encounter, pekeng mga senaryo, marationalized, majustify lamang ang PAGKAKAPERAHAN, maipasa ang panukalang "anti-terrorism bill," ang malaking AFP budget at ang promosyon sa mga opisyal. Kaya't nananatiling palaisipan sa country na ang "kampanya laban sa terrorismo” ni Ate Glo't military, kasama ang Estados Unidos ay walang kahihinatnan at ang tanging makikinabang nito ay ang mga buguk, tiwaling matataas na heneral ng AFP at PNP.
Hindi malayong paniwalaang kagagawan muli ni Norberto Gonzales at ilang tiwali sa AFP ang magkakasunud ng pambobomba sa Mindanao. Kung matatandaan, bago mangyari ang pagpapasabog, may maagang pa-anunsyong “travel advisory” ang mga Kanluraning mauunlad na Bansa, ang US, UK, Canada, Austrlia at New Zealand sa paniguro at katiyakang atake ng terorista. Mahigpit na "ipinagbabawal nila ang kanilang mamamayan na huwag munang magagawi sa Cebu at sa Mindanao dahil sa eminent terror attack na isasagawa ng mga “terorista.”
Itinanggi rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) spokeman na si Eid Kabalu ang samut-saring pagbibintang, akusasyong at links nila sa grupong ASG at JI sa MILF. Sapagkat may seryosong "usapang pangkapayapaan" sa gubyernong Pilipinas, napaka-imposible kung sila pa mismo ang panggagalingan, pagsisimulan ng gera sa Mindanao. Pinabulaanan din ng MILF na kasapi nila ang mga taong suspek raw sa mga serye ng pagbobonba. Alam ng mga taga-Mindanao na mga military (AFP) assets at mga bayaran ng tiwaling ahensya ng gubyerno (NISA?) ang grupong ASG at JI.
"Dalawang ibon kung saka-sakali ang tatamaan ni Ate Glo sa iisang bala." Maliban sa parangal na (military aids) ibibigay ni Uncle Sam sa kanya, sa matagumpay na naisulong nito ng “anti-terrorism” sa ASEAN Summit, gagamitin din nito ang pagkakataon upang iligtas ang sarili sa pamamagitan ng pagdidiklara ng Martial Law o ang emergency power (kung lalaki at lalala ang bombahan at asinasyon.
Kung magtatagumpay si Ate Glo sa hangaring magtagal sa poder, mararationalized na kailangang banatan, kastiguhin at tiris-tirisin ang kanyang mga kaaway sa pulitika, lalong lalo na ang posibilidad na maagaw muli ng oposisyon ang Senado at bantang impeachment sa Kongreso kung makukuha ang mahigit 80 kinatawan ng oposisyon sa nalalapit na 2007 May election.
Tignan: "State of Emergency Ihaharang sa Eleksyon"
http://www.abante-tonite.com/issue/jan1407/main.htm
Doy Cinco / IPD
Jan 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment